Sigurado akong bukas ay babalik ka na sa dati. Nahatak mo nang pabalik ang aking loob at pihadong ang susunod mong gagawin ay umupo na lang at tumanaw sa malayo. Ako ang pumawi sayong mga uhaw at ngumiti akong malawak para sayo. Kung tutuusin ay pwede akong pumalahaw ng iyak pero pinili kong manahimik at di kumibo. Kita mong kinagat ko ang aking mga labi hanggang sa sila ay magdugo para lang mamalas mong pwede pang mabuhay ang aking pagpapatawad. Kaso ay alam kong babalik ka lang sa dati dahil nakuha mo na ang balak.
Iniayos ko ang aking mga salita. Hindi kita pinigilan hanggang sa ikaw ay maglamira ng mga purol mong boladas na nakita ko na ring ginamit mo sa iba. Hindi mo ako maloloko. Hindi na ulit. Pero hinayaan kita. Matagal na rin namang namimilipit ako sa pagka darang. Kaya't naulit. Tandaan mo lang na makapasok ka man ay baka hanggang sa pintuan lang ng aking mga pagkawili, para lang sa aking mga nasa at masarap na gising. Hindi para magtagal sa aking tabi. Hindi para mahalin kang ulit. Sigurado kasing bukas ay babalik ka na sa dati.
Ilang araw siguro akong magtatago sa 'yong mga tawag. Bukas ay babalik ka na naman sa dati, di naman siguro masamang umawat. Babalik ka na bukas sa dati, di mo na kailangan humingi ng tawad. Ang pag-ibig ko ay may karapatan ring alalahanin, hindi isantabi. Sa bagay ay babalik ka na rin naman bukas sa dati. Para san pa ang mga salitang ito na hindi mo naman hiningi. Para lang ito sa mga himutok kong una sa lahat ay di mo naman inintindi.
may dalagitang nakatira sa kalye ng kayamito
mapungay ang kanyang mga mata
maningning ang kanyang ngiti
kutis kasing puti ng mga perlang sinusuot sa tenga
nagrerenta ng kwarto sa isang townhouse
kasama lang niya ang kanyang ina
hindi ko alam kung nasaan ang ama, di bale
marami naman ang nakapila
si Attorney -
ang may ari ng townhouse
madalas hindi nakakabayad ng renta sa oras ang mag-ina
pinaghahanda na lang ng ina ng hapunan si attorney
habang kasama niya ang dalagita manood ng TV sa sala
si Padre -
pagtapos ng huling misa tuwing linggo
bumibisita siya sa mag-ina
may dagdag sermon na hindi nabanggit sa misa
kasama niya ang dalagitang nakaluhod sa harap ng diyos ama
si Papa -
alam niya na walang pera pampaaral sa dalagita
kusang binibigyan nang tulong ang mag-ina
sa mga gabing bago ang periodicals -
sinasamahan niya ang dalagita magbalik-aral
(napakabait ng aking papa)
salamat sa diyos talagang mapagbiyaya
ulila man sa ama, nariyan ang tatlong hari
nabighani sa ningning ng dalagita
di nag-anlinlangan matikman
kapalit ang handog na daladala
maysia prompt number two!
this is slightly inspired by alga tokarczuk's book "flights". specifically that excerpt abt the tongue being the strongest muscle and how us bilingual/trilingual ppl have our own languages hidden in our bags, just for us. i just think that's a cool way of looking at language
Though most of our tribes during the pre-colonial era bury their dead through mummification, there are also some who put their deceased loved ones on a boat and cast them off the rivers. This reminds us of the Greek mythology about Charon, the boatman of the underworld who guides the souls in crossing the river Styx. But in our Trese-verse set in the modern period, the path to the underworld is via MRT. Here we find the emissary of the Manobo goddess of the underworld Ibu, leading the train of souls and giving some advice to Alex.
Reaching out to whoever sees this post. If you’re into rock please give this song a listen. It would mean a lot. This is my best friend’s latest single and she has worked hard to get to this point. Thanks in advance! 🤗