Tumgik
jpehg · 4 days
Text
Deathless 1835 240424
Muntik na akong mamatay.
Tumatawid kami sa isang kalsada malapit sa UST. Walang sasakyan, naka-red light din yung sa intersection kaya alam kong pwedeng tumawid. Pero nung nasa kalagitnaan na kami, may isang pulang sedan na humarurot papunta sa amin. Bumubusina nang malakas, pero hindi nakahazard. Naniniwala ako na may maganda akong judgment kung makakatawid ako. Pero sobrang bilis niya at nag-s-swerve siya sa dalawang lanes. Tumigas 'yung katawan ko sa gitna ng kalsada. Tatamaan ako. Parang dawalang segundo akong nakatulala sa pulang sasakyan sa gitna ng daan. Natauhan lang ako nung tinawag ako ni Lois at pinilit na ituloy na lang 'yung pagtawid ko.
Nakatawid naman ako. Diretsong humarurot yung sasakyan, linagpasan niya yung isang intersecting lane, tapos lumiko pakaliwa sa susunod nang hindi humihinto or bumabagal.
Unang beses akong nagfreeze sa gitna ng kalsada. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nagmanhid 'din yung dalawa kong kamay. Huminto muna kaming maglakad. Halong takot at galit 'yung nararamdaman ko. Biruin mo 'yon, kakakain ko lang ng friend noodles na may peanut sauce na sobrang tagal ko nang hinahanap tapos sasabihin ng buhay sa'yo, "Alrighty near-death experience ka muna."
Hindi talaga natin maiintindihan 'yung sense of humor ni rold, no?
Kapag binawian ako ng buhay d'on, magtatampo talaga ako. Kakabigay lang sakin ng big break. Wala pa ngang isang taon- magandang trabaho, wala na akong pinapaaral, tapos sobrang healthy na relationship. Bibili pa ako ng sasakyan ko gamit 'yung sarili kong pera. Pupunta pa kami ng Siargao ni Lois. Tatapusin ko pa 'yung mga tickets ko sa trabaho't mag-b-bonding pa kami ng teammates ko. 'Di ako papayag na mabawian ako ng buhay agad.
Pero it is what it is. I haven't been myself for the past few weeks. Kasi kung namatay ako agad ako, it would've been for nothing. Nakakalungkot na kahit nasa inyo 'yung right of way, hawak pa rin ng mga motorista 'yung buhay niyo.
Pulang sedan. NAU 'yung simula ng plaka niya. Pagkatapos nung pangyayaring 'yon, I wanted you to die. Hiniling ko na sana bumangga ka sa poste tapos ikaw lang 'yung maaksidente.
Pero ngayon, habang sinusulat ko 'to. Narealize ko na it's not worth stressing over. Masyadong malaki 'yung mundo at masyadong maraming problema. Kung may problema ka rin, sana may lakas ka ng loob para harapin sila. Sana, nakauwi ka rin nang matiwasay nang walang nadadamay.
I forgive you. I absolve you of your sin towards me. Para naman makabili ako ulit ng friend noodles at quail siomais in peace with the love of my life. Yum.
P.S. Salamat na lang siguro sa free pass para magjoke about near-death experiences.
2 notes · View notes
jpehg · 4 days
Text
"Isa sa pinakanakakatawang pagsuway sa utos ng Dyos ang makipagtalik sa isang bahay na tinitirhan ng mga tagasunod niya. Adding salt to injury na lang 'yung nasa upper bunk kayong dalawa"
0 notes
jpehg · 5 days
Photo
Tumblr media
2 notes · View notes
jpehg · 1 month
Text
Tumblr media Tumblr media
Heartbreaking
0 notes
jpehg · 2 months
Text
Sino si Alex Alexanderson? 130324 1316
Nung college ako, meron akong prompt sa isang libro. Tungkol siya sa isang binata na may kakayahang ibalik 'yung oras kapag inii-snap niya yung fingers niya. Oo, uunahan ko na kayo, 'di na bago 'yung time-travelling at time manipulation bilang isang cliché sa mga kwento, tula, or pelikula. Pero think about it, a piss poor guy na walang redeemable qualities maliban sa inosente niyang understanding sa mundo, tapos sinusubukan pa niyang kilalalin sarili niya, tapos 'yung setting, isa sa pinakaprestigious na unibersidad ng Pilipinas? Tapos kaya niyang ibalik 'yung oras? Bata pa ako nung naisip ko 'yon pero sa mata ng isang iskolar ng bayan, sapat na 'yan para maging bala sa bolpen at lapis. Gagamitin niya 'yung newly-learned powers niya sa kabutihan like para 'di male-late sa klase, or makapag-aral pa sa susunod na exam, o kaya siguraduhing tumae muna bago umalis ng bahay. I know. Taga-UP siya pero he's not that smart. Buhangin, oras, kahirapan. Literally Prince of Persia, but Pinas.
Pero noong mga panahong 'yon, inisip ko kung ano yung magiging alas ng librong 'to sa "Perks of Being a Wallflower", o kaya "Twilight". Wala akong mga bampira at 'di ko naman kayang i-afford si Logan Lerman bilang book cover. Syempre, kakailanganin natin ng mga magbabasa nito kahit na 'di ko naman ninais n'on na "dapat mabasa ng lahat 'to." Ewan, mas gusto ko kasi ng mas maliit na grupo ng readers na magsasabi ng "Haha, what was this guy thinking fuckin' dumbass" kapag may katangahang ginawa yung bida tapos ise-send nila sa messenger/tumblr ko 'yung reaction. That would feel nice. Pero ok nasa-sidetrack tayo, balik sa topic.
Ganto dapat 'yung magiging format ng libro. Ready ka na ba?
PAATRAS YUNG BILANG MGA CHAPTERS.
Pero hindi siya straightforward na "30" tapos "29" yung kasunod. Hindi rin nakalagay 'yung word na chapter. Basta number lang siya sa isang blankong papel. Magsisimula siya sa isang napakataas na numero hanggang sa umabot sa 1. Halimbawa, yung pinaka-unang chapter ay 423412312 pero in words. Sa una, iisipin ng mambabasa na "huh, ano 'yon?" Tapos tutuloy na lang sila sa susunod na kabanata. So nag-eenjoy sila. Tapos 'di nila mapapansin na pababa nang pababa 'yung number.
Tapos pagdating sa second to the last chapter, 120 or 60 na lang yung number.
Tapos habang binabasa nila yung maikling chapter na 'yon. Saka nila maco-correlate na 'yung numbers pala ay equivalent kung gaano pa katagal yung buhay ng bida.
Ang twist kasi ay, although may godlike powers ang bida natin, pabawas nang pabawas yung life span niya habang ginagamit niya 'yung abilities niya. And habang nagpo-progress 'yung books mahahalata rin ng mambabasa na parang nagkakasakit 'yung bida. Lalabas 'to pero small hints lang na parang 'yung hagdanan niya palagi niyang inaakyat, parang nararamdaman niyang mas nakakahingal.
Tapos heto pa. 'Yung second to the last chapter, equivalent lang sa 60-120 seconds reading time. Ganto 'yung context bago yung 2nd to the last chapter.
3rd to the last chapter:
Kumbaga, may plano yung bida na magpro-pose sa kasintahan niya kaya may pupuntahan sila. Pero sa kasamaang palad, maaaksidente 'yung bida at 'yung love interest niya (na syempre foreshadowed din kasi 'yung pinakaunang sentence sa libro is dine-describe ng bida kung bakit ayaw niya sa mga Fortuner na puti ewan para sa poetic lang na 'yung pinakaayaw pa niya yung magiging undoing niya). Tapos, dahil alam ng bida at ng mambabasa na mamamatay na siya kapag binalik niya 'yung oras, medyo suspense na talaga. Ano ba 'yung desisyon niya? Ibabalik ba niya? And kung oo, sa punto ng buhay niya ibabalik? Tapos *snap*.
2nd to the last chapter:
Number: Animnapu or Isang daan at dalawampu
De-describe ng bida 'yung scene. Mainit, maraming tao. Mahaba 'yung pila. Kukuha ng form 5. Familiar na 'yung mambabasa at 'yung bida dito sa scene na 'to kasi heto rin yung isang scene sa 2nd chapter ng libro. Pero imbes na mga random descriptions ng mga tao 'yung ide-describe niya, mga pangalan ng kaibigan niya 'yung mga sasabihin niya. Gets? Kasi kilala na niya 'yung mga taong 'yon. Tapos, magegets din ng mambabasa na "Ah puta mga kaibigan niya pala 'yung mga 'yon pero since di niya pa sila kilala at that point, dine-describe lang niya yung mga ginagawa nila. Balik nga ako sa chapter N here para ma-check." Apat 'yung kaibigan niya, and as fate dictated, nandun din pala sila sa pila. Yung dalawa sa kaibigan niya, magkapatid na lalaki at babae. Sa huling timeline (bago siya magsnap sa 3rd to the last chapter), namatay 'yung babae dahil sa isang krimen.
Tapos dito rin sa scene na 'to 'yung first interaction niya sa magiging love interest niya. Nabangga nung girl yung bida tapos nalaglag yung mga dala niyang papeles tapos nagpa-sorry tapos may familiar look 'yung babae na parang "have we met before?".
Unting-unti manghihina 'yung bida, kaunting luha. Tapos pipikit na 'yung mata niya.
Heto 'yung huling mga linya ng kabanata:
Siguro, mabuti nang ganito 'yung kinahantungan nating lahat. Hindi ako nagsisisi na tanging mukha mo at 'yung nakakunot mong noo 'yung huli kong makikita. Sobrang init talaga dito no? Parang ang sarap matulo.
Last chapter.
Number: Isa
Inaantok na ako.
Wakas.
---
Gets ba? 1 kasi isang segundo na lang pala bago siya baiwan. Isang segundo rin kailangan mo para basahin 'yan. Hindi ko ilalagay na explicitly siyang mamatay for dramatic flair. Gusto natin pagkatapos magbasa ng mambabasa, ibaba niya yung libro, tapos sasabihin niya "Damn," tapos is-search niya yung pangalan ko at makikita niya yung account ko sa linkedin tapos sasabihin niya, "Ay weh, software engineer pala 'to?" o kaya is-search niya "Is Alex Alexanderson dead?" tapos ang google quick result sasabihin na "The author did not explicitly state that he died but based from his conditions, it was heavily implied that he did."
Either of the two, that's good enough for me.
Hindi ko 'to tinuloy kasi dahil sa mga iilang dahilan-
Hindi ko gusto yung tagalog na translation ng "snap".
Nawalan ako ng motivation dahil sa mga pangyayari nung undergrad ako tapos dinahilan ko na lang 'yung pagpanaw ng tita ko para masabi na valid 'yung rason ko. Ba't ko ginawa 'yon? Hindi ko rin alam.
Anyway, ayon lang. Matagal ko na 'tong kinikimkim talaga. Hindi ko alam kung may kapareho na siyang plot or anything pero 2008-2013 ko pa yata 'to pinag-iisipan.
Heavily inspired din talaga 'to sa mga games at mythology shit na binabasa ko na related sa oras. Kronos, Prince of Persia. Tsaka sa sobrang romanticized understanding ko ng pagmamahal nung bata pa ako. Extremes talaga like martir puta 'di ko nga alam ba't ganon ako pero it is what it is.
Hindi ko alam kung isusulat ko pa 'to. Pero gusto ko lang din sanang malaman kung maganda ba 'yung prompt or nagm-make sense ba siya sa inyo. Let me know, please. Para alam ko kung delulu din ako or what.
By the way, isang fun fact about me, kapag nagsusulat ako, pinakauna kong sinusulat 'yung last line or yung ending. So 'yung "Inaantok na ako." na linya, matagal na siyang nabuo bago pa 'yung storya. Yung ibang lines na naisip ko is "At pagkatapos non, tapos na". Pero gusto ko sanang gawing galing sa perspective talaga ng bida. Kaya ayan.
2 notes · View notes
jpehg · 2 months
Text
Tagging 102623 2157
Medyo nagiging malaking parte na ng buhay ko 'yung MRT at LRT. Bente pesos mula Cubao hanggang Ayala. Bente pesos pabalik. Minsan, diretso tayo Edsa. Tapos lilipat sa LRT papuntang Blumentritt. Pero sa dulo ng araw, byahe, at daan, sa iisang bahay lang din naman ako uuwi.
Sa umaga lang talaga ako inaabutan nang maraming tao. Sa station lang naman din ng Cubao sa MRT. Napansin ko rin na kung gusto mong maiwasan 'yung sobrang habang pila't pawis sa kilikili, 'wag ka sa Cubao sasakay. Mas okay sa Shaw or sa Ortigas dahil maraming mga bumababa don. Dead station din yung Santolan. Walang buhay sa Boni. FUCK WHAT THE FUCK AM I WRITING??????
1 note · View note
jpehg · 2 months
Text
Tumblr media Tumblr media
give flowers, get flowers
1 note · View note
jpehg · 3 months
Text
got my dad a new phone 'cause his silly little eyes can't see small texts on his silly small phone
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
jpehg · 6 months
Text
Tumblr media
so we did a thing
mindset lang mindset
edit November 10, 2023: sike i want a mazda 3 instead
1 note · View note
jpehg · 7 months
Text
stewie2k-iwnl 100923 1756
Medyo umuulan. Lunes. Kakasakay ko lang sa MRT sa may Araneta-Cubao at papunta akong Ayala para pumasok sa opisina. Mag-a-alas otso na rin at 'di pa rin ako kumakain.
Hindi naman required pumunta sa opisina pero araw kasi ng sweldo ngayon at gusto ko, nandoon ako kapag dumating siya. Bago pa lang din ako sa trabaho. Umalis ako sa previous kong work at pumasok na ako kaagad sa susunod the following day. Literal na aint no rest for the wicked.
Isang buwan na akong di sumasahod at isang buwan na rin akong nagt-tyaga na sa sitwasyon ko. Aminado naman din akong kasalan ko ba't ganto pero sabihin na lang nating gumastos ako ng perang 'di ko dapat ginastos kasi akala ko walang ibang pag-gagastusan. Pero ganon talaga ang buhay, kung kailan nakataas 'yung dalawang kamao mo't handa na para umilag sa uppercut niya, saka ka niya susuntukin sa bayag- in the form of mga gamot ng tatay at emergency expenses sa university ng kapatid. Parang 'di yata wais na desisyon yung pagbili ng 85-fucking-thousand na PC bilang gradudation gift ah. Wala tuloy akong pang-Jollibee ngayong araw.
Kaya heto tayo ngayon. Kaunting tiis. Kaunting lakad, kaunting commute. Patigasan na lang ng sikmura habang nanlalambot ang buong katawan. Palag-palag pa naman sa opisina dahil wala pa naman masyadong ginagawa.
Medyo lumalakas pa yung ulan at yung kulog ng tyan ko.
"Pre, anong oras usually dumadating yung sahod?" nagsend ako ng message sa katrabaho ko. 68% na lang battery ko. Tapos apat na raang piso na lang yung laman ng banko ko. Sobra nang kaunti para sa pamasahe ko ngayong araw dahil babalik pa ako ng probinsya mamayang pagkauwi.
Pagkatapos ng ilang minuto, sumagot 'yung katrabaho ko.
"Nung Friday pa meron pare hahaha"
Agad-agad kong binuksan 'yung banking app na pina-setup ng kumpaya ko nung unang araw ng Setyembre. Hinihintay kong magload yung balance at pagkatapos ng limang segundo tinitigan ako pabalik ng kalahating milyong piso.
"Huh" sabi ko sa sarili ko.
Kung panaginip 'to, ngayon na 'yung pinakamagandang oras para magising ako. Natatandaan niyo ba 'yung saktong eksena ni Will Smith nung tinanggap siya sa trabaho? Hindi ko 'yun ginawa dahil medyo masikip sa MRT pero in-imagine ko na lang.
"Now arriving at Ayala station. Paparating na sa Ayala Station," sabi ng recorded na boses ni Inka Magnaye ('di ko alam kung siya ba talaga 'yon pero kung hindi edi pauso ko lang)
Hindi 'to post na may mapupulot kang aral. Hindi rin 'to 'yung mga usual kong pa-edgy deep shit. Hindi 'to tungkol sa life lessons, empathy, sympathy. Pero sa loob ng apat na taon kong nagta-trabaho, sa pagraos sa kapatid kong makatapos ng kolehiyo nang mag-isa, at sa ilang pakyu at sucker punch sa bayag ng buhay, ngayon lang ako binulungan ng guardian angel ko na magyabang at sinigawan ng demonyo na deserve ko 'tong nararamdaman ko ngayong araw.
"Parang mag-J-Jollibee yata ako mamaya ah," Sabi ko sa sarili ko habang naiiyak.
Tumblr media
4 notes · View notes
jpehg · 7 months
Text
travelled 270 kilometers in two days
naturally im tired
im tired of people cutting corners
im tired of people deceiving me
im tired of people taking advantage of me
im tired of people im tired of people
im tired, ,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,
sinasabi ko lang to kasi pagod ako
bukas na lang ulet
0 notes
jpehg · 8 months
Text
Tumblr media
by manileno i mean gobyerno
2 notes · View notes
jpehg · 1 year
Text
Tumblr media
napakasarap mo namang mahalin
6 notes · View notes
jpehg · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
faken love u
2 notes · View notes
jpehg · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
my photo skills do not give u justice 😫
2 notes · View notes
jpehg · 2 years
Text
Decided to record 99 red balloons pero had a revelation that it's closely related to Niki's Summertime so what do we do?
Yes we try to learn it from memory ✨
1 note · View note
jpehg · 2 years
Text
wag niyo sabihin kay lois na inlab aq sa kanya baka lumaki ulo
3 notes · View notes