Tumgik
itssonnyday · 8 months
Text
October 12, 2023 | 10:07 PM
This is the day of my brothers birthday and he's so emotional. This is the first time my brother express his feelings in front of me. A man that I never saw cried. I felt touched and all my past grudges in him fade a way the moment he showed is vulnerable side. This is new to me and I don't see it coming.
I'm so happy and I know I've been waiting for validation from him about who I am and who I wanna be. I know to my self that I don't care what my family say about me. But this is different. I never except this that the validation for him is important. He's not happy because of the way he still bringing his past regrets and decisions that lead to him in this situation.
People do change. And the change is good. I know someday, my family will be happy.
0 notes
itssonnyday · 11 months
Text
July 16, 2023 Sunday
Dear Self,
Did you had fun? Did you had fun with him?
Mag iisang taon na nung naging kami ni Martin. Halos marami nang nagbago. Marami nang nangyari sa relasyon namin. Naging masaya ako. Naging malungkot. Pero never kong na-feel na magalit and mag end up na magayaw kami. Sa isang taon namin sa relasyon never pa kami nag away. Normal ba yun or hindi? Sadyang naiintindihan namin ang isa't isa.
Maraming beses ako napapaisip kung tama ba yung maging ka relasyon siya. Tama na ba yung 1 year na maranasan kong magkaroon ng boyfriend? Tama na ba itong pride ko sa sarili ko na loyal akong tao? Tama na ba na tiisin ko na lang yung minsang pagiisip na worth it ba? Di ko alam. Di ko alam kung tama ba yung mag desisyon ko.
Minsan napapaisip ako kung nasa tamang tao na ba ako. Naisip ko na ibibigay ko na ba yung buong sarili ko. Feeling ko nga nabigay ko na yung 3/4 ng sarili ko. Minsan jinu-justify ko pa kung dala lang ba nang libog. Yung napapatingin ako sa mga gwapo at macho. Minsan mapapaisip ako kung mayaman naging jowa ko. Pero di naman kasi tama yun na bumabase ka sa physical.
Minsan naiisip ko yan pero naiisip ko na unfair din sa kanya. Dapat ba akong humanap ng tao na sa tingin ko deserve ko? Or still nakatingin pa din ako sa fantasy ng guy na sa tingin ko perfect para sakin.
Well siguro dapat lumabas na ako sa fantasy na may lalaking saswak sa standards ko. Kasi maging real na tayo. There no such thing as perfect man. Siguro it's time for me to face reality and be happy pf what you have right now.
Siguro it's him what God showed me na yung taong maiintindihan ka. Yung taong marunong mag ask ng approval. Yung tao mamahalin ka kung sino ka man. Ngayon I should accept who he is and love him the way he love me.
Happy Anniversary Babii! 🥰
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
itssonnyday · 1 year
Text
February 7 2023
It's been a long time sharing my thoughts here. I just figured out na marami akong di na share dito for the past 7 months. Life update: Ito nasa laylayan pa din. Alipin ng corporate world. I'll be in 3 years na sa company na trinatrabahuhan ko. I've been working so hard to sustain my needs sa 5 taon ko nang pagtatrabaho after graduation. I'm still living with my parents. I'm still with my boyfriend for almost 7 months. I am still working on this relationship. Sa ngayon wala pang pagsubok. Siguro yung pagiging lowkey pa din namin yung magiging dahilan. Lagi kong binabalance kung dapat ko pa ba ituloy yung relationship or makipag break na. Siguro dahil ito sa pagiging Virgo ko. I always weigh kung worth pa ba ang mga bagay bagay. Honestly, di ko siya nakikita sa future ko. Maybe malabo pa kasi halos bago pa. Sa work naman, feeling ko I just doing it for the sake of my necessity. Yung tipong okay na na ganito lang sinasahod ko. At least napupunan ko yung mga pangngailangan ko at pangangailangan ng family ko. Naisip ko na talaga na lumipat or mag abroad para matupad ko yung mga pangarap ko. Still dito pa rin ako. Nasa gitna na ako ng adulthood and di ko pa rin alam kung saan ako pupunta. May mga plano ako sa buhay ko na akala ko tuloy tuloy lang pero may mga pagkakataon na maliligaw ka. Gusto ko na sumuko. Gusto ko na nang hayaan ang lahat na nang paghihirap ko. Pero ang hirap ding pabayaan na lang lahat. Gusto ko naman simulan yung mga plano na masasabi kong di ko pagsisihan yung tintatahak ko. Gusto ko makabili ng bahay. Gusto ko magkasasakyan. Gusto ko ng financial freedom. Gusto ko magkaroon ng sariling fashion line. Gusto kong mag travel na di mo iisipin yung gastos. Ayaw ko na sa ganito. Gusto ko nang umangat. Gusto ko naman makamit ko yung mga plano ko. Sa ngayon, napaka impossible ng lahat. Nakakalungkot man sabihin pero gusto ko nang lumaya.
0 notes
itssonnyday · 2 years
Text
July 24, 2022 Sunday
12:22 AM
It's been 7 days that nang maging official na kami ni Martin. I know I can say na this is for real. Not a long distance relationship. We meet trice bago ko masabi na kami na. He's just waiting and willing na ako na ang magsabi na kami na. I don't know I have this feeling na he's going to be with me for a very long time. I cannot tell what the future is, since never pa ako nakipag away sa kanya. I think we are both matured na. He's nice and I think na di niya ako magagawang lokohin. I feel the trust to him. Knowing na I did something na ikakalungkot niya at ikakagalit niya. This should be in this platform at ito lang ang makakaalam. I cheated on him bago ko pa siya sagutin. Gusto ko lang i-compare kung in the end siya yung pipiliin ko. I was in the same dilemma na una meron isang guy na nakilala ko sa Bumble na ready na to settle at nag take ng risk to start a relationship with me. I got greedy. I look for someone to compare and I meet Mac. He is my TOTGA but he teach me to be wise and choose what is better for you nung panahong pinagtabuyan niya ako ng 2 beses. I learned na di lang sapat yung kilig na binibigay sayo kundi yung mga bagay na nakikitaan mo ng future. Yung tipong di mo pagsasayangan. Well, I meet Ken. He's nice and charming. Na meet ko din siya sa Litmatch. Napapakilig niya ako gabi-gabi kaya puyat ako sa work. I was chatting with him for almost 2 weeks din. Iniisip ko na gusto ko pa sana siya kitain ng July 30 pero naisip ko na baka kapag nag meet kami, babalik ako sa dilemma na kung mas pipiliin ko ba yung kilig or yung taong nakikitaan mo ng future. It doesn't mean na future dahil may capability siya with it comes to finances, I mean nakikita ko na this relationship will long for years. Nakita ko yun kay Martin. He's been with me for 5 months and I finally said that it is official nung July 17. Nasa park kami malapit sa mind museum and I am so happy. We always watch movie that we like. And he always respect me kung anong maging desisyon ko. We always come up in a decision na we agreed on na di umaabot ng argument. He value my time. But he always maaga natutulog kasi nga maaga pasok niya kinabukasan. He's very nice to me and lumabas pagka sweet niya nung naging kami. Feeling ko matagal na niyang pinipigil yun kasi nga di pa klaro sa kanya untill I asked him if kami na ba. I feel so at peace kumbaga. He's not the guy na gwapo, macho or masculine na guy, which is standards ko sa isang boyfriend. But love is love. Love will tell you who is the person that you can choose to love and choose to stay. Di siya romantic but we understand each other. Finally, I am proud to say na di ako single forever. 😂😂😂 I wish he's my forever 🥰
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
itssonnyday · 2 years
Text
May 31, 2022
12:00 AM
Am I ready to be in a relationship?
This is the question I always ask. I think he's someone that I can be with. Someone who can I call my boyfriend. I am still clueless if he really wanna be with me. Sometimes, I tend to be like a friend to him and we are so sweet like lovers. I wanna enjoy that sweet moments through chat. I wanna feel the same thing if we meet but I felt like there are still boundaries. We are almost talking for months and I don't know if we are ending up as lovers or friends. No matter what, it's now or never. If he ask me or ask him what we are, this will be yes to me. I don't have any pressure. I feel free and flow like a water in the river. I wanna be with him. I hope this is love. I hope this is it.
Tumblr media
0 notes
itssonnyday · 2 years
Text
May 24, 2022
1:14 am
A letter for Matin
Hello! It's more than 3 months na rin tayong nagkakausap at 2 times na din tayong nagkikita. Di ko alam kung ano na ang magiging daloy nito. Minsan sweet ka pero in person joker ka. Di ko alam kung sigurado na ba ako. Sa ngayon, napakahirap. Di naman ikaw yung taong pasok sa standards ko pero napapasaya mo ako. Di ka naman yung tipo ng tao na kayang ipagmalaki pero kuntento na ako. Iniisip ko kung ano man ang magiging reaksyon ng family or kaibigan ko kung ikaw ang magiging official na boyfriend ko. Alam ko sa sarili ko na di pa ako handa pero bahala na kasi, dadating din sa punto na di mo makokontrol ang lahat. Yung opinion ng iba. Yung panghuhusga ng pamilya mo. Pero alam ko sa sarili ko na wala akong pake. Ngayon, parang nakasakal pa rin ako sa kung ano ang sasabihin ng iba, pero wala naman akong magagawa kung ano ang sabihin nila kasi desidido na ako na maging boyfriend ka kung tatanungin man niya ako. May pagkakataong nagdadalawang isip ako. Pero isinasantabi ko yun kasi masaya akong kasama ka. Sa lahat ng nakilala ko, ikaw yung taong kaya akong tanggapin. Sana tama yung desisyon kong piliin ka. Pero hihintayin ko muna na tanungin mo ako at di ako magaatubiling, oo yung sagot ko. Sana ikaw na nga.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
itssonnyday · 2 years
Text
May 16, 2022
6:25 PM
Right now watching Euphoria. And realizing what I missed way back high school. I wish na experience ko din maging rebellious. I never hard a rebellious phase but I think I want to. Always thinking twice if I am doing the right thing. But I wanna be loud and fearless. I wanna be bold and careless. I wanna be the person I wanna be.
0 notes
itssonnyday · 2 years
Text
February 11, 2022
11:11 pm
Sa ngayon, andaming mga nangyayari sa buhay ko. Daming nagbabago. Mabuti or di mabuti, walang permanent. Iniisip ko nga na sa takbo ng buhay ko parang sobrang daming turns ang ginagawa ko sa 4 years na nagwowork after graduation. Walang tamang direction. May mga plano pero di natutupad. Tama ba yunh ginagawa ko na nacocompromise yung mga pangarap ko para lang maka survive ako sa buhay. Makapagbigay ng mga pangangailangan ng mga taong nakadepende sakin. Lalo na si Mama at yung bunso kong kapatid. Sa totoo lng kungtutuusin di ko naman obligation yun. Dapat ngayon okay na ang lahat. Dapat sarili ko na lang iniisip ko. May sariling bahay or condo. Hindi kapos ang pera. Dadating din yung panahon ko. Libre lang naman mangarap eh. Fighting!
0 notes
itssonnyday · 2 years
Text
January 28, 2022 1:31 PM
I hate myself. I hate myself of being insecure of others success. I hate the way na yung ibang tao na nakakaranas at nakakatanggap ng mga bagay bagay knowing na di naman nila deserve. Diba sobrang pathetic ko. Sobrang nakakainis kasi sobra akong naiinggit. Knowing na indenial ako na masaya ako. Masaya ako sa kanila pero di ako masaya sa sarili ko kasi yung mga bagay na meron sila is wala din ako. Nakita na ng bestfriend ko yung taong nakikita niya sa future. Yung isa kong kaibigan nakakatanggap ng mga bagay bagay kahit at the end of the day she is taking that for granted. Masyado na ba akong mainggitin? Ayaw ko neto kasi I always always think na deserve ko naman mga bagay bagay bakit di naman nag mamanifest sakin. Di ko alam kung anong nagpapsaya sakin. Di ko na alam. Family ba?friends? Material things? Di ko na alam kasi naiisip ko kahit anong gawin ko nagmumuka ako maliit. Yung iba napakalayo na nang nararating. Naiinis ako. Gusto ko na lumaya sa inggit. Gusto ko nang lumaya sa comparison. Envy is everywhere. Mas gusto ko na lang maging numb at mawalan ng pangarap para di na ako maiinggit. Sobrang naiinis ako sa sarili ko.
0 notes
itssonnyday · 2 years
Text
January 9, 2022
I will never forget this date.
This is my come out day! 🏳️‍🌈
I am so happy that I got my validation with my Mom na tanggap niya sexuality ko. I was so afraid na baka di niya ako tanggap. I am happy. We got into tears and we hug. I am so happy.
Sabi niya gusto niya ako maging masaya. Ayaw niya lang daw ako masaktan. I am happy. Genuinely happy. It's finally whole. I don't care what other people say. As long as my Mom is happy for me.
Best day of my life!
#comingout #Iamgay
0 notes
itssonnyday · 2 years
Text
January 8, 2022
Today is Saturday and I should have plans today. Manonood sana ako ng sine kasama yung mga friends ko pero WALA AKONG PERA. Wala na nang pera may utang pa. Itong mga to naman walang pakiramdam na ayaw ko kasi wala akong pera. Mas gusto ko pang manood ng Netflix kesa naman gumasta na naman sa luho. Yoko na!
Haist. Ewan ko ba?
0 notes
itssonnyday · 2 years
Text
1/2/2022
HAPPY NEW YEAR! 🎆
Another year of life. Another year of mid-life crisis.
I am turning 25 this year and hindi ito yung inexpect kong plano sa buhay ko. Di ko na anticipate yung responsibilities sa bahay and also sa family. Sobrang iniisip ko na wala akong na achieve ngayong taon. Pero this is life. Dadating ka din sa punto na mas ma appreciate mo yung buhay mo ngayon. Siguro yun lang siguro yung dapat kong isipin moving forward.
Last year, meron naman akong na achieve. Nakapunta na ako sa Boracay which is number 1 sa bucket list na gusto ko puntahan. Di na rin masama ang 2021 kumpara nung 2020 na wala ka talagang magawa dahil nag pandemic.
This year siguro, di ko na pipilitin sarili ko na pumasok sa romantic relationship. Alam ko naman na sa puntong ito gusto ko lang ng taong magbibigay ng kilig at saya kahit temporary lang. Pero iniisip ko na nagsasayang ako ng oras sa ganun. Ngayon nasa punto ako ng buhay ko na binibuild up ko yung career ko. Kahit di ko gusto ipagpapatuloy ko siya. Pero di pa rin mawawala yung pangarap mo.
Di ako magsasawang tuparin yung pangarap kong maging fashion designer. Sa ngayon, ayaw ko muna mag fail bilang anak sa di pag tanaw ng utang ng loob sa mama ko. God has the right timing for me.
Welcome 2022 🎆 Hope this year will be the greatest year of my life.
1 note · View note
itssonnyday · 2 years
Text
12/21/2021
4 days before Christmas and 10 days before New Year, nag expect ako magkaroon seryosong relasyon. Yung tipong kaya mong i-declare kung kahit sino yung jowa mo. Yung tipong wala kang pake alam sa mga sasabihin ng iba. I know na masyado pa akong immature at takot pa ako magjump into serious and intimate relationship. Pero gusto ko ma-feel yung kilig. Gusto ko maranasan yung feeling na may jowa ka. Alam ko na I am so idealistic at masyado pa rin akong umaasa sa fairytale like na love story.
Sa picture na to I used to date people and I met him in Bumble. He is nice and he is into serious relationship. But di ko pwede ipilit sa sarili ko na gusto ko siya. Di kami nag click. He is Allan and thank u next. We dated and I enjoyed it. At siya lang nakadate ko ngayong taon. Di ko alam kung bakit masyado akong pressured na magkajowa. Siguro ba dahil yung bestfriend ko is magkakajowa na at gusto ko rin magkajowa. Naiingit ako dahil sobrang flexed nya sa guy. Kesyo na engineer or kesyo na may motor at ma effort. Yun kasi yung ideal guy ko. Pero that's never gonna happened. Siguro I have to accept the fact na wala naman talagang magkakagusto sakin. I felt the kilig just once na nagsabi sakin in person na gusto niya ako and that's Mac. Kahit at the end of the day na hindi naman ganun niya ako ka gusto.
And also yung previously na nakadate ko, may jowa na siya. Si Loven. Naka-date niya pa jowa niya sa Tagaytay. I am so envious. So much insecurity sa balat ko. Pero at the end of the day, wala naman mawawala yung inggit na yan. I am so coward and not confident sa kung anong meron ako. Aminado naman ako sa sarili ko.
I feel so desperate but coward. Gustong lumandi pero ayaw ng seryosong relasyon. I am so pathetic. I think the best option is to be happy being single. Siguro iwasan ko na din yung panonood ng Kdramas at love stories. Just being happy bilang ako. Dadating naman yung panahon na may tao talagang papasok sa buhay mo na handang mahalin ka at sa oras na yun ay handa at prepared ka na pumasok sa seryosong relasyon.
Tumblr media
0 notes
itssonnyday · 3 years
Text
10/11/2021
Tangina mo David Gallardo🖕🖕🖕
Di ko man masabi sayo to in person pero dito masasabi ko sayo kasi tangina mo! Kupal kang hinayupak ka! Napaka kupal mo!
Nung una pa lang sinasabi ko na talaga na kupal ka talaga. Oo di ako naniwala nung una kasi alam ko na di ako judgemental na tao. Pero ngayon hayop kang kupal ka, kilala na kita. Ma-bias kang hinayupak ka. Pinapaburan mo yung mga taong trip mong paburan. Tangina ka! Tapos kapag nangangagat sayo yung tao di mo gagawin yung trabaho makaganti ka lang. Wala kang incentives kasi nga kupal ka. Madaming complain yung mga ahente mo kasi tamad ka at pabaya. Sana kasi ginagawa mo ng maayos trabaho mo. Di ko lang masabi sa survey na di ka transparent at pabaya kang hinayupak ka. Sana natutuwa ka ngayon na kapag di ka nakaka incentives sa amin mo binubuntong. Ayaw ko na ma stress sa kakaisip ng dispute na yan! Madami ka nang strike sa akin tangina ka! Di ko alam kung bakit ka ganyan. Di ko rin alam kung saan ka dadalhin ng kakupalan mo. Ina ka! 🖕🖕🖕🤬🤬🤬🤬🤬
0 notes
itssonnyday · 3 years
Text
10/23/2021 7:05 PM
Nagkajowa nga pero di naman naging contented pero nung naging single naghanap ng jowa. Di ko rin sa sarili ko kasi napakataas ng standards ko. Minsan iniisip ko kung magkakajowa ba ulit ako. Yung tipong maipagmamalaki ko tapos di ako takot na ipakilala sa lahat. Alam ko na napakalaki ng judgement ng tao pero naisip ko sa sarili ko na nananatili pa rin ako sa kung anong sasabihin ng iba. Sa ngayon siguro medyo mahirap pero soon matatanggap din nila.
Ano ba talaga yung tipo ko sa lalaki?
1. Masculine or kahit may konting effem
2. Cute or may itchura, plus points kapag gwapo talaga at yummy.
3. Mas matangkad sakin.
4. May pangarap sa buhay, may trabaho
5. Mapagmahal sa pamilya
6. Mabait at makulit
7. Christian
Siguro hangang dyan lang talaga yung standards ko. Never mangyayari sakin na makakahanap ko nang taong katulad niyan. Mr. Perfect kumbaga. Well, in reality di na baleng mamemeet ng tao yung standards mo as long as na tinamaan ka. Masaya magkajowa pero kung andami mong priorities at kinoconsider baka di na talaga ako magkajowa. Pero I don't care, as long as I live my life. Keber na magkajowa pero sana sa right time kung dadating man siya sana pasok sa lahat ng standards ko. Hahahaha
Well, masyado pa talaga akong immature. Di ko alam kung may tatanggap pa sa akin.
#Jowa #InYourDreams #MrPerfect #Standards #Virgo
1 note · View note
itssonnyday · 3 years
Text
10/11/21
Ano bang gusto ko talaga? Yung taong nandyan na at gusto kang mahalin or yung taong laman ng pantasya mo pero hangang pantasya mo na lang. Kahapon nakipag break na ako kay Percy. I don't know bakit nakipag hiwalay ako. Ayoko kasi ng may iniisip akong tao na feeling ko magiging burden lang sakin. Oo masama na ugali ko pero gusto kong makamit ko muna yung pangarap ko at makamit ko rin yung panagarap kong lalaki na mamahalin ko. Napakahirap kasi na dalawa sila kailangan mong isipin. Gusto ko muna isipin yung sarili ko tapos yung iba na. Haist. Ewan ko ba? Siguro tama na rin yun siguro. At least naranasan kong magkajowa. Di ko alam kung tama ba yung nakipag break ako sa kanya. Pero bahala na ito na to. Single na ulit. Haist.
0 notes
itssonnyday · 3 years
Text
09/19/1997
Happy Birthday Self!
I am 24 now and so far I am happy. I appreciate the blessings thr Lord provided to me. Let's get back what happened when I was 23. Firstly, nalipat ako sa ibang account and it seems like a blessing to me. Kasi pang umaga, incentives wise malaki magbigay and nice people so far. Nag start na kami magpagawa ng bahay and I pray na matapos na ito next year. I get insurance with investment. And soon sana makapag withdraw na ako after 10 years. And lastly, I have my officially so called boyfriend. He is kind and so understanding. There's so much to be thankful for. And everything is a blessing. Good health, provision for food and necessity. What I can say is that I am grateful of what I had last year and this year, I hope it would be better and exciting. 😊😊💖 Happiest Birthday Self. You've been you great and be greater moving forward. ☺️🎉🎂
0 notes