Tumgik
aliksaliks · 1 month
Text
Wala na bang mas igaganda pa itong buhay ko?
Hello.
Writing while crying.
Ano bang nagawa ko para maramdaman 'yung ganitong klase ng sakit? Paulit-ulit. Hindi ko na alam kung ano 'yung masakit. Hindi ko na alam kung paano ulit magiging maayos ang lahat.
Kung buhay siguro si Nanay ko ngayon....hindi mangyayari ito.Lord, bakit naman hindi Mo ako ininform na worst is to come pa pala. Grabeng pag strettch ng faith 'yan. Tama na. I'm not your strong soldier anymore. I'm not your anymore. I'm not her anymore. I can't bear the pain anymore. :(
Wala na bang isasaya itong buhay ko? Ito na ba 'yun? Sabihin mo kung meron pa, para alam kong itigil na. Masgtatampo Ka ba kung unahan ko ang time ko? Papapasukin mo ba ako salangit? :'( Alam kond hindio kasi "sumpa" 'yun diba. Ayaw ko naman na suicide will ran sa future generation ko.
Tang ina! Hirap naman ng buhay. Ang lungkot. Nakakaiyak. Matinding pagtitiis ang kailangan.
Gusto ko nalang sanang umalis, takasan ang lahat pero...masyado akong mahinang nilalang para gawin 'yun. 'Para ko na ring isinuko ang mga kapatid ko. PUTANGINA! I want to end the pain. I want to end it all. Pero ang dami ko pang pangarap. Hindi lang pa ra sa akin.
Lord, please meet me now. I need You. Kahit nakakatampo dahil parang favorite mong testingin ang faith ko, naniniwala pa rin ako na...IKAW ang kailangan ko....Sobrang tagal mong dumating, sobrang pagod na ako sa lahat. Sa sarili ko....AHHHHHHH :(
Ano ba ang dapat kong gawin?
TANGINA!!!!!
Sobrang drama! I should focus on myself. Focus on getting the life I want. Full of travel. Spoil my sibs. Give back to the community. And be so FUCKING BUSY that I don't have time to feel the hurt and be so dramatic!
BWISET KA INDAY! SINGA KA TANGA! YOU FAILED FOR THIS TEST, MOVE ON! HAYAAN MO NA SILA! MAY BUHAY KA RIN!
0 notes
aliksaliks · 2 months
Text
Welcome Back
Hello, tumblr! It's been a while. Ako ay magbabalik sa pagsusulat dito. I was about to delete lahat ng naisulat ko dito, pero naisip kong huwag na lang. I remember that quote I saw in Linkedin.
Ang mga naisulat ko rito ay magiging patotoo kung gaano na kalayo ang narating ko....sa pagsusulat! :D Kasi nakaupo lang naman ako. Kididng aside! Here's to the more years for us! I will stick by your side, write with all my heart, and please bear with me.
Tumblr media
0 notes
aliksaliks · 11 months
Text
Bakit kailangang dumating sa ganitong point?
Hello. Nakatutok ako sa laptop ngayon habang nakikinig ng worship song. Kanina sa facebook lang, nanuod lang ako sa service nung kakilala ko.
Ang sakit sa puso. Naiiyak ako. Namimiss ko na maglingkod Sayo.
Paano ako magsisimula muli? Paano kami magsisimulang muli ni Aila? Naaalala ko dati, kahit tatlo lang kami dito sa bahay. Hindi namin hahayaan na hindi kami makapunta sa practice kahit ang ibig sabihin pa niyan ay matambakan kami nang labahan. Puyat man o hindi. Maiiwan anming mag-isa si Bugoy. Minsan gabi na. Hinahanap na niya kami.
Panginoon, ano po ang nais mo sa amin? Saan mo po ba kami nais na ilagay? Kwento ko na rin po Lord na nagkaroon na po ng RECONCILIATION. Salamat po, Panginoon. Ginawa mo ang bagay na IMPOSIBLE. Knowing me na hindi talaga sanay sa ganung magiging open lang sa nararamdaman ko. I mean, 'yung sabihin ko sa iba na nasasaktan ako. Hindi ako ganun eh, pero alam kong Ikaw ang nagbigay sa akin ng kalakasan noong mga oras na 'yun.
Panginoon, patuloy na ayusin mo po ako. Ayusin mo kami. Alam ko na mas nais Mong maging maayos ang mga character namin. You are preparing us for the things you prepared for us. Does it make sense? I think.
0 notes
aliksaliks · 11 months
Text
Hanggat hindi sapat si Kristo para sayo, kailanman hindi ka magiging kuntento.
God is your fullness.
He is better than anything this life could offer.
He is our best treasurer.
Heart Check.
Why are you praying?
Why are you seeking His face?
Why are you praising Him?
Why are you obeying Him?
Let it not be because of the things that He can do for you. Seek the BLESSER more than the blessing.
Let Jesus Christ still enough for you.
1 note · View note
aliksaliks · 11 months
Text
June 7, 2023
Mahangin. Nakaaantok. Para kang nasa isang pelikula... Nasa biyahe lang naman ako. Sa may tabi ng bintana ako nakupo. Habang umaandar ang bus, narerealize ko na...ang dami ko na pa lang TAGUMPAY. Maliliit na TAGUMPAY.
Ang saya talaga mag biyahe. Haha! Ang sarap mag emote. Alam ko na 'yung MALILIIT NA TAGUMPAY ko ay hagdan lamang sa rurok nito. MALILIIT NA TAGUMPAY NA hindi dapat binabalewala.
Haaaaaay. Ang sarap mabuhay. Ang sarap mangarap. Hindi ko alam kung ano ang susunod, pero gaya nang dati, NAGTIWALA at NANAMPALATAya lang ako.
'Yung dating DROPPED ng PE, graduate na. 'Ying dating pumapasok sa isang subject na hindi naman pala siya enrolled, graduate na. 'yung dating nag re-defense, graduate na. Noong mga panahon na 'yun, INIYAK ko na lang ang lahat sa Panginoon. Wala akong nagawa kundi ang MAGTIWALA lang sa Panginoon.
Inilaban ako ng Panginoon sa mga panahong sinusukuan ko na ang sarili ko. Ang dami ko na pa lang nalampasan. Ang dami ko na pa lang laban na IPINANALO MO, PANGINOON. It was all you! It was all GRACE!
Keep going! Keep growing! Keep learning! Keep thanking Him! You are just levelling up! Don't worry because the God that you are serving figured all things out.
Enjoy the process. Baunin mo ang BAWAT ARAL na itinuturo sayo ng Panginoon sa kung nasaang season ko man nang buhay mo.
Allyx, MAGPATULOY KA! God didn't bring you this far to leave you. That ministry that He promised you? He'll just prepare you for before Niya itong ipagkaloob ito sayo. 'Yung future second one mo, inihahanda rin ng Panginoon kaya, ihanda mo rin ang sarli mo. SERVE GOD while waiting. May liwanag after mong lumabas sa isang madilim na tunnel. Your journey doesn't end here. NAGSISIMULA pa lang ang Panginoon sa buhay mo!
TRUST HIM WITH ALL YOUR HEAT! He is not a man that should change His mind. Tinawag ka na Niya noon pa, hindi nagbago ang pagkatawag ng Panginoon sayo. May tamang oras lang Siya para dito.
His thoughts are always higher than ours! Hindi ka ipapahiya ng Panginoon! ;)
0 notes
aliksaliks · 11 months
Text
what about your body are you most grateful for?
EVERYTHING.
I am most grateful that I am alive and healthy! I am most grateful for my body is much better than it was almost two years ago.
0 notes
aliksaliks · 11 months
Text
3 things you like about your appearance:
Curly Hair
Eyes
Lips
0 notes
aliksaliks · 11 months
Text
if you could make any change in the world. what would it be?
Wow! Miss Universe question.
If I could make any change in the world, it would be to make people more empathetic.
Some people tend to be more naturally empathetic. They can place themselves in someone else's shoes. I would love people to pay more attention to where people are coming from. Madalas kasi, lalo na sa Pilipinas, maraming tao ang makitid ang utak. Ang gusto nila 'yung alam lang nila or 'yung perspective lang nila ang tama. Masarap sa feeling kapag hindi lang basta nakikinig sayo ang tao para ipagkalat nia sa iba, kundi dahil nakikinig talaga siya sayo nang because they are trying to understand where you are coming from.
It is good to live knowing that you are not alone. 'Yung mga tao na may totoong pake sayo.
0 notes
aliksaliks · 11 months
Text
Write about a past struggle that you overcome. How has it made you stronger?
I struggle of telling my pain to others.
I struggle to tell those who hurt me that hey hurt me.
Ang ugali ko kasi kapag nasasaktan na ako, hindi ko na lang sasabihin. Mananahimik na lang ako. At ilalayo ang sarili.
Noong mga nakaraang linggo, I am at my lowest point in life.
Sa sobrang nasaktan at nasasaktan na ako, nag build na ako nang malaking malaking wall, alam mo 'yung para hindi ka na lang nila masaktan ulit, kailangan mong gawin 'yun. Nanginginig ako sa tuwing pupunta ako sa lugar na 'yun. Iba 'yung kaba. Takot. Basta, IBA!
Hanggang sa hinarap ko ang bagay na 'yung, ang mga tao, at nagpakatotoo lang ako sa nararamdaman ko. I was BURN OUT. I was SPIRITUALLY DRAINED. Traumatized. But, God did not allow those things to remain in my life. After confessing everything, just being honest with them, nagkaroon ng kapatawaran, gumaan ang loob ko. Nawala 'yung bigat. Sakit. At kung ano pang negative emotions na meron noong hindi ko pa ito nagagawa.
It made me stronger to face people who "unintentionally" hurt me. To forgive and not hold any grudges. Kapag kasi may mga ganitong problema ako noon, tinatakbuhan ko na lang. Sa sobrang takot. Hindi ko rin alam ang gagawin ko, pero mas okay pala talaga na harapin ang mga bagay na kinakatakutan natin. It builds our character.
Inaayos muna ni Lord ang buong ikaw, Allyx.
Sumunod ka lang, hindi ka Niya ipapahamak!
0 notes
aliksaliks · 11 months
Text
The enemy is looking to destroy tomorrow's influence with today's private sins.
0 notes
aliksaliks · 11 months
Text
what is unique about your personality?
What is unique about my personality is that I am UNIVERSAL.
I remember hearing it from my junior high school classmate. He is gay. Out of nowhere, he told me this line, "Alam mo Allyx universal friend ka. Pwede ka sa babae, lalaki, bading, tomboy." Kahit sino pwede kong pakisamahan. Noong Grade 10 ako, naalala ko, inililipat ako lagi ng upuan kasi MADALDAL ako, pero sa kahit saan nila ako ilipat, may makakausap at makakausap pa rin ako. Hahaha!
I also remember having a conversation with my classmate in senior high school, ang sabi niya, "Ano ka ba. Ikaw kaya ang pinaka friendsly sa lahat. Kahit sinong group of friends (sa classroom) nakakausap mo. And, I do believe that God created me like this for His purpose. Hindi kasi ako 'yung tipo ng tao na maarte. Pumipili ng makakasama. Kaya nga noong Grade 10, nasama ako sa mga ipinatawag ang magulang dahil sa kaguluhan namin. Hahaha! Very sipportive kasi akong friend kahit na mali na. Nakakatuwa na naranasan kong magsulat nang "I am sorry...I will not do this again," back to back. 10 na piraso ng papel. Grabe! Naranasanag mag community service pero dahil puro lalaki ang mga kasama ko, hindi nila ako pinaglinis. Hahahahaha! So, ayun! I am UNIVERSAL. I guess.
0 notes
aliksaliks · 11 months
Text
I want to get better at hearing God, reading, writing, preaching, and playing guitar this 2023
I want to get better at hearing God
I want to get better at reading
I want to get better at writing
I want to get better at editing videos
I want to get better at preaching
0 notes
aliksaliks · 11 months
Text
what is something you learned yesterday?
I learned yesterday that OPEN DOORS are real.
I watched a video of Isaiah about overcoming lust and in that video, he said that in order for us to overcome this spirit of lust, kailangan na isiwalat natin ito. I mean, sabihin sa iba. Hindi para ma-judge ka kundi para matigil ni Satan kung ano man ang binabalak niya sa buhay mo dahil sinasabi mo na ito. Hindi mo itinatago.
Nagkaroon kami nang kwentuhan ni Aila. May nasabi siya na naging open door noong bata pa siya kaya nacurious siya sa bagay na iyon. Naikwento ko rin 'yung open door noong bata pa lang ako.
I know that everything happens for a purpose. May plano ang Diyos.
Long before the enemy attacked us, God already chose us.
Hanggang sa naikwento ko rin 'yung sa isang tao na minahal ko. May mga napansin akong pangyayari. After naming magkwentuhan, maglabasan ng mga itinatago sa dili, natulog kami. Nanaginip ako tungkol doon sa taong minahal ko. Noon. Sa panaginip ko, magka holding hands kami. Niyakap ko siya. Nagsabi siya nang nararamdaman niya. At nabigla ako sa sagot ko, "Hindi mo ba nakikita 'yung mga post ko sa facebook? Hindi ko pa alam kung sino 'yung taong para sa akin. Mag YES lang ako sa taong ipinagkaloob ni Lord." At, umiyak siya.
Grabe! Unti unti na palang inilalapag ng kaaway ang plano niyang sirain ako. Sirain ang TESTIMONYA KA. Buti na lang, greater is He that is in me, than he that is in the world.
There are open doors in our lives. And, we need to ask God to shut it. Just how He shut the ark in Noah's time. Thank You, Lord, for opening our spiritual eyes.
0 notes
aliksaliks · 11 months
Text
3 people in your life that you're most grateful for
Tatay. I am grateful to my earthly father for his sacrifices. Hindi madali ang magtrabaho sa abroad. Naalala ko nung paalis na ako papuntang Palawan, nandito pa ako sa bahay nun, pero parang ayaw ko nang umalis kasi unang alis ko ito nang malayo sa pamilya. Hanggang sa nung nakasakay na kami ng eroplano, naiiyak na lang ako kasi ganito pala 'yung pakiramdam. Parang ayaw mong umalis pero wala ka nang magagwa kasi masasayang lahat. Lalo na siguro sa mga magulang na iiwan ang mga anak nila para mas mabigyan sila nang magandang buhay. Kaya, I am most grateful for having my Tatay as my earthly father. Alam ko na kailanman hindi nagkamali ang Diyos na siya ang naging Tatay ko.
2. Aila. I am grateful to Aila for being my sister. I can say anything and everything to her. I can be who I am, yet she still loves me. Big credit din talaga sa Aila, hindi lang ako ang nagiging Nanay dito sa amin, kundi pati na rin siya. So, I am grateful for her life. Hindi madali na tatlo lang kami, pero naging madali dahil dalawa kaming Nanay. Haha! She is always willing to listen sa mga kwento kong paulit ulit na.
3. Bugoy. I am grateful to Bugoy for being my youngest brother. Siya lang naman kasi lagi ang nauutusang bumili nang mga ingredients na kailangan sa pagluluto. Haha! I am grateful for his life because he always take my advices seriously. Alam ko na hindi man niya sabihin, pero alam kong kapag gipitan, ipagtatanggol talaga kami nitong kapatid ko. Kahit minsan chismoso siya. Haha!
0 notes
aliksaliks · 11 months
Text
today, I decided to quit from social media.
May 30, 2023
I was 12 when I started using Facebook. Too early. Since then, hindi na ako nagkaroon ng time to take a break. Hindi pa toxic ang social media noon. Walang may pake kung hindi estetik ang mga picture mo. Ang mahalaga, na-upload. Hindi rin big deal dati ang dami ng likes. As in. Payapa pa ang buhay ko noon kahit mmaaga akong nagkaroon ng facebook.
Ngayon, iba na ang dulot nito sa akin. Hindi na healthy for my mental health. Madalas ko nang ikumpara ang sarili ko sa iba. Madalas ko nang maramdaman ang inggit sa journey ng iba. Nakabantay na rin ako sa dami ng likes na matatanggap ko. Hindi na rin ako basta basta naguupload dahil iniiisp ko na ang sasabihin ng iba.
I decided to quit Facebook, Instagram, Twitter, Tiktok dahil sa tatlong araw na nag fast ako from social media, ang dami kong natutunan. Iba kapag walang social media. Ang saya lang ng buhay. You appreciate what you have MORE. Socialize more. Nawala 'yung feeling na parang minamadali ka ng mundo na maging ganito, ganyan. Kasi hindi mo nakikita 'yung buhay ng ibang tao. Mas nagkakaroon ka ng chance to be the best version of you. To do things that your future self with thank you.
Ang mga nasayang na oras ay kailanman hindi mo na pwedeng balikan. Ayaw ko na sa huli pa ako magsisi. Addicting ang social media. Sobra. Alam ko naman na nasa sarili natin on how we are going to maximize these platforms, but for me, hindi na talaga. Ayaw ko na sa social media.
Isa sa tumatatak sa akin na mas nagpapatatag sa desisyon ko na 'to is that many times I am so down in life and everything, I scroll through my messenger then I have no one to call on or at least just be with me. Why? Because I don't think they will or I just don't want to bother anyone and be a burden. Naiiyak tuloy ako kasi naaalala ko.
Magfofocus na lang muna ako sa relasyon ko sa Panginoon. To be the woman who He wants me to be. To hear Him more. Sobrang ingay sa social media. Nakakapressure. Nakakadepress. Nakakalungkot. Basta, hindi talaga healthy. Addicting.
Gusto ko na lang muna mawala sa paningin ng iba. Ayaw ko na sa ibang tao ko kinukuha 'yung validation at worth ko bilang tao. Hindi nakabase sa like ang halaga ko. Hindi nakabase sa kung sino ang mangangamusta ang halaga ko. Lord, help me sa hjourney na ito. I wanna know You more. Tayo naman muna. Ikaw naman. Ikaw na lang.
0 notes
aliksaliks · 11 months
Text
RESTORATION │ May 28, 2023
Last Sunday, chinat ako ni Ma'am Tara dahil mag-uusap daw kami kasama si Aila. Sinundo niya kami. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Hanggang sa papunta na kami sa Binmaley, nakaramdam ako ng kaba. Nginig. At hindi maipaliwanag na nararamdaman. The last time na naranasan ko 'to papunta ako sa church that time. Hindi ko alam kung ano ang feeling na 'to.
Nag orde kami ng halo halo. Kumain kami. Nakapag usap. Iniiwasan namin na pumunta sa church kaya nga hindi na rin kami nakakapag simba. Ilang linggo na.
At ito na nga, sinabihan niya kami to face this dahil balang araw kung mananatili itong ganitong pakiramdam namin, MUMULTUHIN kami ng nakaraan.
Pumunta kami sa church. Noong una hindi ko alam kung paano magrereact. Kunwari na lang walang nangyayari. Haha! Pretend, ganon! Niyakap kami ni Pastosa Beth. Nakapagkwentuhan tungkolsa Civil Service. Hanggang sa dumating si Pastora Josie. Hindi ako makatingin sa mga mata nila.
Set up pala ito. Dumating na rin si Madam Chariss. Grabe! I'm not used to this. Noon kahit alam kong may problema, hindi ko na lang haharapin ang isang tao. Sasarilihin ko na lang lahat. Hindi magsasabi nang nararamdaman. Hindi magsasalita. At ilalayo na lang ang aking sarili. Hanggang sa...nagsalita na si Madam Tara at sinabi na may pag-uusapan. Sabihin daw namin kung ano ang nararamdaman namin. Kahit ano. Ilatag lang daw. Nung una, hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko. Hanggang sa naalala ko 'yung prayer ko na "Lord, Ikaw na bahala na magkaroon ng pagkakataon na makapag-usap kami sa church." Actually, the night before this happens, 'yan ang prayer ko. Dahil nakausap ko rin si Ate jas, na hindi pa panahon need muna nang restoration. Graceful exit. Kung iaallow na ng Lord.
Sinabi ko na ito na ng ipinapagawa ng Lord. Nung una, ramdam ko na talagang dinidiin nilang parang MALI ako. Nagkamali ako. Hindi ako tumitingin sa mga mata nila. Iba 'yung pakiramdam ko nung mga oras na 'yun. Buti na lang naawat na ni Madam Tara, para ksing that time pakiramdam ko mali ako, and hindi ko dapat maramdaman 'yun. Hanggang sa sabi ni Madam Tara na aminin nila na may mga pagkukulang sila. Totoo naman. Haha! Pero, legit lahat may pagkukulang.
Nasabi ko na lahat nang nararamdaman ko. Gumaan ang pakiramdam ko. Nawala 'yung bigat. Niyakap ako ni Pstora, iniyak ko lang din lahat. Humungi sila ng tawad. At ako rin humingi ng tawad. Nagkaiyakan talaga. Ngayon lang kami nagkaroon nang ganitong pagkakataon. Iba talaga kumilos ang Panginoon.
Kung dumating man ang panahon na pinapaalis na ako ng Panginoon sa lugar na ito, alam kong hindi na mabigat. Walang samaan ng loob. Wala akong galit sa kahit na sino sa loob ng church. Walang hinanakit. Madalas may mga bagay na ipinapagawa ang Panginoon na kung saan kailangan mo talagang MAGPAKUMBABA. BUONG PUSONG pagsuko. Hindi madali, pero nandyan ang Panginoon to guide you. Alam ko na ayaw na magkaroon ako ng galit sa puso. Hindi rin kasi talaga maganda na umalis nang hindi pa ayos ang lahat. Hindi pa nagkaroon ng RESTORATION. After nang mga pangyayari, sobrang gaan. Madalas may ipinapagawa ang Lord sa atin pero don't you dare na gawin mo ito ayon sa iyong sariling lakas. Allow God to guide you. Dahil kailanman hindi nagbabago ang pagkatawag ng Panginoon.
Lord, I know in your perfect time ipapadala mo Ako sa lugar na Mo para sa akin. Habang hinihntay ko ang panahon na 'yun, patuloy ako na maglilingkod sayo. Mahal Kita. Ikaw lang ang buhay ko. Hindi ko kapag wala Ka.
Ngayon, nagpupunta na kami sa simbahan. Walang ministeryong hinahawakan. Walang sakit. Walang panginginig. Walang kahit ano kundi ang KAPAYAAN na nangmumula sa Panginoon. Pag-ibig.
0 notes
aliksaliks · 11 months
Text
what small thing that happened today are you grateful for?
I was able to deactivate my Instagram account. At first, I was having a hard time doing it because I forgot my password. Buti na lang talaga nagawa ko. I also deleted my facebook. Hindi pa siya agad agad na mawawala. May 30 days pa na naghihintay bago tuluyang mabura ang account. I deactivated twitter nung nakaraang araw pa. Deleted Tiktok. I am grateful for this.
0 notes