Tumgik
lowiejaysblog · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
SINING BISWAL
Ang sining biswal ay mga porma ng sining tulad ng pagpipinta, pagguhit, paggawa ng print, iskultura, keramika, potograpiya, video, paggawa ng pelikula, disenyo, sining, at arkitektura. Maraming mga masining na disiplina tulad ng pagganap ng sining, pang-arte na pang-arte, at sining ng tela na nagsasama rin ng mga aspeto ng visual arts pati na rin mga sining ng iba pang mga uri. Kasama rin sa lob ng biswal na sining ang mga inilapat na sining tulad ng pang-industriya na disenyo, graphic na disenyo, disenyo ng fashion, panloob na disenyo at pandekorasyon na sining.
Pagpipinta
Ang masisining na pagpipinta ay ipinakilala noong ika-16 na siglo nang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas. Noong panahong iyon, ang mga Kastila ay madalas magpinta ng mga propaganda tungkol sa relihiyon upang mapalaganap ang Katolisismo sa buong Pilipinas. Ang mga pinta na ito ay laging nakikita sa mga pader ng simbahan, tampok ang mga relihiyosong anyo kung saan lumalabas ang mga aral ng Katoliko. Sa kadahilalan ng pangangasiwa ng simbahan sa sining ng mga Pilipino at pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas, karamihan ng layunin ng mga pinta ay mula sa ika-16 hanggang ika-19 na siglo ay tulong sa simbahang Katoliko.Sa maagang ika-19 na siglo, ipinakilala ang mas mayaman at edukadong Pilipino sa mas sekular na Pilipinong sining, naging sanhi upang ang sining sa Pilipinas ay lumihis sa mga panrelihiyong paksa. Ang paggamit ng watercolor sa pagpipinta ay nagsimulang isama ang mga tanawin, tirahan ng mga Pilipino, anyo ng mga Pilipino, at mga opisyal sa pamahalaan. Ang mga estampang pagpipinta na itinampok ng mismong pintor ang kaniyang sarili, ang mga alahas ng Pilipino, at ang mga katutububong kasangkapan ng bahay. Ang paksa sa tanawing pagpipinta ay tampok ang mga pangalan ng mga pintor ay tampok ang mga pangalan ng mga pintor na ipininta na maganda sa pinta at ang pang-araw-araw na eksena ng mga karaniwang Pilipino sa pagsalo sa mga araw-araw na gawain. Itong mga pinta ay ginawa sa kanbas, kahoy, at mga iba’t-ibang uri ng mental.
PAGLILILOK
Ang lilok o eskultura ay kahit anong tatlong-dimensiyonal na anyo na nilikha bilang isang masining o artistikong pamamahayag ng saloobin. Tinatawag na paglililok o pag-eskultura ang sining sa pagbubuo o paghuhubog ng isang bagay na maaaring kahit anong laki at kahit sa anong nanaangkop na materyal. Manlililok o eskultor naman ang tawag sa mga taong gumagawa o lumililok ng mga istatuwa o rebulto.
Ang iskultura ay isa sa mga sangay ng Sining Biswal na naisasagawa sa tatlong dimension. Ang proseso ng panlililok upang ito ay maging matibay, ay karaniwang ginagamit ang pag-uukit (ang pagtanggal ng materyal) at paghuhulma (ang pagdagdag ng materyal tulad ng luad), bato, metal, seramiko, at kahoy at iba pang materyales pero, sa panahon ng modernisasyon, ang proseso ng paglililok ay nagresulta o napunta sa kalayaan sa kahit anong materyales at proseso na maaaring gamitin. Sa malawak na pagkakaiba-iba ng materyal maaaring gamitin ang paguukit at paghuhulma. Ang isang iskultura na gawa sa bato ay mas matagal mabuhay kaysa gawa sa ibang madaling masirang materyales. Madalas nirerepresenta ang karamihan sa mga nanatiling iskultura (maliban sa paggawa ng palayok) galing sa sinaunang kultura, ngunit ang tradisyon ng paglililok sa kahoy ay maaaring mawala na ng tuluyan. Karamihan sa mga sinaunang eskultura ay pinintahan ng maliliwanag na kulay at ito ay nawala na. Ang iskultura ay naging sentro ng relihiyosong debosyon sa maraming kultura. Ang malalaking eskultura na masyadong mahal para sa mga pribadong indibidwal para ilikha ay kadalasang simbolo ng relihiyon at pulitika.
1 note · View note