Tumgik
almacenzxc · 3 years
Text
Pagharap ng Pilipino sa Panahon ng Pandemya
Marami sa buong mundo ang apektado ng Pandemya dulot ng virus na kumakalat. Sa kabila ng lahat ng ito ay patuloy na nakikita ng lahat ang tibay ng isa't isa lalo na ang mga Pilipino. Hanap buhay ay sapilitang naipatigil dahil kinakailangang ipatupad ang total lockdown sa buong luzon. Marami ang nawalan ng trabaho at lalong humirap ang lagay ng iba pa nating kababayan. Lalo na at sinabayan pa ito ng maraming kalamidad na sumira rin ng tahanan at kumitil ng ilang buhay. Ngunit sa kabila ng lahat ay patuloy na lumalaban ang mga Pilipino dahil naniniwala silang matatapos din ang lahat ng ito. Dahil sa bumababang kaso ng mga nahahawahan ng sakit ay unti-unting lumuluwag na ang quarantine at nagbigay ito ng pagkakataon na makapagtrabaho muli ang ilan sa mga nawalan ng hanap-buhay. Mahirap man ang kalagayan ngunit ang pagiging positibo sa lahat ng bagay ay nakakatulong upang malampasan ang mga problema. Marami sa mga Pilipino ang kapwa tumutulong sa iba upang makaraos sa kanilang pamumuhay, marami ang nag dodoneyt at nagbabahagi ng kahit konting tulong pinansiyal. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pakikiisa ay unti-unti na ang pagbangon muli ng ating lumubog na pag-asa.
1 note · View note