Tumgik
leftbehindxxvx · 7 months
Text
BAKIT HINDI KA MAKAALIS?
1. Ayoko malaman ng pamilya ko na yung ugali niyang pinapakita kapag kaharap sila, hindi totoo.
2. Ayoko malaman ng pamilya ko na lalaking walang tatay ang anak ko.
3. Wala akong pupuntahan kasi nga ayoko malaman ng pamilya ko yung nangyayari sa akin kaya kahit napakasakit na, tinitiis ko.
4. Nahihiya ako sa sasabihin ng ibang tao.
Pero worth it pa ba na ipaglaban ko? Worth it pa ba lahay ng pagpapakatanga ko?
Tama na Jane
Maawa ka sa sarili at anak mo
Kaya mo naman e
Kakayanin mo naman
May trabaho ka
Mas maibibigay mo pa mga kailangan ng anak mo
Mas maaalagaan mo pa sarili mo
Hindi ka na iiyak
Hindi ka na masasaktan
Hindi ka na makakarinig ng masasakit na mga salita
Magiging masaya ka na
Ayaw mo ba yun?
Ayaw mo ba maging buo para sa anak mo?
Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?
Hanggang kailan mo kakayanin makisama sa ganyang klase lalaki? Walang puso, masakit magsalita, walang respeto sayo
Hindi ka pinapahalagahan
Hindi ka mahal
Wake up!
Matauhan ka na
0 notes
leftbehindxxvx · 7 months
Text
Nagsimula tayo sa mali kaya siguro hanggang ngayon, lahat mali...
Paano ba humakbang palayo kung palagi ako hinihila ng mga salita na, "Baka sakali"
"Subok pa, malay mo?"
Pero habang paulit ulit na pinipili kita
Hindi ko namamalayan, naiwan ko na pala sarili ko
Paano nga ba?
Bakit nga ba?
Paano mo nakakaya na balewalain ako?
Bakit mo nakakaya na, malungkot ako?
Saan parte pa ba ako nagkulang sayo?
Mas mabuti nga ba na maglayo na lang tayo?
Ako na nga lang ba ang lumalaban para sa relasyon na 'to at ikaw? Hinihintay mo na lang ang pagsuko ko?
Malungkot
Masakit
Kung paano na yung tao na pinagkatiwalaan at pinili ko
Eto, parang basura kung paano ako i-trato
Worth it ba?
Lahat ng pinagpalit natin?
Lahat ng isinakripisyo natin?
Marami akong tanong na ako rin mismo, kayang kaya ko sagutin ng katotohanan
Pero pinipilit ko magbulag bulagan
Pinipilit ko maging manhid
Pinipilit ko maging bingi
Kaya hindi na ako masaktan ng ibang tao kasi ikaw mismo, sobra sobra na yung pinaramdam mo
Pero bakit nga ba hanggang ngayon nanadito pa rin ako sa tabi mo?
Bakit nga ba hanggang ngayon, hindi ako lumalayo sayo?
Bakit nga ba hindi kita maiwan kahit napakarami ng dahilan?
Bakit nga ba paulit ulit pa rin kita pinipili?
Sana makaya mo ng magpakatotoo...
Sana palayain mo na ang sarili mo...
0 notes
leftbehindxxvx · 8 months
Text
Tumblr media
At kung minsan hindi naman ito tungkol sa hindi mo na pagkapit, sa halip ay tungkol na ito sa patuloy na pagsakit. May mga alaalang ayaw nating kalimutan, ngunit sa patuloy na paghapdi ng sugat— wala tayong mapagpilian.
Hindi naman lahat ng paglimot ay pag-usad ang ibig sabihin, dahil may paglimot na manhid na sa sakit kaya ayaw nang indahin.
May paglaya na 'dapat' at may mga paglaya naman na kahit gusto pa, hindi na marapat.
Larawan | kuha mula sa Pinterest
1 note · View note