Tumgik
dsnyyydr-blog · 6 years
Note
sino nga kaseeee kilala mo ko hihi
okay
1 note · View note
dsnyyydr-blog · 7 years
Note
sino po eong nasa blog mo? hehe
secret po haha sino ka muna?
0 notes
dsnyyydr-blog · 7 years
Text
Dear Diary,
Note: This may not be very heartbreaking story for you, but for me this is.
Natatandaan ko pa nung naging student teacher ka namin nung grade 10, science teacher to be exact. Fossils pa nga yung tinuturo mo non eh. Yung classmate ko kinakalabit na ko kasi nga pogi ka daw, may pogi daw na student teacher. Akala ko nga yung tinutukoy e yung kasama mo kasi aaminin ko nagkaroon ako ng crush dun dati pero dati lang, okay? Edi yon kala ko yung isa talaga kaya hindi ko sya pinansin pero tama nga ako, ikaw yung tinutukoy nya. Matangkad, matangos ilong (eto talaga favorite ko sayo eh haha), cute (hihi altho sabi mo walang malaking cute pero cute ka pa din), at para sakin ikaw yung Chanyeol Ph. Kasi parehas kayong matangkad ni Channie tapos nagigitara ka din, tapos parehas kayo ng boses as in deep voice ganern. Tapos hindi ko makakalimutan yung part na pumiyok ka, ang cute mo non.
 Nung mga panahon na yon sobrang love na love ko si Chanyeol, hindi naman ako EXO-L pero sobrang love na love ko sya. Kaya siguro hanggang ngayon siguro love na love kita e no? Tarush. Naalala mo pa nung naiwan mo sa classmate kong bading yung i.d. mo? Crush ka nung gagang yon : (( Pero sakin mo pinakuha nung nasa canteen? Sinundan talaga kita para masure kung saan yung room mo haha. Ang awkward pa nun, kasi naman natuluan ako ng tubig sa may bubong e umuulan non. Yung moment talagang yon yung hinding hindi ko makakalimutan kasi naman ang cute mo tapos nakapag-usap pa tayo non.
 Ang cute mo kaya nun everyday kasi bagay sayo yung mga damit mo. Ang manly kasi nakakainis. Tapos tinanong ko pa sa teacher namin kung ano pangalan mo e since nakita ko na yung apilido mo edi yung first name na lang after non sinearch kita sa facebook. Sobrang cute mo naiinis ako! Tapos lahat ng video mo sa facebook talagang pinapanuod ko kahit mukha kang tanga pero alam mo? Cute na cute talaga ako sayo. Sabi nila pag nagmamahal ka kailangan tanggapin mo yung flaws ng mahal mo eh kaya pala haha.
 Edi ayun na nga, natatandaan mo ba yung nagpasulat yung classmate ko sayo para sa talaarawan ko? Mukha pa kong tanga kasi may pablindfold effect pang nalalaman yung mga classmate ko e alam ko namang may bibigay kang letter kasi nga ako mismo nagdesign ng pagsusulatan mo non parang tanga lang haha. Tapos pinapasok mo kami sa room mo tapos andaming camera kesyo isusumbong ka daw kay ano (ew jk) tapos grabe feeling ko ang panget panget ko non kasi pinagpapawisan na ko eh sobrang init kaya, ikaw kaya dumaan sa fire exit? Lol. Tapos pinalapit ako ng classmate ko sayo tapos sabi mo mamaya na lang ibibigay mo na lang sa room, which is ang sweet kahit na hindi naman talaga ako importante sayo e nag-aksaya ka ng oras para sakin. Nung time naman nay un asang-asa naman ako kala ko naman crush mo din ako.
 Pumunta ka sa room namin habang nagdidiscuss yung adviser naming kasi last subject na yun. Inexcuse mo pa ko, (nakakainis kinikilig ako habang tinatype) tapos nagsisisgawan na mga classmate ko nun. Syempre feeling ko ang haba ng hair ko, ikaw ba naman pumuntahan ng crush mo tapos may ibibigay sayo, o sinong hindi kikiligin?
 Tapos hanggang sa may nabasa na kong quote; Suyuin mo na yung taong mahal mo, e ano kung babae ka? Di ba hindi na uso ang sexism ngayon? Yung ginagawa ng lalaki noon pwedeng ng gawin ng babae ngayon. Kesa naman mamaya wala na sa huli. Yang mga yan yung nagpush saking ligawan ka. Oo sabi nila kapag babae dapat hindi nanliligaw pero wala e tiklop ata pride ko sayo. Sabi nga ng mga friends ko masyadong mataas pride ko pero pagdating sayo tiklop talaga.
 Naalala ko pa nung nagluto kami sa TLE nun ng clam chowder (hindi talaga ako yung nagluto kasi di naman ako marunong magluto haha). Sabi ko pa sa mga classmate ko bibigyan kita tapos sasabihin ko ako yung nagluto non haha wala pampam lang pabibo effect. Di ko naman din nabigay kasi buong araw kitang hindi nakita. Hiniram ko pa nga account ng classmate ko para lang makachat ka eh pero ang boring mong kachat.
 (Imbis na term paper ko gawin ko eto lang ginagawa ko.  : ((()
 Then nung birthday ko, kahit na napilitan kang magmessage sakin ng happy birthday, ginawa mo. Tapos a week after ng birthday ko nagbigay kapa ng doodle. Kikiligin na sana ako eh, kasi blue yung envelope tapos galing pa sa crush ko kaya lang pagtingin ko sa ribbon may buhok eh haha, hindi lang yun baligtad pa yung nasulat mong name ko, imbis na “England Disney”, ginawa mong “Disney England” ano gusto mo talagang tuluyan na maging Disneyland yung pangalan ko? Lol. Pero syempre ni-keep ko yun syempre naman galing sa crush ko yun eh.
 So napag-isip isip ko na gawan kita ng effort. Hindi yung puro ikaw lang na kahit nga napipilitan ka kasi sinabi lang ng mga kaibigan pero in the end ginagawa mo pa din. Nagpatulong pa ko sa pinsan ko non. Naghanap pa kami ng shoebox. Sa shoebox talaga kami nahirapan nakakainis. Ginabi na kami non para lang matapos namin on-time yung box. Eto yung sinabi ng pinsan ko na hanggang ngayon hindi ko makalimutan hanggang ngayon; “Pag eto hindi nya tinanggap, mamamatay na sya.” Uy! Good thing tinanggap mo haha.
So ayun na nga, Monday yun eh, Excited na excited ako kasi alam kong pinaghirapan ko yon. Nagdaan yung flag ceremony wala ka pa akala ko nga hindi ka pumasok sabi ko sa mga kaibigan ko bukas na lang. Pero yung mga kaibigan ko hindi nag-give up so chinat ka nila at buti pumasok ka. Nung MAPEH time namin, nageexam ako non tapos hindi ako makapagfocus kasi naman hindi pa ko tapos dun sa box na ibibigay ko. Sabi ko sa classmate ko sya na magsulat kasi nga madami pa kong hindi natatapos sa box.
Hanggang sa recess na. Kinakabahan ako non kasi first time kong gagawin sa isang laalaki to. Tapos pinapababa ka ng classmate ko from fire exit sabi mo ayaw mo kasi may ginagawa ka so ako yung umakyat. Grabe di ko maexplain yung sarili ko kasi parang naka-slow motion yung paligid. Oy seryoso! Para talagang ganon. Tapos ang iingay pa ng mga classmate mo tapos sinarado mo yung pinto sa fire exit nagkahawakan pa tayo ng kamay edi ako naman nanlaki mata ko kasi omg!!! May hawak hawak effect pang nalalaman. So ayun nabigay ko na yung dapat ibigay. Sumigaw pa yung classmate ko ng “Wala man lang thank you!”. 
Fast forward... Nung uwian hinihintay pa kitang lumabas ng gate ng school pero nakauwi ka na pala agad. Dumiretso na lang ako don sa classmate ko kasi may gagawin kami. So ayun chinat ka ng classmate ko tapos andami nyong napagusapan na nasaktan ako. Sabi mo normal lang sayo makatanggap ng ganon. Parang hindi mo man lang naappreciate lahat ng effort ko bumagsak ako sa test para lang sayo. Nung time na yun feeling ko napaka-conceited mong tao. Sabi ko pa nun na hindi naman kita minahal e kaya lang ako nasasaktan kasi nabangga mo yung ego ko. That’s bullshit lol mahal na pala kita talaga. Kinabukasan, nakaharap ako don sa building nyo, umiiyak ako ng palihim kasi ayokong may makakita saking umiiyak strong kasi ako kuno. Tapos napansin na ko ng classmate ko na umiiyak, sabi ko okay lang ako. Alam ko naman eh na kahit anong gawin ko hindi mo ko mapapansin. Hanggang sa pinunit ko yung doodle na binigay mo kasi sobra akong nasaktan. Sabi ko sa sarili ko na titigilan na kita tutal matatapos na rin naman yung school year.
Dumaan yung ilang buwan, Grade 11 na tayo, hindi na kita naaalala pero nung malapit nang matapos yung school year. Nagparamdam na naman ako sayo. Etong year lang din. Kinukulit na kita, lagi kitang chinachat, sabi ko pa sayo na liligawan na talaga kita wala ng atrasan. Pero anong sabi mo? “Tigilan mo na ko. Sa iba mo na lang ibigay yung love and care mo.” Ang sakit. Kasi hanggang ngayon ikaw pa din. Kasi alam kong wala ng iba pang mas deserving sayo. Na kahit na malayo tayo sa isa’t isa, ikaw pa din. Sabi nila feelings feed on contact. Siguro nga hindi lang basta feelings to. Alam mo, may isang tao akong ni-turn down kasi sabi ko ikaw pa din. Pogi mo naman pala kyah! 
Sa olfu nga pala ako magaaral next school year, sa tuwing iniimbita ako ng lolo ko na pumunta ng olfu hindi mawala sa isip ko na baka puwedeng makita lang kita. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na makita kita kahit glimpse lang. Kasi simula pa grade 10 tayo hindi na kita uli nakita. Sana dun ka pa din next year, makita lang kita okay na ko. Hindi na kita kukulitin. Kung hindi ka na don, siguro nga fate na ang nagdikta. Hindi ko na papakialaman yung buhay mo. Dalawang taon na kitang mahal. Sabi ng mga kaibigan ko, “bat sya pa? andyan naman si...” Pero wala e makulit talaga ako e. Pasensya na ah, kung masyado akong naging makulit. Pasensya na kasi minahal kita. 
0 notes
dsnyyydr-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
KARD: Thank you Concepcion!! #KARD #WILD_KARD_PT2 #Concepcion
60 notes · View notes
dsnyyydr-blog · 7 years
Text
why its not updating?!?!
0 notes
dsnyyydr-blog · 7 years
Text
hating my feed rn
0 notes
dsnyyydr-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
© cathey_130616_t | do not edit
14 notes · View notes
dsnyyydr-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
© cathey_130616_t | do not edit
14 notes · View notes
dsnyyydr-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
© thexiufiles | do not edit
113 notes · View notes
dsnyyydr-blog · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
198 notes · View notes
dsnyyydr-blog · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
2K notes · View notes
dsnyyydr-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
K-Pop band, KARD, will be doing an Answer Time on Tuesday 9/19 at 4PM EST // 1PM PST! Ask your Q’s here!
5K notes · View notes