Tumgik
gelanstp · 4 years
Text
Salamat Po! 😊
Salamat sa lahat ng sumubaybay sa unang series ng aking blog ❤ sana ay tutukan niyo pa ang mga blogs ko na puno ng impormasyon at kaalaman 😊 Masaya ang naging karanasan ko sa kung paano mapalangagaan, paano mabigyan ng pansin, at paano maging handa sa mga kalamidad at mga panganib. Sana kayo rin ay maging aware sa komunidad niyo upang maging handa at makatulong sa mga taong nariyan upang maging maayos ang isang komunidad 😁 Sana ay marami kayong natutunan at ang tangin hiling ko lang ay maayos ang aming “Halang Creek” upang maging maayos ang aming komunidad at walang maging pagbaha na nakakasagabal sa pamumuhay ng mga tao rito 😊 Kung mayron rin kayong gustong gawin para sa komunidad niyo ay wag na wag kayong mahihiyang makipag kwentuhan at kausapin ang inyong mga barangay officials, ayun lamang guys 😍
0 notes
gelanstp · 4 years
Audio
Audio Interview w/ Sir Jun 😊
0 notes
gelanstp · 4 years
Text
Community Walk Blog #2
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Eto nga pala ang mga lugar na binigyan ko ng pansin sa aking paglalakad kasama ang aking lola 😊, Sa mga unang litrato ay makikita ang magagandang tanawin  sa aming park, napili ko na maglakad lakad dito dahil eto yung lugar kung saan laging may tao at eto yugn masasabi ko ng "safest place" sa aming komunidad dito naglalaro ang mga bata at nagpapahinga ang ilang mga pedicab driver sa aming lugar, pero sa pang-apat na litrato makikita niyo na pinicturan ko ang aming creek, na kung tawagin ay "Halang Creek", isinama ko siya sa aking blog kasi nakikita ko ang Halang Creek bilang isang hazardous place, bakit? dahil marami kasing nadudulot ito na pinsala o panganib sa mga tao, una ay ang amoy nito na umaalingasaw lalo na pag gabi, para kasi siyang tubig na naimbak kaya namamaho, pangalawa ay ang pagiging dahilan ng pag baha, lalo na sa lugar namin dahil pag umapaw na ito ay maduming baha na ang umaagos sa lugar namin, at pangatlo ay ang kawalan ng harang lalo na at ito ay nasa tabi ng park, baka mamaya ay may mahulog o madisgrasya. Para sa akin ito ang mga napuna at gusto kong bigyan ng pansin sa aming komunidad.
0 notes
gelanstp · 4 years
Text
Community Walk Blog #1
youtube
Masaya ang naging community walk ko kasama ang aking lola kasi nagkaroon kami ng pagkakataon na mas lalong ma-appreciate yung magandang tanawin ng aming park ^_^ Maganda rin pala na minsan sa isang linggo ay magbigay kayo ng oras para maglakad lakad sa komunidad niyo para mas lalo niyong malaman yung kagandahan nito at syempre para mas makasalamuha kayo ng maraming tao ^_^
0 notes
gelanstp · 4 years
Text
Kwentuhan Blog #3
Masaya at puno ng tawanan ang naging kwentuhan namin dahil nakausap ko rin ang ilang mga Barangay officials ng Brgy. Muzon. Pati nga ako ay nainterview nila tungkol sa aking pag-aaral sa UST, pero ayos lang dahil masaya ako na nakilala ko ang mga taong patuloy na nag gagabay, nagpo-protekta at tumutulong sa komunidad upang maging maayos at walang maging pinsala lalo na sa mga panahon ng kalamidad at panganib. Kagaya ng ng sabi sa isang kasabihan sa ingles "Without labor, nothing prospers", kung wala ang mga taong aking nakasalamuha, ang komunidad natin ay hinidi uunlad at patuloy na lalaganap ang panganib, kaya dapat natin ding pahalagahan ang mga taong ito at pasalamatan sila sa mga bagay na kanilang ginagawa para sa atin ^_^
0 notes
gelanstp · 4 years
Text
Kwentuhan Blog #2
Hello guys! Grabe buti nalang at mabait si Sir Jun kahit na medyo madami ang mga tanong ko ay di parin siya nag alinlangan na bigyan ako ng mga kaalaman tungkol sa kung paano nila inaaksyunan and mga ganitong sakuna o panganib. Matapos namin mapagkwentuhan at matukoy yung mga sakuna o panganib na nanagyayari sa Brgy. Muzon ay napagusapan naman namin detalye ng mga ito. Una ay nakwento ni Sir Jun na ang pagbaha ay mas nangayayari sa Italia (isang subdivision sa Brgy. Muzon) dahil doon umaagos ang tubig, nakwento rin ni Sir Jun na sa tuwing may mga panganib ay agad silang rumerespunde lalo na pag may mga riot o gulo ng mga kabataan. Sabi niya ay tatlo sa mga kabataang ito ay naikulong na dahil sa mga napipinsala nito, nag sagawa naman daw sila ng Curfew Hours kung saan pagsapit ng 10:00pm ay huhulihin o sisitahin na ang mga minor de edad na pagala-gala parin sa kalye ng Brgy. Muzon, at maging sa ibang mga barangay. Kapag naman nagkakaroon ng kalamidad o sakuna ay labis na naapektuhan ang ilang mga mamamayan ng Muzon kaya ginagawan ng paraan ito ng mga Barangay officials kagaya ni Sir Jun. Nakwento niya na meron silang DTI "Negosyo Serbisyo sa Barangay" kung saan ay nagbibigay sila ng kabuhayan o panimula sa mga mamamayang hirap makabangon dahil sa pagkasalanta o kalamidad. Tinutulungan din nina Sir Jun ang mga mamamayang nasiraan ng bahay sa pamamagitan ng pag bigay ng mga materyales na kanilang magagamit sa pag ayos at pagbuo muli ng kanilang bahay. Nagiging hadlang man daw minsan ang pagkadelay ng mga tulong dahil sa malayo ang Brgy. Muzon, ngunit sinisiguro parin nina Sir Jun na matutulungan ang lahat at mabibigyan sila ng mga relief goods pag mayroong sakuna. Natuwa rin ako sa sinabi ni Sir Jun na kahit maliit ang Brgy. Muzon ay napabilang parin ang barangay na ito sa may maayos na evacuation center lalo na pag may mga kalamidad. Naging maikli lamang ang aming kwentuhan dahil sa busy schedule nina Sir Jun, ay marami parin siyang naibahaging kaalaman para sating lahat ^_^
0 notes
gelanstp · 4 years
Text
Kwentuhan Blog #1
youtube
Hello guys! Naging maganda ang kwentuha namin ni Sir Jun kahit na nagmamadali dahil sa marami silang gagawin, malaki parin ang pasasalamat ko dahil pumayag siya na makakwentuhan namin siya at matanong tungkol sa "Pagtukoy sa mga Bantang Panganib". Si Sir Jun ay ang Chief of Peace and Order, hindi man siya ang BDRRMC Chief ay nagbahagi parin siya ng mga impormasyon dahil siya ang tumutulong kay Sir Michale ang BDRRMC Chief lalo na pag may kalamidad, sakuna, o panganib na nangyaayri sa komunidad. Unang naikwento ni Sir Jun ang mga kalamidad na nararanasan sa Brgy. Muzon, ilan sa mga rito ay ang bagyo, pagbaha, at landslide. Nagkakaroon ng landslide rito dahil mataas na lugar ang Brgy. Muzon, nagkakaroon din ng pagbaha dito sabi ni Sir Jun pero hindi naman daw sobrang taas. Pangalawa sa panganib ay ang mga gang o riot na nagaganap lalo na pag gabi. Ito ay sinisimulan ng ilang mga kabataan lalo na pag gabi kaya laging ginagawan ng aksyon ito nina Sir Jun upang hindi makapinsala sa ibang tao. Kalimitang nanngyayari ang mga ganitong panganib pag gabi samantalang ang mga pagbaha naman at landslide ay minsan lang mangyari lalo na pag malakas ang hagupit ng bagyo. Eto ang mga napagkwentuhan namin ni Sir Jun, marami pa siyang ibinahagi kaya tutok lang kayo sa iba ko pang mga blog ^_^
0 notes
gelanstp · 4 years
Photo
Tumblr media
Pamahalaang Barangay ng Muzon ^_^
Ayan nga ala yung picture ko sa labas ng Barangay hall bago ako maginterview <3
0 notes
gelanstp · 4 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Barangay Officials ng Barangay Muzon <3
Ta da!! ^_^ eto nga pala yung picture namin ng mga Barangay Officials sa Brgy. Muzon, nako di ko na nasuot yung NSTP shirt ko :( after ko kasi magchurch saktong maraming nandoon sa Barangay Hall ng Muzon kaya masaya akong doon ako nakapagkwentuhan kasama sila kahit medyo busy sila :( sayang nga eh kasi si Sir Michael Sinampaga (BDRRMC Chief) ay wala roon minsan daw kasi ay busy si Sir Michael Lalo na ngayong panahon na talamak ang pag-ulan at bagyo… pero nakakwentuhan ko naman si Sir Jun, kasi siya yung natulong and may alam rin sa mga panahon ng mga sakuna :) Photo #1 (left to right)- Sir Jun Salen (Chief of Peace and Order) & Sir Unzo Santos (Barangay Deputy) Photo #2 (left to right)- Ms. Diosa Singcuensico (Rescue Volunteer), Sir Fernando Oronce (Task Force Officer), Ms. Connie Masuba (Desk Officer), & Marilou Benitez (CCTV officer)
0 notes
gelanstp · 4 years
Text
BLOG #1
Hi guyss! ^_^
Syempre bago ko ikwento sa inyo yung mga naging karanasan at impormasyon na nakuha ko galing sa Barangay Official na nakakwentuhan ko ay gusto ko muna ipakilala sa inyo kung sinu-sino nga ba ang mga barangay official na naroon ng mga oras na yun. Nakakalungkot man na di sa mismong barangay ko ako nakapag interview dahil sa laging walang tao roon :( ay nakapag interview naman ako sa nagsilbing pangalawang tahanan ko… at ito ay ang Barangay Muzon, Rizal ^_^ 
0 notes
gelanstp · 4 years
Text
Introduction ^_^
Hello everyone!
Ako po si Angela Merce T. Sotto and maligayang pagbasa sa aking blog! <3 Isa po akong mag-aaral sa University of Santo Tomas sa College of Commerce - B.S Entrepreneurship. Kung nagtataka kayo kung ano ang blog na ito, gusto ko lang malaman niyo na ang blog na ito ay blog na puno ng impormasyon at mga aral na natutunan ko sa aking buhay at sa pakikisalamuha sa ibang mga tao. Ang blog din na ito ay patungkol sa Disaster Risk Management na dapat ay alam nating lahat lalo na sa panahon ngayon na puro sakuna at kalamidad, stay safe lang dapat tayo, and sana…... magustuhan niyo ang mga kwento ko! ^_^ 
1 note · View note