Tumgik
ku-n-si-no--ma-n · 3 years
Text
"Pahinga"
Gusto ko nalang mag laho
Gusto ko nalang manlumo
sa isang tabi na maglalapit sa'kin sa dapit-hapon,
sa isang lugar na kahit malunod ang paninibughong di' ko nais,
makukuntento ang kaluluwang nagdidilim
sa pag sapit ng gabing kumukulimlim,
... sa paraisong nagniningning sa lagim ng bawat kahapon.
2 notes · View notes
ku-n-si-no--ma-n · 3 years
Text
Ma bi li s
Minsan ko nalang maintindihan kung bakit nga ba nakapalumbaba ang mga humuhuning kadiliman,
Minsan ko nalang rin ba madadama ang katahimikang di' ko na makakamtan?
Pagod na ko sa sibilisasyong kay bilis umahon sa lalim ng karagatang sinisisid...
Pagod na kong umasa sa mahabang gabi na di' na mangyayari.
Tumblr media
1 note · View note