Tumgik
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
 Ito ay isang maliit lamang na barangay na matatagpuan sa bayan ng Bocaue sa lalawigan ng Bulacan. Sa aming barangay, aalamin natin kung paano pinapangalagaan ng mga opisyal ng barangay ang kanilang nasasakupan. Para na din magkaroon ng kaalaman ang mga tao ay ibabahagi ko sa inyo kung ano ang meron at kung paano pinapangalagaan ng aming opisyales, ang aming barangay kung sakaling magkaroon ng bantang sakuna sa aming barangay.
 Una sa lahat ay isa ang  bagyo na banta sa aming kaligtasan. Dahil din dito ay nagkakaroon ng baha kung hindi ito napapangalagaan ang ating nasasakupan. Halimbawa na dito ang mga basura na hindi natin tinatapon sa maayos na lagayan. Kapag ito ay napunta sa mga kanal na nagsisilbing daanan ng tubig kapag may bagyo ay ito ang nagiging dahilan kung bakit nagbabara ang mga kanal at nagiging dahilan ng baha sa aming barangay. Pangalawa, ang mga punong nakausli ang sanga sa malapit sa may kalasada ay pinaputol ng amin punong barangay upang hindi maging abala sa mga taong nasa kalsada o mga taong dumadaan dito. Minsan ito din kasi ang nagiging dahilan kapag may lindol, kapag hindi na masyadong matibay ang mga ito ay napuputol at nakakaperwisyo sa mga tao. Ayon sa aking nakapanayam na si Igg. Ryan Mauricio, Madami ng mga kalamidad ang aming naranasan sa aming barangay ngunit hindi ito ganon kalala. Hindi ito masyado naaapektuhan ng baha kapag may mga bagyong dumarating dahil isa ito sa may mataas na lugar sa aming bayan. Hindi ito katulad ng ibang barangay na kapag may bagyo ay siguradong may baha na kaagad. Bagyo ang madalas na kalamidad na nararanasan sa aming barangay. Kapag mayroon namang lindol, wala pa namang natatala na aksidente o kung ano pa man ang nangyayari sa aming barangay. Dahil sa maliit na populasyon lamang at karamihan din ay malapit ito sa mga palayan. Nalalaman ang may bantang sakuna una sa mga balita. Kung may bagyo na tatama sa aming lugar. Meron ding mga poste na may sukat, doon naman nasusukat kung gaano na kataas ang tubig sa aming lugar. Isang beses sa isang taon nararanasan ang bantang sakuna sa aming barangay pero hindi pa ito ganon kasigurado dahil nakadepende ito sa bagyo o kung ano pa mang kalamidad. Mas napipinsala ang mga bahay na malapit sa ilog dahil nung mga panahon na hindi pa nagagawa yung dike kapag bumabagyo at malakas ang angos ng tubig sa ilog ay naaapektuhan ang mga bahay na malapit sa ilog. Kadalasan kapag may bagyo ay sila ang mas napipinsala sa mga pag-apaw ng tubig mula sa ilog at pati na rin sa mga kalat na dulot ng baha. Minsan kapag sobrang lakas ng agos, nasisira din yung mga bahay na malapit na nakatayo sa may tabi ng ilog.  Mas naaapektuhan yung mga bagay na mas malapit sa ilog dahil ang kanilang bahay ay gawa lamang sa kahoy at hindi sa bato katulad ng mga modernisado at mararayang bahay na matatagpuan sa aming barangay. Mas naapektuhan sila dahil kapag umaapaw ang ilog sa kadahilanan na wala pang dike na nakalagay doon, mabilis itong nalalagyan ng tubig at napipinsala ang mga kabuhayan din nila. Sa mga palayan naman, Kapag bumabaha ay siguradong nasisira ang kanilang mga pananim. Karamihan sa mga tao dito ay nagtatrabaho sa bukid. Mga pananim ng kanilang pamumuhay kaya kapag dumadating ang bagyo at bumabaha, sobra silang naaapektuhan pamumuhay. Ang serbisyong panlipunan ay naapektuhan din dahil wala silang maibibigay na pananim o pagkain na kanilang maibibigay mula sa pananim dahil nasira ng dahil sa bagyo. Ang pinakaligtas lamang na lugar ay depende sa kung anong sakuna ang nararanasan. Ngunit meron sinasabi ang aming barangay na ligtas sa may bukirin kapag may lindol. Kapag baha naman ay inililipat ang mga tao sa eskuwelahan malapit sa aming barangay hall. Dahil bukid sa malapit ito sa barangay hall, isa ito sa may mataas na pwesto sa aming barangay. Kapag nagbibigay ng mga relief goods ay ditto din nagaganap.
Kapag may mga bantang panganib, may mga patrol na nag-iikot sa aming barangay sa umaga at hapon at may malakas ito na speaker at sa loob ng patrol ay mag nagsasalita o nagpapalala sa mga tao na may bantang panganib na paparating. May mga ipinapaskil din sila na mga evacuation plan na matatagpuan sa mga labas ng bahay upang maging paalala sa mga tao kung saan sila dapat pumunta kung sakali man na magkaroon ng panganib. May mga plano ang aming barangay na hindi lamang pang sakuna. Halimbawa na dito ang pagpoprovide ng mga kagamitan pang isports para sa mga kabataan upang hindi sila malulong sa droga. Mas maibabaling nila ang kanilang atensyon kung susuportahan ng barangay ang pagkahilig nila sa isports. Kada unang linggo ng buwan, may mga medical mission at iba pang pangkalusugan ang sinusuporatahan ng aming barangay. Sa mga buntis naman at may libre din check up para sakanila, nagbibigay din ng mga gamot sa mga matatanda upang magkaroon ng maayos na pangangatawan. May mga feeding program naman sa mga bata. Sa mahihirap naman ay may mga binibigay na supply sakanila kada unang lingo ng buwan. Ang mga opisyal ng barangay ang mga namumuno dito.
San Pedro, Beatrix. S
C-Cthm 8 
Barangay Turo
1 note · View note