Tumgik
juhlzandaya-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
MAY PATUTUNGUHAN BA?
Ito po yung pangalawang blog ko :)) Welcome :)
Nakikita niyo ang larawan sa itaas? Lahat naman siguro tayo ay pangarap na makapagtapos ng pag aaral diba? May ibabahagi ako sa inyo. Lahat ng tao ay mayroong pangarap at marami sa kanila, itoy nakamit na. Ang iba ay may trabaho na at ang iba ay nag aaral pa. Akoy nag aaral pa at gusto kong ibahagi sa inyo. Mataas na marka? Medalya? Karangalan at iba pa. Nakatanggap na ako ng ganyan hindi sa nagmamayabang pero napakahalaga ng pag aaral sa akin dahil ako yung tipo ng tao na may gustong patunayan sa aking mga magulang. Ang sarap kasi sa pakiramdam na makita mo ang pamilya mo na proud sayo at pinagmamalaki ka nila. Pero ang hindi nila alam kung ano ang pinag daanan ko makuha lang lahat yon. Ang alam lang nila ay mataas ang marka ko, nag aaral ako ng mabuti, hindi pasaway sa paaralan. Pero naranasan kong uminom ng dalawang kape sa isang araw, gigising ng maaga para makapag review pa halos hindi na makakain dahil may kailangan pang gawin. Minsan nga pag may pangkatang gawain kami halos nasa akin lahat ang trabaho. Naiirita ako oo, napapagod ako oo, pero naniniwala ako na sa kabila ng lahat nang yon ay may magandang patutunguhan. Dahil kahit kailan hindi matutumbasan ng kahit ano ang saya ko pag nakapagtapos na ako ng pag aaral. Kaya ikaw mag aral ka ng mabuti alam kong mahirap pero magtiwala ka lang sa sarili mo at sa Diyos natitiyak kong may magandang patutunguhan :)
0 notes
juhlzandaya-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
Ito po yung pangatlong blog ko :) Kung naka abot pa kayo dito ay maraming salamat sa pagsubaybay :)
DAHIL SA DISIPLINA
Hindi ko alam ano ang isusulat ko sa pangatlong blog ko pero kanina lamang ay nasali sa aralin namin sa filipino ang pagdisiplina sa isang tao. Disiplina ng nanay mo sa iyo. Disiplina ng tatay mo sa iyo. Bakit nga ba kailangan disiplinahin ka? Bakit pag pinagalitan ka ay may kasamang palo o sermon? Nakakatuwang isipin pero may naalala ako. Palagi kaming pinapagalitan noon dahil minsan nag aaway kami ng kuya ko dahil sa isang laruan. Nung una ay pinagsabihan lang kami pero matigas ang ulo namin eh. Nung nalaman ng nanay ko na nag aaway na naman kami ng kapatid ko ay palo ang inabot namin. Nagtatampo ako dahil sa pagpalo ng nanay ko, hindi ako kumibo ng kausapin niya ako tanging patak ng luha lamang ang isinagot ko. Napatanong ako sa sarili ko noon. Bakit niya ginawa yon? Hindi niya ba ako mahal? Bakit nakayanan niyang gawin yon sakin? Pero ngayon ko lang napagtanto na ang bawat palo ay puso ng aking ina ay nagdurugo. Hindi niya ako pinalo para akoy saktan ang hinahangad niya lamang ay ang aking kabutihan. Kaya naisipan kong itanong to at ang tanging isinagot ng aking ina ay hindi masama ang sermon at pagpalo bagkus ay nakakatulong ito sa pagtutuwid ng ugali at asal ng isang tao. Nalaman ko na ginagawa lamang ito ng mga magulang natin dahil sa mahal nila ang kanilang mga anak at ang nais lamang nila ay mabigyan tayo ng magandang kinabukasan. Kaya wag ka magagalit sa magulang mo kapag pinagsabihan ka nila tandaan mo mahal ka lang nila kaya nagkakaganun sila. Dahil may kasabihan nga tayo na disiplina ay kailangan tungo sa magandang kinabukasan :) 
0 notes
juhlzandaya-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
KAIBIGAN, TUNAY KA BA?
Unang una sa lahat hello po :) at welcome sa aking munting personal blog :) wala akong sinabi na kailangan niyong basahin ito, gusto ko lang ipahayag ang nararamdaman ko na hindi ko masabi sa personal. Ito na. :)
Nagkaroon ka na ba ng Kaibigan? Malamang Oo ang sagot mo, ang saya di ba? lalo na kung marami kayo at magkakasundo ang mga trip niyo, yung tipong gala dito, gala diyan, tambay dito tambay diyan, at tawanang tila walang katapusan. Nagkaroon ka na nito diba? Yung taong nandiyan para sayo lagi. Instant hampas, asar at minsan kasama mong humugot. Eh ito? Yung mga kaibigan na halos ipaglaban mo hanggang sa huli pero ano iniwan at pinawalang bahala ka rin nila. Yung tipong sila pa yung nangako na walang iwanan pero pagkagising mo kinabukasan wala na yung tinuturing mo na kaibigan. Saklap no? Paano kung humantong sa hindi mo inaasahan? Matatawag mo pa kaya siyang ang matalik kong kaibigan?
S’ya nga pala ako si Juliana Mari Andaya o Juhlz nalang para maiksi. Ito yung unang blog ko kaya hindi ko alam kung anong uunahin ko at paano sisimulan. Pero 15 na ako at nag aaral sa University of Mindanao. Hindi ako mahirap hindi din ako mayaman, simple lang akong babae, madaling kausap, hindi mahilig sa sweet na tao o corny at higit sa lahat may pangarap sa buhay. Pero masasabi ko na marami na rin akong mga naging karanasan pagdating sa mga kaibigan kung kaya’t naisipan kong isulat ito.  Hindi ko alam kung bakit ito yung napili kong isulat dahil para sa akin pag kaibigan na ang pinag uusapan corny ito pakinggan. Sa una sobrang sarap sa pakiramdam ang magkaroon ng kaibigan lalo na pag pinagkatiwalaan mo sila, yung kulang nalang gawin niyo ng pare parehas yung mga apilyedo niyo at tumira kayo sa iisang bahay. Masasabi ko na isa yon sa mga pinakamasayang bagay na mararanasan mo habang nabubuhay ka pa. Ito na yung kwento ko. May kaibigan ako noon. Earl ang pangalan. Magandang babae, maraming nagkakagusto sa kanya at sobrang matalik ko siyang kaibigan. Nagka klase kami nung grade 4 pero mas naging malapit kami sa isat isa nung grade 6 dahil kinuwento niya yung crush niya sa akin, nakakatuwang isipin pero hindi ko pwedeng sabihin dahil bawal daw. Itago nalang natin siya sa pangalang Mr White :) Naalala ko pa nun na sobrang saya niya habang nag kwe kwento. Kahit anong trip gagawin namin, yung tipong para na kaming magkapatid dahil araw araw palagi kaming magkasama at palaging may komunikasyon. Para na nga kaming Partners in Crime. Pati ako naisipan narin na parang mag bestfriend na kami. Pero ako lang pala ang nag iisip nun. Pagdating ng highschool biglang nag iba ang lahat magka iba kami ng paaralan, nung una akala ko walang magbabago pero nung nakita ko siya parang hindi niya na ako kilala. Wala ng komunikasyon, kahit nung kaarawan ko di man lang siya bumati. Minsan napaisip ako tinuring niya kaya akong tunay na kaibigan? Pero bakit nagbago ang lahat? Bakit madali lang sa kanya kalimutan ang lahat? Pero maiba tayo, kagaya na lamang ng dalawa ko pang kaibigan nung grade 7. Sila Kathy at Celeste. Sobrang saya nila kasama yung tipong nag aalala ka dahil hindi ka nakapag aral sa pagsusulit niyo pero pag kasama mo sila napapalitan agad ng saya. Laging kaming magkasama san man magpunta, magkaramay sa pagsubok at problema at handang dumamay sa isat isa. Oo ganyan kami kasaya. Ang sarap pakinggan at isipin no? Akala ko okay na ang lahat.  Pero ito na naman tayo. Sa isang iglap pagkagising ko wala na sila.Nalungkot ako nun nang nalaman ko na lumipat sila ng paaralan na hindi ko alam ang dahilan. Nakatatak pa sa isipan ko nun ang sinabi nila “ walang iwanan ah, lilipat lang ng silid aralan pero hindi paaralan” Napailing na nalang ako.
Kung kaya’t matuto tayong humanap ng kaibigan na hanggang sa huli ay ipaglalaban ka din gaya ng ginagawa mo sa kanya. Oo masarap makahanap ng kaibigan pero sa kabila nito masaklap ang katotohanan na isa isa silang mawawala, magkakaroon ng mga sari sariling panibagong grupo. Yung mga kaibigan mo na kinalimutan ka na dahil may bago na silang kasama. Pero kahit ganun sila nagpapasalamat parin ako at pinagmamalaki ko sila dahil kahit gaano pa kasakit ang ginawa nila ay mas nangingibabaw parin ang saya nung nakasama ko sila.Ngayon alam ko na kung bakit ito yung naisipang isulat ko dahil kahit corny pakinggan mananatili parin silang kaibigan ko at hindi sila mawawalan ng puwang sa puso ko :)
Salamat sa pagbabasa :))
0 notes