Tumgik
faithriesndpoet · 22 days
Text
Napag isipan kong maglinis ng kwarto ko. Wala eh, masyado na kasing madumi at hindi na sapat sa akin ang espasyo. Dati may kasama akong gumawa nito. Masyado yata akong nasanay kaya't buwan ang umalpas bago ako natuto ulit maglinis sa mga sarili kong paa.
Kung ako ang maghuhugas, sya ang magwawalis. Lalagyan ko ng kongkreto ang mga sulok na may puwang at sya ang tagahawak ko. Maging ang litrato ko mula pagkabata ay nakasanayan nya ng tignan habang nag aayos
Napapagod nga ang tao, dahil nadadama ko nalang sya sa mga litrato. Di bale, mawawala kaya lahat kung larawan mo'y lulukutin ko na?
Mas lumamig ang mga nagdaang gabi sakin. Parang wala akong karapatang matulog, pero ayaw ko magmulat ng mata. Sa reyalidad, wala ka. Sa panaginip, hindi ka na kasama.
Tumingin ako sa photo album natin, sayang pala tayo 'no? Kung hanggang ngayon nandito ka, masaya kaya ako? Madami na pala akong tanong. Sana dati pa ako nagkaroon ng lakas ng loob, pag dating kasi sayo bumabahag ang buntot ko.
Kung ako ang kukuha ng upuang tutungtungan. Sino na ang magpupunas ng bintana?
Ang ironic lang no? Naglilinis lang naman ako, pero naalala kita.
0 notes
faithriesndpoet · 30 days
Text
Tatanungin ko ang kawalan na para bang sasagot ito pabalik. Kailan kaya muling makakamit? Parang ang sarap kasing managinip pag ikaw ang kasama. Gusto kong humiga sa bisig ng lola ko at sana'y sa pag gising ko ay hindi ka nalang isang ala ala. Tinimbang ko ang mga luhang natuyo at mga liham na inialay ko sayo, ilang beses na pala akong sumubok pero laging nabibigo.
Gusto kong magtago sa nakaraan dahil ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso. Kung kausapin man ako ng bituin pabalik, ayoko ng magsimula. Hahayaan kong masira ang pyesa ng musikang sabay nating kinakanta dahil mag hihintay ako sa Dating Tayo.
1 note · View note