Tumgik
adiolo6-blog · 9 years
Text
Guys Speak Out About Girls Showing Cleavage (TAGALOG)
By: Bethany Baird Ang mga babae na manonood ay tumindig ng upo sa kanilang kinauupuan habang pinanonood nila ang video. Ang magsasalita sa gawain na iyon ay nag-record ng video ng mga kristiyanong kalalakihan ukol sa kanilang masasabi at personal na opinyon sa isyu ng "kayumian" (modesty). Ang mga lalaki ay tinanong ng mga paetikular na mga tanong tungkol sa "modesty" at ipinalabas ang video sa mga kababaihan. Isang tanong ang ibinigay, "Kapag nakikitaan ang babae ng kanyang panloob o pang-ibaba, ito ba ay nakatutukso sa mga lalaki? Bakit oo at bakit hindi?" Ang mga manonood na kababaihan ay nagulat sa mga narinig nilang kasagutan mula sa lalaki. Ang mga babae ay walang ideya na ang kanilang gawi ng pananamit ay nagiging balakid at tukso sa mga lalaking nasa kanilang paligid. Ang mga babae ay tinitingnan lamang ang "modesty" mula sa isipan ng kababaihan ngunit kailanma'y hindi huminto't naisip na tingnan ito sa pananaw ng mga lalaki. Ganoon nga ang nais kong iparating. Nais kong dalhin ang ilan sa pahayag ng mga maka-Diyos na mga lalaki at malaman ang kanilang naiisip sa partikular na bagay. Ako'y nagmamasid at tila mayroong mga bagay na ayaw nating matalakay. Hindi ko alam kung ayaw lang ba natin ito mapag-usapan o sadyang wala lang tayong pakialam, o kaya nama'y Iwala ito sa loob natin. Oras na para tapusin ang pagwawalang bahala dito at ito'y ating talakayin. Ang problema ay ito: Mga kristiyanong kababaihan na nagpapakita ng kanilang mga dibdib o ng kanilang "cleavage" Mayroon akong pakiramdam na maaaring sabihin mong ang blog ko na ito ay isa na namang post na legalismo na nagbibigay ng mga patakaran na wala naman sa Bibliya. Hindi. Ito ay pagbibigay ng hamon sa aking sarili at sa mga kapatid ko kay Kristo at mag-isip tungkol sa "modesty" at sa pagpapakita ng "cleavage". Ito'y hamon na suriin ang kasalukuyan mong pamantayan ng modesty at tingnan kung ikaw ba'y nagiging pagpapala sa mga kristiyanong kalalakihan sa iyong paligid. Nais ko sanang alisin mo muna ang masyadong babae na kaisipan at subukan mong tingnan ang iyong sarili sa mata ng isang lalaki sandali. Hawakan mo muna ang lahat iyong ideya tungkol sa kayumian (modesty). Ibaba ang lahat ng pagtatanggol sa sarili at ibukas ang pandinig sa sasabihin ng mga lalaki. Handa ka bang gawin iyon? Narito: Godly Guy #1 “Ayokong i-doktrina ang bagay na ito, ngunit sasabihin ko, sa karamihan, kinatutuwa o kinalulugod ko kapag ang mga kababaihan ay tinatakpan ang kanilang mga dibdib depende sa sitwasyon. Nakakagambala lamang ito. Minsan masasabi mo kung ang isang babae ay ginagamit na daan kung paano siya manamit upang mapansin. Ito ang espiritung meron siya." Godly Guy #2 “Halos sa lahat ng pagkakataon na ang dibdib ng isang babae ay nakikita ng mga mata ng lalaki, madali niyang maiisip ang partikular na parte na ito ng babae at matutuksong magkasala. Nauunawaan ko na ang ating kasalukuyang kultura kung paano manamit ang siyang nagtutulot sa mga kababaihan na magpakita ng parte ng kanilang mga dibdib. Ang nakakalungkot na katotohanan sa buhay ay: sa tuwing nakakakita ang mga lalaki ng maliit na bahagi, napakadali na para sa kanila na ilarawan sa kanilang isip ang kabuuan. Ayokong marinig na sinasabi ko na ang mga kababaihan ang may pananagutan sa aking pagkakasala kung pinagnasahan ko sila. Mayroon akong lakas na nagmumula sa Panginoong Hesus upang maputol kaagad ang tanikala matapos matukso at ilayo ang sarili na magkasala. Nais kong malaman ng mga kababaihan na malaki ang aking pagpapahalaga sa kanila na madaling makaramdam o sensitibo sa kahinaang mayroon ang mga kapatid nilang lalaki kay Kristo, at maalalahanin upang takpan ang mga parte ng kanilang katawan para hindi ako magkasala laban sa aking Diyos." Godly Guy #3 "Nakalilito para sa akin sa tuwing nagpapakita ng cleavage ang kristiyqnong babae. Oang tungkulin at layunin bilang mga kristiyano ay magpakita ng karangalan sa ating Diyos sa pamamagitan ng ating mga ginagawa – at ang pagpapakita ng cleavage mo sa mundo, nakasisiguro ako, na hindi itinutuon ang mata ng iba sa Diyos; itinuuon nito ang kanilang mga mata sa iyong katawan. Ako'y lubos na malulugod at mamamangha kung ang babaeng pakakasalan ko'y may maagang pag-unawa kung gaano kahalaga ang kanyang katawan sa akin at tanging para sa mga mata ko lamang. At nagdesisyon na hindi magpapakita ng higit pa sa mundo." Godly Guy #4 "Kapag ang cleavage ng babae ay nakikita, isang bagong dimensyon ng katawan ng babae ang nabubuksan sa isip ng kalalakihan. Hindi naman namin maitatanggi ang katotohanan na ang katawan ng isang babae ay naiiba kaysa sa amin. Ngunit hindi naman dahil alam namin ang inyong kaibahan ay ipapakita niyo na sa mundo ang kaibahan. Ang pagpapakita ng cleavage ay paglalantad din ng pribadong parte ng iyong katawan na dapat sana'y para lamang sa iyong magiging asawa. Nawawala nito kung gaano ito ka-espesyal, at napapababa ang halaga ng iyong katawan." Wow! Pag-usapan natin ang mga pahayag na ito. Kawili-wili para sa akin na ang bawat lalaking ito ay talagang laban sa pagpapakita ng mga kababaihan ng kanilang cleavage. Aminasdo silang nakagagambala ito at nakatutukso. Isapuso natin ito at maging maingat sa ating pagpili ng isusuot. Narito ang magandang balita: mayroon pang mga kalalakihan, na pinahahalagahan ka kaysa sa iyong katawan. Mayroong mga lalaki na nagsusumikap na mamuhay sa kadalisayan! Nais kong magbigay ng malinaw na punto: ang pangunahin nating layunin o tunguhin sa pagkakaroon ng pamantayan ay upang parangalan si Kristo. Ang puso mo ay dapat na nakapako sa pagbibigay lugod sa Diyos sa aspetong ito at mapagpapala mo wang iyong mga kapatirang lalaki kay Kristo. Ang layunin ng post na ito ay mabigyan ka ng ideya kung ano ang nasa isip ng isang maka-Diyos na lalaki. Pagsasagawa. Hinahamon kita at nilayin mo ang bawat pahayag na ito at suriin ang laman ng iyong aparador. Sa tuwing ika'y magbibihis, itanonf mo sa sarili ang mga ito: 1. Kapag ako'y may makakausap na lalaki, matutukso ba siyang tumingin sa aking dibdib imbes na sa aking mukha? 2. Masyado bang masikip ang aking pantaas at madali ng ilarawan sa isip ng mga lalaki kung ano ang itsura sa loob? 3. Sa tuwing ako ay yuyuko o gagalaw atbp., makikitaan ba ako ng loob ng aking damit? 4. Ano ba ang motibo ko sa pagsusuot ng pang-itaas na ito? Ako ba ay namimingwit ng atensyon mula sa kalalakihan at ginagamit ang aking cleavage para makakuha nito? 5. Kung sa tingin ko'y ang damit na ito'y mapanukso, handa ko bang palitan ito at magsuot ng iba? Kung sasagutin natin ang mga ito ng tapat, sa palagay ko'y magbabago ang gawi natin sa pananamit. Sa huli, ang laman ng ating puso ang sanhi nito. Nais mo ba na tulungan ang iyong mga kapatid na kristiyanong kalalakihan patungo sa kadalisayan? Nais mo ba na ituro ang kanilang mga mata kay Kristo at hindi sa'yo? Kung ang nasa ng iyong puso ay ang ituon mga matang iba kay Kristo at hindi sa iyong sarili, ang manamit ng may kayumian ay napakadali. Sumahin natin. Nabasa mo ang mga pahayag kanina mula sa kalalakihan na nagsabi ng kanilang pagpapahalaga sa mga kababaihan na nais tumulong sa mga lalaki sa pamamagitan ng hindi pagpapakita ng cleavage. Ang mga lalaking ito ay hindi laban sa kagandahan at katawan ng mga babae, nais lamang nila na pangalagaan ang kanilang puso at mga mata para sa katawan ng kanilang magiging asawa sa hinaharap. Mayroong oras at lugar para ipakita mo ang katawang ipinagkaloob sa'yo ng Diyos ngunit hangga't 'di ka pa kasal ay hindi pa oras. Basahin mo ang sinasabi sa Kawikaan 5:15-23 kung hindi ka kumbinsado dito. O kaya'y tignan mo ang mga Awit ni Solomon at makikita mo na mayroong tamang oras para ipakita ang kagandahan ng iyong katawan sa konteksto ng kasal. Iiwanan kita ng isa pang pahayag mula sa isa pang kristiyanong lalaki: “ Ang mga lalaki ang may 100% pananagutan o responsibilidad sa pagbabantay sa kanilang mga mata at piliin ang hindi magkasala. Ngunit sigurado na isang pagpapala sa tuwing ang mga kristiyanong babae ay pinipiling makatulong sa'min sa pamamagitan ng pananamit ng may kayumian." Tingnan natin ang ating pagpili ng ating kasuotan bilang isang oportunidad para pagpalain (hindi para maging balakid) ang mga kristiyanong kalalakihan sa ating paligid. Translated to tagalog Source: girldefined.com
0 notes
adiolo6-blog · 9 years
Text
Bakit ang mga kristiyanong kababaihan ay nagpo-post ng mapanuksong selfies? (Why Christian Girls Post Seductive Selfies)
By: Kristen Clark Noong ako ay highschool pa, ako at si Bethany ay nagpasya na gusto naming magkaroon ng photo shoot ng aming mga sarili. Nagsuot kami ng mga pinakamodernong mga damit na mayroon kami, naglagay ng mga abubot, kinapalan ang paglalagay ng mascara at nagpunta sa napili naming lokasyon - sa bubungan. Nakiusap kami sa pinakabata naming kapatid na siya ang aming maging photographer. Lahat kami'y umakyat sa bubungan ng aming bahay at kami'y kinunan niya. Oo, ang bubungan ay isang bihirang lugar para sa photo shoot, ngunit ginawa namin ito doon upang magkaroon ng pinakamodernong simoy ng hangin na iihip sa aming mga buhok. Sa bawat larawan, kami ay tumindig katulad ng mga propesyonal na modelo na nakakunot ang mga labi, nakataas ang isang kilay, ang mga kamay ay nasa baywang, at mayroong seryosong mga mata. Kahit na walang nagtuturo kung paano tumindig ng kaakit-akit, kami'y bihasa na at alam na ang dapat gawin. Kami ay proud na inilagay ang aming photoshoot sa Facebook at naghintay ng mga papuri dito. ●Ang maging mapanukso ang bagong modelo o parisan● Nakakalungkot na nabubuhay tayo sa kultura na "naghahasa" sa ating mga isip na tingnan ang pagiging mapanukso o mapaghalina bilang parisan mula sa batang edad. Lumakad ka sa mga malls at makikita mo ang maraming larawan o poster ng mga modelo na nakatindig na mapanukso o mapanghalina. Mula ng likhain ang Pinterest, instagram at ang iba pang apps, ang mga mapanuksong larawan ay mas sumambulat sa ating mga mukha. Bilang mga kristiyanong kababaihan, tayo'y binobomba ng mga mensahe ng ating kultura na ang mga mapaghalina at mapanuksong anyo ay astig, napapanahon, at normal. Ang pagkuha ng ganitong mga larawan o selfies ay hindi na kabastusan, ito'y katanggap-tanggap at punupuri na ngayon. Dahil tayo'y nabubuhay sa makasalanang mundo, may katotohanan na ang ating kultura ay pinupuri at hinihikayat ang mga kababaihan na mamuhay ng ganito. Kaya't ang mga modelo at mga hindi kristiyano ay walang problema sa pagpopost ng ganitong selfies. ●Ang tanong na mayroon ako ngayon ay: Bakit ang mga kristiyanong kababaihan ay nagpopost ng mga mapanuksong selfies??● Ako'y nagugulat minsan kapag ako'y tumingin sa aking Instagram at nakakita ng mga mapanuksong mga post mula sa ilan kong mga keistiyanong kaibigan. Ang mas kagulat-gulat para sa akin ay makita at mabasa ang mga komento ay mula sa mga kristiyano na pumupuri sa ganitong larawan at tinatawag itong "maganda". Bakit nga ba ganito? Tila na ito isang epidemya sa loob ng mga nakaraang taon. ● Bakit nakahiligan ng mga kristiyanong babae ang mag-post ng ganito?● Nalalaman ko ang sagot dahil ako'y naging isa sa kanila noon. Isa ako noon sa mga kababaihan na kumukuha ng mga mapaghalinang tindig sa selfies. Ako ang babae sa bubungan na nag-photo shoot para ipagmalaki ko sa aking mga kaibigan ang resulta. Para sa akin, nag-post ako ng ganoong mga larawan dahil gusto ko na mapansin ng mga lalaki. Nais kong purihin ako ng mga tao kung gaano ako kaganda. Gustong-gusto kong naririnig ang mga papuri galing sa aking mga kaibigan. Kailanma'y hindi aksidente na nilagay ko ang aking ganitong larawan. Ito ay intensyon ko at plano. Sapat na ang mga larawan ng fashion models na aking nakita para malaman ko ano ang itsura na isang "hot" na larawan. Ang marami sa mga nagbabasa nito ay nalalaman kung ano ang aking sinasabi dahil maaaring nagawa mo na ito. Ang katotohanan ay: ang pagpopost ng mga mapanuksong selfies ay isa lamang panlabas na sintomas ng mas malalim na isyu. Ito'y senyales ng isang babae na nag-aasam at nananabik ng mga higit na bagay. Isang babae na sumusubok na punan ang kanyang sisidlan ng mga papuri at pahayag ng kanyang mga kaibigan. Isang babae na nananabik sa atensyon mula sa lalaki at umaasa na mapansin ang isa sa kanyang mga larawan. Isang babae na nais magmukang palagay sa sarili, ngunit mahina at nalulumbay ang kalooban. Isang babae na natutuwa sa pang-aakit sa mga kalalakihan sa pamamagitan ng pamumukha sa kanila na "gustuhin ang bagay na 'di nila makukuha". Ang mga mapanuksong selfies ay isang larawan na sumisigaw ng "tingnan mo ako!". Sila'y mga pagkakataon para ituon ang ilaw sa sarili sa sandaling pagkakataon at umasa na may makapansin nito. ● Bilang mga kristiyano, tinatawag tayo ng Diyos para sa mas mataas na pamantayan kaysa sa pumaris sa laro ng mga mapanuksong selfies.● Ang layunin ng ating mga buhay ay ang ituon ang iba sa Panginoong Hesus, hindi sa ating mga sarili. Ang ganitong klase ng mga larawan ay hindi nakatuon sa Diyos, kundi nakatuon sa sarili. Tinatawag tayo ng Panginoon na mamuhay ng mas malinis sa lahat ng bagay at paraan. Ang pag-po-post ng mga mapanuksong larawan ng iyong sarili ay hindi nagpapahayag ng pamumuhay ng malinis at banal. Mula ng araw na iyon sa bubungan, ako ay tinuruan ng Panginoon at napatunayang nagkasala sa kung ano ang motibo at laman ng aking puso. Sabihin mo sa akin, kung ang pagpo-post ng mapanuksong selfies ay katanggap-tanggap sa sinasabi ng bibliya sa Efeso 5:1,3 : " 1 Dahil kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. 3 Kayo'y mga hinirang ng Diyos, kaya't hindi dapat mabanggit man lamang na kayo'y nakikiapid o gumagawa ng anumang uri ng kahalayan o pag-iimbot. " Ano'ng masasabi mo? Unang-una, tayo'y tinawag upang maging kahalintulad ng Diyos sa gitna ng ating kapaligiran. Ikaw at ako ay mga anak ng Diyos! Nakikita dapat sa atin ang karakter at kadalisayan ng ating Diyos Ama. Pangalawa, tayo ay naatasan na lumayo sa lahat klase ng kahalayan at kalaswaan. Uilitin ko: "sa lahat". ● Ang pagpo-post ng mga mapanuksong selfies ay walang lugar sa sinasabi sa Salita ng Diyos● Ang ating kultura ay nagsasabi na ang mamuhay ng may kabanalan at kadalisayan ay kahinaan at uang pagiging mahigpit o pagbabawal sa sarili ay magbibigay sa'yo ng buhay na puno ng hinawa at pagkainip. Kung ganoon nga, bakit nananatili paring nalulungkot, nalulumbay, walang katatagan at nangangailangan? Binibigyan tayo ng Diyos ng mga pamantayan para sa kadalisayan at kabanalan dahil nalalaman Niya kung ano ang makabubuti sa'tin. Ang tunay na kagalakan at kasapatan ay hindi makukuha sa mga papuri ng iyong mga kaibigan, ito'y matatagpuan lamang sa pagsunod at pagbibigay ng karangalan sa Diyos. "Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon. Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso. (Awit119:1-2) Alam kong nais mo na ikaw ay pagpalain ng Diyos. Sa halip na pagsumakitan mo ang walang kabuluhang papuri ng mundo, pagsikapan mo ang ganap na pagbibigay ng dangal sa iyong Hari. Tunay kang magagalak kapag ikaw ay nabubuhay para sa kaluwalhatian ng Ama. Bilang mga kristiyano, mayroon tayong tungkulin na bigyan dangal ang ating Hari sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Mayroon tayong responsibilidad na dalhin ang larawan ng Panginoong Hesu Kristo sa mundong ligaw sa ating kapaligiran. ♡ Sasamahan mo ba ako sa pagtanggi sa napapanahong pagpopost ng mapanuksong selfies? Tatanggi ka na ba sa pagpo-post ng mga larawang nagtatanghal sa sarili na nagtutuon ng lahat ng atensyon sa'yo? Ang ating mundo'y matindi ang pangangailanhan sa mga kristiyanong kababaihan na handang tumayo at manindig sa mga katotohanan ng Diyos sa pagtatanghal nito ng higit sa kanilang mga sarili. ♡ Tingnan ang sarili: ■ Ikaw ba ay nakapag-post ng mapanuksong selfie(s)? Kung oo, ano ang motibo mo sa paglagay nito? ■ Nais mo bang humingi ng kapatwaran mula sa Diyos sa pagiging isang kasiraan sa Kanyang larawan? Kung oo, ipahayag ang iyong kasalanan at humingi sa Panginoon ng isang malinis at dalisay na puso. ■ Sa anu-anong mga paraan pa ikaw nautukso na humatak ng atensyon sa iyong sarili sa halip na tumuon sa Diyos? [translated to Tagalog] Source:girldefined.com
1 note · View note