Tumgik
#pakaw
pakawmerch · 2 years
Photo
Tumblr media
Your truly pain is here! Here Comes The Pain! @yourtrulypain @100persen_idiots @two_phi @dogasfaith @tropicalwesthc @publicnoise.notdead a Subliminal Message release party in collaboration with @realpiratescrew and @spiritwaycoffee June 26 at @wk.nogo Singkawang Ticket on sale now! @wk.nogo @spiritwaycoffee #herecomesthepain #subliminalmessage #pain #gigs #singkawang #pakaw #pakawmerch #pakawcloth #pakawmerchandise (at Singkawang) https://www.instagram.com/p/CfLySdPvbRw/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
muhryy · 1 year
Text
buti makita ko yung pakaw nung binigay na earings sa akin ni mama. White gold pa man din yun.
2 notes · View notes
itsmejul · 1 year
Text
Hebawo pakaw lamang ter uno ako ka pressure ug hunahuna kuman sako lifeeee sugod nan yakauli sila 😭😭😭
0 notes
patienopatieno · 2 years
Text
Pakawe arrive bientôt à modé vidéo
1 note · View note
lettersforkaters · 2 years
Text
August 19,2020 • 17:44 pm
Ini na time is ga tuon ta for our final exam pagka 7:00 pm tapos ato pa jud sabot ani kay manlaba ta, natingaya ako kay nagbasa pakaw pero paglingi ko utro sa imo tulog nakaw, siguro sab sa kahago jud imo lawas kay way tarong tuyog nato sa ato FTX, I just let you sleep balitaw kay ako rakay ga laba kay nakasabot ako sa imoha, you really did your best at the FTX katers my sleepyhead.
0 notes
pa-awesome · 4 years
Text
Tumblr media
0 notes
mulberrysilk · 3 years
Note
I'm back 🕊 And I'm now awake PAKAAW!!!
So I did some research about why Ayame (from anime Shimoneta. It's about that dirty jokes are forbidden.) Say woman have fourth walls is because it's from family guy reference and Quagmire has said that there's another hole in woman an orifice behind their knee. So it's not the urethra. And it's a reference.
But hey a wise man say "If there's a whole there's a way. "
-🕊
My brain is — 👁👄👁
1 note · View note
nacey405 · 3 years
Text
#ArtistaisLife: Basta Post ni Idol Like Ko Yan! Ang Lipunan na Naka-sentro sa mga Artista
Ang La Lola Churreria ay ang isa sa mga tinangkilik kong popular na pagkain noong 2014. Ang establisyimentong ito ay itinayo noong parehong taon at nag pakaw agad ng atensyon ng marami dahil sa ipinapalabas nila ang kanilang pagiging “authentic” na tindahan ng Churros at dahil langis ng oliba kaya’t parang mabuti ito sa katawan. Isa ako sa mga nabudol nito at binabalik-balikan pa rin hanggang ngayon.
Panoorin dito kung gaano pinipilahan ng mga Pilipino ang popular na tindahan ng Espanyol na panghimagas:
youtube
Sa aking pananaliksik tungkol sa La Lola nakita ko ang mga karatula na inilunsad nila para itaguyod ang kanilang bagong bukas na negosyo at dito ginawa nilang endorser ang sikat na “It Girl” na si Solenn Heussaff. Sa blog na ito, pag uusapan natin kung ano ang hinggil ng mga karatula na ito sa paggamit ng mga artista bilang mga tagapagsalita ng kanilang produkto.
Tumblr media
Ang Udyok ng Paglikha ng mga Print Ad ng may Artista
Bakit kaya gumagamit ang mga kumpanya ng artista bilang kanilang mga kinatawan? Ano ba ang impluwensya ng mga artista sa mga mamimili sa ating lipunan?
Malaki ang plataporma na mayroon ang mga artista dahil sila ay maraming mga tagahanga na nakatutok sa kanilang mga pampublikong social media. Sa pag-aaral ni Nhu-Ty Nguyen isang mananaliksik sa International University ng Vietnam, malaki ang impluwensya ng pag endorso ng artista sa ugali ng pagbili ng mga Vietnamese. Sa kaniyang pananaliksik, ang pisikal na anyo, popularidad, at kredibilidad ng isang artista ay malaking tulong sa mga mamimili kung dapat ba nilang pagkatiwalaan ang produkto na iyon. Mayroon silang kaisipan na kapag artista na gwapo o maganda ay maaari na itong pagkatiwalaan agad. Ang ugali din ng artista ay sumasalamin sa mga produkto na kanilang in-endorso. Nirecomenda ni Nguyen na magandang pag memerkado ang paggamit ng mga artista bilang endorser, ngunit dapat sila ay maging maingat sa pagpili nila dahil nga ang buong personalidad ng artista ay representasyon din ng kanilang produkto. Sa aking palagay, magagamit din natin ang pag-aaral na ito sa konteksto ng ating bansa dahil mapapansin natin na abot ang pakinabang ng mga kumpanya sa mga artista, katulad ng M. Lhuillier, Diflam, Chowking, Century Tuna, Knorr at marami pang iba. Hindi nila patuloy na gagamit ng mga artista kung hindi ito gumagana.
Tumblr media Tumblr media
Tingnan pa natin itong pag-aaral ni Sejung Marina Choi, Wei-Na Lee at Hee-Jung Kim tungkol sa papel ng mga popular na artista sa mga komersyal ng iba’t ibang produkto sa South Korea. Binanggit nila na ang kultura sa South Korea ay nakatuon sa pangkat at binigyan ng importansya ang hierarchy sa lipunan. Kung kaya’t ang mga mamimili sa kanilang bansa ay mas inclinado na sumunod sa mga pamantayan ng mga grupo at sumunod sa mga tinatangkilik ng karamihan. May papel ang mga artista sa pagtataguyod nito sa lipunan. Ang mga mamimili sa lipunan ng Korea ay laging may hangarin na kumunekta sa mga bagay na ginagamit ng mga artista sa pamamagitan ng pagbili ng mga ito. Sa halip na ginagamit ng mga kumpanya ang mga artista para sa kanilang credibilidad, ay ginagawa lamang nilang panguha sila ng atensyon batay sa kanilang imahe.
Isang ehemplo nito ay ang pag endorso ng aktres na ito sa FILA, isang sportswear brand, kung saan makikita natin na ang aktor na ito ay mukhang madaling makakakuha ng endorsement sa mga brand na katulad ng Louis Vuitton o Prada dahil ang kanyang imahe ay elegante at nababagay para sa mga mamahaling brand.
Tumblr media
Dahil popular ang aktor na ito at may imahe na elegante, inclinado ang mga mamimili na magsuot din ng FILA para maging mag katulad sila ng imahe ng aktres at para bang magkaroon ng pagkakatulad na bagay sa mga popular na idolo. Magkakaroon ng bagong pagtingin ang mga mamimili sa brand na ito dahil napakaw ang atensyon nila ng mamimili sa pamamagitan ng kanyang imahe na nag reresulta sa mas maraming benta.
Nakasentro ang ating Lipunan sa mga Artista
Ano ang sinasalamin ng ating lipunan sa pamamagitan ng pag endorso ng mga artista sa mga produkto?
Ang sinasalamin ng ating lipunan mula sa mga udyok ng paglikha ng mga karatulang may artista ay ang ating kagustuhan nating makakuha ng validation mula sa mga popular na mga indibidwal o grupo. Bakit hindi nalang mga ordinaryong modelo ang gawin nilang paskilsa mga karatula? Ang lipunan natin ngayon ay mayroong mithi na maging katulad nila kaya’t pinapatulan natin ang ang kahit ano mang kinakain, sinusuot, ginagamit, o pinupuntahan nila. Madalas din natin makikita na kapag may bumisita na artista sa isang restaurant ay sasabihin na “Nirerecomenda ni *pangalan ng artista* ang kainan na ito kaya kailangan nating puntahan!”. Bakit sobrang importante ng kanilang mga opinyon tungkol sa mga kainan?
Silipin ang artikulo na ito tungkol sa mga “Celebrity Approved Restaurants”: ​​https://www.pep.ph/lifestyle/food/34497/celebrity-approved-restaurants-to-try-in-manila-over-the-holidays
Pinapakita rin ng mga udyok na ito na masyado nating binibigyang importansya ang ating imahe sa konteksto na dapat lahat ng ginagamit natin ay prestihiyo at ang may mga pangalan lamang o popular. Wala tayong hinggil na maging payak sa lipunang ito. Kaya ginagawa ng mga kumpanya ang pagkuha ng mga artista dahil alam nila ang atensyon ng mga mamimili ay pupunta lamang sa mga may itinatag na na pangalan sa industriya. Minsan, wala na sa ating isipan ang kredensyal ng isang endorser at binabatay na lang natin sa kanilang itsura ang kanyang pagiging mapagkakatiwalaan. Mapapansin natin dito na ang mga kultura na tinatangkilik natin ay nakasentro lagi sa mga artista kaya kinuha ng mga brands ang oportunidad para tayo ay maakit sa kanilang mga produkto.
Tumblr media
Conclusion
Sa pag gawa ng blog na ito, ngayon ko lang napagtanto na kabilang din pala ako sa kulturang ito, na kasama ako sa mga mamimili na piniili lamang ang mga pangalan na kilala dahil sa mga artista. Hindi ko napansin na kasama ako sa mga nag ambag sa kultura ng maghanap ng validation galing sa kanila. Nagdadamit ako ng may pagkakatulad sa mga idolo ko dahil gusto kong maging parang sila. Bumili ako ng mahal na pabango para masabi ko lang na pareho kami ng ginagamit. Kung dati akala ko jologs ang isang brand na ito, pero dahil ginagamit ng isang artista, ay bumili at ginamit ko na rin. Pinapatunayan nito na ako ay bahagi talaga ng kasaysayan sa pagtangkilik ng mga produktong popular na may mukha ng mga artista.
Ang isa pang makukuha ko mula sa pag gawa na ito ay higit nating binibigyan ng halaga ang pang labas na anyo ng mga tao. Nagkakaroon tayo ng pag iisip na katimbang ng kagandahan ang pagka maasahan at kalidad ng isang bagay na sa aking palagay ay dapat nating baguhin. Hindi ko pa alam sa ngayon kung paano natin mababago ang kaisipan na ito sa kabuuan ng lipunan pero lagi nating tignan ang kalidad o panloob na katangian bago tayo mag tiwala. Huwag na natin isipin kung ano ang opinyon ng artistang ito dahil maraming maaaring nakakaapekto sa kanyang sasabihin katulad ng kontrata o sweldo. Mas paniwalaan natin ang mga tunay na gusto natin kaysa sa mga kagustuhan nila dahil iba-iba tayong mga tao. Hindi natin kailangan sumunod sa pamantayan ng lipunan kung dapat ba nating gustuhin ang isang bagay. Isang translasyon sa isang popular na kasabihan sa Ingles: “Ikaw ang gawin mo.”
Mga Sanggunian:
1.) Ganal, F. M. (2016, January 25). Celebrity-approved restaurants to try in Manila over the holidays. https://www.pep.ph/lifestyle/food/34497/celebrity-approved-restaurants-to-try-in-manila-over-the-holidays. Retrieved September 17, 2021.
2.) Choi, S. M., Lee, W.-N., & Kim, H.-J. (2005). Lessons from the Rich and Famous: A Cross-Cultural Comparison of Celebrity Endorsement in Advertising. JSTOR. Retrieved September 17, 2021, from https://www.jstor.org/stable/4189299.
3.) Nguyen, N.-T. (2020). The Influence of Celebrity Endorsement on Young Vietnamese Consumers’ Purchasing Intention*. Journal of Asian Finance, Economics and Business, 8(1), 951–960. https://doi.org/10.13106/jafeb.2021.vol8.no1.951
4.) Churreria La Lola Sm Megamall Now Open by HourPhilippines.com. (2016). Youtube. Retrieved September 17, 2021, from https://www.youtube.com/watch?v=YFqDYEqG1DE&feature=emb_logo.
1 note · View note
gcpo · 3 years
Text
https://ronex.io/?ref=Pakaw
Inscription gratuite +
80$ en Rx monnaies de Ronex
20$ pour réinvestir dans le minage
RONEX est une source de revenus fiable pour les investisseurs expérimentés et novices qui souhaitent se doter d'une base financière solide et d'un profit stable à long terme.
Plus sur la Crypto avec GCPO :
Tumblr media
https://cycypa.wixsite.com/gcpo/copie-de-nodle
https://ronex.io/?ref=Pakaw
Free registration +
$ 80 in Rx Ronex coins
$ 20 to reinvest in mining
RONEX is a reliable source of income for both experienced and novice investors who want to build a solid financial foundation and long-term stable profit.
More on Crypto with GCPO: https://cycypa.wixsite.com/gcpo/copie-de-nodle
2 notes · View notes
czardgreat28 · 3 years
Photo
Tumblr media
Change pin and pakaw 14K White Gold #SouthSeaPearls #Repair #Modification https://www.instagram.com/p/CIHom8Nn36_/?igshid=10ev8xd3f4h6c
0 notes
chelsiboiii · 3 years
Photo
Tumblr media
"Things we lose have a way of coming back to us in the end. If not always in the way we expect." -Luna Lovegood, Harry Potter Series These earrings have been with me for almost a decade or a decade now, not sure. But it's a gift from mama since highschool. Nawala na ng isang beses tong isang hikaw na 'to habang naliligo ako. Halos kabibili lang ni mama niyan noon. Yes, nahulog talaga siya sa drainage. Kinabukasan, nakita ni mama na lumutang kasi medyo nagbabara ang drainage namin. Up to this day, I think last week, nawala ko nanaman siya kasi sumabit siya sa daliri ko habang naliligo ulit. Ang alam ko talaga nahulog na siyang tuluyan at pakaw na lang ang natira sakin. Pero kanina, nakita ko siya ulit sa banyo at akala ko nahulog nanaman yung bagong hikaw ko. Pero bumalik siya. Siguro napunta lang pala sa sulok or kung saan. Sobrang di ako makapaniwala na 2 beses na siyang nawala pero nakita ko pa rin siya ulit. As in naalala ko yang quote ni Luna Lovegood na yan at naisip kong ipost. 😊💖 Sentimental, kasi regalo sakin ng mama ko plus ilang taon ko na itong hikaw. Iba yung sayang nafeel ko nung nakita ko ulit. Kaya ngayon, itatago ko na lang muna siya. Who knows, baka ipamana ko pa yan sa magiging anak ko. Kahit matagal pa yun. 😁 #skl #sharekolang sa mga single/iniwan jan, #sanaallbumabalik tulad ng hikaw ko 😂😜✌ #harrypotterquote #latenightpost #latenightdaldalonline https://www.instagram.com/p/CG2lOJshlHzACtfKpkhM0Mfp1E7vvOdMblMIPA0/?igshid=xeffq47480k0
0 notes
pakawmerch · 2 years
Photo
Tumblr media
Selamat Hari Raya Idul Fitri 1443 H Mohon maaf lahir & bathin . . . . . . #pakaw #pakawmerch #pakawmerchandise #pakawcloth #idulfitri #eidmubarak #singkawang (at PAKAW Merch Store) https://www.instagram.com/p/CdCXizkPxvz/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
fabhailgail · 4 years
Photo
Tumblr media
💟 Sakit sa ulo pose with matching silip sa nalaglag na pakaw ng hikaw! 😊 https://www.instagram.com/p/CBapUu3nGNT7cIZKqGmGKxnjEemkUkYSRG-XH00/?igshid=1qatk4im8u480
0 notes
mheyrmedia · 4 years
Photo
Tumblr media
GOOD NEWS, BAD NEWS: GOOD naay kita. Kiligon manpod ta sa well-written oi, memsh oii. Tinkyu! 👩🏻‍🎓 Anona, COVID19? Wa pakaw yalukas? Grabeh kaw! Kami da isab pagawsa. 😂 #MBAhustle BAD da kita: Wala nakoy net periodt This morning, i finally decided to terminate my contract when someone from Globe called. She said my location kept me from being migrated to DSL. Sorry i just had to. So now i’m hoping my location will qualify for PLDT. *fingers crossed* Otherwise, goodbye WFH. Chouuur! If you have any concerns, please text me. My connection will be cut within 24hrs. #WORKfromHome Paalam, Globe. Tagal din natin noh? 😂 (at The MHEYRchant) https://www.instagram.com/p/B-_1eHKHfUT/?igshid=1wwlb1cx0mrtz
0 notes
breakingtheoldhabit · 5 years
Text
I slept at 18.45 and woke up at 20.06. Sabi ko kanina idlip lang ako ng 15mins eh. Kaso napalalim ang tulog ko. Dahil siguro sa panaginip ko???
I have this dream eh. Na pagkagising ko, may message agad na pumasok sa isip ko. Basta may mga hawak daw ako, nagsimula sa pakaw ng hikaw na nalaglag... but everytime na ibabalik ko sya, nalalaglag. Then, isinama ko sya sa ibang jewelry ko. Eh kaso nagkakanda- laglag pa rin sya. So inilagay ko sa isang supot. Pero this time, sa supot, may mga kasama na syang beads. Weird, but idk. Sa isang di inaasahang pagkakataon, unti-unti nanamang nagkanda-laglag yung beads and from afar, I called mom to help me to pick up those pieces. Meron ding vision sa panaginip ko na, sa bawat space sa pagitan ng kamay ko... uhm- dun naglakalaglag ang mga piraso ng mga bagay na yun. Tas pagkagising ko, naisip ko- something like... "wag kang gumamit ng mga tao o bagay para mapunan ang void sa heart mo o sa sarili mo." Yun agad ang message na naisip ko pagkagising ko. Maybe those spaces kung saan lumulusot yung mga bagay na nalalaglag represents as fillers to fill the void in someone else's life? Idk. Eh sabi ko, hindi naman ako ganun eh??? Or maybe... baka para sa akin nga yung message na yun? Was it a reminder? Eh syempre naisip ko rin si ex. May mga bagay o tao ba syang ginagamit to fill his emptiness? I don't think so. Ayaw ko na syang isipin at intindihin. For sooo long, tagal ko syang inisip ha. Lord, whatever it may be, isinusuko ko Sa'yo lahat ng motives ko in life. I pray that the desires of my heart be aligned to Yours. Help me to always be sensitive and discern what should I do in every situation, with caution and gentleness.
It didn't scared me, tho. Pero na-weirduhan lang ako.
But, hmmm...
I'm happy that I woke up tonight without a hard feeling of embracing the fact that the 'two of us' is no longer existing the way it used to be. Tonight, I woke up with a happy heart. Hindi gaya ng dati na pagkagising ko, inaalala ko kung nasaan ka na. Hinahanap ang mensahe mo pagkagising ko. Tapos sobra na lang yung pagka-miss ko sa'yo.
Tbh, from the past weeks, lagi akong gigising ng may kabigatan sa puso ko. Laging naiiyak. I asked the LORD kung hanggang kailan ganun. Sabi ko pagod na ako. Pero ito na sya. I just hope na hindi ito facade. Though I feel it in myself that this feeling of peace is so good to be true, I still pray na manatili na ito sa akin. Little by little, we move forward, LORD. Hehe
Pagkagising ko, binuksan ko fb. Akala ko may story na sya ulit eh. Charot. Then sa messenger naman, pagtingin ko, may lineup na ng songs. Then nagkakagulo rin sa chatbox ng youth. Wattanays. I didn't feel at hindi pumasok sa isip ko na umiwas o i-isolate ang sarili ko. Duhhh, of course, I joined the convo... sa youth! Hehehe.
But hays. LORD, no matter what happen, I always pray for a heart and mind that will 'stand still.' Thank You for guiding my every words and actions, LORD!
Please do always guide me pa rin ha. Waaah! I pray na ikaw yung makita nila sa pagkatao ko LORD. For your honor and glory, alone.
-CPA, 2019
0 notes
patrickdesilva-blog · 7 years
Text
“13 reasons why” Labing tatlong dahilan kung bakit. Kung bakit ikaw."
Uumpisahan ko sa huli, sa ika labing tatlo. Ikalabing tatlo ng pebrero, dalawang libo’t labing pito bago ang araw ng mga puso. Hanggang ngayon tanda ko pa kung pano ako ngumiti ng palihim at kung paano pinigil ang sarili sa pag tikhim. Nangyaring niyaya’t kumain sa labas, para sa darating na bukas. Biglang napabalikwas, nabihag ng mga salitang matagal nang kupas pero yung tama parang walang kupas. Oo, Nabihag mo ako. Labing dalawa, labing dalawang taong malapit sakin ang tinanong ko, kung hahayan ba kitang papasukin sa buhay ko at sumabay na makipagsapalaran sa aking magulong mundo ngunit lahat sila pare pareho ng tugon. “Oo kaibigan, tibagin mo ang takot sa dibdib mo na matagal nang naipon” kaya’t ikaw ang lupon at sandigan ng pag-ibig ko hanggang ngayon. Labing isa, labing isang papel ang sinulatan ko ng maddramang salita, mga kilig na ayaw ipahalata, storyang ating itinala, saba’y hiling kay bathala nasana wag kanang mawala. Sampu, sampung kanta ang paulit-ulit kong pinakinggan, mga musikang nagpaniwala sakin sa salitang walang hanggan, na sa tuwing naririnig ko, yung sigaw ng puso ko tila isang hindi makabasag pinggan. Siyam, siyam na panyo na ang aking naiyakan noong unang beses mo akong binitawan, iniwang luhaan, nagtatanong kung bakit ba kasi biglaan? Humanap ako ng paraan, oras na sayo kolang inilaan. Maniwala ka o hindi man, yung tibok nito sayo lang nakalaan. Walo, walong tagay ang ininom ko para mawala na yung sakit dito sa dib-dib ko, pero nagkamali ako. Hanggang sa pikit na ang mga mata ko pero ikaw parin ang nakikita ko, lasing na yung sistema ko pero ikaw parin ang hanap ko. Pito, katumbas ng isang linggo, pitong gabi ng madaling araw binabasa ko kung saan lahat nag umpisa ang mga ito, paanong nangyaring ngumiti ang mga labi dahil sayo, yung antok na, ngunit pilit dinidilat ang mga mata matugunan lang ang mensahe mo, kung paano kiligin sa mga banat mo, sa kung paano ako kilabutan sa tuwing tinatawag mo ang pangalan ko. Anim, anim na tula na ang aking nalikha simula noong nakilala ka, sa bawat piyesa ramdam mo ang pinaghalong sakit at saya. Sakit nung ika’y nawala, sinabing tama na, bitaw sabay tigil na. Ngunit muling sumaya noong bumalik ka, kumapit sa kamay at di nagpumiglas pa. Lima, limang lugar ang muli kong binalikan, hinanap ang sigla at matatamis na salita, ngunit noong nakita ko yung memorya? unti unting nag iba. Bumagal yung dating oras na mabilis pag kasama ka, mga asaran at lambingan na naging sigaw, yung “tayo’y araw araw” na biglang “wala na tayong araw”. Apat, apat na buwan na simula nung bumalik ka, humingi ng isang pagkakataon pa nag baka sakali na baka ikaw pa at Oo, tama ka! Inintay kita sa loob ng ilang buwan na pagkawala. Tatlo, tatlong beses mo akong tinanong kung masaya ba ako dahil nandito kana ulit sa tabi ko, kasama ko, humahalik sa noo ko, umaamo sa tuwing nag iinarte ako, halata namang Oo, sobrang saya ko. Dalawa, dalawang salita ang muli kong binigkas, kusang lumabas at sinabi ang salitang “Mahal Kita”. Isa, isang bagay ang ihahambing ko sa ating dalawa. Isang pares ng palamuti na hindi maganda tignan kapag kulang ng isa. Hikaw na hindi kakapit pag walang pakaw. Ako na kulang kapag walang ikaw.
1 note · View note