"The throwback of my life.."
" Meet Mr Intellient" 1st year highshool start na ng klase.. gumising ako ng maaga, ginising pa nga ako ni mama para hindi ako ma-late sa klase ko eh, Tapos tamad na tamad ako bumangon parang ayaw ko pa pumasok kasi masarap ang vacation kesa papasok ng school. Dahil makulit si mama kaya ayun nagising na ako at naligo, tpos ngtoothbrush, naghain si mama ng breakfast at kumain na ako binigyan nya ako ng pera pambaon ko sa school at umalis na ako at sinundo ng school bus namin.
Pag dating ng school syempre wala pa ako kilala sa classroom kaya doon ako umuupo sa pinaka dulo at left side ng klase. Mukha akong weirdo wala kausap wala din katabi. Ewan ko ba bakit ganun sila saakin pero okay lang hindi ko naman sila kakilala at wala din nmn akong pakialam sa ibang tao kundi ung sarili ko lang. Biglang may isang lalaki tumabi saakin tinanong name ko dahil mahiyain ako hindi ko sya pinansin na parang wala akong narinig. Haha! Pero cute sya eh. Tall dark and handsome ung mga ideal man ng isang babae. Pero syempre hindi ako nagpahalata na naggwapuhan ako sakanya ano sya feeling cute.. hehe tpos ayun na nagsimula ng mag intruduce yourself sa harapan.. ay sunod na ako kasi letter M ang apelido ko. Hangang sa ako na nga ang sumunod, nagpakilala ako sa harapan sinabi ko ang buong pangalan ko at hilig ko at kung ano ano pa. Tpos bigla tinawag ung katabi kong lalaki ay P pala ang apelido nya.. kaya mgka-row at seatmate ko sya kasi M ako wla ng ibang sumunod na name kundi sya dahil P ang apelido nya kaya ngkatabi kami sa upuan. Ang Malas nga naman lagi nya ako makikita at lagi ako mamumula na katabi ko sya. At dahil mahiyain ako takot ako makita nya ako ng malapitan kasi baka ano ang itsura ko baka pawisan ako o may dumi sa mukha ko na dko alam. Kaya ayun natatakot ako makatabi siya pero eh ano dko naman sya gusto at ngwapuhan lang ako sakanya, kaya hindi ko nalang siya pinapansin. Kasu ang kulit nya ang dami niyang tinatanong saakin na hindi ko naman sya gusto makausap, o baka gusto lang niya madinig ung boses ko para magsalita ako. Finally ayun dahil nakulitan na ako sakanya nakipag-usap din ako, tapos nakakainis ang sabi pa niya saakin ay nagsasalita ka pala akala ko kasi pipi ka. Medyo nakaka offend pero tumawa ako dahil nakakatawa nung sinabi niya un saakin, kaya ayun tapos sabi pa niya maganda ka pala pag nakangiti. Dahil sa sinabi nya na yun hindi tuloy ako nakatulog hahahaha.. feeling ko ang ganda ganda ko. Uwiian na namin tapos nahuli ako lumabas kasi ayoko nakikipagsiksikan sa pinto lahat sila excited umuwi eh. Tapos pareho pala kami hindi din siya nakikipag unahan lumabas ng room akalain mo nga pati pag uwi ngkasabay pa kami. (*Blush*) ayun sabay lang kami naglakad pauwi dahil may school bus kami kaya hindi ko na sya nakasabay at siya hinahatid ng mama niya at may car sila mayaman. Malayo palang kitang kita ko na ang mama niya parang masungit at tahimik pala siya kapag kaharap ang mama niya.
Pag-uwi sa bahay iniisip ko na siya buong araw parang excited na nga ako gumising sana gabi na lagi ko sinasabi sana gabi na para makatulog na ang lahat.. Finally ayun gabi na dahil mahilig ako mag sulat sinusulat ko sa diary ko lahat ng nangyayare saakin.. kasu sa panahon ngaun (2021) hindi na uso ang diary eh. Pero dahil throwback to ng buhay ko kaya sasabihin ko. hehe peace 🤞
Kinabukasan si mama nagulat kasi ang aga ko magising at ako na din ngprepare ng pagkain sabi pa nga nagtataka bakit sinisipag ako pumasok haha. Pero sympre bawal pa ang mga crush crush na yan nun highschool kailangan magaral lang mabuti.. Actualy kaya ko eto sinulat kasi itong 1st year highshool talaga ako naunang mgka crush.. dahil boyish po ako nun gradeschool. Lagi lalaki ang kalaro ko at batang bata pa ako ewan ko nalang biglang nagbago ang lahat eh dahil sakanya kay mr. P siya ang first crush ko at first love. Pero nagpapasalamat na din ako sakanya dahil sakanya hindi ako nalito sa tunay kong pagkatao..
Nasa School na finally makikita ko uli siya katabi ko siya sa upuan eh, pero siyempre hindi ako nagpapahalata baka kasi isipin niya na may gusto ako sakanya kaya sinusungitan ko siya tapos hindi ko sita pinapansin.. pero matalino pala siya lalo sa history doon pa naman ako laging bagsak haha. Matalas ung memorya niya ang dami niya alam at sinasabi na hindi ko maintindihan matutulala ka nalang dahil sa galing niya magsalita at mag english. Hehe dun mahina din kasi ako sa english. Lalo sa math tapos siya easy na easy lang sakanya. Yun pala lumaki siya sa states dito lang siya naghighshool noon gradeschool sa states sya nagaral. Minsan nahihiya ako kapag nakikipag usap siya saakin lalo napaka talino niya magsalita lahat ng sinasabi niya hindi ko maintindihan eh oo nalang ako ng oo.. kaya siguro tingin niya saakin boring kausap. Pero okay lang ayaw ko din naman siya kausap kasi hindi ko talaga siya maintindihan.
Fieldtrip ng School syempre lahat excited kaya lang ako namumrublema kasi tiyak sasabihin ni mama walang pera wala akong pang fieldtrip at hindi naman daw required masyado pero paguwi sa bahay nun sinabi ko na may fieldtrip kami pumayag si mama it means may pera kami siguro.. ang laki ng ngiti ko kasi mkakasama na ako every fieldtrip noong gradeschool eh lagi hindi kami sumasama..
Ayun finally fieldtrip day na. Dahil mahilig ako mgjumpershorts at tshirt yun ang susuotin ko. Grabe nakita ko siya agad ang ganda ng buhok niya parang ang bango bango niya, chinito. Moreno. Hay nasakanya na lahat kaya lang may katabi siya nun na girl si monalisa hindi ko na masyado matandaan ang name niya kaya yan nalang ang name na gagamitin ko. Bigla ako nalungkot dahil nadidinig ko yung hiyawan ng ibng section, ibang section kasi si monalisa hindi namin kaklase. May gusto pala sya kay Mr.P sobrang lungkot ko nun. Nagseselos na parang ewan eh hindi ko naman siya boyfriend. Kaya sa pinaka huli ng upuan ng bus ako umupo wala kasi ako msydo kaklose na kaklase meron naman pero kakausapin lang dahil sa school project o kung ano ano na tungkol sa pgaaral. Umupo nalang ako sa hulihan ng school bus. Medyo nakasimangot kumain nalang ako. Tapos akalain mo nga naman oh sakin pa siya tatabi. Ewan ko kung bakit gusto niya ako lagi katabi. Siguro weirdo din siya gaya ko. Pero dahil matalino siya kaya sguro nga may pgka weird din siya. Nagtanong siya saakin bakit daw ako nakasimangot kasi Lagi daw nya ako nakikita na masaya ngaun lang daw ako sumimangot. Nagtaka nga ako eh napapansin pala niya ako syempre ayoko naman magassume na baka gusto din niya ako kaya hindi ko naman un iniisip.. finally nakarating na kami sa enchanted kingdom doon kasi kami ngfieldtrip nun highschool. Ayun mghihiwalay na kami kasi puro boys ang kasama niya dahil girl ako natural girls din mga kasama ko. -_- hay nasaan na kaya siya lingon dyan lingon doon hangang hindi na ako nagenjoy sa fieldtrip. Finally matatapos na ang oras kumain muna kami sa loob ng bus. Yung iba hindi ko alam saan kumain pero dahil may baon ako sa bus ako kakain. 😊 Hmmm. Guess who.. Si Mr. P haha nandun din siya sa bus medyo madilim na yun kasi 5pm na kami kumain. Dahil sguro sa excired ung iba ako 5pm na ako kumain eh.. tpos nakita ko siya dun kasama un ibang boys. Dahil nasa hulihan ng upuan ng bus ako nakaupo kaya doon ako umupo at kumain, tinabihan niya ako bakit daw ngayon lang ako kakain 5pm na sinabi ko na ngayon lang ako nagutom eh. Tapos hindi ko na siya pinansin kumain lang ako. Tapos naglabas sila ng beer. Sabi ko huy bawal yan ha? Sabi niya bakit meron bang nakakakita? Medyo stubborn pala siya at kapag gusto niya gagawin niya. Medyo naturnoff ako sakanya that time. Pero dahil ang cute niya nawala din ung pagka-turnoff sakanya. Napansin niya uli na sumimangot ako kaya sabi niya sakin huwag kang magsusumbong sa teacher natin ha. Sabi ko naman sakanya hindi naman ako sumbungera ano tingin mo saakin. Tpos bigla ngumiti siya sakin at yung mga mata niya halos dina makita sa singkit at namumula siya kapag umiinom. Parang medyo nalalasing na nga siya.. tapos binuksan ko ung bintana at dun ako humarap bigla niya hinawakan ung kamay ko. Dahil naramdaman ko un kaya napatingin ako sakanya. Bigla ba naman ako kinantahan.. ( No one else comes close by backstreetboys:) syempre ako naman natulala ang ganda ng boses niya kapag kumakanta medyo lasing na siya kaya pagtapos ng kanta niya bigla nakatulog siya sa balikat ko. Kinikilig ako hindi ako nagenjoy sa fieldtrip pero yun ung pinaka best memories ko na hindi ko makalimutan. Nakahiga sya sa balikat ko nakatulog siya tapos ung kitang kita ko ung mukha niya yung lips niya ampula pula parang ayaw ko ng matapos ung araw na yun.
Saddest part of story.
Yung magugulat ka nalang one day makikita mo nanliligaw na pala siya sa ibang babae kay Monalisa ung taga ibang section. Eh ano bang laban ko dun maputi.nkabraces tapos matalino din gaya niya ewan ko nga bat siya napunta sa section namin eh. Nililifawan pala niya si Monalisa nun fieldtrip pa. At kaya siya uminom kasi nabasted siya nun araw na yun pero dahil disidido siya sa panliligaw pinagpapatuloy pa rin niya. Nakikita ko siya may dala roses ibbigay niya pagtapos ng klase inaabangan niya si monalisa na matapos ung klase nila. Nakikita ko sila sa malayo pero ako okay lang kahit sobrang sakit. Nagaassume kasi ako na baka magkagusto din siya saakin kasi naman ang sweet sweet niya saakin at maalahanin siya kung nagawa ko naba assignment ko tapos papakopyain niya pa ako kapag dko nagawa. Minsan siya oa nga yung nagsusulat sa assignment ko napaka sweet niya saakin tapos biglang ganun may nililigawan na siyang iba. Hngang eto na ung pinaka saddest part ng story. " Naging sila" 😭😔
"My Birthday" yung araw ng pgccelebrate ng birthday ko. Dahil hindi naman kami mayaman nghanda si mama ng pansit tinapay at kaunting ulam at kanin, May mga dumalo na kaklase ko. Isa na siya doon. Dahil inimbita ko siya at ang iba ko pang kaklase. Pero late siya dumating wala ng natirang handa.😅 Haha. Ayun kya tinapay lang at coke ung binigay ko sakanya. tapos lumabas kami ng bahay kasi sabi niya may ibibigay siya saakin. Nagpunta kami sa may playground sa tapat ng bahay namin. Umupo siya sa may seesaw ako naman nakatayo katabi niya, hinawakan niya ung kamay ko at sinuot niya saakin ung bracelet sabi niya ireregalo nalang daw niya saakin un.. sabi ko bakit para kanino ba yan? Kay Monalisa daw. Sabi ko bakit mo ibibigay saakin kung para sakanya yan? Sabi niya kasi break na sila birthday din pala ni monalisa ng october kasu ngbreak na sila kaya hindi na niya naibigay un sakanya. Sabi ko bakit hindi ka nagpunta sakanila birthday pala ng girlfriebd mo. Sabi niya sabay daw kami ngimbita same date pero dahil hiwalay na sila kaya hindi siya dumalo at sa birthday ko siya nagpunta.. umiiyak siya sa harapan ko nun nasasaktan din ako kasi nakikita ko siya na umiiyak pero sabi ko sakanya kung ayaw na niya sayo hayaan mo na siya. Dapat daw hindi daw siya pupunta sa birthday ko. Kasi broken hearted sya tpos birthday din ng gf niya. Pero dahil kaibgan daw niya ako at kaklase nagpunta siya. Medyo lasing nga sya nakainom siya that time naamoy ko malayo palang at namumula siya kasi kapag nakainom kaya alam ko uminom siya. Umiiyak siya paulit ulit niya sinasabi saakin na mahal na mahal niya si monalisa. Habang ako pinipigilan ko ung sarili ko kasi nsasaktan din ako na ibang babae ung pinaguusapan namin. Sabi ko sakanya madami naman babae dyan tumingin ka lang sa paligid mo. Malay mo nasa harapan mo na pero hindi mo labg npapansin kasi sa iba ka nakafocus. Umiyak pa rin siya sabay sabi happy birthday niyakap niya ako na parang ang bigat bigat ng loob niya niyakap ko din siya. Pagkakataon ko na sana nun na ipagtapat sakanya ung nararamdaman ko sakanya eh. Kasu naunahan ako ng nerbyos kape kasi ng kape haha. Dahil sa pagkakataon na yun nawala din lahat sabay nagpaalam na siya sakin uuwi na daw siya. Sabi ko sige okay lang thanks ha pumunta ka. Sabi nya wala yun ikaw pa. Tpos ingatan ko daw ung bracelet na bigay nya gusto daw niya suot ko un kapag papasok.
"End n ng klase.. ito ung pinaka memorable saakin guess what?? Kasi dito ako naglakas ng loob magtapat ng nraramdaman ko sakanya. Katabi ko sya sa upuan last day of school na ung parang gusto ko hawakan mga kamay nya at sabihin at aminin ko sakanya na gusto ko siya pero nauunahan ako ng takot. Ewan ko ba kasi may insecurities din ako na baka hindi niya ako magustuhan o baka matawa siya saakin, o baka isipin niya na kung ano ano. Ang dami dami ko naiisip. Hngang sa maguwian na ngpapaalam ng iba sa mga teachers at classmates. Ako nalang ang hindi pa makapag simula ng sasabihin hngang sa humarap siya saakin at nagpaalam sabi nya see you next class sa 2nd year sana magkaklase pa tayo sabi nya saakin. Dahil sa kinakabahan ako. Hindi ko napagtapat sakanya ung feelings ko. Pero nagulat ako sa pinagtapat niya saakin. Sabi niya nung firstday ng school ako daw ung unang una na crush niya sa school kasi ang tahimik ko daw nun at magisa lang tapos sabi pa niya naccurious siya saakin kaya lang daw nKita daw niya na masungit daw ako at parang ayaw ko daw ng kausap pinipilit nalang daw niya ako kausapin kung ano ano daw na topic ung sinasabi nya para lang daw makausap ako pero snob pa rin ako. Gusto nga daw niya ako nun ligawan sa klase kasu npka sungit ko daw at bihira mgsalita. Hngang sa nameet niya si monalisa sa canteen at ang nice daw sakanya at nging malapit sla every breaktime ngkikita pala sla sa canteen at ngsasabay kumain. That time hndi ko alam sasabihin ko nasurprised ako na ewan na parang gusto kong umiyak mghinayang. Gusto din pala niya ako pero nahirapan pala siya saakin kasi dahil sguro sa attitude ko n snobish ayaw mgsalita at masungit. Hay. Memorable ung 1st year highschool saakin. Kasi ung 2nd year hinahanap ko siya lumipat na pala sila ng bahay kaya hndi na siya ngaral sa school na un..😔
1 note
·
View note
throw it back with yuki: november 10, 2019
maaga ko ‘tong gagawin kasi busy na talaga ako mamaya tsaka gusto kong madire-diretso ‘to. tandang tanda ko dito na nagblog si celine about sa araw na ‘to. eto kasi yung araw na napagusapan namin yung sa mga pagkuha ng id, sa sss ganon. tas sabi niya sa blog niya kinilig siya nung niremind ko siya about those things hahahaha crushie niya raw ako. kinilig tuloy ako nung binabasa ko yun blog niya na ‘yun. eto yung naka screenshot sa blog niya that time,
hahahaha ayan yung sinabi ko. tas dito rin yung araw na nasoft siya nung matutulog na ako. nasa blog niya rin yun eh. eto yung nakascreenshot:
ayan. sabi nya sa blog niya nasoft daw siya that time. tas nung binabasa ko naman ngayon yung convo namin na pang november 9, kinilig ako kasi ewan hahaha :( ang cute niya kasi nung sinasabi niya yung “say goodnight”. nakakamiss lang. ay tsaka kinilig din ako dito kasi eto yung sabi niya na dadownload niya tg sa phone niya hahahaha :( sirang sira talaga kasi yung 5s ko as in palitin na kaya ayun.
eto rin yung araw na napagkwentuhan namin si alvin. yung engineer niya na friend. tapos eto rin yung napagkwentuhan namin ahs! alam nyo di ko na talaga napanood yang series na yan. baka i-try ko sa christmas vacation hahaha kaso inaantok kasi talaga ako. tas isa to sa fave highlight ko ng araw na ‘to:
hahahaha nacurious ako bat kaya sya tawang tawa nyan eh mississipi lang naman sinabi ko. crush talaga ako hay nako, sana until now HAHA
GAGO TAS DITO RIN PALA YUNG ARAW NA NAKAKITA AKO NG DALAWANG MALAKING FROG NA MAGKAPATONG SA GARAGE PUTA KADIRI GAGO tumataas balahibo ko putangina HAJDJAHAH eto yung naglalaba ako damit eh tapos hapon na. tas gulat ako eh nagsusulputan mga frogs gago creepy as fuck.
eto rin yung araw na she shared something from her past, basta about sa tumblr. ayan first time no narinig sakanya yung kwento that time. eto rin kasi yung mga panahon na hirap mag open up sakin si celine. eto nga yung nasabi nya sakin na ano raw, hindi naman daw sa di nya ako pinagkakatiwalaan ganon pero its just her. ayan looking back, sobrang laki talaga ng improvement ni celine in terms of these things :(
eto rin yung araw na nagpost ako dito sa tumblr about sa pagiging leader. na-hurt ako nun kasi yung mga friends ko di ako pinili ganon. tas sabi sakin ni celine, sya rin daw hindi yung leader type, yung feel nya pag sya naging leader baka raw maging bossy sya ganun.
eto isa rin sa main highlight ng araw na to, when she said this to me:
ayan naiiyak na naman ako putangina hahaha. ewan naririnig ko kasi boses nya sa mind ko tas ang laki nung comfort na bigay nung words na yan. kahit ngayon ko yan binabasa parang importante pa rin yang sinabi nya sakin :( tas concerned sya sakin ganon :( ang nakakaiyak kasi lalo yung ano naririnig ko boses nya sa “i know its hard bb but try to do your best parin ha” :((( kasi applicable pa rin sakin yan ngayon. nahihirapan kasi ako sa acads ko kaya ayan naiiyak ako haha
ayan lang mga main highlight for november 10 hehe
0 notes
200630
Apat na beses na, o apat na beses pa lang tayong nagkikita sa loob ng tatlong buwan. Nung pinakilala ka samin sa unang araw ng pasok ko, nung pumunta ko sa office niyo para iabot yung pagkabigat-bigat na hard drive na kailangan niyo daw, nung company anniversary at company christmas party.
Sa apat na beses na yon, kahit kailan di tayo nagusap. Puro ngiti, minsan pa nga, kagaya nung anniversary, magkatabi na tayo sa thanksgiving mass pero never pa din tayo nagpansinan. O nung, christmas party natin na halos magkalapit lang tayo pero hindi pa din tayo nagusap. Siguro akala mo hindi ko naalala lahat yun, o napapansin, pero sa bawat oras na makikita, kahit gano pa ka-saglit yun naalala ko. Naalala kita.
Pero ayun, nagkaron naman tayo ng saglit na interaction. Yung may game sa christmas party tapos tinawag tayong lahat para sumali. Bilang 'mahiyain' nga ako at hindi pa ganon ka-komportable, hindi ako lumapit sa harap. Pero bigla ko narinig boses mo, "Cherry tara!"
All this time akala ko hindi mo alam pangalan ko kaya nagulat ako. Hindi pa ko lumapit agad hanggang sa inulit mo yung sinabi mo "tara!" Sumunod ako sayo tapos sabi ko "totoo ba kasali lahat?" Odiba, sobrang bobo ng sagot.
Pinapwesto mo lang ako sa harap mo habang nakapila tapos yun na yung interaction na meron tayo hanggang maguwian na, pero... iba yung pakiramdam ko. Ang saya. Alam ko masaya.
Ang totoo kasi niyan, unang araw ko pa lang sa trabaho, pinakilala ka pa lang samin, sabi ko sa isip ko "ayshet ang cute nito". Naka-hoodie ka na black, naka-salamin tapos naka-slouch sa upuan. Ikaw pala yung editor na sinasabi nila sakin, aaahh.
Pero kahit magka-department tayo, kahit isang company tayo, magkahiwalay naman tayo ng lugar. Sa QC ako based, ikaw sa Ortigas. Tapos tuwing nasa Ortigas naman ako, sa 7th floor ako, nasa 6th floor ka.
Fast forward sa pangalawang christmas party natin na ginawa sa QC. Isa na ata yun sa pinaka-masayang gabi ng 2019 ko.
Nalaman ko na di ka pala pumasok non, kaya ang aga mo dumating sa office namin. Naka-plain white shirt ka, maong pants, tapos high-cut na converse. Sa isip ko, "ay ang gwapo???? wala ka pa ginagawa kinikilig na ko?" Grabe, pag naiisip ko, ganon ata kita talaga ka-gusto.
Andon ka na sa kabilang chair nakaupo, di pa din tayo naguusap. Hanggang pagkatapos ng ilang minuto, tinanong mo ko "tiga-ceu ka diba?" Natawa ko kahit wala namang nakakatawa. Alam mo talagang may tama eh. Hahaha!
Tapos nagkaron pa tayo ng konting interaction bago tayo pumunta sa pag-gaganapan ng christmas party. Hanggang sa andon na nga tayo lahat, nakatayo ako tapos ikaw nakaupo ka don sa upuan sa dulo ng mahabang lamesa. Sobrang lakas ng tugtog tas busy lahat sa paggamit ng phone. Hindi agad ako makaupo kasi di ko alam san ppwesto dahil naka-kalat yung iba. So tumayo na lang muna ko hangga't di pa naman kakain.
Sa gitna ng lakas ng tugtog, at sa oras na hindi ko naman inisip na may kakausap sakin, may tumawag sa pangalan ko. Akala ko pa nga nung una, mali lang ako ng rinig kaya dedma lang. Kaso naulit. Lumingon ako sa direksyon mo, at yun nga, nakatingin ka, tapos may sinasabi ka. Di ko marinig kaya lumapit ako. Hindi naman to para-paraan pero parang ganon na nga. Pero seryoso hindi lang talaga kita marinig.
"Mahiyain ka no?"
Natawa ko tapos sabi ko, "Hindi. Maingay talaga ko. Nahihiya lang ako sa inyo."
Hanggang sabi mo, "yung anniversary, pati christmas party sa Tektite, hindi kita narinig magsalita eh."
Medyo nagulat lang ako kasi naalala mo pala lahat ng panahon na nagkita tayo, akala ko kasi hindi mo talaga ko napapansin kasi posible naman yun diba? Na hindi mo mapansin yung tao kasi wala ka pake. Hahaha!
May mga tinanong ka pa na hindi ko na maalala, siguro kasi yung puso ko... i mean yung diwa ko, nabigla kasi kinausap mo ko. And we had an actual conversation?! A conversation??? Hahaha.
(Hint kung bakit hindi ko sya inisipan ng something, pag una mo syang nakita, iisipin mo sya yung tipo ng lalaki na walang pake sa di nya kilala, ganon yung awra nya, yung ang papansinin lang yung kilala nya tapos mukha pa syang masungit slight pag hindi ngumingiti. Pero baligtad pala hahaha)
Pagkatapos nun, hindi na ulit kita kinausap kasi baka masyado ko mahalata kahit naguusap lang naman tayo. Masyado kasi ko nakangiti, baka mahalata nung iba nating kasama na ang saya ko kausap ka. HAHAH kaya kailangan, distansya pa din. Halos mga 20 minutes din siguro mula non, nagstart na kumain.
Nauna ka umupo tapos dun ako umupo sa pangatlong upuan sa harap mo, kahit wala namang tao sa tapat mo. Natakot lang kasi ko baka masyado ng halata. Hindi naman talaga tayo close pero ang lapit ko sayo, diba?
Hanggang sa natapos na, tapos start na games, di pa din tayo ulit naguusap, lagi lang tayong malapit sa isa't isa. Tipong pati sa games, magkatabi tayo pero di naman naguusap. HAHAHA????? Feeling ko kaya ako nanalo ng twice kasi inspired ako, ikaw ba naman panuorin ng crush mo sis? Gagalingan mo talaga diba? Hahaha.
Naalala ko pa pala, bago magstart maglaro, tinanong ako ng supervisor natin kung umiinom ako,
sabi ko "konti lang po ma'am".
Tapos tumingin ako sayo, "umiinom ka?"
Nakangiti ka lang tapos di ka talaga sumagot hanggang nagtayuan na nga para maglaro.
Sa bawat laro, lagi kang huli tumayo, pero sa kada-laro din, magkatabi tayo. Di naman sa sinasadya ko pero baka meant to be kasi tayo? Charing! Iniiwan ko yung gamit ko sa upuan para walang umupo, kahit alam ko di naman kita makakatabi na kasi nga sa dulo ka nakaupo tapos lumipat ako sa pang-apat na upuan sa hilera mo kasi may nakaupo na sa pwesto ko.
Nung natapos na nga yung games, medyo lutang pa ko kasi nanalo ko at oo masaya ko, I rarely participate in games and I rarely win soooo...
Umupo ako sa upuan ko without noticing na katabi na pala kita. Narealize ko na lang minutes after I fixed my things. Tapos di pa din kita kinakausap kasi di ko alam sasabihin ko. We were just there, nagpphone pareho pero umiinom ka na. Minutes after pa, biglang may kumalabit sakin tas sabi "inom ka!" Tapos syempre napalingon ako with gulat face, kunwari di ko alam na ikaw yon HAHA "sige mamaya". Tinuro mo yung bote na bukas sa harap ko,
"Sayo ba yan?"
"Ay, hindi."
"Kuha ka dun oh".
Dun na nagsimula, nakaupo lang tayo, umiinom, tawanan, gaguhan na akala mo ang tagal na natin magkakilala, akala nga nila kaklase daw kita nung college hahaha! Edi kung kaklase kita noon edi ikaw na lang sana..... Charet HAHA
Sobrang dami na natin napagusapan, parang biglang kilala na natin ng bongga isa't isa. Nawala yung ilangan, sobrang komportable lang, masaya, magaan yung pakiramdam. Sobrang biglaan. Di ko din alam pano nangyari na parang tropa na kita. Although aaminin ko kinikilig talaga ko lalo na pag tumitingin ka sakin sabay ngingiti. Kung yelo ko sis baka natunaw na ko. Hahaha! Basta, may something sa ngiti mo tsaka tingin mo na parang mapapaiwas na lang ako ng tingin kasi napapangiti din talaga ko.
Hindi ko nga din alam bakit walang umuuwi sating dalawa, e halos wala naman ng nangyayari. Tapos na yung party, naguusap na lang tayo at literal na nakaupo na lang. Nakailang sabi ka din na umiikot na paningin mo dahil sa dami ng nainom mo pero di ka naman umuuwi kahit sabi ko umuwi ka na. Wala, nakaupo ka lang don. Naguusap lang tayo.
Tinanong mo din naman kung uuwi na ko, sabi ko hindi pa. Akala ko uuwi ka na nun pero di pa din pala. Hanggang almost 1130 na ata nung nag-decided tayong umuwi. Sabay lang tayo lumabas ng office pero yun na. Nag-angkas ako tapos sumakay ka ng tricycle.
That's how 2019 ended with you. It may seem as if we did something after because you were kinda drunk, and I'm tipsy that night but we literally went our seperate ways. Maayos naman tayo mag-isip nun except tawa ko ng tawa sa mga sinasabi mo kahit walang nakakatawa tsaka sobrang daldal ko lol. Anyway, thank you for making me happy without even knowing it :)
Edit: I wrote this in my Notes last December 2019, a day after our christmas party. I never thought that I'd post it here that's why it's kinda messy and all over the place haha.
It's now June 2020, and the last time we met was February 2020, 4 days before my contract ended. That was a special day for me that I would like to share some other time. I could still remember some parts of what happened that day but not as detailed as this because everything was still fresh in my memory when I wrote this. I'm happy because I get to relieve those memories again by reading this.
I wish I could see you again.
-
Live well :)
0 notes
Happy birthday
Buti pa yung birthday, happy.
Hahahaha.
Dami nagulat sa transformation ko kahapon. Ang chix daaaaw. Hahaha. Kaya ko naman kasi magayos talaga kung trip ko. Tamad lang talaga ko. Huhuhuhu.
Happy naman ako kahapon ahh. Nung papunta ako dito sa rangers tangina sobrang kabado pa ako nun. Pagdating ko wala naman pala silang dalawa.
Ang cute lang ni Amara sweet pa din sakin. Kandong kandong. Yakap at kiss pa din.
Tapos yun. Dumating sila. Ako at si Lucas lang ang nasa kwarto.
Tapos yosi yosi. Unli yosi ako kahapon. More than 2 packs.
Inaasar pa kami ni Pao “diba close kayo bakit di kayo naguusap”. Hahaha gago. Eh naguusap kami pag naiiwanan kaming dalawa. Pag kami na lang magkasama. Hahahaha. Syempre pag magkasama sila di ko naman magawang magsalita no. Ano sasabihin ko?
Tapos ayun. Ang sweet nila. HAHAHAHA
Habang nagyoyosi kami napansin ni Pao tremors ko. Di ko na naman macontrol. At least hindi nagtuluy tuloy. Haaaay.
Tangina. Pero wala akong maramdaman kahapon. As in. Natatawa na lang ako. Pinipili kong wag tignan pero nakikita ko talaga body language nila eh.
Pero tangina di ko mapigilang isipin na tangina sakin nya dati ginagawa yun. AYUN NGA LOUISE DATI NGA DIBA. DATI.
Tapos ayun sabi ko na eh. Yung regalo eh. Na sigurado ako yung from nun “from tita pao and tita jayce” nakalagay eh. Sabi ko sa inyo tama ako eh.
Tapos nagstay kaming 3 sa kwarto nila nico para magaircon. Hahahaha pero tangina ang sweet talaga nila. Haha. Tapos dumating na sila Rhea. Nagkaroon ako ng kachikahan at kasama yeeesss. Pinakilala ni Pao si Jayce.
So ayun na party party na. Tabi tabi pa din kami.
Kumain na ako finally after 3 days.
Tapos adik na adik ako sa yosi kahapon. Dahil ba stressed ako?
So ayun videoke na. Tanginaaaa ganda talaga ng boses ni Jayceeee. Huhuhu. Kaya nainlove talaga tong si Paola eh.
Inom inom. San Mig Apple lang jusko ginagawa kong juice sanay ako sa Mule. Tapos sad life umuwi silang maaga. Akala ko magkakalasingan kami. Masaya pa naman sana yun. May sakit din daw kasi si Pao eh.
Ending ayun naiwan ako kasama ko sila raprap at arielle.
Jusko syempre interview interview na naman sila sakin. Ang ganda ganda ko daw keme keme. Hay jusko. Hindi naman sapat ang ganda. Kung lolokohin ka, lolokohin ka. Tapos ano daw ginagawa ko sa buhay ko. Hayaan ko na daw sila. Haaay same old shit.
Sobraaang nalasing ako, man. As in. Alfonso na kasi iniinom ko eh. Nakailang bote din ako ng Apps. Pinahiga muna nila ako dun kena Arielle. Tapos nararamdaman ko pinupunasan ako ni ate sm ng malamig. Buti di ako nagsuka. Tapos ginising na lang ulit ako ni Ate SM para matulog sa Rangers.
Ang funny lang pagtayo ko umiikot mundo ko. Hahahahaha. Tapos pagdating namin dito, gago dire-diretso ako sa kwarto namin ni Pao. Tangina katok ako ng katok tandang tanda ko yun. Pagdating ni ate sm sabi “huy hindi ka na dyan. Dito ka.” Sabay pinasok ako sa kwarto nila nico at dun pinahiga. Bagsak.
Naggising ako ng 5:15am naiihi ako. Kinakabahan pa ako tumayo baka kasi andito pa sila. Pero wala na sila paglabas ko. Ayun. Tangina. Kamusta ako ngayon?
Nasa next post ko yan. Magyoyosi muna ako sa labas. At magpeprepare umuwi.
0 notes
2 nights na syang nakakatawag sa tita. Huhu. Pinayagan daw ng upperclass kasi top 7 sya sa prelims overall. Woah. I'm so proud of you! Sarap din sa feeling na after mo tawagan ang parents mo e ako naman ang sunod nilang tatawagan para ikwento lahat. I understand naman kasi one call per person pero umaasa ako ng slight na ako naman. Hahaha. Miss ko na boses mo huhu. Nagsabi ka nung first night na tatawag ka ulit the next night, kaya sinabihan ako ng tita na mag prepare ng questions. Hahaha. Pinatanong ko kung namimiss mo na ako. Tawang tawa ang tita nung knkwento ang sagot mo. Cute talaga nya. Ang cute ng buong pamilya mo, hay. I miss you mahal. Malapit na ulit kami pumunta jan kahit makita lang kita, okay na ako. Haha. Keep up the good work, my cadet. ❤ Iloveyou, always.
1 note
·
View note
MY TOP 20 OPPASSSSSSSSSSSSS
Ang list na ito ay pinaghirapan kong gawin sapagkat gosh ang hirap naman talaga mga bes mag-ranking kainis hahaha pero anyways heto na:
20. Kim Woo Bin
-di ko alam pero nagagandahan ako sa baba nya, feeling ko yun talaga asset nya
-oo, nakakatakot yung mata nya pero kung tititigan ka naman nya, aysus baka malaglag panty mo
-kaso taken na sya, annyeong mareng shin min ah
-get well soon oppa
-be strong and come back ‘coz i’m not mad anymore ahihi
19. Park Seo Joon
-she was pretty palang crush ko na sya
-ewan ko pero sana jologs talaga sya sa totoong buhay
-kahit oppa kita, sige ipapaubaya na kita kay kim ji won
-i love his eye smile aish
-kudos sa performance mo bilang ko dong man sa ffmw
18. Park Hyung Sik
-idol na, ang galing pa umarte
-aegyo king
-di ko alam pero bat ang cute nya sa strong woman
-palakpak para sa performance nya sa hwarang
-oo na, ibibigay na kita kay park bo young kainis
-park-park couple shipper is me eh
-haranahin mo naman ako
17. Lee Min Ho
-suzy lubayan mo syaaaaaaa
-halos lahat nalang ba taken
-oppa, ingat ka dyan sa army
-first oppa nyo to, pustahan
-namiss ko kulot nyang buhok haha
-boys over flowers fever
-whispers “heo jeon jae”
-bilhan mo ko pink octopus
-kapag ba naging sirena ako, mamahalin mo rin ako? charot
16. Ji Chang Wook
-nung dati di ko sya ganun napapansin pero lately, omgggggd i love him na
-guys panoorin nyo yung suspicious partner, maganda sobra
-ang kardo ng korea
-oppa, pahawak ng abs ahihi
15. Gong Yoo
-oppa ba to or ahjussi na
-kahit ahjussi ka na, love pa rin kita
-can i be your bride?
-gusto ko rin buckwheat flowers
14. Ahn Jae Hyun
-alam kong kasal ka na, okay lang maging kabet ako haha
-can i be go hye sun for just one day?
-mata mata mata
-nakakaakit ang lips nya sht
13. Do Kyung Soo (D.O)
-idol din to
-exo-l here
-kantahan mo naman ako jebal
12. Kim Tae Hyung (V)
-sorry, multi-fandom kasi ako
-army here
-saranghae
-sabihin mo kay jin, mahal ko rin sya
11. Jo In Sung
-ahjussi rin to
-di ko alam pero bakit ang gwapo pa rin nya
-di sya tumatanda
-kahit malayo age gap natin, papakasalan pa rin kita sabihin mo lang
10. Lee Dong Wook
-since my girl, fan nya na ako
-ako nalang ang sun hee este sunny ng buhay mo
-kung kasing-gwapo mo lahat ng grim reapers di na ako mag iisip sumama haha charot
9. Kim Min Seok (Xiumin)
-hyung ka ng exo, pero oppa kita
-di ka man ang main bias ko sa exo, love pa rin kita
-di ko maintindihan pero sobrang gandang ganda ako sa boses mo
-baby face kahit mag-aarmy na huhu oppa andwae
8. Choi Si Won (Siwon)
-sorry sorry sorry sorry~
-visual on point
-awang awa ako sa character nya sa she was pretty sobra sana ako nalang
7. Nam Joo Hyuk
-sweeeeeeeg
-“do you like messi?”
-boyset may jowa na rin to ugh
-sige na kayo na ni mareng sung kyung
-nam-lee shipper here
6. Song Jong Ki
-oh everytime i see you~~~
-you are my everything~~~
-bat ikakasal ka naaaaaaaa
-mareng song hye kyo alagaan mo to ah
-magpapabangs na talaga ako jusmeyo
5. Lee Joon Gi
-one of the best actors alive
-wang so, the concelead king
-season 2 please
-4th prince ng buhay ko
4. Yook Sung Jae (Sungjae)
-take all my credits card
-pakatatag tayo babe ha ahihi
-sing me a song daliiiiiii
3. Park Chan Yeol (Chanyeol)
-missing 9 was great
-pakisabi nalang kay sehun na sya main bias ko pero kahit ganun love rin kita
-his voice is daebak
-lahat ng kaboses ng asawang kong si T.O.P, mahal ko na rin
-stay with me please
2. Park Bo Gum
-okay lang kahit mag-baduk ka lang buong buhay mo
-religious to mga bes
-wag kang magjojowa ha, itatakwil kita charot
-pakiss nga ahihi
-my prince charming
1. Choi Seung Hyun (T.O.P)
-V.I.P magsilabasan
-kahit may issue ka ngayon wala akong pakialam, ikaw pa rin main oppa at main bias ko
-sa sobrang lamig ng boses mo nainlove agad ako sayo
-bang bang bang
-get well soon oppa
-saranghae
-sa benteng oppa ko ikaw pinakamamahal ko kaya be well
-J.A.P.A.N hahahaha
2 notes
·
View notes
Day 2
First love.
I dont know if its first love pero sya yung taong una kong iniyakan.
He’s Gabriel. Classmate ko sya from 1st to 3rd year high school nung sa Pangasinan pa kami nakatira. Parehas kaming nasa top. We were friends. He’s cute. Friendly sa girls. Kasama ko syang maglunch tapos after kumain pupunta kami sa isang maliit na mall, kung ano lang magawa pero as far as i can remember, madalas kami bumili ng food..haha!
Nagstart akong magkagusto sa kanya nung pinakanta sya sa harap nung teacher namin ng, “It Might Be You”. Ang ganda ng boses nya. Or maybe the time nung pinasulat ko sya sa notebook ko kasi uso yun that time. Pinapasulat mo yung friends mo sa isang notebook, parang compiled letter nila sayo other than autograph. So going back, sabi nya sa dulo ng entry niya, “...for better or for worst, for richer or for poorer..opps iba na yata yun..” Parang ang naging dating saken nun, may gusto ata to saken..haha! Fast forward, pag trip ko, nagsusulat ako ng letters sa kanya. Minsan kasabay ng letter ko for my friends.
Di ko matandaan kung sinabi ko ba sa kanya na mahal ko sya via letter or i liked him pero since nalaman nya, umiwas sya saken. Tapos yung mga friends ko kinakausap ako about it, then maiiyak ako tapos makikita nya.
Meron pa one time na initiation namin sa school, nakalimutan ko na pero parang CAT yung dati. I dont know if alam nung officers namin na may something ako sa kanya. Lahat kami nakapiring except yung officer namin. Sila nagcocontrol samen kung saan ilalagay yung mga kamay namin. That time, alam kong may tao sa harapan ko. Tapos may kumuha ng kamay ko. I can feel a skin, then eyes, nose tapos pinaghawak kami ng kamay. Nafeel ko ng si Gab yun. Di ko alam kung bakit. Sabi ko, “Gab”. Tapos after nun di ko na alam pinag-usapan namin tapos naiyak lang akong bigla since nag-iiwasan nga kami. Nung sinayaw nya ako nung JS prom, naiyak nanaman ako. Later on nalaman kong iba yung gusto nya at naging bridge pa nila ako somehow. Nagsorry naman sya kasi nafeel nya na sya yung iniiyakan ko. Friends pa rin naman kami after nun.
Dahil dun bumaba ranking ko sa top, hahah! Nakakatawa pero totoo. Months before ng recognition, sinabi nya saken na magmimigrate na sila sa US. After din ng recognition, dun ko na nalaman na magttransfer na ko sa QC para dun mag4th year since aalis na si dad at yung dalawang kapatid ko sa Scotland.
Ps: pasensya na if magulo yung kwento ko kasi vague na rin sya sa memory ko..🙊
0 notes
Dear Diary,
Note: This may not be very heartbreaking story for you, but for me this is.
Natatandaan ko pa nung naging student teacher ka namin nung grade 10, science teacher to be exact. Fossils pa nga yung tinuturo mo non eh. Yung classmate ko kinakalabit na ko kasi nga pogi ka daw, may pogi daw na student teacher. Akala ko nga yung tinutukoy e yung kasama mo kasi aaminin ko nagkaroon ako ng crush dun dati pero dati lang, okay? Edi yon kala ko yung isa talaga kaya hindi ko sya pinansin pero tama nga ako, ikaw yung tinutukoy nya. Matangkad, matangos ilong (eto talaga favorite ko sayo eh haha), cute (hihi altho sabi mo walang malaking cute pero cute ka pa din), at para sakin ikaw yung Chanyeol Ph. Kasi parehas kayong matangkad ni Channie tapos nagigitara ka din, tapos parehas kayo ng boses as in deep voice ganern. Tapos hindi ko makakalimutan yung part na pumiyok ka, ang cute mo non.
Nung mga panahon na yon sobrang love na love ko si Chanyeol, hindi naman ako EXO-L pero sobrang love na love ko sya. Kaya siguro hanggang ngayon siguro love na love kita e no? Tarush. Naalala mo pa nung naiwan mo sa classmate kong bading yung i.d. mo? Crush ka nung gagang yon : (( Pero sakin mo pinakuha nung nasa canteen? Sinundan talaga kita para masure kung saan yung room mo haha. Ang awkward pa nun, kasi naman natuluan ako ng tubig sa may bubong e umuulan non. Yung moment talagang yon yung hinding hindi ko makakalimutan kasi naman ang cute mo tapos nakapag-usap pa tayo non.
Ang cute mo kaya nun everyday kasi bagay sayo yung mga damit mo. Ang manly kasi nakakainis. Tapos tinanong ko pa sa teacher namin kung ano pangalan mo e since nakita ko na yung apilido mo edi yung first name na lang after non sinearch kita sa facebook. Sobrang cute mo naiinis ako! Tapos lahat ng video mo sa facebook talagang pinapanuod ko kahit mukha kang tanga pero alam mo? Cute na cute talaga ako sayo. Sabi nila pag nagmamahal ka kailangan tanggapin mo yung flaws ng mahal mo eh kaya pala haha.
Edi ayun na nga, natatandaan mo ba yung nagpasulat yung classmate ko sayo para sa talaarawan ko? Mukha pa kong tanga kasi may pablindfold effect pang nalalaman yung mga classmate ko e alam ko namang may bibigay kang letter kasi nga ako mismo nagdesign ng pagsusulatan mo non parang tanga lang haha. Tapos pinapasok mo kami sa room mo tapos andaming camera kesyo isusumbong ka daw kay ano (ew jk) tapos grabe feeling ko ang panget panget ko non kasi pinagpapawisan na ko eh sobrang init kaya, ikaw kaya dumaan sa fire exit? Lol. Tapos pinalapit ako ng classmate ko sayo tapos sabi mo mamaya na lang ibibigay mo na lang sa room, which is ang sweet kahit na hindi naman talaga ako importante sayo e nag-aksaya ka ng oras para sakin. Nung time naman nay un asang-asa naman ako kala ko naman crush mo din ako.
Pumunta ka sa room namin habang nagdidiscuss yung adviser naming kasi last subject na yun. Inexcuse mo pa ko, (nakakainis kinikilig ako habang tinatype) tapos nagsisisgawan na mga classmate ko nun. Syempre feeling ko ang haba ng hair ko, ikaw ba naman pumuntahan ng crush mo tapos may ibibigay sayo, o sinong hindi kikiligin?
Tapos hanggang sa may nabasa na kong quote; Suyuin mo na yung taong mahal mo, e ano kung babae ka? Di ba hindi na uso ang sexism ngayon? Yung ginagawa ng lalaki noon pwedeng ng gawin ng babae ngayon. Kesa naman mamaya wala na sa huli. Yang mga yan yung nagpush saking ligawan ka. Oo sabi nila kapag babae dapat hindi nanliligaw pero wala e tiklop ata pride ko sayo. Sabi nga ng mga friends ko masyadong mataas pride ko pero pagdating sayo tiklop talaga.
Naalala ko pa nung nagluto kami sa TLE nun ng clam chowder (hindi talaga ako yung nagluto kasi di naman ako marunong magluto haha). Sabi ko pa sa mga classmate ko bibigyan kita tapos sasabihin ko ako yung nagluto non haha wala pampam lang pabibo effect. Di ko naman din nabigay kasi buong araw kitang hindi nakita. Hiniram ko pa nga account ng classmate ko para lang makachat ka eh pero ang boring mong kachat.
(Imbis na term paper ko gawin ko eto lang ginagawa ko. : ((()
Then nung birthday ko, kahit na napilitan kang magmessage sakin ng happy birthday, ginawa mo. Tapos a week after ng birthday ko nagbigay kapa ng doodle. Kikiligin na sana ako eh, kasi blue yung envelope tapos galing pa sa crush ko kaya lang pagtingin ko sa ribbon may buhok eh haha, hindi lang yun baligtad pa yung nasulat mong name ko, imbis na “England Disney”, ginawa mong “Disney England” ano gusto mo talagang tuluyan na maging Disneyland yung pangalan ko? Lol. Pero syempre ni-keep ko yun syempre naman galing sa crush ko yun eh.
So napag-isip isip ko na gawan kita ng effort. Hindi yung puro ikaw lang na kahit nga napipilitan ka kasi sinabi lang ng mga kaibigan pero in the end ginagawa mo pa din. Nagpatulong pa ko sa pinsan ko non. Naghanap pa kami ng shoebox. Sa shoebox talaga kami nahirapan nakakainis. Ginabi na kami non para lang matapos namin on-time yung box. Eto yung sinabi ng pinsan ko na hanggang ngayon hindi ko makalimutan hanggang ngayon; “Pag eto hindi nya tinanggap, mamamatay na sya.” Uy! Good thing tinanggap mo haha.
So ayun na nga, Monday yun eh, Excited na excited ako kasi alam kong pinaghirapan ko yon. Nagdaan yung flag ceremony wala ka pa akala ko nga hindi ka pumasok sabi ko sa mga kaibigan ko bukas na lang. Pero yung mga kaibigan ko hindi nag-give up so chinat ka nila at buti pumasok ka. Nung MAPEH time namin, nageexam ako non tapos hindi ako makapagfocus kasi naman hindi pa ko tapos dun sa box na ibibigay ko. Sabi ko sa classmate ko sya na magsulat kasi nga madami pa kong hindi natatapos sa box.
Hanggang sa recess na. Kinakabahan ako non kasi first time kong gagawin sa isang laalaki to. Tapos pinapababa ka ng classmate ko from fire exit sabi mo ayaw mo kasi may ginagawa ka so ako yung umakyat. Grabe di ko maexplain yung sarili ko kasi parang naka-slow motion yung paligid. Oy seryoso! Para talagang ganon. Tapos ang iingay pa ng mga classmate mo tapos sinarado mo yung pinto sa fire exit nagkahawakan pa tayo ng kamay edi ako naman nanlaki mata ko kasi omg!!! May hawak hawak effect pang nalalaman. So ayun nabigay ko na yung dapat ibigay. Sumigaw pa yung classmate ko ng “Wala man lang thank you!”.
Fast forward... Nung uwian hinihintay pa kitang lumabas ng gate ng school pero nakauwi ka na pala agad. Dumiretso na lang ako don sa classmate ko kasi may gagawin kami. So ayun chinat ka ng classmate ko tapos andami nyong napagusapan na nasaktan ako. Sabi mo normal lang sayo makatanggap ng ganon. Parang hindi mo man lang naappreciate lahat ng effort ko bumagsak ako sa test para lang sayo. Nung time na yun feeling ko napaka-conceited mong tao. Sabi ko pa nun na hindi naman kita minahal e kaya lang ako nasasaktan kasi nabangga mo yung ego ko. That’s bullshit lol mahal na pala kita talaga. Kinabukasan, nakaharap ako don sa building nyo, umiiyak ako ng palihim kasi ayokong may makakita saking umiiyak strong kasi ako kuno. Tapos napansin na ko ng classmate ko na umiiyak, sabi ko okay lang ako. Alam ko naman eh na kahit anong gawin ko hindi mo ko mapapansin. Hanggang sa pinunit ko yung doodle na binigay mo kasi sobra akong nasaktan. Sabi ko sa sarili ko na titigilan na kita tutal matatapos na rin naman yung school year.
Dumaan yung ilang buwan, Grade 11 na tayo, hindi na kita naaalala pero nung malapit nang matapos yung school year. Nagparamdam na naman ako sayo. Etong year lang din. Kinukulit na kita, lagi kitang chinachat, sabi ko pa sayo na liligawan na talaga kita wala ng atrasan. Pero anong sabi mo? “Tigilan mo na ko. Sa iba mo na lang ibigay yung love and care mo.” Ang sakit. Kasi hanggang ngayon ikaw pa din. Kasi alam kong wala ng iba pang mas deserving sayo. Na kahit na malayo tayo sa isa’t isa, ikaw pa din. Sabi nila feelings feed on contact. Siguro nga hindi lang basta feelings to. Alam mo, may isang tao akong ni-turn down kasi sabi ko ikaw pa din. Pogi mo naman pala kyah!
Sa olfu nga pala ako magaaral next school year, sa tuwing iniimbita ako ng lolo ko na pumunta ng olfu hindi mawala sa isip ko na baka puwedeng makita lang kita. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na makita kita kahit glimpse lang. Kasi simula pa grade 10 tayo hindi na kita uli nakita. Sana dun ka pa din next year, makita lang kita okay na ko. Hindi na kita kukulitin. Kung hindi ka na don, siguro nga fate na ang nagdikta. Hindi ko na papakialaman yung buhay mo. Dalawang taon na kitang mahal. Sabi ng mga kaibigan ko, “bat sya pa? andyan naman si...” Pero wala e makulit talaga ako e. Pasensya na ah, kung masyado akong naging makulit. Pasensya na kasi minahal kita.
0 notes
Sense8
sa isang cluster merong 8 na tao na magkaka connect ng utak. nashshare nila sa kapwa cluster nila yung nakikita nila, yung feelings nila, yung emotion, yung knowledge, yung knowledge, tapos paminsan pwede sila magpa control sa iba nilang kacluster if papayag sila.
So ganito yun. sensate ata tawag sa kanila. tapos 8 sila magkaka connect ng utak, lahat sila magkakalayo. may kanya kanyang buhay
itong isa nasa chicago USA. si Will. , pulis. magaling na pulis
itong isa naman nasa Germany si Wolfgang (name nya talga Wolfgang. nung una kala ko nickname lang hahaha). magnanakaw, gangster, galing sa pamilya ng mga gangster. magaling makipag suntukan kasi bata palang mahilig na makipag away.
itong isa nasa London. si Riley Blue (shet ang cute nya pag na smile sya!! 😍💘) DJ naman sya, galing sa pamilya ng mga musician
itong isa nasa India. si Kala. babae. maganda. scientist. magaling gumawa ng mga gamot and kahit anong shit, basta scientist, chemist ata.
itong isa si Nomi. ang astig nya kasi sa season 2 ko lang nalaman na transgender pala sya. hahaha. kaya pala Michael tawag sa kanya ng nanay nya. tapos ang lagom konte ng boses nya, kakainis e medyo naiinlove nako sa kanya nung una e. haha natrap ako 😂. may girlfriend sya. parehas silang cute, ang cute lang ng relationship nila ang sweet nila. tapos magaling pala sya sa computer. galing nya manghack. kaso kawawa sya kasi d sya love ng parents nya, tinakwil na sya. sister nya lang nagmamahal sa kanya (kainis magulang nya)
Itong isa naman nasa Africa. si Capheus, bus driver. mahirap. love na love nanay nya. wala ako masyado makekwento sa kanya, pero genuine yung pagiging mabait nya at pagmamahal nya sa nanay nya. sila lang ng nanay nya magkasama sa buhay.
Itong isa naman si Lito Rodriguez. (spoiler alert)>>> Bakla. as in bakla, lalake lang ang gusto haha. Pero action star sya, yung mga movies nya ang angas. kumbaga sya ang Robin Padilla sa lugar nila, badboy ang portrait sa kanya ng mga tao. type na type sya ng ibang babaeng artista. tapos mga fans nya mga lalakeng lalake, tapos mga inspirational din mga movies nya. May boyfriend sya, ang cute ng relationship nila promise. kakatuwa yung boyfriend nya (bakla din boyfriend nya). Ewan ko kung baket, ynug boyfriend nya may pagka nerd. mahilig sa art. mahilig sa metaphor. symbolism, analogy, (parang ako haha)
itong isa namang last ay si Sun.. korean sya galing sa pamilyang mayaman (may malaking business tatay nya) kaso ang lungkot ng life nya kasi d sya love ng tatay nya. yung nanay nya lang nagmahal sa kanya, kaso patay na nung bata pa sya. ang alone ng buhay nya. pero magaling sya makipag karate. or taekwando ata yun, basta martial arts.galing nya makipag laban haha. babae nga pala sya. tapos may kapatid syang lalake na nasobrahan sa pagiging spoiled. inispoiled kasi ng tatay nila kasi nga sya magmamana ng kumpanya nila.
-----------------------------
ang astig nito kasi halimbawa yung isa sa kanila may kaaway, kunwari si capheus may kaaway, paminsan si Sun ang kumokontrol sa kanya. e si Sun magaling sa martial arts, ayun nabubugbug kalaban ni capheus hahaha
tapos paminsan naman kapag mag isa sila, tapos malungkot. nakaka VISIT yung kacluster nila sa tabi nila. tapos ayun nag uusap sila, may nalalabasan sila ng problema. may nakakausap sila. may karamay, may mag papayo sa kanila. yung isa kapag may problema, may kelangan decision na gawin. magVIVISIT yung iba then bibigyan sya ng magandang payo.
Iniisip ko baga mayka sensate ako. tapos matalino yung iba kong kacluster, pag exam hindi na ako mag rereview, HAHAHAHA
tapos kunwari yung isa kong kacluster e mayaman. tapos kunwari nasa mamahaling restaurant sya tapos kumakain sya ng hipon na masarap ang pagkakaluto. makikisanib ako sa kanya then mafefeel ko na yung sarap nung hipon. haha shet SARAP NON!! 😂
0 notes
ermitanyo 🤣😘
ayan na nga ho, hahahaha alam kong alalang alala mo pa yung panahon na nagperform tayo para sa family day at gumawa ng isang banda haha oo, magkabanda tayo noon, pero bago ko pa nalamang makakasama kita sa contest na yon crush na kita yieee hhahahaha, ewan ko ba samantalang section 3 ka at 7 naman ako though nakikita kita lagi, minsan kasama mo pinsan ko haha. alam mo kung ano yung una akong naattract sayo? yung mata mo bes! madali talaga ako maattract sa mata actually haha. tas malaman laman ko pang naggigitara ka, ay pucha full pack na bes hahahaha. eh kaso eto na nga, nung nagpapractice na tayo, kingina kilig kilig ako kasi bukod sa naggigitara ka nag bibeat box ka pa tas narinig ko boses mo ponyeta ang hinhin, ang lamig sa pandinig hayup! tuloy tuloy na nga sana eh, kaso nalaman ko may gf ka na pala tapos ramdam ko pang mga famous yung mga tipo mo, sakit nun uy. hindi mo ko pinapansin non, buset ka eh hahahaa, samantalang ako nakayuko lang tas kunwari nagpapractice yun pala nakikinig sa kwentuhan nyo haha. tinigil ko pagkacrush sayo kasi alam mo yun, baka lumalim pa at wala din namang chance pa eh hahahaah. kumbaga langit ka, lupa ako. mantika ka, tubig ako. ganern kalabo maging magclose tayo hahaha. piniglan ko hanggang sa matapos ang practice at magtapos ang taon natin sa 4th year.
hanggang eto na nagcollege na, nalaman ko padin na kayo parin, pero wala nang sparks be, ayoko kasi makasira ng relasyon kaya hanggat sariwa pa agapan na hahaha. tyaka narealize ko perfect talaga kayo, mabait daw kayong dalawa eh hehe, so yun triny kong kumparahin na naman sarili ko hahaha. accountancy ka noon, at oo bebe, nalaman ko agad na bumagsak ka at nag BA ka na. ewan ko kung san ko nalaman yun, pero ang alam ko talaga ay nakikita kita minsan haha, wala padin pagbabago cute ka padin hahaha.
(to make the long story short)
netong bakasyon lang, nagkakwentuhan kami ni farahbles tungkol sayo, at nabanggit ko na crush kita noon. di nga nya akalain eh haha, tintukso ka nya sakin, kahit na di mo ko kilala haha. hanggang sa debut ko, lagi nilang bukambibig kahit na sinasabi ko na matagal na yon, at sige padin ang sigaw para daw marinig nila mama, buset haha. dun ko nadin nalaman na wala na pala kayo nung gf mo, isang taon na daw mahigit.
at eto na nga nagparamdam ka na! buset ka, nagtanong ka kung ano oras misa namin kasi na TS mo si farah sa pag jogging jogging nyo at kasama din dapat ako kaso TS din ako, bale balak mo sana bumawi XD. balak mo pa nga ko isama dahil bukod sa na TS ko din sya, ewan ko bakit gusto mo kong isama. hanggang sa nagkabiruan sa chat, nagkakilanlan. at lagi mo na akong chinachat hahahaha. oy, partida di na kita crush non ah hahaha. hanggang isang araw nalang para kang pabirong nagtanong,at matagal bago ko sagutin haha ewan ko kung bakit, pagtapos mo magpoaalam kay michael ilang araw pa bago ko masagot pero ikaw padin tong chat ng chat na kseyo maghihintay ayie hahahha. nadadalawang isip din ako, baka niloloko mo lang ako baka kasi naghahanap ka lang ng panakip butas. kaso ayun, lagi mo saking sinasabi na papatunayan mo sakin na totoo nararamdaman mo. at eto na nga, sa una nating pagkikita, sobrang daldal mo, ang kwela mo pa kasama alam mo yun komportable mo sakin XD eto naman akong si kabadong kabado pero ewan, lagi mong pinaparamdam sakin na special ako sayo. lagi ko nalang iniisip na okay nang masaktan, hindi naman siguro masamang magmahal lalo na pag crush mo diba hahahha. kaya kahit na medyo chamis yung unang pagkakakkilala natin, at least napatunayan mo na worth it ka para sakin, sobra sobra pa nga eh. sabi nga nila, iba daw talaga pag mabait kay Lord.
kaya sa july 30 haha, araw ng paghuhukom haha char, embrace ourselves XD ikaw palang ang kauna unahang lalaking ipapakilala ko sabuong mag anak ko, tinimgan ko talaga sa reunion para isahang pagpapakilala nalang, kinakabahan ako hahahahha.
0 notes
How it all started
(posted on June 18, 2017)
Around april 2016, nasa bakasyon ako at nag aadventure time kung saan saan. Pumunta ako kela Roniel para dun makigulo at naisama ko si Gillian nun. Gabi na nung napansin namin na wala si gil, yun pala nasa kwarto at may kausap sa cp. As usual, kami ni roniel ay nagsisigaw ng "inom na", "hi baby, i love you", at ung mga iba pang sinasabi ng mga taong nanggugulo pag may kausap ung tropa nila sa cp. Tinanong ko kung sino yun at sinabi nya na conference yun, at nagloud speaker sya. Nag hi kami ni roniel at sinabi namin na sali kami sa tawagan nila. May kausap si gill na babae at lalake. Nagpaadd agad si roniel sa babae at sinabi ko na ako rin. Kaso nga lang di ako inaccept agad :(. Sadnu, di nya ako tanggap sa buhay nya :( huhuhu
Natapos ung usapan at tinanog ko sino ung babae, sinabi nya na si Stephanie yun, syempre search ako agad. Madami lumabas pero nakita ko ung dp nya sa messenger ni gill kaya alam ko na sya yun. Stalk dito stalk doon, sabi ko sa sarili ko na medyo cute ung babae at mukang maliit dahil sa nakita ko pic nya na may kasamang friends nya.
Umuwi na ako sa rizal, lumipas ng ilang buwan nagbalik laro ako ng Lol. Naglalaro si gil at may kaparty daw, napilit ko na sumali ako at mga kaparty ko na taga AdU. Tinanong ko sino kasama nya at sinabi nya na si steph ung kausap nya dati nung nakela roniel kami. Habang naglalaro nag hi ako at mga tropa ko. Syempre knowing them, nagpaadd agad sila sa fb at inaccept agad. Sabi ko sa sarili ko "pshh di kayo iaaccept nyan, ako nga hindi inaccept e" tapos biglang naging friends sila. Syempre nainggit ako at nagalit kasi bat sila inaccept agad samantalang ako hindi, tinanong ko bat di pa nya ako inaaccept agad at ayun inaccept nya din ako. Kaso ang pangit tignan kasi parang pinilit :( hayyss pinilit ko lg sarili ko sa buhay nya huhuhu :(.
So ayun nagkakilala na kami, at nagchat kami sa fb hiningi ko number nya at nagtxt na rin kami, nasabi nya na lagi sila nag coconfe nila gil at tinanong nya ko kung gusto ko sumali. Syempre umoo nman ako.
Naging busy si gil at ako na lagi nakakasama sa confe kasi wala pa akong ginagawa nun. Napakilala nya ako sa mga kaklase nya at lagi kami nag coconfe, naisama ko si ian sa confe namin pero nakalimutan ko pano nga ba sya nasama dun hahaha. So ayun minsan kami na lng ni tep natitira sa confe at lagi kaming naguusap hanggang 3 am, kahit may pasok sya napipilit nya na magpuyat ng ganun (awwww sweet nman nya) syempre nakasanayan na at halos araw araw na kami nagtatawagan.
Dami naming pinaguusapan, about sa buhay namin, future, laro, relationships, at kung ano pa. Tumagal ng laging ganun hanggang magsimula na ako pumasok sa school. Medyo naging busy di kaya di na ako nakakapag puyat.
Habang tumatagal lagi kong hinahanap boses nya, parang gusto ko sya lagi kausap kahit na wala na kamig mapagusapan, hanggang sa puro tanong kung kumain na ba or ano ginagawa hahaha. Pero syempre naglalaro parin kami ng lol. Napakilala ko na rin sya sa mga ibang kaklase namin ni gil sa saudi haha. Isang araw nagising na lng ako at may napansin. Napansin ko na nahuhulog na ako sakanya, alam ko yun kasi isang beses palng ako nahulog nung time na yun kaso di rin ako nakayanan at binitawan ako ouch hahahaha. Nung time na yun pumasok sa isip ko ung kanta ng spice girls na if you wanna be my lover, you gotta get with my friends. Hahaha wtf e noh. Pero sinunod ko yun. Nakipag close ako sa friends nya, and para pag nanligaw ako may backup na agad ako hahaha. Pero di ako marunong manligaw huhu.
Ayun medyo naging busy ako at friends nya lagi kong nakakausap. So ayun parang lumalayo sya, nagpost nga din sya ng status na "from one call away to we dont talk anymore" hahahaha so ayun kinausap ko ulit sya kaso parang ang lamig na nya sakin :( huhuhu sorrryy naaaa
Ayun bday ko at naiisip ko na baka walang handa kasi di pa nagpapadala. Kaya emo emohan ako nun, pumasok ako at nabati nman ako ng kaklase ko. Sabi rin ng tita ko dito na kung may bisita ba ako mamaya kaya naiisip ko na baka pwede maginvite. Ayun sinabihan ko lng sila ageo, mike at aj. Nauna ako umuwi tapos bigla may sumama na ibang kaklase ko wtf hahaha. Di ready si tita na madami pala.
Out of nowhere nagbati si tep at sinabi na kasama nya si ian. Syempre selos ako nun, nauna pa nyang nakita si tep kaysa sa akin na matagal na nyang kausap pero syempre wala lng yun sabi ko haha atleast may handa ako. Tapos sabi nya bigla na ppnta sya dito!!! Omgfgagdhajdjs ppnta syaa kasama sila kath jecka at ian. Awwwww shtt kinakabahan ako na tuwang tuwa. Sinabi rin sakin ni la yun bago ako mag bday kasi nag bati agad sya ng happy bday at magpapadala ng kaha ng yosi hahaha. Ayun sinundo ko agad sila nung bumaba sila sa 7 11 hahaha. Medyo malayo pa samin kaso wtf excited much kaya bumaba??? Hahahha jk. Pero ayun sobrang saya ko nun. Pinasayaw nila ako, kumain kami, nagbaraha tapos hinatid ko sila sa megamall. Nag thankyou ako kasi di ko inaasahan na magkakasurprise sa bday ko hahahaha
0 notes
Perfect Strangers
July 21, 2015 at 4:15am (Published)
"ESTRANGHERO" yan kmi dati sa isa’t isa.
Nagkikita kmi .Nagkkasalubong.Alam nmin ang pangalan ng isa't isa. Alam ko kung sino sino mga kapatid niya. Well hindi pa lahat dati. Hindi niya ako admirer noh at lalong di niya ako STALKER .over my oh so sexy chubby yet yummy body! At hindi ako chismosa sadyang may lahi akong detective :D
May alam lng tlga ako sa kanya.
Pero ?
Di kami nag-UUSAP.
Di kami nag TITINGINAN.
Di kami CLOSE.
Di kami OPEN sa isat isa.
Di kami ,bsta Walang KAMI!
Wala kaming pakialam sa isa't isa.
Maski tapunan sya ng tingin hindi ako nag aabalang gawin.Kasi nga sino ba siya?
Until 1 night.
Unexpected talaga ang nangyari.
Nkaupo ako sa isang upuan [commonsense lng pwd na dba? malamang sa upuan tlga] habang lutang na nmn ang utak.Sino ba namang hindi? After kang saktan ng dalawang taong pinagkatiwalaan mo ,naging bestfriend mo daw pro f*ck! ngawa kang lokohin? Paglaruan? Saktan ng Sobra? Tapos di lulutang utak mo sa pag iisip kung anong ginawa mong MALI? yun pala may hidden RELATIONSHIP cla khit di pa nila aminin. Kainis lng eh. Nung mga panahong yun sarap talaga nilang isilya elektrika ! So ayun na nga,habang nagllakbay ang isip ko [commonsense ulit pls ,walang paa ang isip] bigla nlng akong kinausap nung "Stranger" ! As in Gulat tlga ako ! Sino ba nmn ang hindi dba? Kinausap ako ?
Sabi niya "Peram nga ako CP mo" tapos manghhiram sken ng CP? Close ba kmi ? Ha? Ha?
"Bakit?" tanong ko.
"Magssoundtrip ako" siya yan.
Ay tlagang ang Kapal! pro cge since wala ako sa mood ,
"Oh eto,jan ka muna at ppunta lng ako dun saglit " -ako
AS in OO ! pinahawak ko ang CP ko na ngllaman ng mga sekreto ko sa isang TAONG DI KO KILALA AT LALONG DI KO KAIBIGAN at NGAYON KO LANG NKAUSAP ! [ mggawa ko? lutang eh ]
Meanwhile..
"Oi akin na phone ko"-ako.
Nilahad ko kamay ko pero?_? Hindi niya ako pinansin. Sh*t lng dba? Yung totoo? Binabadtrip niya ba ako lalo? Kc kung OO Bentang benta promise!
Nung d sya umimik,sumilip ako "ano ba ginagawa niya sa phone ko,wala nmn siya mapapa- HOY! ano yang tinitingnan mo sa phone ko "! As in isa na nmng gulat HUHUHU mga sikreto ko ,pati yung away nmin ng mga kaaway ko ,Binasa niya? As in LAHAT !
"hoy amina nga yan! Bwisit to! wag mong bsahin " naiinis tlga ako pramis.
at ang sinagot ? mas nkkabanas lng.
"Nabasa ko na lahat "<insert evil grin here>
Tapos tumayo siya at itinaas ang phone ko.Bwist talaga ! As in bwisit ! Baliw ! Nkkainis tlga sya eh.Huhuhu Mommy ! Help.Waaaaa! nkkainis.
Pinipilit kong abutin ang phone pro dko tlga maabot ':( Grrr!
Diko namalayan,nkipagharutan na pala ako sa knya.Ang gulo nmin sa upuan na yun PAMBIHIRA! Eto pa nga first time nmin mag usap tas gnto? Hay naku!
Nung mapagod na siguro siya binigay niya din phone ko Sa wakas! pro wala,nbasa niya na.Wala na.Wala na.Para akong inagawan ng Barbie Doll sa nangyari. Umalis ako ng di nagpaalam at d siya pinansin at sobrang bwisit at asar at lahat na ng emosyon mliban sa masaya! Nkkainis tlga sya.Pkiramdam kotuloy kilala niya na agad ako.Bwisit Siya!
House@night
"beep beep beep" -phone ko
May nagtxt sken.
From: Rain
Goodnyt:)
Ano daw?! Goodnyt? at kelan ko pa sinave # niya? Kelan ko pa siya tinxt ? Kelan kmi nging magtxtmate? Ew! Wala ako matandaan ! tsk.Bahala siya sa buhay niya! di ko pa nkkalimutan yung ginawa niya.HMP!Di ko nireplyan.Manigas siya!
@morning
"beep beep"-phone ko
Urgh! Sino ba to! Aga aga manggising!Bwisit! Pro nung naisip ko yung nanloko saken ,bigla nlng nagliwanag isip ko! bka siya na to at bbalik na sya! Maopen nga.:)
From:Rain
Goodmorning:) Have a nice day!
Bigla nlng ako naiyak.Wala eh.Umasa eh.Yun pla.Siya lang.Hindi pla yung gagong nanloko saken .
Nung okay na pag iisip ko,nireplyan ko siya.
"Ah hi.bat may number ako sayo? at bat ka nagttxt?"
yun pala sinave ng mokong eh! Yung number ko sa phone niya at number niya sa phoneko .Kaya nmn pla iba ang style ng pgkakasave Ang panget eh! [walang basagan ng trip.may style ako ]
At dun nagsimula ang lahat.Ang pagbbago sa buhay ko.Sa buong pagkatao ko.Dahil lng sa isang gabing ngkausap kmi bigla .Dahil sa isang gabing biglang paghaharutan , dahil sa isang gabing kahit kailan hinding hindi ko na makakalimutan...
(Back to story)
Days passed.unti unti nkkarecover ako sa mga nangyari sken. Yung panloloko nila saken unti unti nakalimutan ko ,nging magaan ang pkiramdam ko.
Sa hindi ko maittangging kadahilanan ,yun ay dahil sa kanya. Sa llakeng estranghero .Kay Rain.
Fastforward---------
Sept.6
Ugh! Anong oras na? OMG !Shet!,may pasok pla ako ngayon.Pgdating ko sa kusina para magkape,ui parang may masarap na ulam at Waaaaaa PUSIT! my favorite !
" MA,Kain na ako!" tawag ko kay mama.
Bigla naman lumapit c mama at kiniss ako .[ I FIND IT WEIRD CHOS]
anong meron bat mabait c mama? Seryoso dko lam.
"Happy Birthday,Anak" -Mama
"Happy Birthday,Anak"-Tita
ano daw? ah birthday pala.
HUH? Birthday ?! AS IN nagulat ako,BIRTHDAY KO PALA ang sept.6 .Huhuhu.
Pro parang wala lngyun sken.Araw araw bday ko,walang paki may handa man o wala .HAHAHA . at ayun na nga..
@learning place.
pagtapos ng klase,binati nila ako pro ang nagpashock sken ay yung point na ksama ko c Rain dito! Di ako mapakali eh.Ewan ko ba! Tapos nsa likuran ko pa sya at nagttxt pa sken.Eh di nmn to nag aaral eh.Parang tanga eh noh?
Nung pinagbbati nila ako,di ko napigilang umiyak.Hindi sa madrama pro na overwhelm lng yata? at may naalala na masakit.Bsta yun.
"beep beep "-phone ko
From:Rain
Wag ka ng umiyak.Anganda mo kaya pag nkangiti ka':) Happy Birthday pala:)
Bigla akong napangiti sa txt na yun,nkkagaan ng kalooban.Naisip ko dapat mging masaya ako kc sa kbila ng lahat MAGANDA pa rin ako.Sinulyapan ko siya ng tingin at di ko ulit namalayan ,nahawa ako sa mga ngiti niya.Nadala ako.Nagawa kong ngumiti ulit.Dahil sa knya,Dahil ulit sa KANYA.kay RAIN.
Nung nasa isang place kmi ng mga tropa ko pra daw i celebrate birthday ko,nagtxt siya sken.Di nauubusan ng load noh? Takteng yan. Mula nung ngkausap kmi ,lagi nlng syang nagttxt eh.
at ang tinext? "Hi.Pwd ba tayong magdate?':)"
ano daw Date ? AH date.
HUWAAAAT? DATE? Seryoso ba siya! baliw tlga promise.Sabe ko "friendly date "lang.Pero ang sagot niya?
"Bat friendly?Nanlligaw ako sayo kaya hindi friendly:)"
At kelan ko pa pinayagan na manligaw tong taong to! Wala akong matandaan! Ay oo nga pala,gusto niya raw tlga ako mahal na nga daw eh.Yun nga lng lage ko siyang tinataboy.Kasi ayoko.Nattakot ako.Na masaktan ulit.Na maloko.Wala nakong tiwala.
Pro dhil sa napakakulit niya,Nappayag niya rin ako.SEPT.12.Yun yung date daw nmin.
FASTFORWARD----------
Sept.12
"beep beep"-phone
From:Rain
San kna?Ingat':)
tsss.excited nmn tong taong to.Tsk.mareplyan nlng nga.
"Jan na"-Ako
Nkita ko siyang nagssintas ng sapatos.
At sa di ko nmn maipaliwanag na pkiramdam,Nging masaya na nmn ako.Napangiti ako eh.Bat ganun? nhhawa tlga ako sa ngiti niya.Tsk.may virus sya eh.
Nung nkita niya ako,sumimangot din agad ako.Bka isipin niya pinagppantasyahan ko siya ,HMP! Di kaya ,cute kc eh habang ngssintas siya.LELS.Sinabe ko bng CUTE? HALAAAA!
Lumapit ako."oh ,san tayo ppunta?"-ako
bsta-siya yan .Naaamoy ko pa pabango niyang "JUICY COLOGNE" pfffft.Ancute niya tlga.Pogi pa.
Ano? POGI? ERASE!
At ayun na nga.Dinala niya ako sa isang lugar na maraming tao..[BKA ANO ISIPIN NYO EH Hahaha] may binibigay pa syang papel sken.ang nkasulat
"Your Smile is my favorite Curve:)))" Corny niya.Pro ...Kinilig nmn ako.^_^ ENEBEYEN. pa hard to get ako eh.Enebeyen eh^_^
Kumain.Nanoood ng sine.Kumanta.Syempre libre niya lahat.Siya nagyaya eh.Kaya ayun.
Scene sa pagkain
Natapunan ako ng sauce.Di ko sinadya yun ah.Binigay niya sken ang blue na panyo niya.[ sweet nemen eh ] tinulungan pa kong magpunas ng kamay.Ginawa pa kong paralisado XD
@cinema
Nillamig ako.
Di ko sinasadya.
Malamig talaga.
"Nillamig kba?" -siya
Binigay niyasken jacket niya. [ Gentleman]
Pro dhil sa mabait ako Share nlng kmi kaya d naiwasan na nakaakbay siya saken. Waaaaaaa! Nkaakbay siya! Tsansing siya NYAY! Para akong naiihi na ewan pro knilig tlga ako khit d halata.[ ANO Bayan! nattawa at nppangiti ako habang nagttype]
Videoke
Sa akin siya nakatingin sa bawat kanta niya.At ako nmn umiiwas.sympre nkkahiya.Bka isipin niya gusto ko siya.khit ang init init na ng pisngi ko nun.
Pro yung boses nya,yun ang pinakamagandang boses na narnig ko.
Magaling siyang kumanta.
Ang pogi niya.
Lahat.nkkita ko na.
Nkkita ko na ang Side niya.
Gusto ko na ba siya?'?_? ':/ puzzled
At natapos na ang date.On the way home,akala ko ihhatid niya ako.Pro gaya ng sabi ko AKALA ko lngpla yun eh.Instead,Dinala niya ko Saan?
SA BAHAY NILA! oo sa bahay nila! Syenpre natakot ako,bka ano gawin niya eh.Halaaaa! Bata pa ko! May pangarap pa ako na mging asawa ni Ezekiel Roswell ,khit may Aemie na siya':D Hehe.Yung imagination ko ang lawak eh. At ayun na nga HILA HILA niya pako nyan.Sus.if i know gusto lng niyahawakan ang kamay ko,kunyari pa sya^_^
pinaupo niya ko.tas umalis siya.tas bumalik.hinila na nmn ako.Halaaaa! San niya ko ddalhin? Waaa! Mommyyy! Bata pa ko ! [HAHAHA.] Tinakpan niya mga mata ko gamit ang kamay niya.Wala akong mkita pro feelingko umaakyat kmi sa hagdan.At may binuksan siyang pinto.Halaaaa! Wag pooo! [lels.LOL HAHA]
Ksabay ng pagpasoknmin ay ang pagbitaw nya saken at pagbitaw ng kamayniya sa mga mata ko. Hanggang sa naramdaman kong mainit sa lugar na to.
*two many billion people ,running around the planet,what is the chance in heaven that youd find your way to me *
"WHOA"
As in literal na napaiyak ako sa Shock at gulat! Sino ba nmang hindi? ang bumungad sken ay Heart shaped candles na nkasindi syempre [kaya mainit ]with rose petals and nkasulat sa gitna ang "Will you be my Forever?" na siya mismo ang gumawa!
Di ko inexpect to!
na may GANTO palang naghhintay saken!
*tell me where is the sweet sensation,its a miracle that happened,though i search for an explanation,only one thing it could be*
Nanginginig ako nyan.Muntik ko pang mabitwan ang hawak kong phone.
*That i was born for you...its was written in the stars,yes i was born for you and the choice was never ours.[still playing]
Sinong d maiiyak habang pumapailanlang ang kantang to at sinasabayan nya ?
*its as the power of the universe,conspired to make you mine*
Sinong d mggulat? at nramdaman ko nlng na may yumayakap sken sa likuran..pro dko hinayaang gawinniya yun...
Then the last time I check ,Niyakap ko na siya.
humarap ako sa knya at niyakap siya.
*until the day I die,i blessed the day that I was..*
umiiyak ...Habang ngppasalamat.SA regalong sobrang the best sa lahat.
*i was born for you*
Habang patuloy ang kanta sa pagpplay.
Sa isang iglap,nagbago lahat.Dun ko narealize,"WHOA!”
mahal niya talaga ako
Kahit ilang beses ko siyang pinagtulakan palayo sken.
Kahit paulit ulit ko siyang tinataboy
at mahal ko na rin siya.
Na narealize ko dapat pala dko siya pinapalayo sken.Na hindi lahat ng llake pare pareho.Na magging okay ulit ako.Na mgkkaroon ulit ako ng bestfriend,ng closefriend ,ng ng Strength at lahat na.Na mgging mas masaya pala ako sa pagdating niya.Then all of a sudden,nagflashback saisip ko ang lahat ng nangyari nung una kming nag usap.Nagpansinan.
ALL things happened and will happen for a cause.For A great reason
Habang umiiyak pa din sobrang sobrang thankful ako kay God.Kc muntik nakong sumuko ,muntik na kong mwalan ng pag asa at bukas.Pro binigay niya ang BEST PAIN RELIEVER ko.Ang Best Medicine ko.
.Nung matapos ang yakapan [oooops! walang bitter pakiusp lng at walang malisya:D THANKYU HUG KYA YUN:P] he lift up my chin. saying "akin ka na ah " and....
Bahala ka na kung anong gusto mong ending: P
HAHAHAA!
-Youre the best thing that happened to me.You’re my treasure.You’re the one I want to spend and share my life with. And whatever trials we might face, I won’t let go of you..Iloveyousomuch that I’m willing to risk everything just to be with you...
Thankyou for the best gift.
You’re the best gift from Heaven :)
0 notes
Day 3: I LOVE YOU
March 19, 2017
It is indeed a blessed day and I want to thank the Lord God for giving you in my life. (Shet, tinatype ko ‘to habang tinititigan ka sa video call. Hahaha) Nagsimba kami and I’m extra clingy to my parents and I know I’m like that every time I am happy about something… and I know, I am happy because of you. It’s been awhile mula nung huli akong umattend ng Sunday mass and honestly, nahiya ako kay Lord kasi He gave me a lot of blessings and yet, I can’t find time to be with Him.
Anyway, I thanked Him for everything, for all the blessings and that includes you, my princess. You are indeed a blessing in my life. Then you texted me, magsisimba din kayo. We are also praying for one thing…. na matuloy sana ang plano natin na pagkikita. Well, sana. Sana talaga matuloy. Hay.
After mass, parehas tayong nasa mall.. yun nga lang magkaibang mall. Haha. How I wish pwede mag-teleport papunta sayo ‘no? Then, nag-ikot-ikot kayo sa mall kasi tita mo may hinahanap kamo. Haha. Basta ako nakita ko na yung matagal kong hinahanap… IKAW! 😊
Ikaw…
kasi ikaw yung unang beses ko palang nakilala pero naramdaman ko na yung gaan ng loob ko sayo. Remember our first conversation? Tumawag pa ako sayo nun. Tapos nakikinig ka sa mga kwento ko about kay ex and nakakatuwa lang na nasakin talaga atensyon mo nung time nay un.
Ikaw…
kasi ikaw yung nakakatuwang kausap. As in, pag magkatext tayo or magka-chat, di pedeng hindi ako magrreply kasi basta nakakatuwa kang kausap. Ayoko na nga matapos ang conversation natin minsan eh.
Ikaw…
kasi ikaw nalang uli yung naghatid ng kilig sakin kahit nung crush palang kita. Improving nga daw ako sabi ng tropa ko kasi dati pag nag-chat ako sa kanya, about kay ex. Nung naging crush kita, about sayo na lagi. Yung tipong sasabihin ko na nag-chat ka sakin or na magkatext tayo. Hahaha. Nakakabaliw pero totoo.
Ikaw..
kasi sayo ko nalang uli naramdaman yung feelings na akala ko never ko na ulit mararamdaman. Nung time na pinaamin mo ako kung sino gusto ko, shet.. di ko maintindihan tibok ng puso ko that time. Napuyat man ako okay lang. Pero sorry sa katangahan ko nun kasi nga pag-amin ko… nag-conclude na agad ako na hindi magiging tayo. Kaya ayun, frinendzone ko sarili ko.
Ikaw..
kasi ikaw yung nagturo at nagpakita sa akin kung pano ulit magmahal. Pinaramdam mo sakin na pede pa pala ako mahalin uli at bonus pa na isang katulad mo ang nagkagusto sakin. Oo, di pa rin ako makapaniwala kasi nga you’re out of my league.
Ikaw..
kasi parang ikaw yung katapat ko. Hahaha. Sarcastic ka minsan pero nakakaenjoy kausap. Nababalance yung kalokohan ko at kabaitan ko. Hahaha. Baka may kabaitan. Kaya siguro sobra mo nakuha yung interes at atensyon ko ay ngayon.. pati yung pagmamahal ko.
Kaya ikaw na yung matagal ko nang hinahanap. Salamat dahil nagpakita ka na! 😊
2:45 PM
I called you. Dapat kasi kakantahan mo ako eh -_- Hahaha. So nagkausap tayo nang matagal. Nagkwentuhan, nagkulitan. Inasar ka pa nga ng mga kasama mo sa bahay dahil nga may kausap ka sa phone kaso ni-mute mo yung mic so di ko alam ano sinabi mo sa kanila. It’s just an ordinary phone call but I am so happy to hear your voice, your angelic voice (wag ka kontra). Di mo ako kinantahan pero narinig naman kita kumanta ng nursery rhyme.. haha ang cute cute mo. Ang cute mo rin makipag-usap dun sa bata. Hahaha. What is unforgettable about this phone call? Dito natin unang sinabi ang “I love you”. Nakakainis pa kasi kinakabahan ako sabihin kaya humihina boses ko pag sinasabi ko yun tapos ilang beses mo pa pinaulit. Hahaha. Pero grabe nung narinig kita na sabihing “I love you din po”.. Grabe yung saya ko nun. Yung ngiti ko di ko na naalis. Haha. Sabi ko, sa personal ko gustong sabihin yang words na yan kaso ang hirap na kasi talaga i-contain nung nararamdaman ko. I mean, alam mo yun for example we will say good night to one another.. I want to say and express that I love you.. but I am afraid it’s not the right time to say that. But I am happy to hear those words from you. Atleast now, I know that you love me too… that you feel the same. Ang daming I love yous nga yung nasabi natin and sobrang nakakatuwa siyang pakinggan. As in, sobra! I love you! 😊
Me: Are you going to runaway with me, baby?
You: Sige, I’d love to
Dunno what’s up with this conversation. Haha. Seryoso ako sa tanong ko at natuwa naman ako sa sagot mo. Wala, natuwa ako kasi expect ko rreply mo “runaway mo to” Hahaha. Kasi naman medyo “mo to” zoned ako sayo lagi! 😃 It’s too early to say this but one day, I want to be with you. I mean, to be with you in our simple home. Yung mga biruan natin sa text na inaantay kita, na pagluluto mo ako (or pedeng ako din)… one day, I want to make it a reality. 😃
Nagpaalam ka sakin. You will be gone for three hours, birthday celebration mo po kasi sa bahay niyo. Hirap kasi namimiss kita pero okay lang din naman kasi you deserve to be happy with them. Nakakainis lang kasi andyan si ex mo. Hahaha. Alam ko naman na ganyan nay an dati pa, eh ngayong alam ko na may gusto ka rin sakin… bigla lang ako nainsecure at nainggit sa kanya. Buti pa siya, kasama mo. Buti pa siya, nakikita ka, Buti pa siya… ganun. Hahaha. Tapos inaasar pa siya sayo. ☹ Hays. Pero sabi mo sakin..”ano naman, ikaw naman gusto ko makasama”.. ay ginagalingan mo eh no? Hahaha nawala na yung worry ko. Salamat! 😊
Then, I gave you a song. Statue kasi sakto talaga yung lyrics for you. Then you also gave me one song.. Say you won’t let go. I have a confession to make, yan yung last song na binigay sakin ni ex. Haha. But it never became a special song since binigay niya yun sakin, sila na ni babe nya. Hahaha. Then, nakakatawa at nakakatuwa na yun yung unang song na binigay mo sakin. And now, shet.. I feel really special na mag nag-alay sakin ng kanta na yun. Now, every time I will hear that song, I can’t help but to smile kasi wala.. yun yung binigay mo sakin na kanta. At sabi ko sayo, nakakaluha nung binigay mo sakin yung song na yun. Kasi naman, ang tindi ng mga lyrics nun tas iniisip ko na ganun nararamdaman mo for me. Super nakaka-overwhelm.
“Wala naman akong balak na iwan ka”
Sure ka dito ha? Dahil wala akong balak na iwan ka. Well, I will do my best to make you stay with me. Natuto na ako sa past relationships and this time, I want to make sure that you are my last. Will do my best to make that happen!
Nag-usap pa rin tayo. Napag-usapan pa yung kiss. Kainis ka, hahahaha. Ang layo mo po kasi yan tuloy di ko magawa yun. Hahaha. Well, one day magagawa ko yun. 😊 kakainis ka lang ☹ Masakit ngipin mo, ang pasaway kasi sabi na pabunot na eh. Ano ba. Please? Wag mo na tiisin yang sakit na yan. -_-
“Haha that’s good coz I need you in my life… You are one of my best decisions I’ve made”
Reply mo yan nung sinabi ko na I won’t ever let you go. It feels good to know that someone needs me in her life. I will stay with you because I love you. I will never regret your decision, my princess. I will love you and I will care for you for the rest of my life… I love you.
0 notes