Tumgik
hinagpisngmakata · 2 years
Text
Pananaw
Ikaw ay tumingin sa lansangan Tignan ang lantarang kahirapan. Magnanakaw ay nasa posisyon, Kinalimutan ang obligasyon.   Ang buhay sana ay masagana, Kung tahimik ang mga buwaya. Tayo ay mananahimik na lang? O kaya magbubulag-bulagan?   Mga problema sa kahirapan, Ay hindi na masusulusyunan. Nakakasakal na ang sistema Tila ba’y hinahayaan na lang.   Pangarap lamang kasaganaan, Pagbigyan, kahit sandali lamang. Huwag, ‘wag na magbulag-bulagan. Sa sistemang ‘di maaagapan.
1 note · View note