Tumgik
cheska-paps1315 · 3 years
Text
Your Mental Health Matters!
Mental Illnesses or disorders these days are very common among adults, especially teenagers, given the situation that we all are in right now, depression, anxiety and other mental illnesses tend to occur more. Because of the pandemic, we can’t socialize with other people like we did before in order to lessen the spread of the virus. We have to stay at home and only meet our loved ones through the digital world.
Another cause for mental disorders is the stress that life is throwing at each of us right now. We have to save more money, and be more cautious. Some people worry about their safety, their jobs, money, food, and how they’re are going to survive for the day. Some students are stressed out and tired because of school works and it’s harder for them to understand lessons through online learning or modular learning, but no matter what life throws at you, be brave and strong.
It’s okay to take a break, to cry, to stop for a few minutes and just clear your mind, but always remember to stand up and continue the journey of your life. Loving yourself doesn’t mean that you’re selfish, it just means that you are getting stronger to face whatever obstacle life throws at you. And whatever happens, do not be afraid to seek help, because there are people who care for you and love you. So it’s okay to take a break, because your mental health is just as important as your physical health.
In the universe, there is a galaxy called The Milky Way. In that galaxy, is the solar system composed of eight planets, one of which life exists called Earth. In planet Earth, lives 7 billion people, and among the 7 billion humans, is YOU.
YOU MATTER, be brave, and don’t give up. Love Yourself.
------------------------------------------------------------------------------
Photo elements taken from: Canva & Google Images
Credits to the rightful owners of the resources used in making this post.
Tumblr media
2 notes · View notes
cheska-paps1315 · 4 years
Text
Reaksiyong Papel: Heneral Luna
         Ang halos dalawang oras na pelikulang Heneral Luna na idinirekta ni Jerrold Tarog ay talaga namang maituturing na isa sa pinakamagandang pelikula na nagawa na tungkol sa kasaysayan ng bansang Pilipinas. Ang pelikula ay inilabas noong ika-9 ng Setyembre at nagawa sa pamamagitan ng Artikulo Uno Productions at ni Ferdinand Ortigas.
         Ang pelikula ay tungkol sa karanasan at hirap na dinanas ni Heneral Antonio Luna na makamit ang kalayaan ng Pilipinas noong sinakop ng mga Amerikano ang bansa. Si Heneral Antonio Luna ay ang isa sa pinakamagaling na sundalo ni Pangulong Emilio Aguinaldo at siya rin ang lider ng Hukbong Sandatahan ng Republika ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.
         Nais ni Luna at ng kaniyang hukbo na masugpo sa digmaan ang tropa ng mga Amerikano upang makamit ang pangmatagalang kalayaan, ngunit hindi nagkakaisa sa layuning ito ang mga negsoyante na kabilang sa gabinete. Marami rin ang naiinis kay Luna dahil sa paningin nila ay siya ay masyadong strikto at napakayabang. Hindi sana makukuha ng mga Amerikano ang Quinga kung hindi lang dahil sa alitan sa pagitan ni Luna at ng kapwa niyang Heneral.
         Nagusap ang dalawang negosyante at ang heneral na naka-alitan at naiinis kay Luna at sinabi nila kay Pangulong Aguinaldo, na may masamang balak si Luna sa pamahalaan at sa kaniya. Kaya naman nagpadala ng telegrama si Aguinaldo kay Luna na pumunta at makiisa sa isang pulong kung saan si Luna ang magiging lider ng gabinete ngunit ang hindi alam ni Luna ay iyon na ang kaniyang huling araw, dahil nang siya ay makarating sa lokasyong kung saan gaganapin ang pagpupulong, ay pinatay siya ng kapwa niyang Pilipino.
         Isang napakagandang makasaysayang pelikula para sa akin ang Heneral Luna, dahil mahusay ang pagpapakita, pagpapaliwanag at paglalarawan sa kuwento ni Antonio Luna noong nakikipaglaban siya at ang kaniyang hukbo sa mga Amerikano at talaga namang ikaw ay mamamangha sa kaniyang tapang at pagmamahal sa kaniyang bayan, na handa siyang mamatay para lamang makamit ng inang bayan ang pangmatagalang kalayaan na inaasam-asam.
         Ang mga linyang “Bayan o sarili? Pumili ka!” at “Mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano, ang ating sarili,” ay ang mga linyang tumatak sa aking puso’t isipan at nag-iwan ng aral sa akin na hinding hindi ko malilimutan, sobra lamang akong naiinis at nalungkot sa nangyari sa bandang wakas, nang patayin si Luna ng sarili niyang kababayan, dahil layunin lamang niya ang makabubuti para sa bayan. Napakasakit isipin ng pangyayaring ito, na dahil lamang sa isang bagay na nasabi ni Luna na hindi pa sila sigurado kung talagang totoo o hindi, ay papatayin na nila ang sarili nilang kababayan? Ang mas masakit pa rito ay pinaghihinalaang si Pangulong Emilio Aguinaldo ang nagutos na ipapatay si Luna. Gayunpaman, masaya ako sapagkat may mga taong kagaya ni Luna na handang isakripisyo ang kanilang buhay para sa sariling bayan.
         Nag-iba naman ang naging paningin ko kay dating Pangulong Emilio Aguinaldo dahil sa nangyaring pagpatay kay Luna, bagama’t hindi pa napapatunayan na si Emilio Aguinaldo ang nagutos na ipapatay si Luna, malaki ang posibilidad na totoo ang hinala ng marami na siya nga ang nasa likod ng kamatayan ni Luna.
         Nalungkot rin ako sa hindi pagkakaisa ng mga tauhan sa pelikula, sapagkat wala namang magandang maidudulot ang gulo. Hindi uunlad ang bansa kung walang pagkakaisa. Makikita rin sa pelikula kung ano ang nagagawa ng kapangyarihan sa isang tao. Gagawin ng isa ang lahat, upang hindi mapasaiba ang kapangyarihang hawak niya, dahil naranasan na niya ang saya ng pagkakaroon kapangyarihan sa lahat. Para itong sigarilyo, na kapag nasubukan mo na, ay hindi mo na ito titigilan.
         Ang pelikula ay inirerekomenda kong panoorin ng mga manonood na nasa tamang edad, sapagkat naglalaman ang pelikula ng mga marahas na eksena at mga hindi kaaya-ayang salita.
         Ang aral naman napulot ko sa pelikula ay dapat nagmamalasakit tayo sa isa’t isa at hangga’t maaari, huwag unahin ang galit at inggit. Kailangan nating magkaisa sa tuwing tayo ay nahihirapan upang malampasan natin ang mga pagsubok na darating sa ating mga buhay. Gaya na lamang ngayong pandemya, kailangan nating sumunod at magkaisa gaya ng ibang mga bansa upang makabalik na tayo sa dati nating normal na buhay. Maging disiplinado tayo gaya ni Luna, ngunit maging mabait at mapagmalasakit, dahil ang gulo ay walang magandang naidudulot. Huwag rin tayo magpabulag sa nakasisilaw na liwanag na taglay ng kapangyarihan, isipin natin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa itaas ka, na nasa iyo ang lahat, dahil walang anumang bagay sa mundo na ginawa ang Diyos na permenente, ang lahat ay mayroong wakas o katapusan.
         Iwasan rin natin ang maghilaan pababa sa tuwing may mas nakatataas sa atin, dapat tayo ay palaging nagtutulungan, dahil wala nang ibang magtutulungan pa kundi tayo-tayo rin lamang. Huwag puro sarili ang iniisp, kailangan rin natinisipin ang maidudulot ng ating mga gagawin sa iba, sabi nga ni Heneral Antonio Luna, “Bayan o sarili? Pumili ka!”
0 notes
cheska-paps1315 · 4 years
Text
Suring Pelikula: Heneral Luna
I.               PANIMULA
          Ang pelikulang Heneral Luna ay isang historical at biographical film na naglalarawan sa mga dinanas ni Heneral Antonio Luna sa pamumuno sa Hukbong Sandatahan ng Republika ng Pilipinas laban sa mga Amerikano. Ito ay isinulat nina Henry Francia, E.A Rocha at Jerrold Tarog. Si Jerrold Tarog rin ang naging direktor ng pelikula at ito ay nagawa sa pamamagitan ng Artikulo Uno Productions at ni Fernando Ortigas.
          “Bayan o sarili? Pumili ka!”, “Mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano, ang ating sarili.” Ilan lamang ito sa mga linya ni Antonio Luna sa pelikula na talaga namang tumatak sa puso’t isipan ng mga Pilipinong nakapanood na nito.
         Isang maaaring layunin ng pelikula ay ang ipakita kung paano nahahadlangan ng kainggitan, galit at kapangyarihan ang pagkakaisa ng bawat isa upang makamit ang kalayaan at pag-unlad ng isang bansa.
         Ang pelikula ay pinagbidahan nina John Arcilla bilang si Heneral Antonio Luna, Mon Confiado bilang si Presidente Emilio Aguinaldo, Arron Villaflor bilang si Joven Hernando, Joem Bascon bilang si Colonel Paco Roman, Archie Alemania bilang si Kapitan Eduardo Rusca, Epy Quizon bilang si Apolinario Mabini, Nonie Buencamino bilang si Felipe Buencamino, Paulo Avelino bilang si Heneral Gregorio Del Pilar, Leo Martinez bilang si Pedro Paterno, Mylene Dizon bilang si Isabel, Ronnie Lazaro bilang si Tenyente Garcia, Alvin Anson bilang si Heneral Josel Alejandrino, Alex Medina bilang si Kapitan Jose Bernal, Ketchup Eusebio bilang si Kapitan Janolino, Art Acuña bilang si Colonel Manuel Bernal, Bing Pimentel bilang si Doña Laureano Luna, Benjamin Alves bilang si Tenyente Quezon, at si Lorenz Martinez bilang si Herenal Tomas Mascardo.
II.               PAMAGAT
         Sa pamagat pa lamang ay malalaman mo na tungkol ito kay Antonio Luna, sa kaniyang buhay bilang lider o Heneral ng Hukbong Sandatahan ng Republika ng Pilipinas laban sa mga Amerikano. Ipinahihiwatig ng pamagat ang hirap ng isang taong handang isuko ang kaniyang buhay para sa kalayaan ng inang bayan habang siya’y sinasalungat ng kaniyang sariling kababayan. Ipinahihiwatig rin ng pamagat ang kasaysayan ng bansang Pilipinas, ang mga pangyayaring naganap bago makamit ng mga Pilipino ang kasarinlang inaasam-asam.
III.               KARAKTERISASYON AT PAGGANAP
A.   PANGUNAHING TAUHAN
         Ang mga pangunahing tauhan sa pelikula ay sina Heneral Antonio Luna, ang lider ng Hukbong Sandatahan ng Republika ng Pilipinas, si Emilio Aguinaldo, ang pangulo ng Republika ng Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano, si Apolinario Mabini, ang Dakilang Lumpo at Punong Ministro ni Aguinaldo. Napakagaling ng pagganap ni John Arcilla bilang si Heneral Luna, sapagkat sa hitsura at tindig pa lamang niya sa pelikula ay talagang maganda ang kaniyang pag-arte, aakalain mong siya ang tunay na Antonio Luna.
         Sa paraan niya sa pagbigkas ng mga salita at linya sa iskrip, lalo na noong siya’y nagagalit noong pagpupulong kasama ang gabinete at mga negosyante, ay kapanipaniwala at napaka-makatotohanan, sapagkat naipaparamdam niya kung ano talaga ang dapat na maramdaman ng mga manonood tungkol sa kalayaan ng bansa.
          Hindi rin maitatanggi ang galing sa pagganap nina Mon Confiado at Epy Quizon bilang sina Pangulong Emilio Aguinaldo at si Apolinario Mabini. Sa pagganap ni Mon Confiado bilang sa Aguinaldo, sa buong pelikula, iisipin mong si Aguinaldo talaga ang nagpapatay kay Luna, habang sa pagganap naman ni Epy Quizon bilang si Mabini, iisipin mong mabuti nalang na si Mabini ang punong ministro, sapagkat naiintindihan niya ang layunin ni Luna at layunin ng mga negosyante, at alam niya ang dapat gawin.
         Kung iyo ring papansinin, bagay na bagay sa mga karakter ang mga napiling aktor. Sa hitsura, tindig, at iba pa.
B.   KATUWANG NA TAUHAN
         Ang mga katuwang na tauhan ay sina Arron Villaflor bilang si Joven Hernando, Joem Bascon bilang si Colonel Paco Roman, Archie Alemania bilang si Kapitan Eduardo Rusca,Nonie Buencamino bilang si Felipe Buencamino, Paulo Avelino bilang si Heneral Gregorio Del Pilar, Leo Martinez bilang si Pedro Paterno, Mylene Dizon bilang si Isabel, Ronnie Lazaro bilang si Tenyente Garcia, Alvin Anson bilang si Heneral Josel Alejandrino, Alex Medina bilang si Kapitan Jose Bernal, Ketchup Eusebio bilang si Kapitan Janolino, Art Acuña bilang si Colonel Manuel Bernal, Bing Pimentel bilang si Doña Laureano Luna, Benjamin Alves bilang si Tenyente Quezon, at si Lorenz Martinez bilang si Herenal Tomas Mascardo.
         Lahat sila ay hindi mo maitatangging nagampanang mabuti ang kanilang mga karakter, lalung-lalo na noong magkakaroon na sana gulo sa pagitan nina Heneral Luna at Heneral Tomas Mascardo, nagampanang mabuti ni Lorenz Martinez ang kaniyang karakter dito bilang si Heneral Tomas Mascardo. Pati na rin noong nasakop ng mga Amerikano ang Quinga, ang labanan doon ay talagang nakaka-kaba, sapagkat kung hindi makababalik agad sina Heneral Luna, ay maraming mga sundalo ang mamamatay.
IV.               URI NG GENRE NG PELIKULA
         Ang pelikulang Heneral Luna ay nasa genre na Action at Historical Fiction, sapagkat naglalaman ang pelikula ng mga senaryong pagpatay, digmaan at ito’y tungkol sa kasaysayan ng bansa.
V.                TEMA O PAKSA NG AKDA
         Ang tema o paksa ng akda o pelikula ay tungkol sa mga pagsubok na dinanas ni Heneral Antonio Luna kasama ang kaniyang hukbo sa pagsugpo sa tropa ng mga Amerikano upang makamit ang kalayaan ng inang bayan kahit na ang kapalit pa nito ay ang kanilang buhay. Tungkol rin ito sa kung paano namatay si Heneral Luna sa mga kamay ng kapwa niyang Pilipino sa kabila ng pagmamahal niya sa bansa at sa layuning makamit ang pangmatagalang kalayaan at kaunlaran at sa kung paano siya naging inspirasyon sa iba. Patungkol rin ito sa mga problema sa pamahalaan noon gaya ng hindi pagkakaisa sa iisang layunin katulad ng pagiging malaya mula sa mga kamay ng mga Amerikano.
VI.               SINEMATOGRAPIYA
         Ang mga eksena sa pelikula ay nakatulong sa pagpapaliwanag at pagpapakita ng tunay na nangyari kay Antonio Luna, at ang mga tunay na nangyari sa digmaan ng Pilipinas at Estados Unidos. Nakatulong rin ang mga eksena sa pagpapakita sa kalagayan ng pamahalaan noon, kung gaano kagulo ang pamahalaan noon, at kung paano hindi nagkakaisa ang bawat isa sa layuning makawala sa kamay ng mga Amerikano.
         Sa tulong ng mga eksenang mahusay na kinuhanan, naiparating sa mga manonood ang mensahe ng kuwento at nagiwan ng aral sa mga puso’t isipan ng mga manonood.
VII.              PAGLALAPAT NG TUNOG AT MUSIKA
         Nakatulong ng lubos ang mga musikang ginamit sa pelikula, sa damdaming nais iparating sa mga manonood. Mahusay ang paglapat ng mga musikang nagamit sapagkat, malinaw na naiparating sa mga manonood ang sitwasyon sa mga eksena.
         Nakatulong rin ng lubos ang boses at paraan ng pagbigkas ng mga artista sa mga salita o linya, sapagkat mas nagiging makatotohanan at mas nabubuhay ang mga karakter na makatutulong sa malinaw na pagpaparating ng damdamin at mensahe sa bawat eksena.
VIII.              EDITING
         Mahusay ang pagkaka-edit sa pelikula lalung-lalo na ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o eksena, sapagkat madali itong maintindihan, at hindi gaanong nakapagdudulot ng kalituhan sa mga manonood.
IX.               PRODUCTION DESIGN
   A.   Ang mga props o mga kagamitang ng mga eksena sa pelikula ay makatotohanan, at makapagpapadama ng totoong kalagayan sa buhay ng mga tauhan o karakter sa mga manonood. Hindi nga lang gaanong nakakukumbinsi ang kulay ng dugong ginamit sa mga eksena, ngunit madarama mo pa rin ang pagiging makatotohanan ng bawat  pangyayari.
   B.   Mahusay na naipamalas ng kasuotan at make-up ng mga artista ang kalagayan o sitwasyon ng mga tauhan lalo na sa tuwing nasa gitna ng digmaan. Ang kanilang mga kasuotan ay talagang maibabalik ka sa sinaunang panahon, kaya naman talagang nabibigyang buhay ang mga karakter sa pelikula.
   C.   Mahusay rin ang pagkakapili sa mga lokasyon na pinangyarihan ng mga eksena, gaya ng mga hukay na ginawa sa pelikula na pinangyarihan ng digmaan sa pagitan ng hukbo ni Heneral Luna at ng tropa ng mga Amerikano. Akmang-akma ang mga lokasyon o tagpuang ginamit sa pelikula sa mga pangyayari sa bawat eksena.
X.               DIREKSYON
         Mahusay na nagampanan ng direktor ang kaniyang tungkulin na maiparating sa mga manonood ang mensahe ng pelikula at matagumpay niyang naisakatuparan ang paglalapat ng lahat ng element ng pelikula at naipakita niya ang kagandahan at kahusayan ng kalidad ng isang tunay na pelikula. Masasabing mahusay ang dirketor ng pelikula sapagkat naiintindihan ng manonood ang pelikula at nakuha nila ang mensaheng nais iparating nito. Naipakita at nailahad rin ng mabuti ang kuwento at mga pangyayari sa pamamagitan ng paggamit ng makatotohanan at di makatotohanang mga pangyayari o elemento kaya naman mas naipapaliwanag ng mabuti ang tunay na nangyari sa pelikula.
XI.               BUOD O SYNOPSIS
         Layuning makawala mula sa kamay ng mga Amerikano ni Heneral Antonio Luna at ng kaniyang hukbo sa pamamagitan ng pagsugpo sa tropa ng mga Amerikano, matapos ipagbili ng Estados Unidos mula sa Espanya ang Pilipinas sa halagang 20 milyong dolyar, ngunit hindi nagkakaisa sa layuning iyon ang mga negosyante at miyembro ng pamahalaan sapagkat marami na ring tauhan sa hukbong sandatahan ng bansa ang nawala sa gitna ng digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Marami ang naiinis kay Heneral Luna sapagkat siya ay mayabang, at masyadong strikto. Matagumpay ang ilang laban ni Luna, ngunit ang iba ay hindi dahil sa alitan sa pagitan ng kapwa heneral kaya naman kinailangang pumili ni Pangulong Emilio Aguinaldo sa kung sino sa dalawang heneral ang kaniyang papanigan at si Heneral Luna naman ang kaniyang pinili. Dahil sa marami ang galit kay Luna, nang magpulong ang president, kaniyang punong ministro, ang heneral at dalawang negosyanteng naka-alitan ni Luna, sinabi ng tatlo sa pangulo na may hindi magandang balak si Luna, kaya naman nagpadala ng telegrama ang pangulo kay Luna na pumunta sa isang pulong at siya ang magiging lider ng gabinete, ngunit ang hindi alam ni Luna ay iyon na pala ang huli niyang araw, sapagkat nang makarating siya sa tagpuan ng pulong, pinagpapatay siya ng kapwa niyang Pilipino.
XII.               KUWENTO
          “Mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano, ang ating sarili.” Ang linyang ito ay isa rin sa mga linyang tumatak sa puso’t isipan ng mga manonood at ito rin ang mensaheng nais iparating ng pelikula sa kabuoan. Ipinaliliwanag nito, na kung hindi magkakaisa ang lahat, walang mangyayaring pagbabago, at magdudulot lamang ito ng problema gaya na lamang sa pagpatay kay Heneral Luna, hindi nagdulat ang papatay sa kaniya ng kalayaan o pag-unlad. Ang aral naman na mapupulot sa pelikula ay dapat matuto ang bawat isa na magkaisa lalo na sa panahong nahihirapan ang lahat, dahil wala nang ibang magtutulungan kundi ang bawat isa rin lang.
XIII.               MGA KAISIPAN O ARAL NG PELIKULA
Ang aral na mapupulot sa pelikula ay dapat tayong magkaisa. Hindi dapat tayo nahihilahan pababa, at huwag tayong magpatukso sa mga masasamang bagay na kaakibat ng pagkakaroon ng kapangyarihan sa mga bagay, dahil walang magandang maidudulot ang ganitong uri ng pag-iisip. Dapat ay nagtutulungan tayo, at bilang pag-asa ng bayan, kailangan nating isipin ang makabubuti hindi lamang para sa atin ngunit pati ang makabubuti para sa iba. Kailangan natin ng malasakit para sa isa’t isa. Sabi nga ni Heneral Luna, “Bayan o sarili? Pumili ka.”
XIV.               KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Ang Heneral Luna ay isang napakagadang pelikula, sapagkat ang mga suliranin dito ay maaari ring maihambing sa panahon ngayon. Mahusay ang pagkagawa, sa bawat eksena, at matagumpay na naisagawa ang tungkulin ng mga may-akda na mag-iwan ng mga aral, o epekto sa buhay at kaisipan ng mga manonood. Kaya naman masasabing ang pelikulang ito ay isa sa mga pinakamagandang makasaysayang bayograpikal na pelikula dahil mula sa mga kagamitan hanggang sa mga lokasyon at mga artista na gumanap, ay mahusay, makatotohanan at magaling ang pagkakagawa at pagdirekta.
https://www.slideshare.net/allanortiz/suring-pelikula-format
https://en.wikipedia.org/wiki/Heneral_Luna
https://emilioaguinaldo2016.wordpress.com/2016/09/29/heneral-luna/
https://brainly.ph/question/1915821
https://writing.colostate.edu/guides/page.cfm?pageid=1534&guideid=79
https://www.hollywoodreporter.com/review/heneral-luna-film-review-831202
https://www.facebook.com/ALAMATngEINSTEIN/posts/heneral-luna-isang-suring-pelikulani-yonina-aisha-b-garcia-x-einsteinmga-walang-/353738938419780/
https://www.coursehero.com/file/36672871/SURING-PELIKULA-G10docx/
https://www.coursehero.com/file/45107729/SuringPelikula/
3 notes · View notes