Tumgik
Text
Epekto ng teknolohiya
Sa panahon ngayon unti unti nang umunlad ang ating komunidad sa tulong ng teknolohiya. Ang teknolohiya ay nagging bahagi na sa ating buhay at sa pang – araw araw. Marami ng ginawa ang teknolohiya para sa atin at napa madali nila ang ating mga gawain. Napadali nito ang pag “communicate” sa mga tao na nasa ibang lugar, embes na mag sulat pa ng liham na umaabot pa ng ilang buwan bago makarating sa ating ka-usap,ngayon kailangan lang nating mag-type sa ating gadget at i-send ito para makarating agad. Na pabilis din nito ang pag research, hindi na kailangan pang mag basa ng maraming libro upang makuha ang kinakailangang impormasyon, masearch mo nalang ito online at ipakita nito ang kailangang impormasyon. Dahil sa teknolohiya mas madali na ang ating pang araw - araw na Gawain,mas madali nating gawin ang mga bagay na nahirapan nating gawin noon.
 Pero sa kabila ng mabubuting na ambag ng teknolohiya sa ating buhay, marami parin itong negatibong epekto sa atin, isa dito ang gadgets. Kahit saan tayo pumunta may mga taong gumagamit ng gadgets. Hindi ibig dabihin na ginagawa ito ng lahat, pero marami naman ang napasobra sa paggamit nito. Embes na gamitin ito kapag mag-aral, tawag/text, at paminsan para sa aliwan, ginagamit na ito buong araw at ginawang libangan kagaya ng pag laro ng mobile games at paggamit ng social media. Ang pinaka-apektado dito ay ang mga kabataa o ang Gen Z na aadik na at unti unti ng nalalamon sa paggamit ng gadget.
 Kailangan tayo mag ingat palagi sa paggamit nito, lalo sa marami ng na aksidente at nag aksidente dahil dito. Ang epekto ng teknolohiya ay nag base kung paano natin to gamitin. Dahil responsibilidad din natin na alagaan ang sarili at marami itong kahihinatnan kapag nagpatuloy tayong malamon sa ating gadgets o teknolohiya.
2 notes · View notes