Tumgik
klasrum-sa-basement · 4 months
Text
Introduksyon
Ang Aking Miyerkules at Biyernes sa PS21
Naging mas masaya at makabuluhan ang isang buong semestre ko dahil sa PS21. Malaking parte ng kasiyahan na ito ay ang paraan ng talakayan sa klase ni Emman dahil bukod sa kakaiba ito, mas malaya akong nakakasulat at nakakapagsalita dahil lamang sa simpleng pagtanggal ng “po”, “opo”, at “Sir”.
Ang mga aktibidad na ginawa sa klase ay sari-sari kaya't hindi nakakasawa o nakakabagot gumawa. Nakasulat ako ng tulang hindi lamang pagtangkang magsuka at maglagay ng maraming pang-uri kundi maglarawan ng mga pakiramdam nang mas komprehensibo ngunit may kalaliman pa rin. Ang iba pang gawain ay naghikayat pa saking lalong matuto dahil hindi magiging epektibo at maganda ang mga sulatin at sining ko kung wala akong alam sa paksang aking gagawin.
Maraming mga babasahin tungkol sa Batas Militar ni Marcos at hindi sapat ang isang semestre para malaman ko ang lahat ng mga detalye pero sapat ang mga diskusyon sa klase upang mas maliwanagan ako kung paano umiiral ang paglapastangan ng mga may kapangyarihan sa kanilang mga pinamumunuan hindi lamang sa diskusyon ng diktadura ni Marcos kundi pati na rin sa iba pang mga sirkumstansya. Ito ay nagbukas lalo ng aking isip para lalo pang matuto kahit natapos na ang semestre.
0 notes
klasrum-sa-basement · 4 months
Text
Podcast
https://drive.google.com/file/d/1Oi1d04JqBhVijvfBQX0KuxlRuQIYYlgO/view?usp=drivesdk
Pakinggan.
0 notes
klasrum-sa-basement · 4 months
Text
Tumblr media
Ekphrasis
Itak sa Puso ni Mang Juan
Baluktot ang postura ng matandang naglalakad na kikilalaning Mang Juan mula sa titulo ng pintang larawan; nakabaluktot ang likod na tila ba nasanay na ang kanyang katawang magbuhat ng mabibigat o magtrabaho kahit pa ubos na ang kanyang lakas. Dagdag pa dito ang halatang malnutrisyon na lumilitaw sa kapayatan ng kanyang katawan, patpating braso, at lubog na mga pisngi. Hindi nagtutugma ang kundisyon ng matanda sa kanyang kasipagan na naipapakita sa kaniyang postura. Hindi ba dapat nagbubunga ng kaunlaran sa isang tao ang kaniyang kasipagan?
Tumatagas sa likuran ng matanda ang pulang pinta na animo’y dugong tumatagas ngunit kulay pala na bumubuo sa logo o imahe ng isa sa mga sikat at malalaking korporasyon sa Pilipinas, ang Coca-Cola. Ang matalim na buntot ng letrang “C” sa logo ng nasabing korporasyon ay parang punyal na nakatutok sa dibdib ng matanda. Ang mga korporasyon tulad ng Coca-Cola ang bumubuo at nagpapatuloy ng sistemang kapitalismo kung saan silang mga namamahala sa produksyon at kita ay patuloy na yumayaman habang ang mga mahihirap na nagtatrabaho sa kanila kapalit ang maliit na kita ay nananatili ang patuloy na naghihirap. Sila ang pumapatay sa mga manggagawang may kaparehang imahe ni Mang Juan. At lahat nang ito ay hinahayaang mangyari ng sariling bansa ni Mang Juan, halata sa nakasulat sa ilalim ng logo ng Coca-Cola, “REG PHIL”, na nangangahulugang tinatanggap at kinikilala ng Pilipinas ang pananatili ng ganitong korporasyon.
0 notes
klasrum-sa-basement · 4 months
Text
Tumblr media
Pubmat
0 notes
klasrum-sa-basement · 4 months
Text
Tumblr media
Sining-Biswal
Ang kalagayan ng edukasyon sa ilalim ng Batas Militar ni Marcos.
0 notes
klasrum-sa-basement · 4 months
Text
Tula
Paa
alas dose hanggang alas kwatro ng madaling araw
pagtapak ng paa sa kalsada'y kasalanan
dadamputin ng mga armadong mama, utos ng Malacañan
di na pwedeng umuwi ikaw na aktibista, rebelde, o kung ano pang pwedeng iparatang
habang sumusulat ako, pumatak sa alas dose ang orasan
tumungo at tumitig sa paanan, lubog ang kuko sa palad
“libo-libong mga paa ang tumapak at nagmartsa para lumaban,
libo-libo ring mga paa ang di na nakabalik sa kanilang mga tahanan”
0 notes
klasrum-sa-basement · 4 months
Text
Tumblr media
#Meme #BatasMilitar #Marcos
0 notes
klasrum-sa-basement · 4 months
Text
Sulat-tugon kay Tet Maceda
Pagbati sayo, Tet!
Kakabasa ko lamang ng iyong artikulo at napukaw ako ng iyong pagsasalaysay ng iyong karanasan kaya natapos ko itong basahin nang isang upuan kahit na hindi talaga ako mahilig magbasa ng mga babasahing lagpas sa tatlong pahina. Sa lahat ng iyong mga sinulat, maraming bagay akong gustong banggitin at bigyang reaksyon. Isa sa mga ito ay:
…di kailanman nakakalimutan ang klase… kailangan nilang ipakita ang kanilang galing sa klase at huwag gamitin ang pagiging aktibista bilang excuse sa di pagdalo sa klase. Sa klase pa rin nangyayari ang pagpatalas ng isip ng mga estudyante. At ang edukasyon ay nagaganap sa loob at labas ng klasrum.
Ang dami mong pinagdaanan na siyang malaking ambag sa kung paano ka mag-isip at kumilos, kabilang na dito ay kung paano mo bigyang importansya ang edukasyon at ang pag-impluwensya mo ng ganitong pagpapahalaga sa iyong mga estudyante. Oo, mahirap na ipaglaban at dalhin sa kalye ang iyong pinaninidigan. Gayunpaman, ang pagiging mabuting mamamayan ng lipunan ay hindi lamang nagsisimula at magtatapos sa ganitong pagkilos kundi sa pagganap sa mga responsibilidad na nakaatas sayo sa kalye man, klasrum, sa bahay, o kung saan.
Aaminin kong hindi ganoon kayaman ang kaalaman ko tungkol sa Batas Militar pero alam kong isang madilim na yugto ito sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagdulot ito ng pagkapipi ng malayang pamamahayag, paglapastangan sa mga karapatan ng mamamayan, at korapsyon sa pamahalaan. Karamihan sa mga kaalaman ko ukol dito ay mula sa mga lektura ng aking propesor sa KAS 1.
Elize
0 notes
klasrum-sa-basement · 4 months
Text
Noong ika-21 ng Agosto 1971, binomba ang pagtitipon ng Liberal Party (Plaza Miranda Bombing).
Ibinintang ito ni dating Pangulong Marcos sa Communist Paty of the Philippines CPP), para bigyang-katuwiran daw ang armadong rebolusyon na isinusulong nito.
Sinasabi naman ng CPP at mga kalaban sa politika ni Marcos na pakana ito ng dating diktador, para bigyang-daan ang pagdedeklara niya ng Batas Militar.
Sino nga kaya ang may gawa?
Bagamat walang malinaw at direktang ebidensya na nagtuturo kung sino talaga ang may kagagawan ng pambobomba sa Plaza Miranda, si Marcos ang isa sa mga kahina-hinala at nangungunang suspek.
Isa sa mga dahilan ay dahil nga oposisyon ng kampong Marcos ang Liberal Party, partikular na ang isa sa mga miyembro niyo na si Benigno Aquino Sr.—na nakakagulat ding wala sa pangyayari na iyon. Ang tunggalian ng dalawang kampo ay malinaw namang nasaksihan at naitala sa mga akda't sulatin. Isang di maipagkakailang motibo ito para kay Marcos.
Isa pa ay napatunayan din ang kakayahan ni Marcos na gumawa ng pangyayaring kahit na ikapapahamak ng ibang tao ay desidido syang gawin. Umamin si Enrile na pakana ni Marcos ang nangyaring ambush sa kanya para lang mabigyang katwiran at matuloy ang pagdedeklara ng Batas Militar sa bansa. Ayon sa librong Conjugal Dictatorship ni Mijares, sinabi pa ni Marcos kay Enrile, "Make it look good. Kailangan siguro ay may masaktan o kung mayroong mapatay ay mas mabuti."
Malinaw na may kakayahan ang mga Marcos na gumawa ng mga imoral na bagay para sa kapangyarihan kaya't malaki ang possibilidad na maaaring siya rin ang nag-utos upang bombahin ang Plaza Miranda.
0 notes