Tumgik
#klay
skrimblo · 2 months
Text
Tumblr media Tumblr media
babu *finger guns*
64 notes · View notes
4everbrookemarie · 5 months
Text
Tumblr media
Today is November 30, 2023. (11/30/23)
It perfectly aligns with the star trio jersey numbers of the Golden State Warriors. klay, Steph and Dray, thank you for everything you’ve given us.
Real fans appreciate. ❤️👌
54 notes · View notes
luvsbot · 1 year
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
“Sir Fidel.” “Yes? May problema ka?”
260 notes · View notes
rmbaloncesto · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media
© nikonickk
109 notes · View notes
lazylesya · 1 year
Text
Oh gosh are these the frickin' Neverhood dudes in frickin' Rayman hoodies?! :00
It's a redraw of an ol' pic actually ^^
Tumblr media
Aaand here comes the speedpaint!! I hope you'll like it uwu
youtube
65 notes · View notes
dimagapi · 1 year
Text
Maria Clara at Ibarra took its time with Fidel, and it paid off
AAMININ KO, HINDI ako palanood ng mga teleserye. Nahihirapan akong sumubaybay sa five-episodes-per-week format. In 2022, naisipan kong manood ulit ng teleserye. Isa sa mga naisip kong panoorin ay Maria Clara at Ibarra, isang portal fantasy kung saan ang bidang si Klay ay ipinasok sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal. Basically, Noli/Fili isekai.
I honestly did not have high expectations, knowing kung gaano ka-fast paced ang production ng TV series sa Pilipinas. Kaya pleasantly surprised talaga ako na masasaksihan ko sa MCI ang isang character arc na puwede ko na sigurong sabihing kahanay ng mga paborito ko.
The character arc in question ay ang kay Fidel. Sinulit ng MCI ang teleserye format sa pagbuo ng character arc ni Fidel, taking 17 real-life weeks para ipakita ang development niya. Ita-tackle ko na rin ang nangyari sa unang episode after those 17 weeks kasi hindi ko talaga matiis sa sobrang pagkamangha ko.
Unang lumabas si Fidel de los Reyes sa Episode 3 ng Maria Clara at Ibarra, bilang isa sa mga malalapít na kaibigan ni Crisostomo Ibarra. Original character si Fidel, wala siya sa Noli me tangere, tulad ni Klay. Ang kaso nga lang ay kahit na kaibigan siya ni Ibarra, he is far from likable. Lalong-lalo na para sa bida nating si Klay.
Fidel de los Reyes, raging misogynist
Simula pa lang, malinaw na ang purpose ng character ni Fidel: para ipakita na kahit sa panig ng mga taong tulad ni Ibarra, mababa ang tingin ng kalalakihan sa kababaihan noong 1880s. At mula naman sa perspective ni Klay, para ipakita sa kaniyang marami palang pagkakatulad ang panahon niya at panahon ni Rizal.
Tumblr media
"Kung magiging sintalino [ng mga babae] ang mga [lalaki], tila magiging isang malaking kaparusahan ito sa atin!"
Hindi understatement kung sasabihing raging misogynist si Fidel noong una siyang lumabas. Tinitingnan ni Fidel ang pagiging marunong ng kababaihan bilang isang banta sa kalalakihan. Hindi lang siya sa salita mapanghamak sa mga babae, ipinakita rin niyang handa siyang manakit ng babae dahil lang nasaktan ng isang matalinong babae ang ego niya. Nasampal pa siya ni Klay dahil dito (at deserve niya iyon).
Bukod sa mababang tingin ni Fidel sa kababaihan, masasabi ring hinubog siya ng privelege na mayroon siya. Dahil nabuhay siyang hindi inuusig, buo ang tiwala niya sa gobyerno at Simbahan, at wala rin siyang amor para sa mahihirap. Ito rin ang dahilan kung bakit napakadali para sa kaniyang hindi makaramdam ng simpatya para kay Sisa sa una.
Itong privilege ni Fidel ang siya ring nagpapaniwala sa kaniyang nasa posisyon siya para utusan si Klay (isang babae) na ipagdasal ("trabaho" ng babae noong panahon ng pananakop ng mga Kastila) ang biyahe nilang tatlo ni Ibarra. Ang pagtawag niyang "bruha" kay Klay ay hindi lang misogynistic kundi bunga ng maka-Kastila niyang paniniwala.
Ang takot niya sa mga tulisan ay bunga rin ng privilege niya at paghanay niya sa sarili sa panig ng mga Kastila. Ang pagharang ng mga tulisan sa isang prayle ang sinabi niyang dahilan para katakutan ang mga tulisan na posibleng humarang sa kanila sa biyahe. Iskandaloso ang tingin ni Fidel sa sagot ni Klay na "Prayle naman pala! Baka masama 'yung prayle na 'yon kaya siya sinaktan." Hindi niya matanggap ang pagsasalita nang ganoon ni Klay laban sa mga itinuturing niyang huwaran.
Tumblr media
"Binibining Klay, simulan mo nang magdasal bupang maging ligtas ang ating paglalakbay. 'Yon ay kung didinggin ng Diyos ang dasal ng isang bruha."
Hindi magkahiwalay ang pagiging maka-Kastila, matapobre, at mapanghamak ni Fidel sa kababaihan; lahat ng mga ito ay bunga ng pribilehiyo niya bilang isang mayamang mestizo. Mapapansing nagpakita ng kaunting "respeto" si Fidel nang mag-English si Klay. Sa panahong iyon, matututo ka lang ng ibang wika sa pagbabasa, paglalakbay sa ibang bansa, o pagkakaroon ng white-collar job sa isang British-owned business. Mula sa perspective ni Fidel, tanda ng pagiging edukada o maykaya ang pagsasalita ni Klay ng English; naisantabi niya nang panandalian ang panghahamak sa kababaihan dahil sa tingin niya ay posibleng privileged din si Klay kagaya niya.
'Tunay ka ngang kakaibang babae'
Si Fidel na naniwala kaagad sa paratang na nagnakaw si Crispin at nangmamaliit kay Klay ang siya ring tumulong, sa maliit na paraan, sa paggamot sa injuries ni Sisa sa Episode 25. Hindi niya naiintindihan nang lubos ang nangyayari, but he's trying. Hindi instant ang pagbabago niya. Alien pa rin sa kaniya ang idea ng pagkakaroon ng babaeng manggagamot, pero hindi nagmarunong si Fidel o pinatigil si Klay (in contrast sa tangkang "pagliligtas" ni Don Tiburcio kay Kapitan Basilio at pagharang ni Kapitana Tica kay Klay 10 episodes later).
Tumblr media
Sa Episode 25, sa warehouse ni Fidel ginamot ni Klay si Sisa. Hindi pa ganap na nagbago si Fidel, pero nagsisimula na siyang maging mas bukás sa mga bagay na bago sa paningin niya.
Sa kabila ng tension sa pagitan nina Klay at Fidel, malinaw ring intensyon ng series na si Fidel ay magiging potential love interest para kay Klay. Malinaw rin kung anong klaseng love interest si Fidel: lalaking mapang-uyam sa bidang babae pero unti-unting nahuhulog ang loob sa inuuyam niya. Dahil sa tindi ng tension sa pagitan nila ni Klay, I would say na nalaro nito nang ayos ang inaasar-ka-niya-dahil-gusto-ka cliché, lalo na't hindi lang simpleng pang-aasar ang ginagawa ni Fidel sa una.
From Episode 30 onwards, makikita ang pag-develop ni Fidel ng paghanga para kay Klay. Sa Episode 30 nagsimulang magparamdam si Fidel na may nabubuo siyang pagtingin kay Klay. Dito rin siya nagsimulang mang-asar, in the friendly sense, pero na-call out din siya dahil out of line.
In Episode 34, nangyari ang isang rare instance na nang-asar, intentionally, si Fidel dahil gusto niya si Klay. Walang explicit romantic intentions ang karamihan ng instances ng pang-aasar ni Fidel (pero hindi rin masasabing pilít if you read them as romantic). Sinundan ito kaagad ng isang compliment na backhanded, probably unintentionally so. Fidel's trying. And failing.
Tumblr media
"Binibining Klay, kung hindi ka pa nadapa ay hindi kita makilala. Mayroon ka palang itinatagong ganda."
Sa Episode 35, mapapansing hindi pa ganap na sumasang-ayon si Fidel sa mga kilos ni Klay. Makikitang nagtangka siyang pigilan si Klay na sumampa sa upuan at magsalita laban kina Kapitan Basilio at sa mga bisita nito. In the following episode, however, hindi niya pinigilan si Klay sa pagliligtas kay Kapitan Basilio matapos mabilaukan ang matanda. May tiwala si Fidel sa kakayahan ni Klay magbigay ng first aid, as he witnessed ten episodes prior.
Mabagal ang progress ni Fidel, but it's there. Nang iligtas ni Klay si Ibarra through mouth-to-mouth resuscitation and CPR (Episode 40), ipinagtanggol ni Fidel si Klay at nagpaliwanag na "karaniwan itong ginagawa ng mga nakapag-aral ng medisina" kahit na ipagtataka ng mga marami sa panahong iyon na alam ito ng isang babae. Idinagdag pa ni Fidel na katanggap-tanggap sa Kanluran ang mga ito.*
* This might come come off as anachronistic dahil 1900s naging standard procedure ang CPR, pero may mga precursor ng CPR noong mid-1800s. However, hindi chest compression ang ginagawa doon. 1891, seven years after when MCI is set, unang nagamit ni Dr. Friedrich Maass successfully ang chest compressions sa paglilgitas ng pasyente. May mouth-to-mouth resuscitation for drowning victims since the 1700s, though.
Matapos iligtas ni Klay si Ibarra, nakipagkita si Fidel in private kay Klay. Nagsisimula na si Fidel na makita ang halaga ni Klay. Dagdag pa, humahanga siya hindi sa kabila ng pagiging "kakaiba" ni Klay kundi dahil dito. What this means is hindi na niya nakikitang kapintasan ang talino at tapang ni Klay at hindi na rin niya ito nakikita as a threat to his ego.
Tumblr media
Fidel: Binibining Klay, [...] tunay ka ngang kakaibang babae, kaya sa kauna-unahang pagkakataon ay napahanga mo ako. Hindi lamang sa iyong angking talino at lakas ng loob, kundi pati na rin sa [...] independence of mind and spirit.
I particularly like na, at least at the time of the episode's airing, puwede mong ma-interpret ang paghangang ito ni Fidel as something na hindi lang romantic; puwede mong basahin ang paghanga na ito bilang bunga ng nabubuong pagtingin niya kay Klay, pero puwede mo ring basahin bilang magkahiwalay na bagay ang paghanga niya sa kakayahan ni Klay at ang ang attraction niya kay Klay.
Sa kabila ng nabubuong paghanga ni Fidel para kay Klay, hindi pa rin nawawala ang pagkiling niya sa mga Kastila. Tutol siya (at si Ibarra) sa pag-awat ni Klay kay Padre Salvi matapos saktan ng prayle ang ilang tao sa tabing-lawa. Dito iginiit ni Klay na may lakas ng loob ang mga tulad ni Padre Salvi na mang-abuso dahil may mga tulad ni Ibarra na may mabuting hangarin ngunit walang ginagawa para labanan ang kasamaan.
'Tila umiibig ang ginoo!'
Tumblr media
Fidel: Sa araw na ito, tila nakilala ko na rin ang babaeng hahangaan ko... Pilosopo Tasyo: Tila umiibig ang ginoo!
It took time bago nagpakita ng explicit na romantic affection si Fidel towards Klay. Nang tumakas sina Klay at Maria Clara para makipagkita kay Ibarra (Episodes 48-49), nakita ni Fidel si Klay sa parehong paraang nakikita ni Ibarra si Maria Clara. Pansin din ito ni Ibarra, pero in denial pa si Fidel sa puntong ito.
May kahambugan pa si Fidel sa pagkukuwento kay Klay tungkol sa pagtingin niya sa isang certain someone na itatago na lang natin sa pangalang Maria Clara Infantes. Iniyayabang ni Fidel na napakapalad ng special someone na ito dahil iniibig niya.
Sa kabila ng mariing pagtanggi sa simula ni Fidel na may pagtingin siya kay Klay, hindi niya kinontra si Ibarra nang tawagin nito sina Maria Clara at Klay na "ating mga Maria Clara" matapos sunduin at pagalitan ni Kapitan Tiago ang magkatukayo.
Tumblr media
Ibarra: Paano ba iyan, amigo? Tila karamay mo ako sa pag-aalala sa ating mga Maria Clara.
Episodes 57-58 na umamin si Fidel kay Klay; it took that long. Ang kagandahan sa development na ito sa relasyon nila, on Fidel's part, ay hindi siya nagkaroon ng drastic na pagbabago para lang kay Klay; hindi siya biglang naging "ideal guy". Lumilitaw ang isang character flaw niya: dahil sa pagiging misogynist niya sa simula ng series, it only makes sense na hindi siya marunong makipag-usap sa babae, let alone isang babae na alam kung ano ang deserve niya. On Klay's part naman, she stayed her ground. Hindi niya ni-reciprocate ang feelings ni Fidel dahil lang hindi na ito (intentionally) mean.
Now, let me go into a bit of a tangent because I want to talk about Fidel's confession.
Napakaraming sinabi si Fidel na mako-consider na pang-aasar kung intentional, pero malinaw namang makikita na ang mga nasabi niya ay dahil lang hindi siya maalam manuyo. Fidel's trying. And failing. (1)
Tumblr media
Take this exchange, for example:
Fidel: Binibinig Klay, bulag ka ba at hindi mo nakikita? O sadyang manhid ka lang ka lang at hindi mo nararamdaman? Klay: Ang alin ba? Fidel: Na sa kabila ng iyong bangis at pagmimistulang bruha, at ang iyong paglalamyerda sa buong San Diego na madalas ay bastos at walang modo na hindi gaya ng mga de-klaseng babae diyan... Klay: May point ka ba? O recap lang 'to ng judgment sa'kin ng bayang 'to? Nahiya ka pa, isama mo na rin 'yung pagbuntot ko sa amigo mo na parang kerida. Fidel: Isa pa iyon!
Comedy aside, kapansin-pansin na may animosity pa rin sa pagitan ng dalawa, especially on Klay's part. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi agad makapaniwala si Klay na may pagtingin sa kaniya si Fidel. And that's completely understandabl; ni minsan ay hindi man lang inihingi ni Fidel ng paumanhin ang past actions niya towards Klay. Hindi batid ni Fidel na mabigat ang mga ito para kay Klay dahil hindi pa siya nalagay sa posisyon kung saan siya ay hinahamak.
Another standout exchange is this:
Klay: Magkaiba ang mundo natin. Fidel: Batid ko. Batid ko na tila langit ako at ikaw ay lupa.
Concise ang punchline, dine-defy ang expectation sa isang otherwise predictable expression, at in-character pa para kay Fidel na napakatayog ng tingin sa sarili. I say this is gold.
Bakas pa rin ang pagka-entitled ni Fidel sa expectations niya kay Klay; na magugustuhan agad siya pabalik at papayag na magpakasal sa kaniya. Nagnakaw pa ng halik si Fidel kay Klay. Na-call out din ito ni Klay, siyempre.
May pagka-immature ang reaction ni Fidel sa rejection ni Klay, parang batang hindi pinagbigyan matapos magturô sa tindahan. May halo pang kaunting pagyayabang na kung ibang babae ang susuyuin niya nang ganoon ay hindi siya tatanggihan.
Sinubok din ni Fidel na mangharana para suyuin si Klay, katulad ng panghaharana ni Ibarra kay Maria Clara noon, pero naging malamig ang pagtanggap ni Klay dito. Mahahalatang alien concept talaga para kay Fidel ang hindi mapabigyan sa mga gusto niya.
Hindi nakapagtataka kung bakit hindi marunong manuyo si Fidel: sa buong panahon na nasa series siya, si Klay lang ang babaeng nakakasusap niya consistently. Si Pilosopo Tasyo na nakausap niya minsan tungkol sa pag-ibig (Episode 44) ang pinakamalapit sa isang father figure na mayroon siya, at wala naman siyang ibang mahihingan ng payo. Ang sariling privilege lang ang masasandigan ni Fidel at this point, kaya pakiramdam niya ay ang privilege din niya ang magdadala sa kaniya ng pag-ibig.
Ang gusto ko lang talagang sabihin for this segment ay magandang romcom material ang lover boy era ni Fidel, saka props na rin sa pag-integrate nito sa kuwento in a way na hindi pilit and makes sense for the character.
Pagbaligtad ng mundo
Noong panahong inuusig si Ibarra, kay Fidel lumapit si Klay para humingi ng tulong. Sa una ay nagawa pang mang-asar ni Fidel na hindi daw siya matiis ni Klay. Hindi pa niya batid ang haharapin niyang pagsubok.
Hindi nagtagal ay nasaksihan ni Fidel ang talumpati ni Ibarra sa pulpito sa simbahan ng San Diego, kung saan inilahad nito na may malubhang sakit ang bayan na pinalalala ng mga nagsasawalang-kibo. Nakiisa si Fidel sa pananawagan ng "Dinggin n'yo kami" matapos ang talumpati ni Ibarra. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumindig si Fidel laban sa mapang-aping sistema.
By Episode 73, exactly 70 episodes mula nang unang ipakilala si Fidel, pumasok na sa climax ang character arc niya. Nakulong si Fidel kasama ng iba pang may kaugnayan kay Ibarra. Ang panahon niya sa presinto ay nagsimula sa pagyayabang niya sa Guardia Civil na makakalabas agad salamat sa magaling na abogado ng pamilya niya, at iginigiit niyang nakapag-aral siya ng batas kaya alam niyang iligal ang ginagawa sa kanila ng Guardia Civil. Sa gabing iyon din ay napagtanto niya: "Kung sino pa ang gumagawa ng maganda para sa bayan ay siya pang tinatawag na kriminal, habang ang mga makasalanan sa Simbahan at sa gobyerno ay kailangang tawaging 'kagalang-galang'."
Kinausap niya saglit si Don Filipo tungkol sa pagbibitiw nito sa puwesto dahil sa pagiging sunud-sunuran ng gobernadorcillo, at tinanong siya nito pabalik kunghanggang saan niya kayang ipaglaban ang bayan. Kung lalaban si Fidel, kailangan niyang isakripisyo ang pribilehiyong nagpahintulot sa kaniyang maging makasarili noon.
Tumblr media
Don Filipo: Don Fidel, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang ating bayan nang hindi lamang umaasa sa dasal, conexiónes, o sa iyong yaman?
Nang itakas ni Klay si Fidel, nahuli siya ng Guadia Civil. Kinakailangang gumawa ni Fidel ng isang bagay na bago ang pagtakas ay hindi niya akalaing gagawin niya: ang pumatay ng tao. At ginawa nga niya ito. Ang Fidel na noong nakaraang episode lang ay ipinagmamalaki ang mga nalalaman sa batas ay siya na ngayong lumabag dito. Pugante na siya at pumatay pa ng Guardia sa mismong kuwartel, hindi na maililigtas ng kahit na gaano pa kagaling na abogado.
Magkaibang-magkaiba man ang ikinilos ng Fidel ng Episode 73 at ng Fidel ng Episode 74—at mas lalong malayo sa Fidel ng Episode 3—ay hindi masasabing kilos ito ng magkaibang karakter; kilos ito ng iisang Fidel na noo'y itinaas ang sarili at pagkatapos ay ibinaba, noo'y nanghamak at pagkatapos ay natutong umibig, dumaan sa hamon at pagkatapos ay nagbago, at umabot sa sukdulan at natutong lumaban. Sa kabila nito, may isa pang hindi natutunan si Fidel sa puntong ito: ang ipakita ang pagiging vulnerable; or perhaps more approriately, hindi pa niya na-unlearn ang pagtatago ng vulnerability niya.
Vulnerability and compassion
Pinuna ni Klay si Fidel sa mga kaharutan nito matapos nilang takasan ang Guardia Civil, pati na rin ang pagiging "kalmado" nito matapos nitong mahanap ang sugatáng si Elias na hindi kasama si Ibarra. Naalala ko nang may mga pumuna sa Twitter na mabilis daw masyadong naka-get over si Fidel sa pagbaril sa Guardia Civil, pero sa tingin ko, coping mechanism ni Fidel ang mang-asar para matabunan at maitago ang pangangamba dahil nasanay siyang komportable ang buhay at walang inaalala.
Hindi umiyak si Fidel kahit ni-reject siya ni Klay na pinakamamahal niya sa Episode 75, at sa una ay maaari mong maisip na baka hindi lang talaga dinibdib ni Fidel at the moment dahil nasa panganib sila, o hindi ito gaano kasakit sa kaniya dahil nag-mature na siya. Matapos mahanap nina Fidel at Klay si Elias, ipinakita ni Fidel na hindi siya "kalmado" tulad ng iniisip ni Klay. Lumuha si Fidel. Unti-unti na ipinapakita ang vulnerable side niya.
Tumblr media
Lumuha ang "kalmadong" si Fidel. Also, may dahilan kung bakit siya nakahubad diyan. Ginagamit pang-first aid kay Elias 'yung damit niya, pramis!
Sa kampo ng mga tulisan, makikitang ang pag-aalala ni Fidel para kay Klay. Sinusuyo niya si Klay sa mga simpleng paraan tulad ng pag-aalok ng pagkain at tubig, bagay na hinding hindi gagawin ni Fidel noong Episode 3 at hindi niya gagawin nang walang halong pang-aasar bago ang Episode 70. Ipinapakita ni Fidel ang affection niya through acts of service* towards Klay. Walang pag-aalinlangang pumayag si Fidel na samahan si Klay sa bayan para makapagpaalam kay Maria Clara kahit na alam nila pareho kung gaano kalaking panganib iyon para sa kanila.
*I have some reservations about the idea of love languages, pero sa kasong ito, tingin ko naman ay angkop sabihing ang love language ni Fidel ay acts of service.
Matagal bago nailabas ni Fidel ang vulnerable side niya, salamat sa pagiging lalaki at mayaman. Bilang lalaki, marahil ay pinalaki siyang pinagbabawalang umiyak o "magpakita ng kahinaan". Kung hindi rin nagbago ang pananaw ni Fidel sa kababaihan, hindi rin kakayanin ng ego niya na ipakia ang vulnerability sa harap ni Klay. Bilang mayaman naman, ipinipinta niya ang sarili bilang angat sa iba at hindi matitinag. Ngayong tinutugis na siya ng Guardia Civil, danás na rin niya ang nararanasan ng karaniwang taong minamata niya noon.
Alab ng puso
Ang pinakamahalagang bagay na natutunan ni Fidel sa character arc niya ay ang umibig. Una na niyang ipinakita ang pag-ibig kay Klay, at unti-unti siyang natutong umibig sa iba pa. Kung trip mo maging mas cynica aboutl Fidel's past actions, puwede mo pa ngang sabihing ang pag-ibig niya kay Klay, although genuine, ay kaakibat ng paniniwala niya, bilang lalaki noong panahon niya, na bahagi ng "tadhana" niya ang umibig sa isang babae, mag-asawa, at bumuo ng pamilya.
Kalaunan ay natutunan ni Fidel na mahalin ang bayan. Ganap na niyang nakilala ang mga kondisyong humulma sa kaniya at sa mga pananaw niya, at napagtanto niyang binulag siya ng pribilehiyo niya, at inamin niyang naging makasarili siya. Nasaksihan ni Fidel ang kapalaran nina Sisa, Crispin, at Basilio; ang sakripisyo ni Elias; ang pag-usig kay Ibarra; ang pagmamalupit ng mga prayle at Guardia Civil; at ang panghahamak sa kababaihan. Ang huli ay hindi lamang niya nasaksihan o hinayaang mangyari; naging bahagi rin siya nito.
Sa huli, isinapuso ni Fidel ang payo (na naka-package deal kasama ng rejection) ni Klay: ang ialay sa bayan ang kaniyang pag-ibig. Ibig niyang ipagpatuloy ang laban nina Ibarra at Elias at idineklara niyang ilalaan niya ang natitirang yaman para sa paghihimagsik at iiwan na ang komportableng buhay na nakasanayan niya alang-alang sa bayan.
Tumblr media
Fidel: Magkasama nating ipagpatuloy ang sinimulan ni Crisostomo at Elias.
Inaanyayahan ni Fidel si Klay na sumama sa kaniya sa pakikipaglaban. Sa kasamaang palad ay kinakailangan na ni Klay na bumalik sa mundo niya. Sa pag-alis ni Klay sa mundo ng Noli, umiyak si Fidel. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi pinigilan ni Fidel ang sarili niyang ipakita ang vulnerability niya.
Tumblr media
Tapós na ang pagtatago ni Fidel ng damdamin niya. Tanggap na niyang may vulnerable side.
From ilustrado to naliwanagan
As of writing, pumasok na sa El FIlibusterismo ang MCI. Ipinakita na si Fidel bilang rebolusyonaryo, kasama sa pangkat ni Elias na nakaligtas mula sa mga pangyayari sa Noli arc.
Bilang mga rebolusyonaryo, may codenames sina Elias at Fidel: si Elias ay si Tagausig, at si Fidel si Naliwanagan. Fidel's codename is especially fitting dahil bukod sa obvious allusion na sa pagkakaroon niya ng 180-degree turn sa character arc niya, may iba pang kahulugan.
Tumblr media
Si Naliwanagan at si Tagausig
Nagsimula si Fidel bilang isang entitled at sexist na ilustrado. Towards the end of the Noli arc ay naliwanagan si Fidel sa tunay na kalagayan ng lipunan. Ang "ilustrado" at "naliwanagan" ay parehong "enlightened", pero dahil sa character arc ni Fidel ay malinaw na may opposite connotations ang dalawang ito. Ang "ilustrado" ay enlightened in the sense na may access siya sa edukasyon, samantalang ang "naliwanagan" ay enlightened in the sense na namulat sa mga totoong kalagayan ng bagay-bagay at mga karanasan ng mga karaniwang tao. Dagdag pa rito, Espanyol ang "ilustrado" at Tagalog ang "naliwanagan", angkop sa pagkiling ng ilustradong Fidel sa mga mang-aapi at pamumuhay ng naliwanagang Fidel kasama ang mga inaapi.
Bukod sa opposite connotations ng "ilustrado" at "naliwanagan" sa context ng character arc ni Fidel, masasabi ring may direct relationship ang dalawang ito sa pagbabago ni Fidel: Si Fidel ay ganap na naliwanagan noong magpasya siyang talikuran ang pagiging ilustrado. Si Fidel ay hindi lang naging tao (as Klay would say), natuto rin siyang magpakatao. Natuto siyang malungkot, mangamba, mahabag, mag-alala, makiramdam, magalit sa kawalan ng katarungan, at—higit sa lahat—umibig.
145 notes · View notes
yakusha-yukihime · 7 months
Text
IGNORE THE REST BUT WHEN HE SAYS "All I know is that Steph is my point guard"
FUCKING HELLLLLLLL THESE GUYS ARE PLATONIC SOULMATES
27 notes · View notes
kinocakez · 7 days
Text
Tumblr media
Doodle from school(its so boring here rn im half asleep listening to the orientation💀💀)
8 notes · View notes
magomo · 1 year
Text
Not Harry Potter-related post. This will be in the Filipino-English with lots of modern slangs. It may not be legible to my friends/ moots here 😆
MARIA CLARA AT IBARRA
My own take on this fantastic series, especially on Fidel’s character. “Maria Clara at Ibarra” is a teleserye or a tv series in the Philippines based of Noli Me Tangere and El Filibusterismo, two novels of our national hero, Dr. Jose Rizal. It’s about a Gen-Z Filipina being isekaid to the world of the novel. This may be a long post. Cuz I’m just gonna be ranting about my theories and my thoughts
Tumblr media
I initially did not watch the first few weeks of Maria Clara at Ibarra properly. I watched it syempre pero kapag yung scenes are parang pinupush together si Klay and Ibarra, di ko pinapanood. It did not sit well with me. Ibarra was known to be faithful and for him to fall for another girl named Maria Clara was such a major OOC and I didn't like it. So sabi ko since di ko bet di ako manunuod coz I don't like talking bad about actors who are actually good at their jobs.
But then! Turns out that was just Klay's kalandian era. Buti na lang nagbalik loob ako. Sinabihan ako ng kapatid ko na lalabas na character ni Sisa and that got my attention! Sisa has always been a character na madalas i-dogshow ng mga tao. Pag nasabihan ka ng "Si Sisa ka ba?", it meant "baliw ka ba?". But we knew there was so much more to her character. Anong nangyare sakanya? Bat siya nagkaganun? How is GMA going to execute Sisa's tragedy? Dami kong tanong. So ayun nanuod na ko ng maayos. And grabe!!! As in grabe! Andrea Torres! Yung chills! Potek grabe yung chills ko sa mga eksena mo mamsh! Literal chills tapos naiiyak ako kase shet! Ang galing mo Ms Andrea Torres! Yung pagportray niya as Sisa was seriously superb. Sisa was more than a baliw! Pinakita nya na people who suffered so much in life, kahit gaano sila kalakas, masisiraan talaga ng ulo. Lalo na nung may mga vultures and nakita niya remains ni Crispin. Grabe yung iyak ko. Sa totoo lang I can't even explain it well. Nagwoword vomit na lang ako kase honestly speechless talaga ko. All I know is ang galing galing ni Andrea Torres.
And then there was Fidel. The greatest mystery of the MCI Universe. Trailer pa lang sabi ko sino role ni David Licauco (bebe quoh)? Eh crush na crush ko pa naman si David since Mr Chinatown (lande mo gagu). So that got me thinking. And I think lahat naman tayo. There was no Fidel in the books. So sino ba siya? Nahook tayo sa character niya kasi wala nga siya sa books. He got us watching kasi gusto natin siya makilala. We want to know who he is, what he is like, what his role is. And honestly speaking, the mystery of Fidel's character was actually the basis and the heart of many theories sa MCI. Nagresearch pa ko, pero wala talagang Fidel. Akala ko nga nung una original character din si Fidel. Like, his character was made up to compensate Klay's lack of romantic partner. Kase I was sure na hindi bibigyan ng ibang leading lady si Ibarra, si Maria Clara (Julie Ann San Jose) lang tlaga. And nacurious na din ako paano magiging flow ng kwento kase nga andun na si Klay so may mababago at mababago talaga. Andun na din si Fidel, na wala naman sa book so pano ba makakaapekto yung role niya sa story. Because of that, nagpile up lang theories about sa story. And ganda lang ng effect nun, lalo na sa youth! They even bought physical copies of the book 😭 sobrang nakakaproud. They were curious too kung paano na magiging flow nung story. And because of the theories, it got all of us thinking. We were analyzing all of their actions, we were theorizing their characters, we were trying to predict ano na mangyayare. In a way, nadevelop yung research and investigative skills natin. What I really commend about MCI was that it remained unpredictable until the very end. Last night na ngayon and we still don't know kung ano mangyayare. It got us hyped from start to finish. Yung antics and quirks ni Klay makakarelate ka din. Tawang tawa ko sa shenanigans niya pati yung paggamit niya sa mga modern slangs. And yung FiLay!!! FiLay nation make some nooooise! Yung enemies to lovers samahan pa ng slowburn at belligerent sexual tension then mutual pining is *chef's kiss*. Anlaptrip ng bangayan nila, yung pang aasar nila sa isa't isa. Bardagulan era at its finest 😂 lagi silang highblood pero grabe yung kilig.
Ako naman my own theory was that Fidel was a minor character of the book but he was a Tabula Rasa, a blank slate. He was like the Daphne Greengrass of Harry Potter. Her name was mentioned pero yung story niya was blank. Kaya nga fanfiction writers are fond of her kasi she doesn't have her own story so writers make her stories on their own. I thought Fidel was like that. Ibarra and Maria Clara's story was already written from start to finish. Their stories were predetermined. Kaya nga kahit anong gawin ni Klay, namatay pa din sila because that was how their roles were written. The only difference was the way it happened. In Klay's version, Maria Clara died protecting her man. Clarita was also so much stronger here than in Rizal's version. Ibarra died, not alone, but surrounded by his friends. Also, both of them died in Klay's arms. Kaya siguro nag-hold on si Klay sa pagkabuhay ni Elias. He was supposed to die sa first book. He was proof na kaya ni Klay baguhin yung kwento. This was the case with Juli as well. Pero siguro, di talaga pwede for our main characters. Anyway, back to Fidel. As I've said he's a blank slate. His story was not predetermined kaya hawak niya yung destiny niya. He can choose what path to take without it interferring with the story. Feel ko nga kung sumama siya kay Klay sa modern world, the first time she went back, okay lang. The story would go on kahit umalis siya sa book. Pero may plothole. Unlike Daphne Greengrass na may pangalan at least, si Fidel wala talaga. I thought maybe iba name niya sa book. Pero I don't know kung sino. So kahit ako, I doubted my own theory. Inisip ko na lang baka totoo yung theory na galing siya sa real world. Basta para siyang si Haru of Extraordinary You (July Found by Chance). Diba nameless extra siya tapos biglang nagkaron ng role? Parang ganorn.
And what a plot twist! Ang ganda and ang galing! Naisip talaga yun ng writers. I wouldn't have thought about it. Pero shet napa-palakpak ako nung nalaman ko essence ng character niya and legit naluha ako. That was brilliantly written. Very fitting and mapapasabi ka ng "HOW COULD WE FORGET ABOUT THEM? THEY DESERVE TO BE RECOGNIZED TOO!"
In a way, tama din pala yung theory ko. Fidel was a minor character in the book na "hanggang dito" lang yung role. And iba nga yung name na ginamit! His role was too minor na yung palayaw niya lang or yung pinangkukutya sakanya, Albino, was used and not even his real name. His character had no notable scene nor significance as his role supposedly started and ended as “Crisostomo Ibarra’s playboy friend who used to attend the Seminary”. He was only in at least one scene and was only mentioned a few times. That was it. Pero dahil sa entrance ni Klay sa book, nagkaroon siya ng maayos na papel sa kwento. If it weren't for Klay, he was gonna remain the playboy he was and magiging boyfriend ni Victoria. Dapat yun na yun. But because of his arguments and confrontations with Klay, nagkaroon ng color yung character niya. His involvement with her gave depth to his character and a bigger role. Fidel was initially a misogynist, who hated Klay's straight-forwardness and her being too opinionated. Yung ugali ni Klay na di nagpapatalo infuriated him to the point na ang tawag niya kay Klay ay bruha ("witch"). However, due to her influence, narealize ni Fidel na napaka narrow-minded niya pala and there's more to Klay than the annoying palasagot Binibini na di mapigilan ang bibig. He found her kakaibang ugali, morals, and ideals to be intruiging. He was attracted to her just as much as he hated her. This was why he gravitated towards her. Ang ganda ng character development ni Fidel. He was just a privileged and entitled man na walang pakialam sa kahit ano prior to Klay but because of her influence, he actually saw kung ano pinaglalaban ni Klay and he did not only fall in love with her, but with the country as well.
Tumblr media Tumblr media
*simping* I love him, your honor. 😍
Because of this development, Albino evolved from just being a side character, who was not even given the chance to use his own name, to being Fidel Delos Reyes y Maglipol, Ibarra’s best friend, Klay’s greatest love, and a symbol of the revolution. Because of Klay, the not-so-important side character Albino became the very significant main character Fidel. He became more than just a letter, more than just a word in a book. Because in the end, he was so much more. He was meant to be so much more. He symbolizes the unsung heroes of the revolution. Those who contributed a lot but remain unnamed to this day. THE WRITERS WERE WAVING THE HINT IN OUR FACES AND WE DID NOT KNOW ANY BETTER! He was "unnamed"! That was the clue! He was one of the unnamed heroes na madaming nagawa sa bayan pero they were never acknowledged.
Tumblr media Tumblr media
Wag ka na iyak, bebe quoh 😢
Kaya nakakainis yung nagsabi na nalihis daw kwento ng MCI kase nagfocus na sa loveteam. Sinasabi pa na wala naman si Fidel sa book bat naging important bigla. I was like ???? what the hell are you saying? FiLay moments were literal crumbs! Crumbs! Fans were licking crumbs kase sobrang onti ng mga scenes nila together. We were thirsty for such moments! Akala siguro nila puro loveteam na lang kase di naman sila nanuod talaga. And maingay kase FiLay fans sa socmed. Puro fanedits lang naman napanood ng mga taong yun. They did not watch until the end kase ni hindi nila alam kung anong essence ng character ni Fidel! Kung gaano ka-deep yung significance and yung symbolism ng character nya. And galing ng move ng GMA na bandang ending na nireveal kung sino Fidel. It kept us on our toes, anticipating kung anong mangyayare, or kung sino yung may tamang theory. Yung pagbuild ng character niya was slow, which was a good thing. He was unlikeable nung simula. He deserved that slap from Klay! Dasurv mo yun Fidel, dapat nga isa pa eh! Even as he was falling for Klay, he was still prejudiced. Madami pa din backhanded comments from him (that “langit ako at ikaw ay lupa” will always be gold lmao). Pero yun yung kagandahan dun. Unti unti nating nakita yung pagbabago sakanya. And ang natural pa ng execution. Hindi yung porke nainlove eh bigla na lang nag 180 degree turn yung ugali. He was not like that. Kasi in real life, hindi naman talaga bigla nagbabago ang isang tao. The process was slow pero nung namulat na si Fidel, he became a key member of the revolution. ("Ang namulat, hindi na pipikit" *ehem* sorry not sorry *ehem*). Also, Fidel's character saved Klay's character from almost becoming Ibarra's "kabit". We don't tolerate third party in this community. Yung pain ni Maria Clara nung akala niya na kerida ni Ibarra si Klay. If you have been cheated on or kahit hindi but your partner made you doubt your relationship, magegets niyo si Maria Clara. She had to stop herself from seeing Ibarra kase that was what was proper that time while Klay was kasakasama niya sa bahay and kahit saan man. She was the fiancée and napaka unfair nun sakanya. Buti na lang, the magkatukayo were given the chance to become best friends to the point na sobrang minahal ni Klay si Clarita and that was ultimately the very reason why she decided to go back to the book, to save her.
Anyway, eto muna for now. Babu!
SAME DAY EDIT!
TANGINA! TANGINAAAAA! ANG GANDA NG ENDING SHEEEET
Mr Torres is a book keeper/traveler. And was that Ate Helana I saw? Another minor character in the book, with Mr Torres, in the real world, most probably with memories. AND FIDEL!!!! BEBE QUOH 😭 May pocket watch din siya! Does that mean book keeper din siya? Or maybe one of Mr Torres's alitaptaps or isa sa mga tao niya? Pero bakit sila Ibarra and Maria Clara walang memories? OMG Barry x Clarisse! MAY BABY PA!
Okay theory time! So my take here is siguro the minor characters in a story are the ones who are capable of book travel. Pero once nasa book na sila, in-character na. So nakakalimutan nila na taga real world pala sila. Kapag tapos na ang story saka lang nila maaalala na taga real world pala sila, and then either back to the real world sila or pupunta sila sa ibang story, kung saan may emergency at need ng intervention ng isang book keeper. And yung role ni Fidel, kung ano lang yung role ni Albino sa original novel, hanggang dun lang siguro siya supposedly and mawawala na siya dapat after niya mafulfill yung role niya. However, due to his interactions with Klay, napatagal siya sa book and mas lumaki yung papel niya sa kwento. For the main characters naman, I think they were never in the book to begin with. Kase diba sa books, there was never a mention of their physical descriptions. Nasa imagination natin yun. So siguro the main characters take on the image of real life people, preferrably yung malalapit lang pala satin. And whatever their role is, whether they survive or not, whether they have a happy ending or not, kelangan nila mafulfill yun or else the story won’t end. Kaya walang memories si Barry nor si Clarisse.
Another theory is maybe napili ni Mr Torres si Fidel na maging book keeper. Kase the last time they saw each other, nakikita na ni Fidel si Mr Torres eh dati hindi. And siguro may some kind of test. Siguro he has to prove himself pa as a book keeper bago siya makabalik kay Klay. I call dibs na galing siya sa Mga Ibong Mandaragit, a novel by Amado V. Hernandez. The novel acts as a sequel to Noli Me Tangere and El Filibusterismo after all. Or baka siya yung dahilan ng emergency sa Mga Ibong Mandaragit lol.
So Fidel is not a counterpart. He is still himself. He is the same Fidel that Klay met and fell in love with with. The same Fidel we all fell in love with. Our Pambansang Ginoo. Hanggang dulo ang ganda ng plot twist! Literal goosbumps! Figuras Cabalisticas now makes sense. Pero di ko na i-eexplain dito kasi the subject is too complicated and mahirap ipaliwanag without my usual word vomit. And magiging mahaba na tong post masyado haha.
AND GRABEEE! MGA KA-SAKLAY! WE WON! FiLay ENDGAME! NAHANAP NA NI FIDEL SI KLAY! WALA NANG BABU! 😭 And alam niyo yung maganda sa ending? There were no words exchanged. They were just looking at each other and smiling. Kase di na kailangan pa ng mga salita. Antagal nilang hinintay ang isa't isa. 13 + 7 years kay Fidel jusko talk about faithfulness! Dude the longing! The yearning! Pano niyo kinaya grabe. They finally found each other and this time, there will be no more goodbyes. They have a long life ahead of them.
Tumblr media Tumblr media
What a journey! Kudos to GMA! To all the actors and staff! You all did very well! Salute to Dr. Jose Rizal. Isang pagpupugay sayo. 🙇🏻‍♀️ Tanda ko nag cutting class pa kami sa Rizal class namin back in college as we didn't see the relevance of the subject sa Civil Engineering, just like how Klay didn't see its relevance to Nursing. Sorry po 😞. Pero kung i-isekai niyo ko, dun din sa may Fidel plith thank you pows huhu.
I will not stop raving about this series. Ending na pero pinag iisip pa din tayo. Andami pa ding ireresearch. Dami pang theories. And that's the reason kaya ako magrerewatch at magbibinge watch neto from the start! WALANG MAGPAPAHINGA SA FANDOM NA TO!
YAKAPIN ANG KULAY! MABUHAY ANG PILIPINAS! MABUHAY ANG MGA ANAK NG BAYAN!
Tumblr media
I'm going to miss everyone so much 😭 8pm weekdays will never be same again
67 notes · View notes
skrimblo · 2 months
Text
Tumblr media Tumblr media
FILAY JUMPSCARE
42 notes · View notes
doubleclutch · 5 months
Text
Tumblr media
Best team in the NBA currently
16 notes · View notes
phrogdad · 9 months
Text
Tumblr media Tumblr media
they just had too much silly in them 😝
44 notes · View notes
nikushiisan · 1 year
Text
Tumblr media
70 notes · View notes
buko-pandan · 1 year
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
“Be careful, miss.” (trans.) Maria Clara at Ibarra (2022) dir. Zig Dulay
140 notes · View notes
pandaypia · 2 years
Photo
Tumblr media
sinaunang overthink
106 notes · View notes
moonbeam-mage · 1 year
Text
Tumblr media
Maria Clara at Ibarra is a really interesting take on the classic Noli Me Tangere and I’m really liking it so far.
50 notes · View notes