Tumgik
#na hindi ko binabalatan yung
jpehg · 2 years
Text
Taft 120322 1642
Alam ko, marami nang nagsabi nito. Marami nang mas sikat, at mas kilala, lokal man o hindi, sa pamamagitan ng paglathala o pagsalita. Pero gusto ko lang magkaroon ng sariling bersyon na maaaring mas may kahulugan sa akin, o sa'yo, o kahit na sino mang kaluluwang naligaw dito. Maaaring nabasa mo na 'to, maaring bago, maaaring narinig na habang nakapikit ang mga matang hinding-hinding titigil sa pagdilat. Heto na, sasabihin ko na, at dito siya magsisimula.
"Mahirap magkagusto sa isang manunulat"
Dahil minsan ka lang makakakita ng isang taong kinukuluyan yung nakaraan niya habang sinusubukang iguhit at binibigyang-buhay ang kasalukuyan. Ikaw na nakapako ang tingin sa kamay niyang bumaybay sa isang kanbas na hindi pa tapos, sabik na makita ang mga susunod na letra at mga baybaying sinusubukan mong lagyan ng kahulugan. Ako, na nag-iisip kung aling mga salitang gagamitin para maging sakto at akma ang bawat sulok ng aking larawan, takot na mahusgahan kung may iilang mga kulay na hindi tugma, mga notang wala sa tono. Nakakatuwa hindi ba? Pero parang hindi rin.
Dahil gusto kong sabihin na hindi ko kayang maipaliwanag 'yung nararamdaman ko kapag nababasa ko 'yung mga sulat mo sa kanya pero kapag ginawa ko 'yon, madadagdag 'to sa listahan ng mga malalaking kasinungalan ko sa libro ng kung sino mang may hawak ng buhay ko. Dahil kayang-kaya ko ipaliwanag nang maayos ang bawat detalye sa'yo. At dahil nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ko ipagkakait sa sarili 'yung pagkakataong maihayag ang kahit na ano mang mararamdaman- mabuti man o hindi. At heto sila:
Una, putang ina. Isa siguro sa mga karaniwang pangyayari sa buhay ng isang manunulat ay makabasa at humanga sa mga salitang dumadaan sa mga mata niya. Parang pag-ulan ng mga bulalakaw sa gabing ibinalita sa TV pero hindi niya naman inabangan. Isang malaking karangalan ang mabasa ang mga salitang sanang siya ang unang nakaisip at nakasulat. Nasa likod ng utak niya palagi na gamitin ang mga katagang napakaganda't napakasarap pakinggan ngunit alam ng isang marangal na manunulat na hinding-hindi niya heto kokopyahin. Pero pag-uusapan, susulatan, at rerespetuhin. Ang palakpak ng isang manunulat ay ang paglathala niya sa ala-ala mo kahit hinding-hindi mo ito mababasa.
Pangalawa, aray. Dahil sino ba namang tao ang gustong makita na hinahalikan ng iba 'yung gusto niya? Sino ba namang tao ang gustong makita na binibigkas ng gusto niya ang ilang "Mahal kita", o "Kailangan kita" sa iba? Pero isang konsepto sa metapisika na pagkakakilanlan mo palagi ang iyong nakaraan. Parang kang mixed drinks na umiikot sa inuman ng magbabarkada- ikaw ay ang pinaghalu-halong kasaysayan, lasa, laway, yakap, halik at luha ng iba't-ibang mga tao. At 'yon ang isang katotohanang kailangang maunawaan ng isang mambabasa pero hindi ibig sabihin ay magiging manhid na siya sa mararamdaman niya.
Pangatlo, kailan kaya ako maisusulat dito?
Pang-apat, maisusulat pa ba ako dito?
Panglima, ba't ko ba 'to ginawa?
Dahil sino ka ba naman para maikumpara sa daan-daang sinulat niya para sa iba. Kahit na wala pa man ding letrang nakalaan sa'yo, alam na alam mong pahahalagahan mo 'yung kwentong sakaling isusulat niya sa'yo.
At heto 'yung mga bagay na kailangan mong lunukin at tanggapin. Dahil ang ideya na mahalaga ka sa kanya ay ang gamot mo sa gabi, at ang pagsulat niya ay ang tubig na kasabay nito. At sana sa mga panalangin mo ay tanggapin niya rin 'yung sa iyo. Lalo na kung manunulat ka rin.
Ang pinagkaiba lang natin siguro ay palagi kong nililigpit 'yung mga abo at buto dahil hindi ko kayang sikmurain 'yung mga kalansay natin sa aparador. Dahil 'yun siguro ang problema nating mga alagad ng literatura at tinta- hindi nananatiling patay 'yung mga nakaraan natin. Hindi man natin sila mababasa parati pero palagi silang pinagdidiwang sa pagitan ng mga papel na sinulatan natin.
Kaya pala.
Kaya habang pinapanood ko 'yung mga paborito niyong palabas, habang unti-unti kong binabalatan 'yung balat ng pinagdaanan niyong dalawa; hindi ko lang talaga maiwasan na parang sumusunod ako sa yapak ng isang taong matagal nang patay pero ginugunita pa rin ng nakaraan mo. At siguro, ganon talaga, kasi hindi mo naman talaga pwedeng salain 'yung mga bagay na gusto mo lang matanggap. Hindi mo pwedeng piliin lamang kung ano lang yung naaayon sa paningin mo. Parang 'yung larong Hole In The Wall, sa una, napakadaling lusutan ng mga butas na dumadaan, pero habang tumatagal, pahirap na nang pahirap. At pagdating sa dulo na kung saan kahit anong diskarte at porma mo, babangga at babangga kayo. Pero kahit anong mangyari, kung tatapusin niyo 'yung laro, pare-pareho lang ang kahihinatnan niyo sa dulo- ang malaglag o mahulog. Sa tubig o sa putikan man- gayunpaman, malalaglag at mahuhulog pa rin.
Nagmamahal at Y.
--
Sobrang challenging para sakin na magpalit ng perspectives. Pero you get the point ✨
1 note · View note
huminahon · 4 years
Text
Nahiwa ko ng peeler yung daliri ko, biyak yung kuko. Sobrang saket. Dang laking kamote kasi yung binabalatan ko tas dumulas sa kamay ko kaya shoot sa pagitan ng laman at kuko. Damn!! Ganito pala kasakit yun. As in hindi ko alam kung paanong reaksyon gagawin ko. Never ko pinapakita sa kanila na nasasaktan ako, pero kanina di ko talaga mawari yung sakit gusto ko umiyak pero walang natulong luha. Hahahaha akala pa nila nagjojoke lang ako kasi nagpapatawa pa raw ako.
3 notes · View notes
sznmanguiposts-blog · 5 years
Text
REVIEW ON PHILIPPINE CONTEMPORARY AESTHETICS by Alice Guillermo
It is not enough to patronize, collect and encourage fashions in indigenous art if one does not take part in the movement to obtain a better quality of life to them, with equal opportunities in education and livelihood, with guarantees of respect for their cultures and assurances for their personal security and survival and welfare of their communities. 
 Hindi tayo magkakaroon ng higit na paggalang sa ating bayan, maging sa ating mga sarili maliban kung mapagtanto natin na tayo ay nagkamali at mabait na inamin ito nang walang pangangatwiran at di mabilang na kadahilanan. Iyon ay dahil tayo mismo ay nagpapakabanyaga sa ating sariling bayan. 
 Isang linya ang hindi mawala sa aking isipan noong panahong nagkaroon ng paguulit aral mula sa sanaysay na ginawa ni Alice Guillermo na pinamagatang “Philippine Contemporary Aesthetics”. 
 Ang sabi ng kaklase ko, ang pagmamahal sa sining ay makikita maging sa "pag aapreciate ng sarili mong tae". 
 Pwes isa kang taeng hindi naappreciate kung may mababaw kang pagkakakilanlan sa mga tinuring nating Indigenous people. Maging ang diwa ng karagatan ay hindi nakikita sa ibabaw kundi sa malalim nitong parte kung saan walang butete na puro bwelo wala namang laman. 
Kung iyong lubos na sisisirin hindi mo ito masisiyasat sa kanilang dark chocolate na mga balat, na kasing kulay ng hazelnut ang mabulbol nitong mga buhok. Hindi rin swak sa pambulalo nitong pangangatawan at malaflatscreen na mga ilong. Mapapamura ka rin ng pakshet dahil hindi rin sa maiitim nilang mga utong.  
Ang pagpapakabanal ay hindi natatapos sa kung paano natin patatagin, kolektahin at hikayatin ang mga obra ng katutubong sining kundi sa paanong paraan natin hahawakan nang mahigpit ang kanilang kadakilaan laban sa patuloy na dumadaloy na bulok na sistema ng ating lipunan. Pinipili kasi nating iturok sa ating mga sarili ang mala alien na pinaghalong dugong hindi sa bansa natin nanggaling kaysa sa purong dugo na umaagos sa mga likha ng bawat indigenous people na may kinalaman at nagpapakita ng kanilang buhay bilang mga katutubo. Na sila ring nagtatanggol at nakikipagbasag sining nang walang pinagtatakpang galimgim . Lingid sa kaalaman ng karamihan na ang kanilang mga likhang sining ay may kakayahang punan ang mga malalaking puwang sa tanong ng bayan at magtaguyod ng mga lugar na walang kolonyal na panuntunan o istruktura. Hubad silang humaharap sa salamin upang ililok, isayaw, hihimigin at ipipinta ang ating “national identity” na patuloy pa ring estranghero at binabalatan sa ating sariling bansa. 
 Bakit nga ba kulang tayo sa pagpapahalaga sa sining? 
 Bago ka umiling dahil walang sapat na pera para tustusan ang pag aaral mo sa sining at bago ka humindi na wala namang kinabukasan kang mapapala, bakit di mo tingnan ang kalagayan ng ating bansa? 
Nandoon kasi tayo sa konsepto ng mataas na pasahod kapag naging doctor, abogado at enhinyero tayo. E kung ganoon lang naman bakit di mo man lang sinama sa pangarap mo na ” paglaki ko, magiging puta ako”. 
 Pwes kung katawan ang iniisip mo, maging kapuri puri ka sapagkat ang pagpuputa ay hindi lamang sa paghuhubad mo ng katawan nakikita kundi sa pamamagitan ng lantaran mong ihaharap sa madla ang presensya ng pagiging puta ng sining. 
 Huwag mong ikulong ang iyong sarili sa konsepto na dapat magpaka Maria Claria at maging Crisostomo Ibarra sa iyong nobela sapagkat isa kang Mona Lisa na mananatiling hiwaga sa sarili mong pinta. Hayaan mong maglakbay ang iyong gawa kaysa maging masalimuot na alaala ng bansa. 
 Pero hindi lang naman indigenous people at ang kanilang mga obra ang gusto kong ipunto rito. Ang sarap lang kasing makipagbasag ulo lalo na kapag walang laman yung bungo ng kabanggaan mo. Napaka “intelllectual” kasi natin pumuna at bumatikos ng mga pagkakamali ng mga artist ng bansa. Kesyo bakit mas advance pa mag isip yung dugo e hindi pa naman sinapak si Victor Magtanggol. Anak ng butete, bumuntong hininga na nga lang ako nang magyelo yon kahit tanghaling tapat e. Hindi rin naman ako intellectual pero sapat na siguro ang maintindihan at mabahagian ng diskusyon tungkol sa artist na nabigyang panayam sa kung bakit ganito kabulok ang gawa ng artist sa bansa. 
 Unang una sa lahat, dapat tayong sumaludo sa mga alagad ng sining sa bansa. Hindi natin masisisi ang kanilang mga likha kundi ang sirko ng medya sa bansa. Kaya lang naman undervalued yung mga artist natin dito sa Pinas ay dahil hindi nila natatamasa ang sapat na halaga na dapat ay magpaunlad sa kanila. Kaya naman nating makipasabayan sa iba. Iyon lang. Puro kasi tayo pakikipagsabayan kahit wala tayong sapat na kakayahan. Puro kasi tayo bwelo, kaya tuloy nagiging mangmang tayo sa sarili nating sining. Mas pabor kasi tayo sa “quantity over quality”. Hindi kasi puso at passion iyong umiiral sa mga artist natin ngayon kundi pressure at praktikal na pag iisip. Hindi tayo loyal. Hindi tayo tapat sa kinagisnan. Puro kasi tayo pagtalikod sa katotohanan na kaya tayo hindi makaahon ay dahil patuloy tayong nagiging pabigat sa lipunan. Walang humihila kasi kung sino iyong may alam ay sila pa itong lumulusong at pailalim tayo kung tadyakan.
 Sa atin kasi pagdating sa sining ay hindi considerable yung “okay na yan”. Ika nga nila, kailangan may constant improvement, constant criticism, at constant meticulous. Ang sining kasi ay may kaakibat na dahilan. Ito mismo yung magiging instrumento para ipamulat sa ating mga tao na ang pakikibaka at pagtatangol sa bayan ay hindi lamang sa pakikipagtalastasan at literal na madugong pakikipaglaban. Ang sining ay sining kapag maayos itong naipaparating sa kaisipan ng tumitingin. Kaya lang naman natin hindi maappreciate ang sarili nating mga likha ay dahil wala tayong pag aalab na pandama at makabayan sa ating nakikita. Wala tayong pagpapahalaga sa ating bayan dahil wala tayong tamang pagpapahalaga sa kapwa. Wala tayong pagkakakilanlan dahil hindi tayo marunong kumilala. Wala tayong pagmamahal sa bansa, dahil wala tayong pagkalugod sa ating mga gawa.
5 notes · View notes
falseq0d · 4 years
Text
08.15.2020 // 10:17 AM
Nakita ko kasi ‘to na kumakalat sa facebook so might as well gawin ko rin ‘to. Pero special edition ‘to kasi this is for Celine. I’ll explain kung bakit ko gusto yung certain feature na ‘yun hehe.
Tumblr media
1. Smile
- Once ko pa lang nakita si Celine mag smile with her teeth, pero damn sobrang bagay sakanya. Bagay din sakanya sobra yung signature smile niya, yung hindi nakalabas yung teeth niya. Ang ganda kasi talaga huhu :( nakakainlove lang lalo ‘pag nakikita ko yung smile niya. Alam mo ‘yung ‘pag may bad day ka, tas makikita mo smile niya. Parang magiging okay na ulit lahat. Ganun kaganda smile niya! PLUS sobrang nagiging prominent nung cheeks niya everytime she’s smiling :( ang ganda 🥺
2. Eyes
- The eyes chico, they never lie. HAHAHAHA. Kahit ilang beses ko ‘to sabihin, sobrang ganda talaga ng eyes niya. Chinky siya pero parang cat eyes na rin. Ang ganda sobra :( Sobrang favorite part ko rin ‘to sa face niya. Lahat naman favorite ko sakanya pero eto talaga pinaka nagstand out :( I just have no words how to describe it. Nakakainlove yung eyes niya. AND i love it so much nga pala kasi nagssmile din eyes niya kapag nagssmile siya. Makikita mo talaga yung spark sa eyes niya :(
3. Hair
- Kahit di ko pa ‘to naaamoy personally, feeling ko sobrang bango niya :( Based sa mga nakikita ko, ang straight talaga ng hair niya. Straight and soft. Yung tipong pag nag fingercomb ka, di ka makakaencounter ng buhol ganun. Ang shiny din ng hair niya sobra :( Lahat ng hair bagay sakanya sa totoo lang! Kapag super long hair siya, sobrang ganda niya. Kapag medium cut lang yung hair, maganda pa rin. Kapag short hair, sobrang ganda pa rin :( lahat ata ng hairstyle bagay sakanya eh :( Alala ko tuloy yung pic nya na nakaipit siya. Basta yung nagpunta sila sa hotel. Hehehe ang ganda niya
4. Eyebrows
- BROOOOOO putangina! Si Celine kahit na hindi mag eyebrow makeup and whatnot, maganda talaga kilay niya. Sobrang ganda ng kilay niya sobra. Ano kaya magiging itsura ng kilay ng anak namin? Swerte niya power duo sa kilay ang parents niya HAHAHAHA WOW
5. Jokes
- BRO eto pa isa. Tangina taob na taob ako dito. Sa ability niya na mag joke na sobrang funny. Alam mo yung funny na tas witty pa? Sobrang napapatawa ako ng jokes ni Celine. Yung tipong sumasakit na tiyan ko minsan ganun. Isa rin ‘to sa reason bakit naging crush ko siya lalo eh. Iba siya mag joke eh :(( Huhuhu nakakainlove sobra
6. Body
- Kahit ano naman maging body ni Celine, it does not matter. Kasi hindi naman yun ang reason bakit ako nainlove sakanya. Kung bakit ko siya minahal. Kahit maging mataba pa siya, or kahit maging bloated pa man ang tummy niya. Mahal ko pa rin siya. Kahit na maging fluffy ang arms and legs niya. Huhuhuhu 🥺
7. Lips
- Her lips is my religion. HAHAHAHAHA. Tangina kapag nakikita mo minsan parang gusto mo na lang i-kiss? Ganun. Huhuhu maganda curve ng lips ni Celine sobra. As in sobrang ganda talaga :( Kahit na lagi niyang binabalatan lips niya. Eh ano naman? Ako rin naman binabalatan ko lips ko palagi hehehe. Ganda sobra ng lips ni baby taena
8. Personality
- Now this is the reason kung bakit ako nahulog sakanya ng sobra. Yung personality niya. Bro, her personality is golden! It’s warm and calming. She may seem cold on the outside, like a tough shell. But sa inside, she is a softie huhuhu :(( sobrang ganda ng personality lang talaga ni Celine. Kaya mahal na mahal ko siya eh. Ganda rin ng personality niya kasi she’s realistic sa mga certain things. Iniintindi niya pa muna mga ibang tao kesa sakanya. Swerte ni Moy kasi ate niya si Celine. I know deeply in my heart that she’ll reach more in the future. With a personality like hers? Damn.
9. Hug
- Well hindi ko pa alam ano feeling ng hug niya personally. But I know it will make me calm. I know that it’s warm. Kapag iniimagine ko pa lang na magkahug kami, sobrang comfy na sa pakiramdam eh. Kapag di ako makatulog, iniisip ko na ka-hug ko siya tapos makakatulog na ako agad. Kapag may problem ako tapos magkatawagan kami, iniisip ko na lang na she’s hugging me. And then after a few minutes, I’ll be calm na. Ganun feeling ng hug niya.
10. Craziness
- Kasama na rin ‘to sa personality niya eh. Pagiging crazy niya. Gusto ko rin kapag hyper siya eh. Sobrang funny talaga. Ang uplifting ng mood niya ganun. Huhuhu :(((( i love her so much.
11. Talent
- Puta grabe talent ni Celine rin talaga. I’ll start from her ability to draw. Since high school pa lang, secretary na siya kasi maganda siya magsulat eh. Tapos maganda rin siya mag lettering. AND THEN netong college na sobrang naehance pa lalo yung skills niya. Nakita ko na mga gawa niya eh. Kasi pinakita na rin naman niya sakin mga gawa niya. Ang ganda. Ang detailed, sobra. :((( Alala ko na naman nung she drew a tissue. Tangina, saglit lang niya dinrawing. Pencil lang gamit niya pero sobrang lumitaw yung features nung tissue. Ang galing lang :( Tapos alam niya rin kung anong color ba dapat gamitin. Tinuruan niya rin ako sa shading. Huhuhu.
12. Attitude
- Bro, I’m telling you. Kung ganto attitude mo, marami ka mararating. Maganda attitude ni Celine sobra. Yung tipong nakikita ko na madali siya makisama sa tao lalo na kapag nasa work siya. Yun din naman kasi important sa work eh, yung pakikisama mo sa tao around you. Tapos organized siya sobra, may sineset siya na goal sa mga tasks na gagawin niya. Like dito sa online job, gusto niya makapagpasa siya ng 10 resume per day. Tapos after nun, maghahanap pa siya. Detail oriented din si Celine. I love it huhu
13. Accent
- HEHEHEHEHE DIS I LOVE THE MOST ALSO 🥺 yung maliit niyang boses lalo ‘pag magkausap kami sa phone. Yung bb voice niya huhuhu ang cute she’s a 12 year old girl 🥺 Tapos naalala ko nung first time kong narinig boses niya, ang deep and malat. Naging kaboses niya kako si Kathryn Bernardo. Pero yo kahit naman malat si Celine or pumipiyok, gustong gusto ko pa rin yung boses niya. “bb so niCeeee” “hurRie”
14. Voice
- Kasama na rin naman ‘to sa accent eh. Pero ‘pag magkacall kami, nagkaka singing session kami niyan ni Celine. Mga kanta ng BP yung kinakanta namin. So kahit korean kinakanta namin, naririnig ko pa rin. Or di kaya minsan ‘pag tatahimik ako sa call, minsan may times na kumakanta siya. Ririnig ko huhuhu :( nakakamelt 🥺
15. Style
- Alam ko na rin ang style ni Celine eh. Hehehehe off shoulder HAHAHAHA. Maganda style ni Celine! Yung uso ngayon. Pero tangina kahit shirt and jeans suot niya, ganda niya pa rin :(((
16. Heart
- Eto talaga top reason kung bakit ko siya minahal ng sobra. She may be small, but her heart is big. She’s super caring :( in all aspects. Sa tao man ‘yan or sa animals, makikita mo concern niya talaga. Or kahit sa environment man ‘yan :( Like I told y’all, may golden heart si Celine sobra. Iba siya mag-alaga eh. :(
0 notes
breakingtheoldhabit · 5 years
Text
This morning, I still asked myself... "Bakit? Kulang ba talaga? Hindi ako sapat?"
Eh kasi naalala ko nanaman yung mga nakita ko kahapon.
...
After seeing your featured photo on fb yesterday, with u holding her hand so tight... medyo nasaktan ako. (May picture rin tayong ganun dati eh. Naalala ko pa nga, ang sabi mo: "This time, ako na ang hindi bibitaw")
16 days ko yatang di tinignan account nyong buong pamilya...
Nakibalita lang ulit ako and I concluded na wag na ako makibalita kasi masakit pa rin. Ang expectation ko nga ay baka may photo ka in public with her, pero wala. Pero ayun ang bumungad sa akin kahapon. Tapos... napansin ko rin na wala na yung sunset picture dun sa featured photo mo at sa cover photos mo na sa akin lang naka-tag (at matagal ko ng hinihintay mawala yun hahaha) at dinelete mo na rin yung dp mo nung October last yr na ako ang kumuha haha (medj di ko inexpecet yin, charot pero oks lang) pero nandun pa rin yung pic last June (pwe)
Sa tuwing makikivalita ako sayo, by looking thru ur fb profile, parang binabalatan ko nanaman yung sugat na naiwan mo. Paano ako gagaling nito kung paulit-ulit kong tinatanggal ang langib sa tuwing ito'y pagaling na?
...
I am happy, really. I am contented with my life. Pero sa tuwing nakikita kita, you are a reminder na hindi ako sapat at hinding-hindi magiging sapat kahit kailan **opx. I cried pagkatype ko nito, pucha**
**naghilamos, para di halatang umiyak at medyo nagoractice ng 'like a fire' BWHAHAHAHA** Ito na type na ulit:
Kinagabihan nakita ko naman yung playlist mo for her sa spotify. Tangina the description, masakit??? yata??? (By reading that, I questioned again my self worth) hahahhaha what a perfect reminder na parang di mo ko minahal kasi di mo naman ginawa sa akin un dati- well yeah that's my hurted ego talking right there. Pero kung hindi hurted ego ang nagsasalita, ito sasabihinjo ko, ito yun: It doesn't invalidate the memories that we had naman. And we can never compare love because no two love are alike. :) pero dun sa playlist, may ibang songs na dinedicate nya rin before sa akin tapos nandun rin hahaha ewww. Charot. Tapos yung gitar solos na pinarinig nya sa akin before, na nagandahan ako... taena nandun rin. Sa loob-loob ko, ito ang nasabi ko: (ay sa kanya pala yung totoo. Di pala para sa akin hahaha)
Alam mo ung feeling na kunyari lang pala pagdating sa akin tas makikita mo sya, ginagawa nya sa iba kasi un pala yung totoo para sa kanya hahaha ouchhh chourrr
Pero ayun... you, being with her makes me feel that u were never really proud for me in d first place hahaha. Mashaket yung part na yon ha pero oks lang bakit ko pagpipilitan sarili ko... ayyy hahaha
At di pa dito natatapos haha. Sabi ko, tutal nasaktan nanaman na ulit ako, tignan ko na rin tumblr nya. Lol. Taena may bagong post nanaman shet hahahaha. Sige binasa ko na rin. Ang title ay "p r a .. ...." naalala ko ayun ung nasa hashtag nya sa tulang ginawa nya sa akin noon tapos meron ding isang line na kaparehas ng line mula sa tulang ginawa nya para sa akin hahaha pero as usual syempre medj nasaktan nanaman ako hahahah
...
Bottomline: Mas okay ng wala akong alam. Though ito naman na yung plano ko. Tinignan ko lang ulit ngayon. Kasi sa totoo lang, I was truly happy and find it even more peaceful when I muted his story and unfollowed 'em on fb. Pero pag okay na okay na tayo, syempre follow ko na ulit sila sa fb. For now, I need this para tuloy-tuloy ang pagmu-move on.
Sagad sagaran itong araw na to para sa akin. Kanina habang nasa byahe ako naiyak nanaman ako kasi I remember hugging him so tight recently (first 6 months of this yr) every time. I remember how tight I hugged him pero ayun... habang naalala ko yun, napadaan yung UV sa M Place at lalo ko pang naalala na dun kami laging dumadaan at naglalakad-lakad pauwi. Tapos naalala ko ring yung mga daan kung saan nagpicture tayo and all. Hays puchaaa. Ayaw ko naaa hays
Pero ayun. Ayaw ko na. I keep on praying to the Lord na "ayaw ko na talaga Lord, pls help"
Pero I keep on reminding myself na tuloy lang. Hindi ibig sabihin na mabagal ka ay hindi ka na nakaka-move forward at nakakaalis kung saan ka nya iniwan. Di ko nga rin alam kung mabagal ba itong pinagdadaanan ko kasi Lord naman ang kumikilos para sa akin. We do not know how he can change things and situations in snap of fingers or blink of an eye. So keep the faith even if you are healing yet still hurting sometimes. :')
0 notes
herturtlesweets · 6 years
Text
Useless rants
Nakakainis yung ganun noh? Yung naka move on na siya lahat lahat tapos ikaw, nag aantay ka pa din. TSK.
Yung, nadelete yung IG niya, pero gumawa siya bago tapos finollow niya lahat ng maganda tapos ikaw HINDI. ISH. Nakaka baba ng ego eh!
Yung kada umaga pag ka dilat na pag ka dilat mo, titingin ka sa ceiling ang unang papasok sa isip mo "wala na siya" EVERYDAY YAN FOR 2 MONTHS!! NAKAKASAWA!!
Tapos siya, wala lang!
Nangamusta ako sa friend niya, di ko siya matiis pero WALA.
Binlock ko na siya along with his friend and families hindi dahil galit ako sa kanila or what, pero kasi finifeed ko lang yung insecurities ko yung loneliness ko pag bumibisita ako sa acc nila hoping na makita ko siya.
Alam mo yun? Dadalaw ka sa account niya titignan mo yung natitirang dalawang pictures niyo sa cellphone mo tapos iiyak ka? The fudge!!! Para akong nag didilig!!! Dinidiligan ko heartache ko, parang binabalatan ko yung sugat na pahilom na! Asa ako ng asa na makikita ko message niya, or iadd niya man lang ako pero WALA. Tangina, kaya niya ako tiisin ng 2 dalawang buwan! Ay sorry nag tiis ba siya? Baka nga super dali lang nun sakanya.
Kaya. Binlock ko na siya. Para na din saakin, para sa akin yun. Para DI NA AKO AASA. Yes in the back of mind iniisip ko "pano kung one day maalala niya ako? Hanapin niya ako?" BULLSHIT!! BAKIT AKO. NUNG NAWALA FB NIYA NG HALOS ISANG BUWAN?! Pinag bubukas ko lumang account ko! Pati sa nanay ko! Pina tingin ko sa bff ko, pinatingin ko sa lalakeng alam kong may crush sa akin PARA LANG MALAMAN KUNG NAKA BLOCK BA AKO- PARA HANAPIN SIYA!
Ako na nag makaawa. Ilan beses na. Alam mo ba yun? Gustong gusto ko na pag pahingahin puso ko, isip ko. Kung mahal niya ako, bumalik siya. Open naman ako eh.
Mahal ko pa din naman siya eh. Pero.. For once.. Sana may lalakeng mag effort naman sakin.. Deserve ko naman eh.. Alam ko deserve ko. Nakakasawa na maging "light" Sa iba.. Pagod na ako. Nauupos na ako sa totoo lang, ayoko na... Kaya sana.. Sana.. Sana matuto na ako mag sawa..
Nakakasawang ganito, kelan ba tayo di umiyak patungkol sa lalake? Ha? Kinakacareer ko na eh. Monthly ko na nga to ginagawa eh.
Ang goal ko.. Goal ko talaga wag mag syota buong YEAR. Like from April 21, 2018 to April 21, 2019. Hanggang 2020 pa nga kung pwede eh.
Ang.. Dami dami kong "love" Na gusto ko ibigay, sobrang dami. Ganun ako eh.. Leo nga eh. Pag nag mahal ang leo, twice ang ibibigay nila na saya sayo pag napapasaya mo sila.. Kasi para bang number 1 fan mo sila. Kaya yung maging single ka... MY GHAD.
Simula nung 3rd year HS ako hanggang college ko taken ako! 6 years beh! ENEBE.
Hay. Pano ko ba to masusurvive.
Sobrang depress ko na po. Ikaw ba? Kamusta buhay mo. Sana wag ganito sakin.
Yun lang. Kasawa mabuhay.
June 26, 2018
0 notes
huminahon · 6 years
Text
Pa-inform naman ako kung magkaibigan tayo tapos may nakakausap akong hindi ko alam na kasamaan mo pala ng loob, hindi yung binabalatan mo na agad ako ng buhay. Salamat.
3 notes · View notes