Tumgik
#tulaless
thefickledreamer · 4 years
Text
Happy 2020 Poetry Day Entry ni JSAG: "Unconstitutional Daw, Di Ko Na Rin Alam Gusto Ko Na Lang Matulog Pero Nagkape Ako, Kaya Di Ko Na Lang Rin Alam, Sala Sa Init, Sala sa Lamig, Sa Sala Namin Pwede Kang Sumaglit, Pero Wag Magtatagal"
Title: "Unconstitutional Daw, Di Ko Na Rin Alam Gusto Ko Na Lang Matulog Pero Nagkape ako, Kaya Di Ko Na Lang Rin Alam, Sala Sa Init, Sala sa Lamig, Sa Sala Namin Pwede Kang Sumaglit, Pero Wag Magtatagal"
Ang hirap naman lumugar. Ang hirap naman lumugar. Ang hirap naman lumugar. Ang hirap naman lumugar.
Sa mga sandaling akala mo may saysay
ang pagkakabilang mo sa mga lumipas na mga noo na nagdedetalye
kung buhay pa ba talaga kayo
Sa mga pagtatagal na akala mo kailangan
dahil kung hindi mo hinintay
baka buhay ang maipalit bigla-bigla sa mga araw na itinitinda ng iyong kalendaryo
Sa mga pagpapagal na akala mo husto
sa kabila ng mga mapurol mong pangako na dala ng mga lalamunang uhaw sa tulog na maaari mo pang ikagising
Sa bawat segundong akala mo nang-iiwan pagkat sinanay ka na ng bawat araw na nabibitin sa pag-aasam na bukas,
bukas, bukas ay sa iyo na sana ang
ang hirap naman lumugar
ngunit pinipili mong umuwi dito
sa mga pang-araw-araw mong paghahangad na makaalpas sa kahapong pinapaulit-ulit lang
parang pagtakbo ng mga kabayo at mga karwahe sa tsubibong pinilit kang sakyan gabi't araw na lumipas nakikita mo na ang lahat at hayag sa iyong dilat na mukha
ang pagnanais sumalungat ang pagnanais sumang-ayon ang hirap namang lumugar ang hirap namang lumugar
napakahirap namang lumugar Sa mundong ito na hindi naman talaga sa atin.
Ika-21 ng Marso, 2020; mainit-init; wala kang mask; walang mass testing; invisible ang kalaban; okay lang naman tayo; kung dadating sana si Lord, go push. Pero kinabahan ka di’ba?
Ito ay isasama siguro sa Tulaless Volume 3 na. Mehehehe.
1 note · View note
thefickledreamer · 5 years
Photo
Tumblr media
::// kung palaging nakadungaw lamang sa maaaring mangyari, nawa'y malunod ang puso sa pagiging kuntento; kung di ma'y nawa'y magkaroon ng tapang at wisyo, na tuntunin ang dinudungaw nang hindi maging tuliro pagkadako; yuko; hayaan nawa tayo ng mga sarili nating lumaya #tulaless (at Hotel De Oriente) https://www.instagram.com/p/B0cxtf4lbDO0U642-wPBjHaAykABK38TgFxyxo0/?igshid=uykaap704s63
0 notes
thefickledreamer · 4 years
Text
“Kung Makakapagsalita Lang Ang Iyong Mga Trinatrabaho”
Kung iyong mamarapatin,
Ako ang siyang maghahain,
Ng lahat ng pang-iiwan
na hinding-hindi ko kayang gawin.
 Kung iyong mamarapatin,
Sa umagang paparating,
Ako na mismo ang siyang gigising,
na hinding-hindi mo kailangang gawin.
 Kung iyong mamarapatin,
Na sa bawat paglingon mo sa akin
Habang lumalayo ang iyong damdamin
Ako ang siyang ngingiti pa rin.
 Kung iyong mamarapatin,
Ako ang siyang magdidiin,
Na kung hindi mo na kayang mahalin,
Umalis ka na kahit walang pagbilin.
 Kung iyong mamarapatin,
Sa paglubog ng mga mata natin,
Ako man ay iyong limutin,
Itong lahat ay tatanggapin.
0 notes
thefickledreamer · 4 years
Photo
Tumblr media
ig repost:
::/// hindi mo pa talaga naiintindihan ang sakit hanggang... hindi ka pa napiprick sa mukha... de joke (hashtag skincare is a thing) ::/// ay hindi pala, masakit kaya (pramis) ::/// pero pero pero pero at least nakatulog 20 minutes, yehey (sana pwede extend but no) :://// pero ito talaga yon, "may iba't ibang klase ng sakit, may iba mabigat, may iba mababaw, may iba sobrang lalim ayaw na magpasalba, may iba tahimik hangga't ora mismo bukas parang wala miski anong marka; may iba dumudugo inside, hindi mo pinacheck-up hemorrhage na pala, o kaya dahil binalewala ka na naman na parang garapon na ubos na ang lamang atsara; may iba dumudugo outside, yung tipong nabasagan ng bote sa ulo, o dahil binugbog ng maling pagkakaintindi sa maling pagkakaintindi; yung ibang sakit naman makasarili, yung iba sinasarili, yung iba pati sakit ng iba inaari; at kumbaga sa paggising mo minsan na wala kang almusal, may mga araw na ang masakit sayo ay dahil sa kumakalam mong sikmura, minsan na man may araw na kaya ka nasasaktan dahil hindi mo tinatandaang kumain ng umagahan; o kaya kapag inaalala mong kaya ka pala hindi nasanay dahil dati may kasabay ngayo'y wala na; o sadyang wala nang para sa iyo'y maghahanda miski hindi lutong gulay; kaya walang imik ka na namang lalakad sa labas ng bahay; may mamamalas na kasasakitan pa ng lipunan na mas malala kaysa sa kirot ng iyong paltos sa paanan na mahigit sandaang taon mo nang tinitiis mula pa sa ninu-ninuan mo; na hindi mo naman talaga kilala at maaaring walang pake sayo kaya init na init ka kahit panahon ng taglamig at upos na upos ka sa panahon ng tag-ani; at sa pag-uwi mo, at paglagok ng tubig na galing sa langit, mapapasinghal ka na lang sa pagtawa, aliw sa panandaliang pagkakapaalala na, oo, nasaktan ka, masasaktan ka uli, nakasakit ka, makakasakit ka uli; nagkasakit ka, magkakasakit ka mang muli, wag lang lalala, wag lang paulit-ulit; hanggang sa umabot na naman ang sandaang taon na hindi ka na nakakaramdam; wala nang pandamdam; o kaya nama'y nakakaramdam ngunit pigil; kaya ayan, magbabayad ka ng tatlong daang piso para tusuk-tusukin nila ang iyong balat, pagbabaka-sakali; a, buhay ka pa nga." #tulaless
0 notes
thefickledreamer · 5 years
Photo
Tumblr media
:// samut saring mga pangyayari ang makakapagtulak sa kahit sino mismo sa hari upang tawirin ang mga bagay na hindi maaaring tawirin; sa manipis na sinulid na itinali ng tadhana mula sa kabilang dulo ng mundo na nag-uugnay nito sa kabilang dulo na siya rin namang pinagmumulan nito, hindi ba't ipinipilit natin ang mga sarili nating magpatintero habang inaalis sa ating isipan na hindi ito ang daanan para sa atin maliban para sa mga pagpatak ng tubig mula sa ating mga bulag na paningin na nagpupumilit sa pagtawid kahit ba mukhang madali lang na masagasaan tayo sa unang hakbang pa lamang; ayaw mo na sanang ipagpatuloy ito; sabik ang paa mong tumalon at humiwalay sa nakatali sa iyo, handang iwan ang mga bagay na alam mong wala namang saysay naririyan ka man o wala, ngunit alam mong sa segundong putulin ito ay mahahalintulad sa pagkakabigti rin ng iyong mga paa na siyang pinipilit mong idausdos pasulong kahit ba gustong-gusto na nitong pumadyak ng malakas, tumalon pakanan at pakaliwa, tumigil kahit baga sana sandali lang para bitawan ang mabigat mong sariling hindi sinasadyang pinasan ang mundong nananatiling nakasakay sa likod mong agnas sa pangangarap, na akala mo ikaw ang may kasalanan ngunit isinasagwan ka pala papalayo sa iyong katotohanan; baliin na natin ang mga bagay na hindi pa bali, paghariin ang pagnanasang makatapak sa daanang makakapagpagaling ng ating pagkabingi; pagdugtungin muli kung paanong naaayon at nang baka naman sa kinabukasan kumapal-kapal ang sinulid at maging lubid na matibay; baka sakali; para makapagduyan naman sana sa kalawakan; makatawid ng hindi pigil ang hininga; Makatawid ka na sana. #tulaless #midweek
Nobyembre 14, 2018
0 notes
thefickledreamer · 6 years
Photo
Tumblr media
Certainly there are certain things in life that are meant to stay, meant to be used purposefully, meant to be given away, meant to be freed into existence of their own. And in these certainties we can find the uncertainties of life, the trivial pockets of the universe, as driving forces - uncertain yet amusing, frustrating, sometimes draining, but beyond comprehension are course-altering, life-changing, and certain enough, reliable enough - to remind us that we must fall in love with the temporary character of life not to a point that we are overly confident for things that will be lost along the way but rather in finding life more valuable and that we must confidently master stretching ourselves just like the universe and just like a pebble sure that in being useless, we still matter, and that even in being important we may also seem inconsequential for that's the beauty of it. And in highs and in lows, in colorfulness or dullness, may we become excited yet understanding, prepared yet artless for mistakes, certain that downfalls may seem blackholes only to the extent we let our mind consume and that triumphs are not sufficient to forecast our potentials, for there are uncertain things in the world that we must be sure of. May peace overflow despite all these, as how we want peace to run free in all places and phases and spaces we are in, even of we don't understand, most terribly if we don't know were to stand, or to start or to end, more so if we are dangling words like trails of sunlight or rays of winds. (01-02.2018) Jusmio. #dangling #living #certainties #tulaless #donthateme
0 notes