Tumgik
Text
01. 22. 2018
Tropa. Mas okay daw ako na tropa kesa girlfriend. Nahurt na naman ako. 💔 Bat ko ba kasi naisipang tanong yun. Eh kasi nararamdaman ko naman na parang tropa lang tingin nya sakin. Kaya natanong ko to confirm at totoo nga. Well actually ganun din tingin ko sa kanya, mejo? Pero since ganun pala tingin nya sakin.. ede ganun ko nalang din sya titignan. Ayaw ko namang magmukha na ako pa yung maghahabol or manunuyo. Basta bahala na. Go with the flow na lang. Hahahahaha
At ano bang problema ni first crush at chat ng chat. Paramdam ng paramdam pero lagi namang nawawala. Saka may gf naman sya. Saya saya nga nya dun eh. Pero ano kayang prob?? Hmmmmm
Iniisip ko palang yung defense sobrang kinakabahan na ako. Siguro kelangan ko na talagang simulan at aralin mabuti. Jusko dinadalangin ko talaga na maging successful lahat ng gagawin ko sa January at Feb. At Lord please, pagraduatin nyo po ako this May. Hayyy
0 notes
Text
01. 21. 2018
Nung umaga sobrang inis na inis ako kasi nagiging responsible lang naman ako pero parang dami nilang sinasabi tungkol sakin. Eh di naman din madali tong ginagawa ko. Hayyy.
Nagpa auditions na kami. Kala ko super dami mag aauditions pero same faces nakita ko. Kung may bago onti lang talaga. Pero atleast naka 9 contestants kami for PGT. Okay na ako don pero gusto ko pa sanang dagdagan.
Pinuntahan nya ako sa Plaza, di ko alam kinikilig ako na ewan. Gusto ko maging cold pero di ko mapigilan waaaah
0 notes
Text
01. 20. 2018
8-11 ang class ko pero malilipat ako sa 3-6. Pero ang alam ko next week pa magtatake effect yung changes pero di ko alam kung anong pumasok sa isip ko kaya pumasok ako sa 3-6. Kaso ang ending walang prof.
Sobrang nagtitipid ako ng pamasahe. Pero dahil sa kawalangyaan ng isang tao, sayang yung pagtitipid ko, paglalakad sa ilalim ng araw. Hayop na yun. Malaman ko lang talaga kung sino ka.
At ayun, ilang araw pagkatapos mong umalis, heto ka na at bumabalik. Gulong gulo yung isipan ko. Kung tatanggapin kita. Namiss kita. Di ko alam kung namiss ba talaga kita o namiss ko lang na may kausap. Di ko din alam kung tatanggapin pa kita. Parang wala na kasi ako masyadong nararamdaman, sa totoo lang 70% move on na siguro ganun? Nag emote lang ako pero parang okay naman na ako. Kasi naniniwala ako na may better pa. Ay di ko alam siguro go with the flow na lang. Kung umalis ka ulit ede bahala ka. Di na ako 100% magseseryoso siguro. Pag di rin 100% yung sakit pag iniwan mo ko ulit.
Auditions na bukas. Sobrang excited ako na kinakabahan. Excited dahil gusto ko na mapanood mga mag aaudition. At the same time kinakabahan na baka walang mag audition. Or onti lang ganun. Wag naman sana. Wish me luck Lord!
0 notes
Text
SVT RANK (1/19/2018)
1. Mr.Where’s-Your-Tag
- He is my ultimate bias. Sobrang pogi, kahit mej dark. Kahit anong hair nya sobrang love na love ko sya. Ang galing nya magluto. Parang ang sipag sipag nya, at parang mabuti din syang anak lol. Sobrang manly nya!!! Ang tangkad nya. Basta sobrang bias ko talaga sya. Di na ata mababago. 💖
2. Wonuuu
- Bias wrecker!!! Bias ko si Mingyu pero lagi akong napapasigaw ng “Ang pogi ni Wonwoo” hahahaha sobrang hottie kasi nya tas effortless. Di sya nagmamake face, as in straight face pero sobrang pogi at lakas ng dating. Tahimik pero funny sya nang di sinasadya. Hahahahaha
3. 10:10
- Ang cute nyang tao!!! Pero pag sumasayaw sya parang nagtatransform sya. Tas ang galing din nya kumanta kahit popo team sya. Ang galing ng choreo ng SVT, and he’s one of the main reasons kung bakit ganun. At sobrang cool nyang tao, pero kaya nya ring maging cutie. Nakakainis lang dapat pinag aaegyo din sya!!! HAHAHA
4. Seok
- sobrang napopogian ako sa kanya kasi ang ganda ng ilong nya, tas ang cool ng nunal hahahaha ang qt. Plus yung humor nya sobrang grabe. Sobrang natural hahahaha lagi nya ko napapatawa. Tas yung vocals nya grabe sobrang linis. One of the best vocals for meee ☺️
5. Seungcheol
- onti onti ko nang naaappreciate na sobrang pogi talaga nya. Ang lakas ng dating nya lalo na pag nagrarap plus ang galing nya as a leader. Feeling ko ang effective nya.
6. Prince
- ang pogiiii huhu tho di sya sobrang manly pero sobrang love lo yung eyes nya. Sobrang attractive. Tas ang ganda ng English accent nyaaaa. Sana kumanta sya ng english sobrang bet yun talagaaa :(( tahimik din sya pero pag natapat spotlight sa kanya nakakatuwa at nakakatawa sya hahaha
7. Jejudo
- dati isa sya sa mga pinakalast pero dahil sa Idol Masked Singer umangat na sya ng bongga. Grabe yung humor ni Kimbap Kidding!!! Wala syang paki sa looks nya basta mapatawa lng mga tao hahahaha sobrang saya ng vibes lagi ng sebongs, at isa sya sa mga dahilan kung bakit ganun. Love ko din yung interaction nila ni Vernon 💖
8. Uji
- Sobrang love ko lahaaaat ng songs ng SVT and sywmpre isa sya sa mga dahilan kung bakit maganda ang mga yun. Ang cute cute nyang tao pero as a producer scary sya pero sobrang cool nya naman tignan. Parang goooosh sobrabg galing mo :( plus yung vocals nyaa lalo na sa habit. I remember nubg concert grabe yung boses nya sa loob ng arena huhuhu plussss sobrang galing nya sumayaw!!!! Nasa yo na lahat beh
9. Jun
- dahil sobrang pogi ng mukha nya. Nagvavary lang peg nya dahil sa hair. Sobrang cool nya nung nagpianoooo huhuhu
10. Jeonghan
- pogi sya lalo na sa MAMA pero huhu mej mababa na sya dahil umangat yung iba hahahaha i still love eomma
11. Vernon
- sobrang tahimik na nya minsan na di ko na mafeel presence nyaaa. Pero sobrang seryoso nya pag nagsusulat ng lyrics or practice. Parang cinacareer nya talagaaa
12. The8
13. Dino
0 notes
Text
Muntik nang maging TAYO
Muntik na talaga. Kulang na lang ay ligawan mo ko (officially), at sagutin kita (officially).
Ang dami nating plano. In a short span of time, ang dami na nating naplano. Archery, boxing, baril baril, seafoods, tambay sa beach, inom together, etc. And I was really looking forward to that. Pinag-uusapan pa lang natin naiimagine ko na kung gano tayo kasayang dalawa. Tamang oras, at pera lang talaga yung hinihintay.
Ang dami na nating napagkwentuhan. Mga pinagdaanan mo, mga pinagdaanan ko. Nalaman na natin. Mas nakilala natin yung isa’t isa. At naniwala ako na kilala na talaga kita. Naniwala ako na sobrang mabuti kang tao, na ikaw na ang pinaka matinong lalaking para sakin, na hinding hindi mo kayang magloko.. at hinding hindi mo ko kayang iwan.
Ang saya saya ko nung kasama kita. Marami akong nakasamang lumabas, pero sayo ako pinaka naging komportable. Wala naman kasi sayo kung boyish ako, o makulit o ano. Basta ang gaan ng pakiramdam ko. Parang ang tagal tagal na nating magkakilala. Kala mo ilang beses na tayong lumalabas sa sobrabg komportable natin sa isa’t isa. Sobrang lambing mo sakin, sobra mo kong inaasikaso. Sobrang tuwang tuwa ako. Tinatrato mo kong prinsesa kahit wala sa itsura ko. Kaya naman sobrang miss na miss kita agad nung paguwi. Hanggang sa mga sumunod na araw, sobrang miss na miss kita.
Pero isang araw, bigla na lang nag-iba yung ihip ng hangin. Narealize mo na lang na hindi ka pa ready pumasok ulit sa relationship. Sakit. Di ko inexpect. Sobrang sakit. Sa mga messages mo, wala akong maramdamang sincerity. Di ko maramdaman na nagsosorry ka talaga. May salitang sorry pero walang emosyon na lumalabas sa mga sinasabi mo. May pasabi sabi ka pa na “Siguro hintayin nalang kita after grad mo kung pwede ka pa”. Bakit may salitang “siguro”? Hindi ka sure? Hmmm parang maisipan lang. Sa pananalita mo hindi nanggagaling sa puso mo yung sinasabi mo. Wala akong maramdaman na sincerity o seriousness.
Sampal sa akin to. Kasi pinagmalaki pa kita sa ex ko. Pinagmalaki pa kita sa mga lalaking nang-iwan sakin na masaya na ako dahil sayo, pero tulad ka din nila! Wala kayong pinagkaiba. Oo, mas malala ginawa nila. Pero pare parehas lang kayo na umiwan sakin, at pinaglaruan yung feelings ko. Ni onting konsensya ba wala kayo? Ni kaunting awa? Na kahit alam nyong down na yung tao eh wala kayong pakielam kaya gagawa pa kayo ng ibang dahilan para lalo syang madown?
Grabeng buhay naman to. 💔
Napapaisip ako ngayon, na sa lahat ba ng sinabi mo sakin, may seryoso ba don kahit isa? May totoo ba don kahit isa? Sa dami ng i love you mo, ni onting love ba wala talaga? 😞
Kamusta naman? Kamusta naman na nakikitang asang asa at paniwalang paniwala sayo yung tao? 😢
Ikaw yung dahilan kaya naniwala ako na may matino pang lalaki sa mundo. Ikaw yung dahilan kaya naniwala akong may handa pang magmahal sakin ng totoo. Ikaw yung dahilan kaya naniwala akong magiging masaya na din ako. Ikaw yung dahilan kaya nabuhay ulit yung puso ko.
Pero ikaw din yung dahilan kaya di na ako naniniwala na may matino pang lalaki sa mundo. Ikaw din yung dahilan kaya naniniwala akong wala nang magmamahal sakin ng totoo. Ikaw din yung dahilan kung bakit sobra akong nalulungkot. Ikaw din yung dahilan kung bakit namamatay na yung puso ko. 💔
Muntik nang maging tayo. Pero wala akong pinagsisisihan. Nagpapasalamat ako na hindi na nangyari yun. Nagpapasalamat ako na hindi na hinayaan ni Lord na paglaruan pa ako lalo at nang mas matagal. Sya na gumawa ng paraan para hindi na ako masaktan lalo.
Muntik nang maging tayo, pero buti na lang hindi.
0 notes
Text
01. 18. 2018
I thought it’s going to be an ordinary day. Kala ko magsosorry ka na, susuyuin mo ako.. at marerealize mo yung mali mo. Pero iba pala yung narealize mo. Narealize mo na “hindi ka pa ready pumasok ulit sa relationship”. Ito yung masakit everytime, na alam kong it’s not my mistake o failure, o shortcoming, pero whatever reason it is, ako pa rin yung kawawa. Ako yung iniiwan nang hindi ko kasalanan. No matter how much I want him to stay, wala akong magagawa kasi it’s his decision. Hindi ako yung mali, he is. Ang hirap kasi I can’t even blame myself for losing someone I loved. Wala man lang akong mapagsisihan kasi wala naman akong kasalanan at all, or pagkukulang. Maybe it’s just I’ll never be enough to make someone stay with me, stay in my life, forever or even a long period of time. No matter how much I try to be beautiful, funny, sweet, caring and loving, they still go. I’m tired of chasing people, asking them to stay. Hindi ba pwedeng kusa nalang nilang gawin yun? If you love the person, you’ll stay right, like what I do with them. They aren’t perfect as well, they have bigger and more imperfections than I do. But I always still choose to stay. Pero sila hindi. Di ko alam kung talagang marami lang reason to leave me, o sadyang magaling silang mag-isip ng maraming reason. I know how to love. I definitely know it. And I do, always. Pero how to be loved? Sincerely, definitely, completely, unconditionally...
I hope someday I’ll know the answer.
I super miss you man. Pero maybe this is really the end for us. I hope it’s still not.
0 notes
Photo
Tumblr media
0 notes
Text
01. 17. 2018.
I am happy. I am now officially enrolled on my last sem in college. I feel happy, just happy. I want to leave the school as soon as possible. I had more bad memories than good ones. Gusto ko na lumabas sa school na to. Kung saan mas totoo ang mga tao.
I am sad. This is the first time we had an argument.. or more like tampuhan. I don’t know kung bakit, pero may times talaga na linalamon ako ng insecurities ko sa katawan. Pag napapatingin ako sa ibang babae, napapaisip ako “Bakit ang ganda nya? Bakit ako hindi?”. Sa tingin ko mabait naman ako pero bakit hindi ako blessed sa looks. Kahit naman sabihin natin na hindi tayo minamahal dahil sa panlabas na anyo, pero I believe malaking factor pa din yon. And yun nga, naiinsecure ako. Nanliliit ako. Sa yo lang ako nag oopen up. Kala ko maiintindihan mo ko. Kala ko ichecheer up mo ko. Pero inignore mo lang ako na parang wala lang. Tinulugan mo ako na parang wala lang. Kala ko di mo ko matitiis. Yung hindi ka makakatulog kakaisip na nagtatampo ako. Pero hindi eh, himbing ng tulog mo agad. Naiintindihan ko, pagod ka. Pero ako, 3am na ako nakakatulog pero nag aalarm ako 6 para lang batiin ka ng good morning, malambing kita agad. Pero sabagay, hindi mo naman hiningi yun eh. Hindi mo naman sinabing gawin ko yun. Kusa ko yung ginawa. Ang sakit lang. Kasi lagi na lang ako yung mas nagbibigay sa relationship. Kailan ko ba mararanasan yung ako naman yung makakaramdam na sobrang mahal na mahal ako. 😢 Hindi naman ako masamang tao, hindi naman ako walang kwenta.. yun nga lang, hindi ako maganda. Kaya baka ganun.
I am sad. Kasi hanggang dulo, option pa rin ako as a friend. Ichachat o itetext ka pag walang kasama o kailangan ka. Pero pag may kasama ng iba, hindi ka na kailangan. Bahala ka na sa buhay mo. Hindi nacheck cellphone? 10 text messages na ako oh. 1 hr ba magcheck ng phone? Bago dumating yang mga sinasabi mong kaibigan mo, ako yung nandito para sayo. 😢
Bakit ba ang malas ko sa lovelife at mga kaibigan? Ano bang mali sakin? 😢 Ano bang dapat kong gawin? 😞 Kailan ba ko magiging masaya?
Kala ko magiging masaya na ako. Pero di pa rin pala ata. Dahil tulad ka din pala ata ng iba. 😓 Magaling pag okay kayo, pero pag may problema na, wala ka na. 💔
Lord ikaw na bahala sakin. 😞
0 notes