Tumgik
janerose27 · 2 years
Text
Ang Aking Travelogue
Tumblr media
Aguinaldo Shrine at Museo ay isa sa mga pasyalan na matatagpuan mo sa Kawit Cavite. Ito ay kadalasang tinatawag ng mga kawiteño at kawiteña na "freedom park". Ang pasyalan na ito ay ang mansyon ng unang presidente na si Emilio Aguinaldo, sa lugar na ito ay marami kang malalaman at matututunan na makasaysayan at sa labas pa lang ay marami na agad mga makasaysayang bagay na makikita, kaya naman masasabik ka na sa mga susunod mo pang gagawin dahil nanaisin mo agad na makarating sa loob nito. Ang pasyalan na ito ay nagbubukas ng alas otso ng umaga (8:00am) hanggang alas kwarto ng hapon (4:00pm) tuwing lunes hanggang linggo.
Tumblr media
Bilang isang Caviteño at malapit lamang ang lugar na ito sa aking tinitirahan ay maraming beses na akong nakapasyal dito at papasyal pa rin ako kapag may pagkakataon man. Sa loob ng mansyon ay makikita mo ang mga gamit na ginagamit nila noon at ang mga kwarto, mga larawan at kasuotan.
Tumblr media
At bukod sa pagiikot ikot mo sa loob ng mansyon ay maari ka ring magikot ikot o tumambay sa labas dahil sa magandang paligid ay maaring mag picture.
Tumblr media
Sa labas rin ay makakabili ka ng mga souvenirs pampasalubong sa kaibigan at pamilya. Kung minsan naman ang ibang namamasyal pa doon ay umuupo sa malawak na lumapain kung saan pwede mag picnic o magpahinga lang. Madalas naman kaming magjogging doon ng aking mga kaibigan tuwing umaga sa bandang parkehan ng mga sasakyan at namamahinga sa mga upuan sa tabing ilog.
Tumblr media
Ito ay mas dinarayo kapag paparating na ang pasko dahil sa Maytinis Festival na ginaganap tuwing bisperas ng pasko at dahil din sa mga pailaw sa Aguinaldo Shrine dumadami na ang tao pagdating ng alas singko ng hapon para abangan ang mga pailaw, kung minsan ay may roon pang Santa Claus para sa mga bata para magpapicture. Ang mga bata naman ay naglalaro ng mga pailaw kadalasan na nilalaro sa malawak na lupain ay ang palipad na balatik na paailaw kung saan ibabalatik mo ito sa langit habang umiilaw saka ito babagsak sa ibang direksyon.
Noon ay mga banda pa na dumadayo roon at maraming mga kainan ngunit dahil sa pandemya ay medyo nilimitahan na ang mga bagay na maaring makapag pasikip sa parke kaya naman nung huling bisita ko ay nasa labas na ang mga bilihan ng pagkain at may limitadong oras na rin kung gaano katagal puwedeng pumasyal, ang mga bantay din doon ay nagiikot ikot upang sitahin ang mga taong hindi nakasuot ang mga facemask.
Napakasaya ng aking pakiramdam habang natututo ng kasaysayan at nakikita ang ganda ng lugar na iyon kaya naman masaya rin na maalala ang aking mga karanasan. Kaya nais ko muling bumalik sa magandang lugar na ito kasama ang aking mga kaibigan at pamilya para libutin itong muli, tumambay at mag picture upang may mga alaala muling mababalikan.
1 note · View note