Tumgik
chrvl · 6 days
Text
Hindi ko alam kung kailan nagsimula...
Hindi ko alam kung bakit sa panahong ito kung kailan parang umaayos na ang lahat tsaka ko nararamdaman ang bagay na ito. Sa totoo lang, mahirap ipaliwanag.
"Kung matatapos man ngayon ang mundong ito o kung huling araw na ng aking buhay, tatanggapin ko ang tadhanang ito."
Iyan siguro ang pinakamalapit na paglalarawan. Hindi kaya ng isang salita lamang.
0 notes
chrvl · 16 days
Text
Hindi ko alam na magiging ganito kahirap magmahal. Sa isang pagkakamali, nagbago ang lahat. Alam ko na hindi ako perpekto, na may mga bagay akong dapat ginawa, pero hindi ako nagkulang na ibigay ang pagmamahal na totoo at sapat. Sa isa pang pagkakataon, pinili ko pa rin ang magpatawad. Pero hindi ko alam na magiging ganito kahirap lunukin at tanggapin ang lahat. Kung pwede ko lang kalimutan agad ang sakit.
Pero sa kabila ng lahat ng iyon, pinipili ko pa rin ang magmahal. Nangako ako sa sarili ko na mas aalagaan ko ang puso ko habang hinihilom at tinuturuan muling mahalin ang tao na nagbigay ng malalim na sugat rito. Aaminin ko sa proseso, napapagod ako. May mga pagkakataon na nabubuksan ang sugat at ang dagat ng emosyon ay hindi ko nanaman mapigilan. Pero dahil ito ang pinili ko, hangga't kaya ay ilalaban ko.
Kaso sinabi mo na ikaw ay napapagod na.
Para kong binuhusan ng malamig na tubig. Sa pangalawang pagkakataon, alam kong wala kong naging pagkakamali pero kinukwestyon ko nanaman ang sarili. Sa pangalawang pagkakataon, hindi nanaman ako ang pinipili. Mahirap lang din tanggapin na ikaw pa ang mapapagod at unang bibitaw.
Pagmamahal pa rin ba itong ating nadarama? Gusto pa rin ba nating makasama ang isa't isa? Paano na ang mga pangako? Lahat na lang ba yun ay mapapako? O hahayain na lang ba natin ang oras ang magdikta kung saan ito patungo?
Sana sa huli, hindi man natin piliin ang isa't isa, ay piliin nating maging masaya.
0 notes
chrvl · 1 month
Text
BUCKETLIST:
1. Travel
2. Buy a camera and learn photography
1 note · View note