Tumgik
braysiadto-blog · 7 years
Text
You found me in a coffee shop at 3pm when nobody’s around, I found you in between the pages of a yellow  old book.
1 note · View note
braysiadto-blog · 7 years
Text
I shut my eyes and pretended to believe.
"Thank you."
"You’re welcome."
0 notes
braysiadto-blog · 7 years
Text
Dear Plato, ikaw ay medyo gago.
Sabi mo sa Ancient Greek Philosophy tayo ay dating mga nilalang na may apat na paa na may dalawang katawang iisa ang kaluluwa na kalauna’y nahati sa gitna’t napaghiwalay pa..
Soulmates.
At personal na misyon nating hanapin ang kapareha, Magka da-op palad man o hindi na. Pansinin man o ipag walang bahala. Iwasan man kahit sadyang tinakda…
SINUNGALING KA.
Dahil bakit ramdam kong sa bawat piyesang aking napinta, Pira piraso ng aking kaluluway nabigay na sa kanila…
kasama siya.
Isa pa ba?
Tama na.
Kasi naman, gaguhan na.
-bray(pagkatapos ng 3 rh at vanilla ice cream)
0 notes
braysiadto-blog · 7 years
Text
Bakas.
Natuto siyang yakapin ang nakabibinging katahimikan sa kaniyang isip Kung saan kumportable ang damdaming ayaw gumising sa pagkaidlip Kung saan ang kaniyang gabi'y kadalasang kulay bughaw itim Payapa. walang bituin. Tanging buwan ang nakasilip sa dilim
Natuto siyang makinig sa ingay ng musikang tinutugtog ng kanyang puso Kung saan pagtipa ng gitara’t tambol ay lalong bumibilis pagdating sa koro Kung saan sa pag awit ng natitirang liriko ibinubulong “wag ka ng lumayo” Mahina. walang tamang tono. Tanging tunog ay naghihingalong pagsuko.
Natuto siyang lumimot ng mga ala-alang binubuklat parang paboritong libro Kung saan lahat ng larawa'y bahagharing nagsasayaw sa kulay at garbo Kung saan sa pag lalakbay sa dulo, matatanto nilang ginto'y balat kayo Pagpiglas. Walang kibo. Tanging luha nagkakarerahan sa pagbugso.
Natuto siyang hagkan ang bawat pamamaalam tulad ng paglubog ng araw Kung saan ang ganda ng paligid kawangis ng alaala nilang makulay ang tanglaw Kung saan ang bawat sandali'y tila tanikalang magbibigkis sa kanilang tadhana Panandalian. Walang kasiguraduhan. Ilalathala na lamang sa mga tala.
-bray
1 note · View note
braysiadto-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
“The Girl Who...”
Watercolor on Paper
9x12 inches
2014
For her. For being more than what he thought she was. For letting go of the desolation it brought her. For standing up. For owning up to the scars and being proud of it. For finding herself once again.
0 notes