Tumgik
#sining biswal
delfindakila · 5 months
Text
Tumblr media
ALVIN BUENO, JR. Kapeng Pang-umaga na Kasama Kita, akriliko sa kambas, 2023 #artPH
28 notes · View notes
ccp-visualarts · 10 months
Text
Tumblr media
ANG KIUKOK Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal-Pagpipinta (2001) Junkscape, oloe sa kambas, 1975 Koleksyon ng CCP 21AM #CulturalCenterPH #CCPvamd #artPH
25 notes · View notes
upismediacenter · 3 months
Text
FEATURE: Atin Siyang Salubungin: “Prinsipe Bahaghari” ng Teatrong Mulat
Tumblr media
“May mga umaawit na gumamela? Mga nagsasalitang ahas at pusa? Lumilipad na papet? Niloloko mo ba ako kaibigan?” Aba’y hindi! Natunghayan namin mismo ang mahiwagang pagtatanghal ng ating mga kaibigan mula sa Teatrong Mulat ng Pilipinas.
Anong pagtatanghal? Syempre, ano pa ba kundi ang Prinsipe Bahaghari! Nais mo ba silang makilala?
SAAN TAYO PATUNGO?
Tumblr media
Hango sa klasikal na kwentong pambata na “The Little Prince” ni Antoine de Sainte-Exupery, ang kwento ng ating munting prinsipe ay muling binigyang-buhay ng Teatro Mulat. Sa halip na sa disyerto ng Sahara, dadalhin tayo ni Prinsipe Bahaghari sa Pilipinas upang pagmasdan ang mga hardin ng gumamela. Sino bang hindi masasabik na umawit kasama ang bagong kaibigang si Kwentista, ang mga tala, hari, at nilalang na namamalagi sa ating bayan?
Itinampok sa “Prinsipe Bahaghari” ang pagmamahal ng prinsipe sa kaniyang gumamela matapos maglakbay sa iba’t ibang mundo, at kilalanin ang iba’t ibang mga hari. May kabagalan man ang ilang bahagi ng dula, gaya ng pakikisalamuha sa mga hari, sila nama’y bumalik kasama ang mga tagpong nakakapagpabagabag! Paano nga ba umusbong ang produksyon ng gayong istorya at pagtatanghal?
ANG ATING MGA GABAY
Taong 2019 nang unang tinahak ng Teatrong Mulat ang unang mga hakbang sa pagbuo ng dula na isinulat ni Vladimeir Gonzales, sa ilalim ng direksyon ni Aina Ramolete at ng producer at assistant director na si Prop. Amihan Bonifacio-Ramolete. Kalaunan, ito ay nakalipad sa kauna-unahang pagkakataon sa online dulaan noong pandemya. At ngayong taon, muling sumabak sa paglalakbay si Prinsipe Bahaghari, at natunghayan na natin siya sa pisikal na entablado. Tunay na nga ito, kaibigan!
Tumblr media
NGUNIT SINO NGA BA ANG TEATRONG MULAT?
Bilang pinakaunang Teatro Papet Museo sa bansa, ibinibida ng Teatrong Mulat ng Pilipinas ang mga sining, alamat, at kwentong-bayan mula sa iba’t ibang lugar sa Asya. Kinikilala din ang kanilang galing sa paglahok sa samot-saring paligsahan sa buong mundo. Batid niyo bang ginawaran din bilang National Artist noong 2018 ang founder nito na si Amelia Lapeña-Bonifacio? Bukod pa rito, madalas din silang makikita sa mga gawaing pampamayanan kasama ang mga organisasyong tulad ng HELP Learning Center Foundation at UNICEF.
Alam mo ba na bukod sa Prinsipe Bahaghari, marami na ring isinagawang programa ang Teatrong Mulat sa mga nagdaang taon! Ang ilan sa mga ito ay ang “Dalawang Bayani” (1996) at “Ang Pagong at ang Tsonggo” (1977).
Tumblr media
MGA BAGONG KAIBIGAN
Tumblr media
Pinaliligiran ng sining at musika ang mundo ng Prinsipe Bahaghari. Bilang mga pangunahing tauhan, sa mga papet ibinuhos ng produksyon ang kanilang galing at kakayanang pansining—mula sa pagkulay at pagguhit, paglalaro ng mga ilaw, hanggang sa pagsulat ng mga dayalogo’t awit. Kaya naman, ating kilalanin ang ilan sa mga tao sa likod ng dula!
Tinampok sa dula ang mga tauhang puppeteers. Una na rito si Prinsipe Bahaghari, na siyang pinagalaw nina Arvy Dimaculangan, Jeremy Bravo, at Sig Pecho. Binuhay naman nina Shenn Apilado, Karlo Erfe, at Harvey Rebaya Sallador ang karakter na si Kuwentista. Para sa mga hayop, ang Pusa ay pinagalaw nina Mary Allen Asuncion, Ravelyn Emerald Dar Juan, at Cian Jes Avendaño, at si Mary Allen Asuncion naman sa Ahas. Hindi rin magpapahuli si Ravelyn Emerald Dar Juan sa pagbibigay-buhay sa tauhang si Gumamela.
Para naman sa grupong sining-biswal, pinangunahan ito ni Aina Ramolete, ang direktor at isang alumni ng UPIS. Isa rin siya sa mga mangguguhit at pangkalahatang production designer ng dula. Nilikha naman ni Clariz Caingat ang mga tauhan sa istorya, at binuhay ni Napoleon B. Rivera Jr. ang mga bidang papet. Si Steven Tansiongco naman ang nagsilbing graphics and video designer, habang si Gabo Tolentino ang tumayo bilang lights designer.
Sandali, mayroon pa! Hindi rin malilimutan ang mga sumulat at bumuo ng nakatutuwang awit na sina Arvy Dimaculangan, ang music and sound designer na galing ding UPIS, at si Jessamae Gabon, ang music composer. Naging boses ng batang prinsipe si Kherwind Zane Duron, habang isinatinig naman ni Ron Capinding ang Kuwentista. Ngunit, tandaan: marami pang mahuhusay na kaibigang sa likod nitong tanghalan!
Kung nais niyo pang tangkilikin ang kanilang mga proyekto, may publikasyon inilimbag ang Teatro ukol sa kanilang proseso ng pagbuo ng dula! Naku, hindi niyo ito nanaising palampasin! Ayon sa playwright, inaanyayahan nila tayong basahin ang kanilang librong pinamagatang “Ang Paglalakbay ni Prinsipe Bahaghari,” sa Philippine Writers Series ng UP Press at Likhaan: UP Institute of Creative Writing. Matatagpuan ang kanilang teatro sa Amelia-Lapeña Bonifacio Theatre sa Quezon City at maaari niyo ring bisitahin ang kanilang social media sa Instagram (@mulatpuppets) at Facebook (Teatrong Mulat ng Pilipinas).
MGA TALANG NAGNININGNING
Naramdaman sa buong dula ang kahalagahan ng mga relasyong ito at ang pagkakabuklod natin sa isa’t isa. Sa katotohanan, unang nagkaroon ng anyo ang istorya mula sa kakilala ni Gonzales na kapwa-manlilikha sa UP, at kamag-anak din pala ng isa sa kaniyang mga unofficial mentor sa sining ng dulaan.
Makikita din ang temang ito sa direksyon ni Direk Aina. Ninais niyang gawing isang pagbibigay-pugay sa ating mga mahal sa buhay ang dula. Halimbawa nito ang kaniyang lola na nagbigay ng inspirasyon para sa tauhang si Kwentista, gayundin ang kaniyang kaibigang si Edel, na isa nang talang kumikislap sa kalangitan. Bukod dito, handog din ng direktor ang kwento sa ating mga hindi malilimutang panahon ng kabataan na nananalaytay pa rin sa ating mga puso at diwa.
HALINA’T SIMULA NA NATIN ANG ATING PAGLAKBAY!
Pagdating sa mismong dula, aba, pakiramdam namin ay bumalik kami sa aming pagkabata! Hindi ito dahil sinasabi naming pambata lang ang mga papet! Kundi dahil tunay na kahanga-hanga ang mga larawan at tagpo ng mismong palabas.
Tumblr media
Maliit ang entablado ng Teatrong Mulat, gayunpaman, hindi ito naging hadlang sa mga ipinamalas na sining biswal at set design. Ang mismong tanghalan ay binubuo ng iba’t ibang hugis at istruktura na yari sa mga piraso ng katsa at kahoy. Gamit ang projector, inilapat ang mga larawan, salita, shadow puppets, at iba pang special effects na ipinakita sa teatro. Sa bandang gitna, may makikitang bilugang butas na naging sentro sa mga eksenang itinanghal. Gayundin, hindi nagmistulang maliit ang espasyo at nagawa nilang pagalawin ang mga papet habang sila’y nagbibiruan at nagsasayawan sa entablado. Ang lahat ng mga elementong ito ay nagbunga sa isang nakamamanghang pagtatanghal.
MGA PAPET NA LIKHA, NAKATUTUWA!
Tumblr media
Ay, ang mga papet! Ang ating mga bida, hindi lang sa kwento kundi sa buong dula! Gawa sa rattan ang mga papet at kadalasa’y braso, ulo, at binti lamang ang gumagalaw na parte ng kanilang katawan. At isa pa, hindi sila nakapirmi lang sa isang pwesto! Sa isang papet, tatlong papetir ang nagmamando upang maging malaya ang ating mga kaibigan sa paggamit ng buong entablado. Kaya kahit hindi nagbabago ang ekspresyon ng kanilang mukha, punong-puno pa rin ng buhay ang mga papet. Isa sa mga paborito namin ay ang Pusa dahil tunay ngang malapusa kung gumalaw ito mula sa paglalakad hanggang sa pagkamot sa sariling katawan gamit ang mga paa, hindi mo mapipigilan ang sariling mapatili sa tuwa!
Nakuha naman ang loob ng mga manonood mula sa pagsasatinig sa mga tauhan pati na ng mga orihinal na kantang pinatugtog sa dula. Ubod ng husay! Talagang bibilib ka sa mga madamdaming boses sa kanilang pagpapahayag ng mga linya ng mga karakter! Kahit na medyo makaluma ang estilo ng kanilang dayalogo, hahalakhak ka pa rin sa binibitawan nilang mga biro—lalo na sa mga biro ng Kuwentista! Masigasig ang kaniyang paglalahad ng mga kwento at punong-puno ito ng karakter. Ganoon din ang ating munting prinsipe! Tiyak na ika’y maaaliw sa usapan at kalokohang namagitan sa kanilang dalawa. Mula umpisa hanggang dulo, mapupukaw ang iyong atensyon sa magandang interaksyon ng dalawang pangunahing tauhan.
At kung ito’y kulang pa, tiyak na mapapasabay ka naman sa mga awit at alindog ng mga haring nakilala ni Prinsipe Bahaghari!
Tumblr media
ANG KANILANG MGA KWENTO
Tumblr media
Syempre, hindi magpapahuli ang mismong kwento ni Prinsipe Bahaghari. Ang kwento ng buong dula ay punong-puno ng emosyon, tulad ng pagmamahal at pangungulila, at mas pinaangat ito ng huling tagpo nang pinaalala nila sa atin na kailangan natin magparaya at huwag ibaon ang sarili sa dalamhati. Makikita sa mga papet ang kalinga ng bawat tao sa likod ng produksyon dahil nais nilang iparamdam, ika nga ng prinsipe, na binabago tayo ayon sa pagmamahal na ibinibigay sa atin. Sa huli, ang inyong samahan at oras na ginugugol para sa isa’t isa ang nagpapabukod-tangi sa inyo mula sa iba.
Pinalalim pa ito ng paggunita at dedikasyon sa wakas ng pagtatanghal—“Para Kay Edel.” Ramdam mo na ibinuhos ng Teatrong Mulat ang kanilang pagmamahal at taos-pusong pagsisikap para lamang ihandog ang dula sa isang kaibigang wala na sa ating piling. Naging malamlam man ang pagpapatuloy, hinangad nilang maipakilala sa mga tao ang mahal na kaibigan, na tulad ni Prinsipe Bahaghari, maraming naituro at binago sa kanila. Gaya nga sa dula, sila’y tumitingala sa mga bituwin sa kalangitan, hinihiling na sana’y nakauwi at nakakapagpahinga na ang kanilang kaibigan.
SA MULING PAGKIKITA, KAIBIGAN!
Tumblr media
Masasabi naming binago kami ng Teatro sa ipinamalas nilang talento at sa paghandog sa amin ng aliw at pagmamahal. Talagang nanaisin mong balikan ang mga tinahak na mga planeta at kamustahin ang mga kaibigang nabuo sa kwento ng batang prinsipe! Kaya, mga kaibigan, kayo’y aming iniimbitahan na kamustahin ang mga makata at manlilikha ng Teatrong Mulat! Hindi-hinding niyo ito pagsisisihan. Hanggang sa susunod na paglipad, paalam! // nina Zaeda Wadi at Eda White
3 notes · View notes
ipatulfosimarcos · 3 months
Text
Chapter 6: Sining-Biswal
Gawain: Basahin ang artikulong “Education in the ‘New Society’ and the Philippine Labour Export Policy (1972-1986)” ni Mark Maca. Batay dito ilarawan – ala editorial cartoon -- ang sistema ng edukasyon noong panahon ng Batas Militar ni Marcos. Lagyan ng angkop na caption ang ilustrasyon. Sa paglalarawan na ito, na maaaring drowing o iba pang uri ng sining-biswal, ipakita ang lalim at lawak ng pagkakaunawa mo sa artikulo. Mas mainam kung pipili ng mga detalye o bagay na para sa iyo ay pinakamahusay na representasyon o simbolo ng paksa. Diskartehan kung saang bahagi ng drowing pinakamainam ilagay ang caption. Tiyaking akma sa facebook at iba pang katulad na social media platform ang iyong disenyo.
Gawa ko:
Tumblr media
Bilang isang hobbyist-artist at isang estudyanteng sumalang na noon sa mga paligsahan gaya ng Regional School Paper Press Conference, forte ko ang pagguhit ng mga editorial cartoon (paglalarawang tudling). Sa tingin ko, epektibo kong nailarawan ang paksa ng estado ng edukasyon noong panahon ni Marcos Sr.: henerasyon ng mga graduates na halatang ihinanda para sa serbisyong internasyunal; hinihirang itong batch ng graduates (na ngayo'y OFW na) bilang mga bagong bayani. Sa likod nitong mabango at noble na karangalan, ipinakita ko ang opinyon kong hango sa perspektibang malawak at empirikal hinggil sa nakalulungkot na katotohanan ng exploitation at layuning neoliberal ng sistema ng edukasyon noon, hanggang ngayon. Naniniwala rin ako na isa itong taktiko para malipat ang atensyon ng nakararami sa tunay na kaganapan sa bansa, ang hubugin ang mga pinoy na maging individualistic sa halip na nationalistic dala ng "magandang oportunidad" sa pamumuhay sa ibang bansa.
1 note · View note
klasrum-sa-basement · 3 months
Text
Tumblr media
Sining-Biswal
Ang kalagayan ng edukasyon sa ilalim ng Batas Militar ni Marcos.
0 notes
rajahvien · 9 months
Text
Arts 1 | Blog 3 : Spiderman Meme bilang Biswal na Representasyon ng Kultural na Kapital ng Isko’t Iska 2022 In the Kapokverse of MADness.
Tumblr media
Gamit ang Spiderman Multiverse Meme ay gumawa ako ng biswal na mapa kung paano tumatakbo ang kultural na kapital sa Isko't Iska 2022 In the Kapokverse of MADness. Isang paalala lamang, ang nilalaman ng aking nga blog kabilang na ito, ay opinyon at opinyon ko lamang, at hindi direktang sumasalamin sa mga nabanggit na pangalan at mga organisasyon sa mga akda na likha ko.
Ang Isko't Iska ay nagsimulang sumiklab sa mapagpahirap at gahamang rehimeng Marcos, nagsilbi itong kahel na bukang liwayway ng pag-asa upang maisulong ang mga pang-aagrabyado sa masa at kalapastanganan ng administrasyon. Nagkaisa ang Umalohokan Incorporated, UPLB Writer's Club, at UPLB University Student Council upang paingayin ang mga panawagang nag-uugat sa masa, at ito'y nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan, pinaiingay ang boses ng masa sa mga dati pa at maging ang mga bagong problemang kinahaharap ng bayan na tila hindi mawakasan dahil sa bulok na sistema at korap na pamumuno.
Isa ang pag-usbong ng Isko’t Iska sa masasabi kong pinaggagamitan, binabahaginan, nagpapanatili, at nakabubuo pang muli ng Kultural na Kapital.
Bilang ang Isko’t isa ay nagtatampok ng mga Freshie Students ng UPLB, sa tulong ng Umalohokan, ay nakakahamig ito ng mga aktor para sa naturang produksyon. Ito rin ay nagpapaingay ng mga kontemporaryong isyu na ang lipunan natin ay mayroon. Mga panawagang dapat na marinig ng mga nanunungkulan. At bilang ito ay taunang nagaganap, it ay patuloy na nangyayari. Kung saan napapanatili ang pagkakaroon ng kultural na kapital gamit ang Isko't Iska.
Tumblr media
Ang nabuo ring samahan ng Umalohokan Incorporated, UPLB Writer's Club, at UPLB University Student Council at ng iba pang mga organisasyon, ay nagsisilbing kultural na kapital nang dahil sa mga konekayon nitong patuloy rin na sinusuportahan ang bawat isa. Ang Umalohokan at UPLB Writer's Club sa pagbuo ng piyesa na siyang gagamitin sa bawat Isko’t Iska. Ang pag analisa nila ng mga linya at istorya. Ang University Student Council sa pagtulong ng pagkuha ng mga lugar pang ensayo at pangtanghal gaya ng Basement ng SU at D. L. Umali Auditorium. Ang pagtulong din sa pinansyal na pangangailangan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Mercato Los Baños at Sunday Market para magsagawa ng busking, nang makalikom ng donasyon mula sa masa. Ang pakikipagkapitbisig rin ng UP Photographers Society at Tanglaw para sa pagkuha ng mga litrato, at ng UPLB Perspective para sa pagpapaingay ng naturang produksyon.
Tumblr media
Ang mga dula, kwento, awitin, paggalaw, at kagamitan na mula sa produksyon na ito ay maaari ring pagsimulan ng bagong produksyon sa hinaharap, gaya na lamang ng mga apple boxes na siyang ginamit noon sa isang produksyon na Palanca in My Mind, ito ay nagamit pang muli sa produksyon ng pagtatanghal ng Umalohokan para sa Gandingan.
Tila isang magandang simula,
ang bumuo ng isang samahan,
na siyang patuloy sa pagkilos at paggawa,
patuloy sa mithiing makakamtan
Sana'y mas bigyang pansin
ng mga nasa itaas ang mga hinaing
pagkat sa huli't huli
ay pare-pareho lang naman tayong kumakain ng sinaing
kaya't sa luntiang mga damo,
kahel, bughaw, at kulay rosas na langit,
mga kultural na organisasyon UPLB ay makita mo,
suportahan, bigyan ng puwang, nang mapagpalayang sining ay makamit.
0 notes
tedi31 · 1 year
Photo
Tumblr media
The cover of @lindolcomics was among the pieces on display during the one-day Komiks: Sining Biswal exhibit in Komikeria yesterday. I was able to drop by just before the end of the convention to see it. (March 19, 2023) (at Robinsons Galleria) https://www.instagram.com/p/Cp9RQuzuDZ3n_Z8VAgZK9rE8HLaU9BDebsnIl00/?igshid=NGJjMDIxMWI=
1 note · View note
pag-pagblog · 1 year
Text
DBTI: Senior High Passion For Excellence! (Impormatibo)
Ni: Gerard Cruz
Ang Senior High School Department ng Don Bosco Technical Institute Makati ay binubuo ng apat na strands upang pagpilian ng mga mag-aaral kapag nagpa-enroll sa departamento. Ang mga nasabing strands ay STEM, ABM, HUMSS, at Arts and Design. Ang bawat isa dito ay may iba’t-bang layunin o “goal” sa kurikulum. Para sa STEM, pinalolooban ito ng mga estudyanteng na nais kunin ang Science, Technology, Engineering, at Mathematics na kurso. Sa ABM, ito naman ay ang Accountancy, Business and Management. Sa HUMSS, ay ang Humanities and Social Sciences. Huli naman ay ang Arts and Design, nakatuon sa sining ng pagganap, midya at biswal na sining at sining pang-industriya. Ang bawat strand ay nakatuon sa kagustuhan ng mag-aaral at sa kaniyang gustong makamit na kurso para sa kinabukasan.
1 note · View note
Text
Blog entry # 2
Salunoy, Micah
12- Malamaya
Culminating activity
"WHAT A MASTERPIECE"
Filipino artists today, especially the younger ones, paved a different breed from their predecessors.
The content of this blog was all about the Filipino artists who express freedom through their arts, their works and triumphs, and what made them for now.
FILIPINO ARTIST:
1.
Tumblr media
Fernando Amorsolo
He is a painter.
His works romanticized life that reminds Filipinos by tranquil rural landscapes.
One of his works:
Tumblr media
Under the Mango tree, 1935
2.
Tumblr media
Carlos "Botong" Francisco
He is also a painter.
He drew and painted genre paintings that is inspired by the of his town, Angono, in Rizal.
One of his works:
Tumblr media
HiSoAre, Hi so you are
3.
Tumblr media
Nick Joaquin
He is a Manileno novelist, playwright, journalist, historian and essayist.
His pen name was "Quijano De Manila", and he uses it for writing articles to published at Philippine Free Press Magazine (tackled about the diverse heritage of the Philippines and he gives his opinion about the culture of his time for decades).
FILIPINA ARTIST:
It is a phenomenon that the world of art has been dominated by men ever since the beginning of history.
But now, things have changed.
Women artist have become visible, because of the initial steps of three women graphic artist in the year of 1970s and 1980s.
These are the three:
1.
Tumblr media
Ofelia Gelvezon-Tequi
She is a printmaker and also a painter.
Her latest works are a series of Philippine madonnas.
2.
Tumblr media
Brenda Fajardo
She is a doctor in Philippine studies and Professor Ermita in the University of the Philippines
She is also a multi-awarded artist, educator and cultural worker.
Her nationalistic themes are taken from Philippine folklore, legends and mythology. She relates her works to contemporary life.
She had her national and international awards and grants (2012 Gawad CCP para sa Sining Biswal and the CCP Centennial Honors for the Arts in 1999).
3.
Tumblr media
Imelda Cajipe-Endaya
She is a mixed-media artist, curator, writer and organizer.
She is one of the first to use nontraditional materials for her artworks (usually fragmented arrangements of artistic scenes).
She is also an active women's rights advocate.
Indeed, Filipino and Filipina Artist are versatile. He/She creates not just only to realize his/her personal fulfillment, but also to express a point of view. They are a storyteller, narrating the everyday life of extraordinary events, presenting cultures, recording and preserving history for the future generations to see.
3 notes · View notes
juarez-nj20 · 3 years
Text
SINING BISWAL
Ang sining ay pinakamataas na antas ng pakikipag-ugnayan, ito ay walang katapusan at walang limitasyong larangan, na nagbibigay laya sa paghahayag ng tao sa paraang piskal, sosyal, o paguugali (VSA,2015). Ang sining ay pandaigdig na wika na may kakahayang pag-isahin ang lahat ng tao. ito ay kagalingan sa pagbuo at paggawa. Ayon sa aking nabasa, sinasakop ng Sining-biswal ang isang malawak na bahagi ng sining. Ito ay isang uri ng “art forms” tulad na lamang ng pagguhit, pagpinta, eskultura o kahit anong sining na maaaring makita, di kabilang ang sining-pagganap. May pitong elemento ang Sining Biswal ito ay, linya, valyu,liwanag at dilim (chiaroscuro),kulay, tekstura, volyum at espasyo. Mga halimbawa nito ay:
FERNANDO AMORSOLO Si Fernándo C. Amorsólo ang pinakaunang ginawaran ng karangalang Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1972. Si Amorsolo ang pinakamaningning na kinatawan ng panahong klasiko sa sining biswal sa Filipinas. Kinikilála rin siyáng “Ang Maestro”at “Grand Old Man” ng sining sa Filipinas noong nabubúhay pa. Siya ay tinagurian bilang unang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas. Ipinanganak siya sa Paco, Maynila noong Mayo 30, 1892 at nakatapos ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909. Siya ay tanyag dahil sa mga obra niya na nagpapakita ng buhay probinsya o buhay nayon. Ipinapakita ng kanyang mga ipininta ang kapayakan ng buhay ng mga Pilipino.Kilalasiya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa aspeto ng sining. Siya ay pumanaw sa edad walumpu noong Abril 24, 1972.
Isa sa pinakatanyag niyang likha ay ang “Planting Rice” noong 1946.
GUILLERMO TOLENTINO Siya ay isang pilipino ng at hinirang na pambansang alagad ng Sining sa larangan ng iskultura noong 1973. Nakilala siya sa kanyang obra maestrang na naglalahad ng pagiging makabayan.
Tumblr media
Ang sining ay pinakamataas na antas ng pakikipag-ugnayan, ito ay walang katapusan at walang limitasyong larangan, na nagbibigay laya sa paghahayag ng tao sa paraang piskal, sosyal, o paguugali (VSA,2015). Ang sining ay pandaigdig na wika na may kakahayang pag-isahin ang lahat ng tao. ito ay kagalingan sa pagbuo at paggawa. Ayon sa aking nabasa, sinasakop ng Sining-biswal ang isang malawak na bahagi ng sining. Ito ay isang uri ng “art forms” tulad na lamang ng pagguhit, pagpinta, eskultura o kahit anong sining na maaaring makita, di kabilang ang sining-pagganap. May pitong elemento ang Sining Biswal ito ay, linya, valyu,liwanag at dilim (chiaroscuro),kulay, tekstura, volyum at espasyo. Mga halimbawa nito ay: Ang sining ay pinakamataas na antas ng pakikipag-ugnayan, ito ay walang katapusan at walang limitasyong larangan, na nagbibigay laya sa paghahayag ng tao sa paraang piskal, sosyal, o paguugali (VSA,2015). Ang sining ay pandaigdig na wika na may kakahayang pag-isahin ang lahat ng tao. ito ay kagalingan sa pagbuo at paggawa. Ayon sa aking nabasa, sinasakop ng Sining-biswal ang isang malawak na bahagi ng sining. Ito ay isang uri ng “art forms” tulad na lamang ng pagguhit, pagpinta, eskultura o kahit anong sining na maaaring makita, di kabilang ang sining-pagganap. May pitong elemento ang Sining Biswal ito ay, linya, valyu,liwanag at dilim (chiaroscuro),kulay, tekstura, volyum at espasyo. Mga halimbawa nito ay:
Ang sining ay pinakamataas na antas ng pakikipag-ugnayan, ito ay walang katapusan at walang limitasyong larangan, na nagbibigay laya sa paghahayag ng tao sa paraang piskal, sosyal, o paguugali (VSA,2015). Ang sining ay pandaigdig na wika na may kakahayang pag-isahin ang lahat ng tao. ito ay kagalingan sa pagbuo at paggawa. Ayon sa aking nabasa, sinasakop ng Sining-biswal ang isang malawak na bahagi ng sining. Ito ay isang uri ng “art forms” tulad na lamang ng pagguhit, pagpinta, eskultura o kahit anong sining na maaaring makita, di kabilang ang sining-pagganap. May pitong elemento ang Sining Biswal ito ay, linya, valyu,liwanag at dilim (chiaroscuro),kulay, tekstura, volyum at espasyo. Mga halimbawa nito ay: Ang sining ay pinakamataas na antas ng pakikipag-ugnayan, ito ay walang katapusan at walang limitasyong larangan, na nagbibigay laya sa paghahayag ng tao sa paraang piskal, sosyal, o paguugali (VSA,2015). Ang sining ay pandaigdig na wika na may kakahayang pag-isahin ang lahat ng tao. ito ay kagalingan sa pagbuo at paggawa. Ayon sa aking nabasa, sinasakop ng Sining-biswal ang isang malawak na bahagi ng sining. Ito ay isang uri ng “art forms” tulad na lamang ng pagguhit, pagpinta, eskultura o kahit anong sining na maaaring makita, di kabilang ang sining-pagganap. May pitong elemento ang Sining Biswal ito ay, linya, valyu,liwanag at dilim (chiaroscuro),kulay, tekstura, volyum at espasyo. Mga halimbawa nito ay: ng sining ay pinakamataas na antas ng pakikipag-ugnayan, ito ay walang katapusan at walang limitasyong larangan, na nagbibigay laya sa paghahayag ng tao sa paraang piskal, sosyal, o paguugali (VSA,2015). Ang sining ay pandaigdig na wika na may kakahayang pag-isahin ang lahat ng tao. ito ay kagalingan sa pagbuo at paggawa. Ayon sa aking nabasa, sinasakop ng Sining-biswal ang isang malawak na bahagi ng sining. Ito ay isang uri ng “art forms” tulad na lamang ng pagguhit, pagpinta, eskultura o kahit anong sining na maaaring makita, di kabilang ang sining-pagganap. May pitong elemento ang Sining Biswal ito ay, linya, valyu,liwanag at dilim (chiaroscuro),kulay, tekstura, volyum at espasyo. Mga halimbawa nito ay
2 notes · View notes
piggypang0 · 3 years
Text
“Photography is the story I fail to put into words”-Destin Sparks
Ang potograpiya ay isang sining biswal kung saan isa itong paraan o proseso para makagawa ng isang larawan sa pamamagitan ng isang aparato na kung tawagin ay kamera.Sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng isang potograpo o potograper ang kanilang damdamin o kanilang mga saloobin.ito ay sinig sa pagkuha ng larawan at pagtitimpla ng mga imahe gamit ang angkop na ilaw at anggulo. Ang potograpo o potograper ay isang taong kmukuha ng mga litrato o larawan sa kahit anong bagay na kanilang makikita na gusto nilang ipahayag ang kanilang magiging saloobin sa pamamagitan ng bagay na iyon. Sa susunod na litrato ay isang halimbawa ng potograpiya kung saan ako mismo kumuha.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mapapansin sa mga litratong nakuha ko ay mga litrato ng ibat ibang halaman o di kaya ay isang puno.Mapapansin din na nakapokus sa isang bagay ang mga litrato. Nagsimula ang potograpiya noong panahon ng mga kastila sa dekadang 1870 hanggang 1890.Ginamit ang litrato para sa balita at impormasyon hinggil sa katayuan ng kolonya.Ito ay naging kasangkapan o instrumento upang manghikayat ng mga turista. Malaki ang impluwensiya ng potograpiya sa bansa dahil maraming mamamayan ang nagkakaroon ng interes sa pagkuha ng litrato at ito ay kawili wili para sa lahat. Ang sumusunod ay mga sikat na potograper sa pilipinas. XYZA CRUZ BACANI Isang pilipina na manunulat at potograper kung saan ay ginamit niya ang kaniyang trabaho upang isulong ang kamalayan.Kilala siya sa kaniyang “black and white photographs of hongkong” at dokumentaryong proyekto tungkol sa migrasyon at interseksyon ng paggawa at karapatang pang tao.
NICCOLO COSME Isang konseptwal na potograper na nakabase sa manila philippines.Ang kanyang ama ay si Caesar Colet Cosme, isang manunulat at direktor sa television.
SHAIRA LUNA Isang pilipinang potograper.Kagaya ng iba,ay kilala rin bilang “gifted child at “promil kid’.na naging tampok sa patalastas ng isang gatas para sa mga sanggol ng Wyeth sa taong 1995
EDUARDO MASFERRE Isang filipino-catalan na potograper na gumawa ng importanteng dokumentaryong pahayag tungkol sa pamumuhay ng katutubong tao sa rehiyon ng cordillera sa pilipinas .Siya ay kinilala bilang”father of philippine photography”
MANNY LIBRODO Isang full time na guro sa isang internasyonal na paaralan sa bangkok kung saan nadiskubre niya ang kaniyang pagnanasa sa potograpiya at kung saan nadiskubre rin sa mundo ng online ang kaniyang katangi tanging “purely ambient light” na diskarte sa glamour,fashion at sa travel portraiture.
SAAB MAGALONA Isang filipinang aktres,mang aawit,at blogger na nagsimula sa tv5 sa isang drama serye na nakatuon sa kabaataan na pinamagatang “lipgloss”. Siya ay anak ni Francis Magalona at kapatid nila Maxene Magalona ,Frank Magalona at Elmo Magalona. EMMANUEL SANTOS Isang dokumentaryo at sining na potograper na nakabase sa Melbourne,Australia.Habang naninirahan sa pilipinas siya ay naging potograper ng united nations high comissioner for refugees. Matapos lumipat sa australia noong 1982 at nagtrabaho siya bilang katutubong mang aawit.Ang kaniyang mga likhang sining simula noong 1980’s ay nakapokus sa Jewish Diaspora,kung saan ay kinuhanan niya sa buong mundo. Iilan lamang iyon sa mga kilalang potograper dito sa pilipinas na naghahatid ng magaganda at nagbibigay inspirasyon na mga litrato.Dito nagtatapos ang talakayan tungkol sa potograpiya.
2 notes · View notes
delfindakila · 7 months
Text
Tumblr media
RAFAEL CUSI Walang Pamagat (Puno), oleo sa tabla, 1994 #artPH
44 notes · View notes
ccp-visualarts · 1 year
Text
Tumblr media
MANUEL SORIANO Barrio Fiesta, A/P III, tabas ng kahoy, 1973 Koleksyon ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) #CulturalCenterPH #CCPvamd #artPH
17 notes · View notes
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang sining ay naging isang pangunahing aspeto ng buhay ng tao. Hindi man mamalayan ito ngunit ano man ang nakapaligid sa iyo ay matatawag na sining. Sa buoang buhay ng tao, nagagamit ang sining bilang isang paraan ng komunikasyon, representasyon, pamumuhay, at cultura. Dahil ang sining ay may napakalawak na larangan ng saklaw, mahahayag nito an gang mga sanga nito. Napakaraming larangan nga sining ang ating natunghayan, mula sa sining biswal, gampaning sining,panitikan bilang sining at applied na sining. Ang apat na ito ay ang pangkaraniwang sangay ng sining na tiyak tayo ay nakakaintindi. Nganuit sa ngayon tayo’ymag bigay halaga sa ating tatalakayin dahil ako ay mag sasalaysay at magbibigay impormasyon tungkol lamang sa isang sangay ng sining ang Sining biswal dahil na rin sa dahilanang ito ang aking forte.
Sining biswal ay natututkoy natin bilang isa sa may malawak na sakop o bahagi ng sining. Kung iisipin dito sa sining biswal nag simula halos lahat ang mga artist. Napaklawak ng sakop na ito dahil bahagi nito ay ang pagguhit, pagpinta, eskulptura, mga likhang sining o crafts, at potograpiya. Ating isasahin ang mga ito.
Ang pagguhit o drawing ay isang anyo ng sining biswal na kung saan ang tao ay gumagamit ng iba’t instrument mula sa lapis at papel. May ibat’ibang grado ang isang lapis mula sa H,HB at B, sa papel naman ay mayroong normal na papel at meron din oslo paper na karaniwang ginagamit sap ag isketch. Ang pagpinta o painting naman ay pagpapahid ng pintura o pigmento sa isang canvas at iba pang medium. Ito;y nag papakita ng mas detalyeng gawa dahil sa kulay na pinapakita nito, mas na anyayahan tayong tumanaw ng mga gawang ganito dahil sa rasong nagbibigay ito ng kawiliwli sa mata. Susunod ay ang eskulptura na tumutukoy bilang isa sa mga sangay ng sining biswal na naglalayong paglilikha ng kahit anong tatlong-dimensyonal na anyo. Karaniwang ginagawang inspirasyon ang mga tao sa paglikha nito. Makikita rin ito sa mga simbahan, mga establisyemento ng gobyerno at sa mga museum. Tungo naman tayo sa crafts. Isa itong anyo ng sining biswal na ginagamit ang mga karaniwang bagay para gawing kawiliwiling sining. Halimbawa nito ay ang origami kung saan ginagamit ang isang papel at tinitiklop ito ng may dibuho at makalikha ng isang bagay. Sa likhang sining nakikita talaga kung gaano ka malikhain ang isang artist. Sa panghuli ay ang potograpiya, ito ay isang paraan o proseso ng paggawa o paglikha ng isang larawan sa pamamagitan ng isang kamera. Tinatawag na potograpo, potograper, o litratista ang isang táong kumukuha ng mga litrato o larawan. Halimbawa nito ay kapag kayo ay tipikal lang na kumukuha ng litrato gamit ang cp. Sa mga propesyonal ay gumagamit sila ng isang digital camera dahil mas may magandang epekto ito sa pag lathala  ng litrato.
Iyon na nga ang sining biswal at ang mga sangay at anyo na nakabahagi nito. Bilang isang mag-aaral ng Arts and Design track ang sining ang aking kaginhawaan at pangarap. Ang sining biswal ay bilang isang pangunahing sining na aking natutunan patuloy ko parin itong pagalingin at huhulmahin. Ayon nga sa isang kataga “ kung sino man ang lumilikha ng sining  gamit ang kamay, ulo at puso ay isang Artist, kaya kung ano mang anyo ang para sa atin ay Komportable dapat nating gawin ng may puso at pagnanasa.
2 notes · View notes
tagalngfridaynight · 3 years
Text
Tuwing may mapapatsismis na celebrity na 'di umano ay may nude photos, nagiging socially active at friendly ang netizens, lalo na kapag Pinoy. Kung maitutumbas mo ang nudes sa isang espesyal na bagay, para s'yang isang invitation card sa isang public event na may pa-raffle na apat na milyon. May challenge nga lang na bawal uminom ng tubig sa loob ng apat na buwan. In short, para sa mga uhaw.
Pero kapag may umaamin na mayroon silang nude art, nag-iiba ang timpla ng kamunduhan ng tao. Biglaan itong magiging malikhain, maangas, matapang, one of a kind, at kung ano-ano pang salitang p'wedeng may relasyon sa sining.
May naging kaibigan ako na gumagawa ng mga nude art— nakasilip na ako sa isang reference n'ya at ang mismong kinalabasan nito pagkatapos n'yang iguhit. Magaling ang kamay ng taong 'yon kaya ang nagiging finish product ay parang photocopy lang ng reference: kuhang-kuha ang hulma ng mga suso, ng t'yan, ng dibdib, at ultimo mga guhit sa natural na katawan ng tao.
Sa madaling salita, makatotohanan. May mga katawan na maninipis at mayroong makakapal. Hindi pantay ang tunay na suso, hindi pink ang utong, at hindi libag ang stretch marks. Binabali ng nude art ang maling pananaw ng maraming tao tungkol sa katawan ng mga babae (at lalaki minsan); nagiging kuwestyon sa umiiral na katotohanan kung bakit sining ang tingin ng maraming tao sa hubad na dibuho, pero hindi sa hubad na retrato.
Ang potograpiya ay sining sa paraang tulad ng kung paano naging sining ang tradisyunal na biswal-sining. Ang nudity naman ay matagal nang bahagi ng sining. Pero dahil may kamangha-manghang duality si Juan, ang nude photo ay karaniwang isang iskandalo lamang at ang itinuturing lang na sining ay ang nude art.
Ginugulo ako ng tanong na kung paano matutukoy ang nude na kabilang sa sining sa isa lamang purong iskandalo. Itinanong ko rin 'yan sa tinutukoy kong dibuhista. Ang posisyon n'ya ukol rito ay parang ganito:
"Ang potograpiya ay sining. Ang hubad na larawan (nude photo) ay sining. Ang hubad na dibuho (nude art) ay sining. Ang kahubdan ay isa pa ring sining.
Pero maituturing lang na sining ang nude photo depende sa rason umano ng paghuhubad. Kung ang hubad na babae ay nakatakdang maging simuno ng potograpiya, pelikula, dibuho, iskulto, tula, o pinta: ito ay sining. Kung nakatakdang maging simuno ng iba pang bagay na makamundo't walang kahulugan: kamanyakan."
Hindi umano, art is subjective, at ang pagpapakahulugan sa sining ay nakadepende sa umiintindi nito. Karaniwan, sinasang-ayunan ang pahayag na art makes you feel something.
Pain is an art. Ecstasy is an art.
Kung ganito ang pinagbabasehang kahulugan, isa pa sa mga babagabag sa tao, tulad ng kung paano ako binabagabag nito, ay ang kaangkupan ng pornograpiya sa sining at libog sa emosyon.
Nagagawa ng pornograpiya na basain kung ano mang maaaring mabasa at patigasin ang anumang maaaring tumigas sa katawan ng tao. Nagiging mitsa sa mala-kuryenteng daloy ng kamunduhan sa katawan. Kung gayon, masasabing may nararamdaman ang tao sa tuwing nanonood ng porn, dahil naturalesa ng katawan ang tumugon sa nakikita't napapanood ng mga mata. Pasok sa depinisyon ng sining kung ang pagbabasehan lang ay ang opinyon ng mayoryang art makes you feel something.
Sa kabilang banda, hindi ito ang uri ng sining na tinutukoy ng karamihan. Madalas na selective at biased ang pananaw ng tao tungkol sa sining, at sa pagdaan pa ng mga panahon ay nagiging offensive ang pornagrapiya dahil na rin sa masasama nitong dulot sa isip ng tao. Nagiging sanhi ito ng sexual assault at maling kaalaman ukol sa katawan. Malakas maka-impluwensya ng unsafe sex, improper hygiene, rape at incest. Hindi kabilang sa art ang mga ganitong kakupalan. Kung gayon, hindi na sining ang pornograpiya sa puntong ito.
Masasabi marahil na ang pornograpiya ay parehong sining at 'di-sining.
Angkop ang sining para sa mga negatibong emosyon pero hindi angkop na dahilan para sa kawalan ng dignidad, moralidad, at respeto. Hindi kabilang sa pagiging malikhain ang pagiging manyak, at ang tawag ng laman ay inilulugar. Kung may lugar man ito sa sining, nawa'y para lamang talaga sa kapakanan ng sining. Walang labis, walang kulang.
Sa kabuuan, isa lang naman ang pinakapupunto nito: mas mainam kung sa susunod na magkaroon ng scandal o nude na kumalat ang isang celebrity o influencer ay wala nang magpista— dahil nga nudity is an art. Huwag na ring alamin ang konteksto ng materyal para gawing panlibak sa kapwa dahil pare-pareho namang may suso at bayag ang mga babae at lalaki. Kung nagtatalik man, isipin na lang parte 'yon ng pagiging tao.
Higit sa lahat, mamatay na sana lahat ng kupal na nanghahamak sa mga nahubaran.
Tumblr media
3 notes · View notes
lowiejaysblog · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
SINING BISWAL
Ang sining biswal ay mga porma ng sining tulad ng pagpipinta, pagguhit, paggawa ng print, iskultura, keramika, potograpiya, video, paggawa ng pelikula, disenyo, sining, at arkitektura. Maraming mga masining na disiplina tulad ng pagganap ng sining, pang-arte na pang-arte, at sining ng tela na nagsasama rin ng mga aspeto ng visual arts pati na rin mga sining ng iba pang mga uri. Kasama rin sa lob ng biswal na sining ang mga inilapat na sining tulad ng pang-industriya na disenyo, graphic na disenyo, disenyo ng fashion, panloob na disenyo at pandekorasyon na sining.
Pagpipinta
Ang masisining na pagpipinta ay ipinakilala noong ika-16 na siglo nang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas. Noong panahong iyon, ang mga Kastila ay madalas magpinta ng mga propaganda tungkol sa relihiyon upang mapalaganap ang Katolisismo sa buong Pilipinas. Ang mga pinta na ito ay laging nakikita sa mga pader ng simbahan, tampok ang mga relihiyosong anyo kung saan lumalabas ang mga aral ng Katoliko. Sa kadahilalan ng pangangasiwa ng simbahan sa sining ng mga Pilipino at pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas, karamihan ng layunin ng mga pinta ay mula sa ika-16 hanggang ika-19 na siglo ay tulong sa simbahang Katoliko.Sa maagang ika-19 na siglo, ipinakilala ang mas mayaman at edukadong Pilipino sa mas sekular na Pilipinong sining, naging sanhi upang ang sining sa Pilipinas ay lumihis sa mga panrelihiyong paksa. Ang paggamit ng watercolor sa pagpipinta ay nagsimulang isama ang mga tanawin, tirahan ng mga Pilipino, anyo ng mga Pilipino, at mga opisyal sa pamahalaan. Ang mga estampang pagpipinta na itinampok ng mismong pintor ang kaniyang sarili, ang mga alahas ng Pilipino, at ang mga katutububong kasangkapan ng bahay. Ang paksa sa tanawing pagpipinta ay tampok ang mga pangalan ng mga pintor ay tampok ang mga pangalan ng mga pintor na ipininta na maganda sa pinta at ang pang-araw-araw na eksena ng mga karaniwang Pilipino sa pagsalo sa mga araw-araw na gawain. Itong mga pinta ay ginawa sa kanbas, kahoy, at mga iba’t-ibang uri ng mental.
PAGLILILOK
Ang lilok o eskultura ay kahit anong tatlong-dimensiyonal na anyo na nilikha bilang isang masining o artistikong pamamahayag ng saloobin. Tinatawag na paglililok o pag-eskultura ang sining sa pagbubuo o paghuhubog ng isang bagay na maaaring kahit anong laki at kahit sa anong nanaangkop na materyal. Manlililok o eskultor naman ang tawag sa mga taong gumagawa o lumililok ng mga istatuwa o rebulto.
Ang iskultura ay isa sa mga sangay ng Sining Biswal na naisasagawa sa tatlong dimension. Ang proseso ng panlililok upang ito ay maging matibay, ay karaniwang ginagamit ang pag-uukit (ang pagtanggal ng materyal) at paghuhulma (ang pagdagdag ng materyal tulad ng luad), bato, metal, seramiko, at kahoy at iba pang materyales pero, sa panahon ng modernisasyon, ang proseso ng paglililok ay nagresulta o napunta sa kalayaan sa kahit anong materyales at proseso na maaaring gamitin. Sa malawak na pagkakaiba-iba ng materyal maaaring gamitin ang paguukit at paghuhulma. Ang isang iskultura na gawa sa bato ay mas matagal mabuhay kaysa gawa sa ibang madaling masirang materyales. Madalas nirerepresenta ang karamihan sa mga nanatiling iskultura (maliban sa paggawa ng palayok) galing sa sinaunang kultura, ngunit ang tradisyon ng paglililok sa kahoy ay maaaring mawala na ng tuluyan. Karamihan sa mga sinaunang eskultura ay pinintahan ng maliliwanag na kulay at ito ay nawala na. Ang iskultura ay naging sentro ng relihiyosong debosyon sa maraming kultura. Ang malalaking eskultura na masyadong mahal para sa mga pribadong indibidwal para ilikha ay kadalasang simbolo ng relihiyon at pulitika.
1 note · View note