Tumgik
bitcheraforever · 7 years
Text
Alam kong hindi ito yung oras para mag contemplate sa mga bagay bagay. Dapat gumawa ako ng thesis, binabasa yung mga RRL at gumagawa ng chapter two pero eto ako nag bukas ng tumblr sa totoo lang ayoko na sana buksan ulit to kaso wala akong mapagsabihan wala akong malabasan ng mga bagay bagay na gumugulo saken.
Hindi ako gragraduate on time, hindi kasabay ng mga kaibigan ko. Hindi sa oras na inaasahan ng magulang ko. Hindi ako prinepressure ng magulang ko grumaduate agad kasi wala naman akong mabigat na responsibilidad kagaya ng iba na kailangan grumaduate dahil kailangan nilang pag aralin naman yung sunod na kapatid, saken walang ganun kaya maswerte pa din ako.  Hindi naman ako yung nagloko nagkataon lang talagang naloko ako ng unang school na pinasukan ko. Nung lumipat ako ng Arellano nasabi ko sa sarili ko na ayos lang na hindi grumaduate on time kasi worth it eh, worth it yung turo yung kalidad ng mga prof maayos yung serbisyo ayos na din kumbaga swerte ko pa. 
Pero ngayon na malapit na mag march 2017 na kung saan dapat gragraduate ako mag mamartsa, magpopost ng #RoadToPICC hindi ko magawa. Naiingit ako sa mga kasabayan ko tho alam ko naman sa sarili ko na hindi ko fault, sobrang ayos ng mga grades ko, nagawa ko pang mag president ng org alam ko din naman sa sarili ko na hindi ako bobo kaya di ko alam kung sinong sisihin ko dahil hindi ako gragraduate on time. May mga times pa na gusto ko ipagiba yung dati kong school kasi feeling ko sinira nila yung timeline ng buhay ko pero naisip kong baka ito yung gusto mangyari ni God na baka hindi pa eto yung oras para grumaduate pinipilit kong maging positive pero ang hirap pakiramdam ko iiyak ako sa araw ng graduation ng mga kasabayan ko. Minsan gusto ko na din sumuko pero sabi ko sa sarili ko konti na lang Sah ngayon ka pa ba susuko.. pero hindi pa din maalis saken yung panghihinayang  yung what ifs.
Sumasabay pa yung isa, ewan ko ba ngayong taon ilang beses ko nang tinangka makipaghiwalay, hindi ko maexplain kung ano ba talaga yung dahilan ko, hindi ko alam pero kapag tuwing pinipili niya yung bagay na yun keysa saken nasasaktan ako, gustong gusto kong kumalas na lang para wala ng dahilan para masaktan, ayaw naman niya. Hindi mo alam kung saan ilulugar yung sarili mo. Hindi ko alam kung hindi ko lang talaga tinitignan yung side niya o sadyang nakakadisappoint na talaga. Nagagalit ako kasi gusto kong palagi siyang kasama, pero hindi pwede kaya nadidisappoint ako. Ang gulo eh tangina ng phase na to sobrang di ko alam. 
Sabay sabay halos lahat academics, tapos yung sa org, may palapit na event malapit sa araw ng defense namin wala pa akong nagagawa feeling ko wala akong silbi gusto kong gayahin si ethel booba mag play dead na lang ganun. 
Tangina gagawa na ko ng thesis. Tangina. 
10 notes · View notes
bitcheraforever · 8 years
Text
you forgot how i became your friend when there was no one else for you. 
3 notes · View notes
bitcheraforever · 8 years
Text
My love will always be bigger than your failures. Always.
3 notes · View notes
bitcheraforever · 8 years
Text
Pero syempre hindi kita iiwan, kasi mahal kita.
0 notes
bitcheraforever · 8 years
Quote
TO THE GUY WHO STOPPED APPRECIATING THE GIRL HE LOVES It’s not the thought that counts. You thought it’s enough to think it. You thought it’s enough that deep down, you love her. You thought that being enigmatic was an excuse to stop appreciating her - so you let your past, your pride, your demons, your selfishness, the fact that you’re weak or scared, be a validation for why you stopped fighting for it, making an effort for it. But this is the girl who you need to appreciate. Give her your time, all your love, take her on a crazy adventure. Hold her hand, teach her something new. Kiss her face a million times, take her somewhere she’s always wanted to go, dance with her cheek to cheek, spoil her, make her feel special every day. This is the girl who has changed your life, who has made you a better man. This is the girl who loves all your wrongness, all those parts of you that you hate. The girl who wipes your tears when you speak about your dad, who kisses your edges, who loves all your roughness. Those parts of yourself that you only show to her, she adores them - her love warms them, your imperfections, it changes you. This is the girl you need to appreciate because you know in your heart you will never give all of you like that to anyone else; no one will love you better. No one will make love to you with as much passion. A true connection is once in a lifetime. Extraordinary love is rare, it means something. You need to fight for it, make an effort for it. You think choice means something. You think easiness is good. You think the more chances you have, the better. But, trust me when I say that she is in your heart. Your roots have entwined together, she looks at you as if you’re magic. You might think there’s something better - but it’s all an illusion, it's all bullshit - that's just your ego talking. This love is extraordinary, you think you want it easy; calm seas and smooth sailing. But the girl you fell for is opinionated and smart, who doesn’t always agree. She is difficult, she requires effort; it will be a challenge, work - but the easy girl will never satisfy you. She will be sweet but uninspiring. She will always leave you wanting more. Dating her is not the end of your liberty - it’s the beginning of it. She argues with you because she cares. She craves more from you - she has opinions and big dreams for the future. She never lets you get away with slacking on your talents, and no matter how much she loves you, eventually she will leave if you stop putting in effort. Because she knows what you have, and she will never put up with not getting everything she deserves. Don’t risk losing the best thing you ever had. Whatever you do, don’t let her get away. It may be difficult at times - she’ll drive you crazy, she’ll frustrate the hell out of you. But she will never leave you uninspired or unsatisfied. Although she will leave if you keep taking advantage of her. You think that no matter what you do, she will always be there because she loves you. But remember that you fell for the girl who isn't easy — as in, she won't just "go with the flow.” She knows her worth. She is the girl who will not settle for someone who doesn't put her first. You have a love that builds, that makes your soul alive. Don't let this love get discarded for the next hit. Don't lose this love because of your pride, fears, ego or selfish ways. Because someone will value how special she is - someone will put in the effort it takes to be with her. Wake up and realize she's worth fighting for. Because if you don't, you are the one who will suffer the most. By Anna Bashedly
Open Letters That Matters
1 note · View note
bitcheraforever · 8 years
Quote
I won’t let go of you this easy.
I won’t be like you. (via neverthegoodguy)
43 notes · View notes
bitcheraforever · 8 years
Text
Masarap din pala sa buhay yung may kaibigan kang matured. Pakiramdam ko kasi dahil kaibigan ko si Richard 23yrs old na siya, minsan feeling ko nahahawa na ako sa kung pano siya magisip. Kung dati iniisip ko na after kong mag BS Psychology, mag memed na ko, pero dahil kaibigan ko siya parang namulat na ko sa katotohanan na hindi magiging ganun kadali yun, na madadapa din ako kagaya niya tapos nasa akin na yun kung pano ako babangon, na hindi lahat ng gusto ko e makukuha ko in a snap. Na may mga bagay na kahit plinano mo hindi matutupad. Na okay lang may taong mawala kasi hindi naman lahat sila mag iistay. Things and stuffs like that, pakiramdam ko kasi nababalance ko yung pagiging young at heart pati yung pagiging practical kasi nakakahawa siya kasi nakikita ko sa kanya kung pano ba dapat magdesisyon. Bigla ko lang naisip na thankful ako na kaibigan ko siya lol!
1 note · View note
bitcheraforever · 8 years
Text
Akala ko kasi perfect tayo, nakalimutan ko wala nga palang perfect.
0 notes
bitcheraforever · 8 years
Text
Ang bigat na sa feeling, so papakawalan ko na. Lahat ng negativity tungkol sa mga bagay sa paligid ko, tapos mag go-Go with the flow na lang ako.
0 notes
bitcheraforever · 8 years
Quote
I'm not afraid anymore, I'm not afraid
@bitcheraforever
0 notes
bitcheraforever · 8 years
Text
Itinaas mo kasi ako, sobrang taas tapos tska mo ko binitawan. Tapos itatanong mo saken kung nasaktan ba ko? Tangina
0 notes
bitcheraforever · 8 years
Text
Ang hirap matulog sa gabi, lalo na kapag may iniisip.
0 notes
bitcheraforever · 8 years
Quote
Thank you for hurting me because I learned how to love myself better and helped me realize that there are more important things that I should put my attention on. I’ve never imagine that of all people, you are the one who will break me that bad. Maybe because I’ve let you touch my soul and gave you the power to hold my heart. If you will ask me if I regret loving you, I would say no. Not even a little. For me, you are a bright color that came in my way. You were so beautiful, I wasn’t able to stay distant to you and when time passed by, you turned into faded grey then you turned into black. You now emphasize other colors in my life, help them come out for me to notice and put them in my priority. You made me think that love isn’t always the only way to make a person happy.
// 6-2-‘16, 11:20pm (via chasinqeuphoria)
129 notes · View notes
bitcheraforever · 8 years
Text
Isang araw, bigla na lang akong nagising, wala ka na pala, iniwan mo rin ako.
26 notes · View notes
bitcheraforever · 8 years
Text
Binasa ko pa yung diary mula umpisa, pero yoko na pagod lang yun.
0 notes
bitcheraforever · 8 years
Quote
I will never leave your side.
// 11:38 am (via foureyedmonsteryeahx)
21 notes · View notes
bitcheraforever · 8 years
Text
Nakilala ko siya sa di inaasahang pagkakataon, parang kanta ng Jadine hindi ba? pero yung talaga yung nangyari. Naalala ko pa nun kakagising ko lang tapos tinext lang ako nung barkada ko punta daw ako sa game takas lang ako e di ko alam dun ko na pala siya makikilala, yung taong mamahalin ko. Yikes tangina ang cheesy, pero yun talaga yung nangyari.  Dumaan yung ilang buwan tska ko lang siya nakilala talaga, nandun yung sinusundo niya na ko sa school, tapos sabay kaming uuwi. Naalala ko pa nun.. 
Unang pagkikita namin pero pakiramdam ko sobrang kakilala ko na siya, wala pang 30 minutes yung byahe pauwi pero bitin na bitin na agad kami sa kwentuhan, di katulad ng iba na unang kita mo siyempre mahihiya ka pa. Walang hiya talaga kaming dalawa e. 
Mga sumunod na tagpo na tayo.. Nandyan yung aantayin niya ko ng anim na oras kasi galing pa akong library e, yung tipong mas mahaba pa yung oras ng inantay niya keysa sa nagkita kami pero sobrang okay lang sa kanya, hindi man lang siya nagalit kasi ako naman daw yung inaantay niya. 
May times pa nuon, na pakiramdam ko magkakasakit ako, tapos nandun na siya sa antayan namin may dalang tubig pati gamot para saken. Thoughtful . Yun yung isang bagay na hinding hindi ko makakalimutan sa kanya, sobrang simpleng bagay para sa iba pero big deal na saken, 
Yun lang nga kinikilig na ko, naalala ko pa nun kapag badtrip ako alam niya na goya lang masaya na ko e. Sabi nga saken ng mommy ko nun, babaw naman daw ng kaligayahan ko. Di ko lang masabi na hindi kasi yun sa kung gaano kamahal yung isang bagay na binigay sayo, pero masaya ako kasi alam kong yun lang yung meron siya, yung kaya niya pero nagawa pa din niyang ibigay para saken. Sacrifices, para lang makita akong masaya.
Naalala ko pa, pupunta kami dun sa Ever, yung tig-20 pesos na sinehan pero hindi kami manonood, magkwekwentuhan lang kami tungkol sa isa’t isa. Tungkol sa ex naming dalawa, kung anong nangyari, kung bakit nagkahiwalay, kung paano niya niligawan, kung paano ako maging girlfriend, kung ano yung ayaw sa gusto. Dun nauubos yung mga oras namin tapos tatawa kami pag may mga kalokohan kaming ginawa tas ishashare namin sa isa’t isa.
Never niya kong hinawakan sa kamay pag nagkikita kami, siguro after 2 months tska niya lang ginagawa, sa loob lang ng sinehan pero after dun wala na. Respeto. Isa din sa mga bagay na nagpahulog sakin sa kanya, siguro kasi hindi siya tulad ng iba na unang date palang kung makahawak na sayo e parang kayo na. 
Sumunod na mga naging trip namin nung nanawa na kami sa ever, nag Church Hopping kami. Eto talaga nakuha niya na ko dito, every vacant namin, pupunta kami sa iba’t ibang simbahan, tapos magdadasal kami dun tapos magpapasalamat pa sa isa’t isa. Mga tipong : “Lord, tinapay lang naman po yung hingi ko pero binigyan niyo po ako ng Burger tapos may fries at drinks pang kasama” tapos kiiligin ako syempre. Meron pa kaming matching rosary galing sa Baclaran Church.
Tapos naging Food Hopping na, pumupunta kami sa mga coffee shops tas dun kami magpapalipas ng oras, mini dates namin kasi busy sa school e. Pero sobrang worth it ng lahat ng oras na kasama mo siya.
Sa pagsasama hindi puro masaya lang, may mga away din. (At kadalasan ako may kasalanan kasi abnormal ako e) Pero nakakatuwa pa din siya, kasi hindi siya napapagod saken, nuon. Nandyan yung matutulog na ko pero magtetext pa yan ng magtetext, tatawag pa yan kaya mapapagalitan ako kasi tunog ng tunog yung phone ko. Kaya ending makikipag bati na ko sa kanya para makatulog na din siya, magugulat na lang ako pag gising ko may 3am messages siya. Ang Tiyaga niya pag dating saken, hindi niya ko sinukuan.
Sobrag spoiled ko sa kanya, sobrang proud din naman ako sa kanya, tipong alam lahat ng friends ko pag may problema kami kasi excited ako ikwento sa kanila kung pano niya ko sinuyo, Like tangina naman ang ganda ko bes.
Hindi din siya nagpapahuli sa mga surprises and efforts:
Nung valentines day, first namin. Nagulat ako nun kasi kasama ko yung friends ko sa KFC, tapos bigla siyang dumating with matching roses habang pinapanood ko yung video na ginagawa niya para saken kasi alam kong hindi siya makakapunta, tapos nandun na siya. Kung akin ang mundo, pati Kahit maputi na ang buhok ko yung kanta dun sa video.
Pero pinaka paborito niyang kantahin sakin yung, Prinsesa. Kasi prinsesa niya ako dati. Haha ampota naalala ko na naman naiiyak tuloy ako.
Balik na nga, so ayun nandyan din yung bigla bigla na lang yan may dalang pagkain, mga tipong nasa bahay pa lang daw siya pero paglabas ko ng school nandun na may dala pang foods.
Nung 18th birthday ko, pinaka malupit, nandyan yung siya lahat nagasikaso, mula sa projector, sa tarpulin, sa mga roses, sa lahat na ata. Naiyak ako nun, nagsayaw siya first time, para sakin. tapos may roses at malaking teddy bear pa. Hanggang ngayon proud na proud pa din sa kanya mama ko e, bidang bida sa lahat ng friends niya.
Hindi kami nauubusan ng paguusapan nuon, Tangina 2yrs pero walang nagbabago samin, masaya lang tho minsan abnormal talaga ako, pero mahal na mahal niya ko dati so walang problema samin. Hindi ko na nga lang alam kung san ba ako nagkamali, tas wala nabago na lahat yan, hindi ko talaga alam kung saan ko pupulutin yung dahilan, rason, kung anong nangyari. Actually, nagusap na kami kagabi, naschock lang ako sa mga sagot niya, and dun I realized, I lost him. Iba na siya sa taong nakilala ko nuon, yung mahal na mahal ako, yung iaassure ako na walang problema, hindi yung papatunayan na meron. Yung alam kung ano ng nangyayari saken, basta iba na tapos wala na kong magagawa kasi ganun na siya ngayon. So bahala na thisssssss, atleast naalala ko pa yung mga bagay na minahal ko sa kanya, never kong kakalimutan, kasi never ko din malilimutan na mahal ko siya.
1 note · View note