Tumgik
crystalrosediary · 2 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
㋡🥀
10K notes · View notes
crystalrosediary · 2 months
Text
On being single and life lately
I actually feel at peace not having a lovelife although it's what my classmates are already experiencing. Most of them have their own families with kids aged 2-7 years old. If I compare my life to a rat race, "Teh, nahuhuli na ko." I'm very late. Hay Lord, kelan ba? Kidding aside, I'm perfectly fine being single. I'm not yearning for a family kaya if you're my friend na pinipilit akong magjowa. Step aside. CHAR!
Life lately, I almost got a job as a library assistant kaso inatrasan ko kase hindi ko lang talaga feel na magtatagal ako. It's not my specialty. Without writing, I am nothing. I can't live without writing. It's my talent.
We recently had a beach break at Laiya, Batangas. And it was memorable. I can still hear the sea waves crashing. It made me relax and reset my mind.
I already passed the CSE. Got my certificate already. I will search for a permanent job na hindi ko talaga bibitawan agad agad. Maybe I'll start on April. IDK.
Please pray that I find a job. Saka tantanan na ko ng voices for good.
0 notes
crystalrosediary · 2 months
Text
Relihiyon at pulitika
Walang pinagkaiba
Parehas hindi malinis sa mata ng Dakila
Sino ba tayo para manghusga
Parang ni isang munting kasinungalingan ay hindi pa nasambit ng isa
At nagsunod-sunod na katiwalian pa
Ang unti-unting pinapakita
Pera daw ang nagpapaikot sa mga namumulitika
Hindi na rin namamalayan na ang pagka-Pilipino ay nawawala
Nakalimutan na ata ang sariling wika
Naglalabasan na rin ang mga elitista
Hindi lang dahil sila ay may angking yaman o nakakaangat sa iba
Kundi dahil sila lang daw ang tama
Ulit muli, hindi lang relihiyon kundi sa pulitika
Bobo o tanga ang lumihis sa tamang landas
Wala na ba silang pag-asang maligtas
Tila ang kamangmangan ay isang kasalanan
Hindi tinitignan ang pribilehiyong sila lamang ang may alam
Pilit na tinatago na rin ang katotohanan
Wala na ring mapagkakatiwalaan
Ang hindi sumang-ayon ay hindi na dapat kabilang
Parehas lang na palpak ang sistema ang ginagalawan ng isa't isa
Relihiyon at pulitika, walang pinagkaiba
Inspirasyon:
"Paagi" by Up Dharma Down
Ideya ng Everything is F*cked by Mark Manson
"Yugto" by Rico Blanco
0 notes
crystalrosediary · 2 months
Text
Kalikasan, bagyo at klima
Tatlong bagay na tila binibiktima
Ng halo-halong gusali na ginigiba
Kapalit ay ang hanging hinihinga
Pagdating ng bagyo ay nalulusaw ang lupa
Putol na naman ang mga punong tinanim sa may kalsada
Klimang nagbabago dahil sa natunaw na yelo sa bandang hilaga
Ang mga hayop nga ay nagsisilikas na
Kailan ba matututo ang taong pangalagaan ang kalikasan?
Kapag ba ang mundo'y nasa katapusan?
Kailan nga ba?
1 note · View note