Tumgik
mrcdl · 3 years
Text
Hindi pa tapos ang laban
Sa mga pinagdaanang buwan ay napagdiskusyonan ang pag aaral ng Panitikan. Pagtatalakay kung saan nabahagi ang kaalaman ng pagpapahayag sa larangan ng pagsusulat at pagtatalata ng damdamin mapa kultura, pamumuhay, at gawi ng lipunan na nasasaklawan nito, mga paniniwalang pinapanigan na angking niyayakap ng bawat Pilipino
Sa paksang tinalakay, habang ito’y inaaral, aking napaisip ang mga bagay bagay na akin munang isinantabi. Mula sa pagbubuo ng konteksto at sa mga detalyeng kinabibilangan nito. Palaisipan kung ito’y buoin sapagkat ni minsan ay di pa ako nakakapagsulat ng isang akda kung saan mabusisi itong inaaral upang bigyan ng sapat na haligi na kumakatumbas sa mga impormasyon na mailalathala na makakatulong upang makabuo ng isang matatag na mga pahina.
At dahil sa mga napagdiskusyonang paksa sa klase ay kami’y naatasan kung saan kinakailangan namin makabuo ng isang maikling kwento. Kwento na maari na bumuhay ng isang kaisipan sa bawat istorya na sumasalalim sa pambansang kinahaharapan ng bawat Pilipino.
Nung una akala ko madali lang kung ito’y buoin, at sa maaming grupo sa unang pagsisimula ay naging pahirapan kung isipan ng paksa. Umikot ang diskusyon sa iibat ibang kaganapan sa ating bansa. At sa kahulihan ay napagkasunduan pag usapan at mailagay sa aming kwento na bubuoin ang usaping “anti terrorism” duon ko napagtanto na sa mga gantong pagsusulat ay di lang dapat may maisulat lamang, na dapat ito’y pinagaaralan ng husto upang kung ito’y bibigyang buhay sa isang kwento ay may sapat na impormasyon na tutulong upang bigyan ng bigat at gaan ang isang istorya. Bigat na maybibigay ng isnag pagsubok na pagdadaanan at gaan na magbibigay linaw sa mata ng mambabasa.
Aming pinag aralan ang impormasyon na maari na magamit sa istorya, gumawa ng isang maladetalyeng paraan upang maikwento ito sa mababasa na nais maipakita sa mambabasa ang pangyayaring naganap. Maari naging marahas ngunit hangad rin ng mga manunulat makapagbigay ng isang kwento na walang filter.
Habang binubuo ang kwento, maraming pagsubok dumaan samin ng aking kagrupo upang ito’y maisulat. Mula sa pagbibigay buhay ng isang tauhan, mga palaisipan na simbolismo, hanggang sa kawakasan ng huling pahina. Minabuti namin bumuo ng istorya kung saan hindi sya mukhang binuo upang talakayin talaga yung mga issue ng lipunan pero mailalathala na sumasalamin ang mga kaganapan sa ating lipunan.
                Para sa akin, sa mga pinagdaanan buwan sa klase na ito, ako’y mas naliwanagan sa mga bagay bagay, di lang sa pagbubuo ng sapat na kaalaman upang makapagtayo ng isang matatag na pahina sa tulong na aking kagrupo kundi mga kaalaman na nagpapaliwanag sa aking kaisipan na mga kaganapan sa ating lipunan. Aking napagtanto na sa loob ng isang binuong kwento ay kasama tayo bilang mambabasa sa kinakaharap ng bida at sumasalamin ito sa laban na dapat nating harapin sa labas ng istorya, dahil di pa tapos ang laban, May laban pa tayong haharapin sa labas.
0 notes
mrcdl · 3 years
Text
Revising....
0 notes
mrcdl · 3 years
Text
Revising...
0 notes
mrcdl · 3 years
Text
Obrang Pampanitikan
By: Mark De Leon
Marami ang kayang tahakin ng mga salita, lalo’t na kung ito’y may layuning matalinhaga na ikapupukaw sa madla, Ang pagsusulat ay kinikilala bilang isang mahalagang pagkakakilanlan, lalo na kung ito’y bumabatay sa ating kasaysayan, sa kada guhit na ating nililikha ay may katumbas na damdaming nabubuhay at nagpapakilala bilang isang konretong may kasarinlan o may pinagmulan.
Sa san mang dayo ng pinagmulan ay may kasulatang nakahimlay, kung ito’y bubuksan sari-sari ang matutuklasan. Kada pahayagan ay may sekretong bumabalot, maar imaging tulay upang sa kasaganahang pang kabuhayan o tulay upang makatuklas ng maging kaalaman.
Ang Panitikan ay isang malawak na pag uunawa, maari maging sagot sa mga katanungan na may matiwasay na layunin, maarin maging pangkasaysayang analogo na kaya baluting ang mga pangyayare ng kahapon. Ito rin ay nagiging malikhaing obra na kaya pumukaw at mag bigay ng alab sa damdamin ng madla. Sa isang konretong salita lamang ay kaya na pukawin ang kamalayan ng mga nakakarami upang gisingin ang mga natutulog na damidamin at buksan ang mga nakasaradong kaisipan.
Hindi lamang ito nagbibigay impormasyon ng ating nakaraan, bagkus ito rin ay nagiging isang instrumento sa makabuluhang likhang-isip ng manunulat. Sinasalaysay neto ang kwento na maari maging pinagdaanan sa totoong buhay o maging isang gawa gawang kwento na may makabuluang pagtatalakay. Maari maging daan upang mapahagay ang pagbibigay leksyon sa mambabasa, maging isang paraang upang mabigyan ng konkretong opinyon rin ang mga mambabasa, o di kaya kwento na kaya tugunan na mabigyang aral ang mga mambabasa.
Magalaga ito unawain at pag aralan sapagkat sa kada kontextong nasasakupan neto ay kaya magbigay buhay sa mga mambabasa at higit sa lahat nagagwa neto tugunan ang pagakakkilanlan ng tao at higit sa lahat ang mga pulong nasasakupan neto. Mula sa lupa hanggang sa kaisipan ng tao kaya neto maging isang instrumento para magpatuloy ang pagkakakilanlang Pilipino.
1 note · View note