Tumgik
epodynes-anamniseis · 10 years
Text
ANG MATINONG BOYFRIEND.
NAGSESELOS - kasi nga takot na maagaw ka
NAGAGALIT - kasi may kasalanan ka
HINDI NAGREREPLAY - kasi ayaw nga nya ng humaba ang away
NAGTATAMPO - kasi gusto niya ng lambing mo
NAGSOSORY - kasi nagsisisi siya
at higit sa lahat:
INIIYAKAN KA - kasi mahal ka niya talaga:
121 notes · View notes
epodynes-anamniseis · 10 years
Text
Hindi ako morning person.
Time check: 7:12 am Dalawang oras lang naging tulog ko kasi cool ako, joke =)) Maaga ako nagising kasi mabagal ako kumilos. May last dental appointment kasi ako ngayon para sa braces ko. Harhar. Ge, almusal na ako.
0 notes
epodynes-anamniseis · 10 years
Photo
Tumblr media
Okay. Nagising ako ngayon kahit 5 hours pa lang tulog ko. Haha syempre pag gising ko cellphone agad kukunin ko. Tapos eto agad nakita ko sa mga notifs ko sa cellphone. Nakakakilig lang kasi alam kong ayaw din ng mama nya na nagkaaway kami 😍
0 notes
epodynes-anamniseis · 10 years
Text
sino nga ba naman ako? :)
1 note · View note
epodynes-anamniseis · 10 years
Text
'nyeta naman kahit sobra sobra na akong nasasaktan, mahal na mahal pa din kita. gago na ah!
1 note · View note
epodynes-anamniseis · 10 years
Text
Ako: Bakit di ka na bumalik kagabi? Rhonjhune: Late na ako nakauwi. A: Edi sana nagpm ka man lang. R: Humiga na ako eh. A: Sana nga nag- pm ka. R: Eh pagod ako!
'Lam mo yung ikaw kahit pagod ka naiisipan mo hintayin sya, replyan sya. Kahit wala kang tulog, hala ka pa din kakahintay. Punyeta!
1 note · View note
epodynes-anamniseis · 10 years
Text
Yung ganitong tao...
Tumblr media
Yung taong nandiyan palagi para sayo. Yung taong yayakapin ka kapag may problema ka. Yung taong proud na proud sayo. Yung taong iintindihan ka kahit na minsan may topak ka. Yung taong kahit inaaway mo, di pa rin sumusuko. Yung taong dahilan kung bakit ka nakangiti. Yung taong hindi natatakot na mahalin ka nang sobra sobra.
869 notes · View notes
epodynes-anamniseis · 10 years
Photo
Tumblr media
131 notes · View notes
epodynes-anamniseis · 10 years
Text
Sobra na mga binibitawan na salita, nagpipigil na lang talag ako.
1 note · View note
epodynes-anamniseis · 10 years
Photo
Tumblr media
PS: Hindi ko po ilalagay buong details ng lovestory namin ng boyfriend ko kasi may mga bagay na dapat kaming dalawa at pamilya lang namin ang nakakaalam, so yea let’s start na!
Una sa lahat ipapakilala ko muna kung sino ako. Ako si Queeneth, panganay ako sa aming tatlong mag- kakapatid. Bago ko makilala ang boyfriend ko ngayon na si Rhon Jhune marami akong naranasan na lovelife, kay landi kong bata! HAHA! Pero, hindi naman maiiwasan yung mga tuksong yon and wala pa akong masyadong alam tungkol sa pagmamahal nung mga oras na nag- kakaboyfriend ako. Noong grade 6 ako meron akong boyfriend, hindi kami legal sa parents ko. Ayaw ko kasi ipaalam na may boyfriend ako eh, syempre sa bata kong yon diba? And alam ko kasi na pagbabawalan ako. Graduation day namin wala ang yung ex ko no’n, hindi ko alam kung bakit pero umakyat sya ng stage para kunin ang diploma nya tapos umuwi na sya agad, walang paa- paalam sa akin hanggang umuwi ako ng Pinas for vacation, hindi pa din kami nag- usap. Nung bumalik ako ditto sa Doha, bihira yung communication naming dalawa until nag- opening na nga. Hindi ko sya gano’n kadalas nakikita, hindi kami tulad nung ibang couple na todo tambay sa hallway kasi ako yung tipo ng tao na kung hindi mo ako pupuntahan sa classroom, manigas ka! =)) So, yon na nga. After ilang days, pinuntahan nya ako sa room FOR THE VERY FIRST TIME! Niyaya nya ako sa likod ng classroom, ako lang daw wag ko isama barkada ko, edi go naman mga barkada ko pero sabi ko don lang sila sa gilid mag- bantay. Nung nasa likod na kami todo sorry sa akin nung ex ko na yon, akala ko kung ano lang yon pala nakikipag- break na sya. Edi nag- okay na lang ako.
Dumating ang July, August, September… Nag- kabalikan kami nung ex ko sa Saudi, nagkaroon kami ulit ng communication, pero hindi din kami nag- tagal kasi inlove sya sa bestfriend nya. Then, naging kami ulit nung isa kong ex boyfriend katulad sa isa hindi kami nag- tagal kasi ginagamit lang pala nya ako. Dumating ang October, nag- karoon ng outing ang school, doon nag- karoon ako ng moment makapag- bonding kami ng isa ko pang ex kaso may girlfriend sya, doon nasira silang dalawa kasi inlove kami ng ex kong yon sa isa’t isa pero hindi naging kami kasi pinili pa din nya girlfriend nya. Oo, nakakatawa mga past lovelife ko. Masyado akong naloko, nagpaloko.
That month din October, nakilala ko ang isang lalake nangangalan “RHON JHUNE.” Medyo nakakatawa kasi hindi ko sya kilala, nakita ko lang sa facebook status ng mga friend ko na, “ANG GALING SUMAYAW NI RJ… IDOL.” Tapos naka- tag yung name na “Aqouh C Rj” with matching video. Edi sa sobrang curious ko inopen ko yung profile nya, una wala akong reaction, eh sino ba naman kasi sya? Saan sya nagaaral? Pumasok pa sa utak ko, “Artista ba ‘to?” HAHAHA! Wala talaga akong idea kung sino ba yung RJ na yon. Tapos inadd ko sya sa fb, nung inaccept nya friend request ko, tinignan ko mga photos nya bigla ko nasabi, “AY! Taga turquoise pala, freshmen, dancer!” Then nagkaroon  ng dance competition, may isang talkshit na group ang niyaya ako sumali sakanila tapos nag- pm sa fb ko si RJ sabi nya sa akin, “ATE STYLISTIC DANCE CREW PO NAME NG GROUP NYO HA?” So sabi ko naman, “ah okay.” Pero hindi din ako nakasali kasi nga TALKSHIT NGA! =))  Matapos ng event na yon, nalaman ko may girlfriend na sya yung ultimate ***** sa batch namin. Edi nagulat ako, tapos palagi ko sila nakikita naglalandian sa likod ng classroom pag dadaan ako at ang barkada ko papuntang locker. With matching akbay pa nga sila tapos pisil pisil sa pisnge. HAHAHA! One day, sabi sa akin ng barkada ko, “Sayang si RJ no? Ang daming pwede maging girlfriend bakit yan pa?” Sabi ko, “Ano magagawa new student sya, di nya masyado kilala babaeng yan.” Until onti- onti silang lumabo nung girlfriend nya, doon kami nakapag- usap ni RJ. November 2 kami una nakapag- usap, habang tumatagal lalo kami nagiging comfortable sa isa’t isa, lalo naming nakikilala ang isa’t isa sa maliit na panahon at oras lamang.
Si Rhon Jhune? New student sya sa school namin, hot, popular, crush ng bayan, dancer, choreographer. Madaming babae ang may crush sakanya, madaming babae sa school ang may idol kay RJ. Hindi sya top student pero ang talent nya ang nagdadala ng pangalan nya. Panganay sya sa 5 magkakapatid, pero may 2 pa syang Kuya sa father nya. Si RJ? Maangas ang dating nya pero sobrang bait nyan, sobrang mapagmahal sa mga kapatid. Lakwatsyero, mahilig sa skateboard noon at basketball. Madami na din syang ex girlfriend, 3 sa Pinas at 3 dito sa Doha. Sabi nya sa akin, nakilala nya ako sa isang barkada.
One day, nakita nya akong lumabas ng classroom, naglakad papuntang pinto nila, nabihag sya ng ngiti ko at ang haba dawn ng buhok ko. Noong nakita nya ako bigla daw sya napatanong sa tropa nya, “OY BRAD! Sino yung babaeng yon?” “Si Queeneth yan brad, bakit? Crush mo ‘no?” sagot ng barkada nya. Hindi daw sya umimik, ngumiti na lang sya. Matapos no’n palagi nya na ako inaabangan lumabas ng room naming. Pero dahil taken ako hanggang tingin lang sya sa akin, hindi nya ako malapitan dahil sa katorpehan. Ako yung unang babaeng naging crush nya sa campus. Pero dahil nga imposibleng mapansin ko sya, ibang babae na lang niligawan nya.
Simula November 2, naging magaan  ang luob ko okay RJ. Pag gising ko pa lang sa umaga no’n may message na sya na “GOOD MORNING GANDA. SORRY NAKATULOG AKO.” Sa simpleng gano’n nya napapangiti na ako at kaonti onting nahulog sakanya, napamahal ako sa maikling panahon. Inamin ko yung nararamdaman ko sakanya noong November 5, hindi ako nag- expect na magugustohan nya ako pero nung sinabi nyang makikipag- break na daw sya sa girlfriend nya natakot ako na baka ako ang maging rason. After nila mag- break umamin sya sa akin na gusto nga daw nya ako. Then, nag- usap kami about sa amin, natatakot kami sa possibility na pwedeng mangyari. November 6, 2011 at 1:15 am tinanong nya ako kung pwede maging kami, hindi na ako nagpaligoy ligoy, sinagot ko na agad si RJ. Pero nag- deal kami na secret relationship kami. Hindi pa naming pwede ipag- kalat na kami na dahil nga kakabreak lang nila. Pero marami na nakahalata kasi bawat post nya at post ko sa facebook, nililike na naming dalawa lalo na ang pictures with matching comments pa. Lumipas ang isang linggo, balik eskwela nanaman kami. November 13, 2011 ang unang beses naming pagkikita na kaming dalawa na yun din ang araw ng first hug namin. (CLICK HERE FOR THE STORY)
November 13, 2011 din kami umamin na kami na. Matapos kami umamin, ang dami naming naging haters, madaming sumubok sa amin na mag- hiwalay na kami. Si Rhon Jhune ang naging sandigan ko ng mga oras ko yon, sya ang kinapitan ko habang nababasa ko ang mga sinasabi nilang batikos sa amin. So, eto yung mga ibang sinabi nila about sa amin:
Hindi naging rason ang mga salitang yan para pag- hiwalayin kami. Hindi ko idedeny, nasaktan ako sa mga yan. Natanong ko sarili ko, “MALANDI NGA BA AKO?” Hindi ko naman inakit eh, hindi ko kasalanan na nag- mahal ako at hindi ko kasalanan na ako ang pinili nila. Hinarap ko ang mga batikos na yon lalo na alam kong nandyan lang sa likod ko parati ang boyfriend kong si Rhon Jhune, hindi nya ako iiwan at sya ang nagpalakas sa akin sa mga oras na sinisira kami lalo na ako. Hanggang lumipas ang buwan na parang nakalimutan ng lahat ang mga nangyari. Naging legal kami sa pamilya ko at pamilya nya. Naging sophomore kami, akala ko tapos na lahat ng magiging problema pero mas malaking problema pa pala ang dadating at haharapin namin dalawa ni Rhon Jhune. Pero bakit kami pasisira sa mga yon? Kung nalampasan naming ang batikos sa amin noon, ngayon pa kaya? Nag- one year kami ni Rhon Jhune na napatunayan naming na mag- tatagal kami. Akala namin hanggang doon na lang ang lahat pero hindi, tumagal kami at naging matatag ang relasyon naming. Oo, palagi kami nag- aaway minsan physically pa ang pag aaway namin. May mga point na sa harap ng marami umiiyak ako, naalala ko pa noon habang nag- rerehearsal kami para sa cheerdance competition since sya choreographer, nasigawan nya ako habang nasa stage tapos nasipa ko sya. Minsan nag- kakapasa ako sa pananakit nya. Maraming tao at pangyayari ang nagsabi sa amin na TAMA NA, SOBRA NA. Pero hindi kami nag- padaig sa mga yon, kahit masakit at mahirap na palagi nya sinasabi sa akin na, “Rhoneth tayo, lahat kakayanin natin ng hindi tayo naghihiwalay. Okay lang yan, ikaw na ang the one ko.”
At heto kami ngayon ng boyfriend ko, long distance relastionship palagi may gulo at dumadating sa point na minsan gusto ko na bumitaw. Pero hindi sa tuwing naiisip kong iwanan sya, bumabalik ang alaala ng nakaraan na nag turo sa akin lumaban. Yung mga araw na puro kami batikos. Lagi pumapasok sa akin ang sinabi ng ex nya na “DAPAT HINDI KAYO MAGING MAG- EX.” Magiging mag- ex kami ng boyfriend ko sa panahon na ikakasal na kami. Hindi kami bibitaw sa relasyon namin. Ilang months na lang three years na kami. Patuloy kami lalaban, sabay naming dalawa haharapin ang mga problema na dadating. Oo, marahil bata pa nga kami pero hindi basehan ang edad pag nag- mahal ka. Ang forever impossible lang yan mangyari kung iisipin pero paano mo malalaman kung hindi ka kikilos? Ang boyfriend ko na si Rhon Jhune Pidlaoan Tomas ang nag- bago ng mundo ko at pananaw ko sa buhay. Habang tumatagal lalo akong napapamahal sakaniya at siya na ang naging mundo ko.  Nag- simula kami sa simpleng puppy love at hindi ko hahayaan magtapos yon sa basta bastang puppy love lang. Dahil si Rhon Jhune? Sya na yung destiny ko, ang lalaking papakasalan ko.
1 note · View note
epodynes-anamniseis · 10 years
Text
HINDI SA LAHAT NG ORAS AKO YUNG MAG BABABA NG PRIDE KO. NAKAKA-UMAY NA! IMBYERNAAAAAAAA! TANGEEEEEEEEENS! MASHADO KANG HARD! KBYE.
11 notes · View notes
epodynes-anamniseis · 10 years
Photo
Tumblr media
February 14, 2014 ang first prom ko. Nakakalungkot lang dahil hindi ko sya nakasayaw nung gabing yon. Advance kasi ang year level ko sakanya 😞 Pero hindi pa din naging malungkot ang valentine's ko dahil pag gising ko sa umaga pumunta na sya dito dinalhan ako ng MCDO breakfast tapos naghintay sya hanggang matapos ayosan ako then hinintay nya ako sa bahay namin hanggang matapos ang prom ko. After ng prom sabi ni mama matulog na lang sya sa bahay kaya itong araw na to buong gabi kaming magkasama :")
1 note · View note
epodynes-anamniseis · 10 years
Text
Sobra sobrang importante kasi sa akin ang mga photos tapos basta- basta na lang madedelete lahat? Ponyeta!
1 note · View note
epodynes-anamniseis · 10 years
Photo
Tumblr media
Happy 30th monthsary, honey. Hindi ko naman talaga nakalimutan eh, sadyang 5 hours late lang ang oras dito sa DOHA. Thank you sa pagiging mabuti na boyfriend sa akin kahit sa mga panahong ito hindi tayo gano'n ka- okay tulad ng noon. Alam mo naman gaano ka ka- special sa akin diba? Kaya kahit simpleng pag bati mo sa akin napapangiti na ako. I love you baby ko. Stay strong sa atin, papatunayan natin na may totoong forever ❤️
1 note · View note
epodynes-anamniseis · 10 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Bago ako matulog gusto kong i- share to. Mama ng boyfriend ko ang kausap ko jan. Nung first meet namin dinala ako non ng boyfriend ko sa bahay nila para ipakilala sakanya. Medyo awkward nga n’on eh. Hihi :’) Pero ang sweet lang kasi ang ganda ng pag tanggap nya sa akin. Always akong welcome sa house nila. Sobrang bait ni tita, swear. Naalala ko pa nung one night wala si RJ sa bahay nila, hating gabi na so tumawag yan sa cp ko gamit cp ng boyfriend ko sabi nya “hello, pwede magtanong? Mama ni rj to.” So ako naman, “ay goodevening po. Ano po yon?” Then yon nga hinanap nya si rj. Tapos inadd nya ako sa fb, palagi sya nagppm pag hahanapin si rj. Nung nagtagal nakakakwentohan ko na sya tungkol sa problema ngrelasyon namin ni rj, hanggang naging anak na tawag nya sakin. Halos palagi na din ako sa bahay nila at minsan sumasama sa family bonding nila.
Sobrang sarap maging close sa pamilya ng mahal mo. Yung alam nilang pinagkakatiwalaan ka nila, yung may tiwala silang mamahalin at aalagaan mo anak nila. Ngayong ko lang to naramdaman at ang saya lang. Hindi ko maexplain eh. Basta, wag na wag kayong matakot makipagkwentohan sa pamilya ng mahal nyo lalo na sa magulang nya. Mas maganda yung open kayo sakanila para makilala ka nila kung sino ka talaga at mapagkatiwalaan.
0 notes
epodynes-anamniseis · 10 years
Photo
Tumblr media
Alam mo yung pakiramdam na sobrang daming tumatakbo sa utak ko, sobrang dami kong tanog pero hindi nya kaya sagotin tapos sasabihin nya ang nega nega ko daw mag isip. Hindi ko naman iniisip yon eh, pinaparamdam mo yon sa akin :'(
0 notes
epodynes-anamniseis · 10 years
Text
Long Distance Relationship
Yung totoo nahihirapan ako, araw-araw nagigising ako na tanging boses mo lang ang naririnig ko at text message mo lang ang nababasa ko. Pero pinasok ko to kaya paninindigan ko to. Mahirap kasi nga malayo tayo sa isa’t isa, minsan hindi ko talaga maiwasan ang magduda sayo. Nandiyan yung mga tanong sa isipan ko kung “Sino kaya ang kasama mo ngayon, ano kaya ang ginagawa mo at ako nga lang ba talaga sa puso mo?”. Kahit na sabihin pa nating araw-araw na magkatext tayo, kahit buong detalye pa ang sabihin mo sa akin kung ano ang ginagawa mo, naiisip at naiisip ko pa rin na kahit anong oras PWEDE KANG MAGSINUNGALING saken. Oo, alam ko na MAHAL na MAHAL MO AKO, may tiwala ako sayo. Pero hindi ko pa rin maiwasang magduda, dahil sa araw-araw na lumilipas sa buhay mo, napakaraming tao ang nakakasalamuha mo. At naiinis ako sa sarili ko kung dumating ang araw na kakailanganin mo ng tulong, wala ako diyan sa tabi mo para tulungan ka. Gustuhin ko man na ako ang nasa tabi mo, lalo na kapag malungkot ka, hindi ko yun magawa..dahil nga MALAYO ako sayo. Masakit sa kalooban ko, mahirap na parang nakakainis na parang nakakalungkot. Pero alam mo, naiisip ko na hindi ko kailangan maging malungkot, ako lang yata ang gumagawa ng dahilan para maging malungkot ako. Kung palagi kung iisipin ng iisipin na baka niloloko mo lang talaga ako, syempre talagang malulungkot ako kahit wala naman akong ebidensya na niloloko mo nga ako.Sa halip na malungkot ako, dapat mas lalong ma inspire pa ako kasi sa kabila ng distansiyang namamagitan sa atin, nandoon pa rin yung pagmamahal natin sa isa’t isa na iniingatan nating pareho. Palagi ko na lang iisipin na mahal kita, mahal mo ako, kaya dapat magtiwala tayo sa isa’t isa.
0 notes